Home / Urban / Realistic / A Trillionaire In Disguise / Chapter 3 - The President's Power

Share

Chapter 3 - The President's Power

"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.

Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos kasama ang kanyang postura ng katawan, nagbibigay iyon ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante.

Siya si Bernard Bautisa, ang presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinaka-iginagalang na negosyante sa buong mundo.

"Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado.

"Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado.

"Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang mata.

Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. May iilang sumubok kumuha ng litrato pero pinigilan ang mga ito ng dalawa sa apat na kasamang bodyguard ni Bernard.

Bahagya ring nakaramdam ng pagkagalak si Luke matapos makita si Bernard. Minsan niya na itong inidolo. Pero matapos malaman mula sa kanyang lolo na tauhan lang din pala nila ito at kanila lang din naman ang ENDX Corp, aminado siyang nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya.

Ang dalawang guwardya ay agad na sumaludo nang makalapit si Bernard sa kinaroroonan nila. "Sir, good morning Sir!" sabay na bati ng dalawa.

Kinabahan sila nang makita ang nakasimangot na mukha ni Bernard. Galit kaya ito dahil hinayaan lang nilang may pulubing palaboy-laboy sa tapat ng kanilang building?

Hindi sila pinansin ni Bernard sa halip ay dumiretso lang ito sa kinatatayuan ni Luke. Nasa likod nito ang isang matanggad din na babae. Natural lang ang make-up nito at hindi gaano kakapal. Napakaganda nito kung pagmasdan. Ang makinis at maputi nitong balat ay bumabagay sa damit nitong kulay pula na naka tucked-in sa kulay itim nitong pencil skirt. Para itong model kung titingnan. Siya si Pauline Lee, ang Executive Manager ng ENDX Corporation, Quezon branch.

"Young Master! It's my pleasure to finally meet you!" bati ni Bernard habang bahagya pang napayuko ang ulo. Mababatid sa tono ng boses nito ang matinding pagkadismaya dahil sa pagtrato kay Luke ng dalawang security guards kanina.

Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Napanganga ang mga empleyadong nasa paligid. Hindi nila akalain na si Bernard Bautista, ang negosyanteng may napakataas na reputasyon, ay magalang na binati ang isang binatang mukhang pulubi! Maging ang dalawang guwardya ay gulat na gulat din sa kanilang nakikita.

'Hindi ito maari!' naisip ng mga ito.

"Salamat Mr. Bernard. Pero kung maaari ay Luke nalang ang itawag mo sa sa'kin." natatawang wika ni Luke habang napapakamot sa ulo.

Hindi siya komportable sa pagtawag sa kanya ni Bernard ng young master. Hindi na siya sanay sa ganoong tawag lalo na't matagal-tagal na rin siyang hindi nakakauwi sa kanyang pamilya.

Agad namang naunawaan ni Bernard ang ibig sahihin ni Luke. Pero mababatid sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon. "Ipagpaumanhin niyo at nauunawaan ko kayo. Pero hindi ako papayag na tatawagin ko lamang kayo sa pangalan ninyo dahil malaking insulto iyon para sa inyong pamilya. Kung maaari, tatawagin ko nalang kayong Mr. Cruise. Sana maintindihan niyo ako." saad na paliwanag ni Bernard habang bahagya pa ring nakayuko ang ulo nito.

"Sige, okay lang." pagsang-ayon ni Luke habang tipid na nakangiti.

Namangha ang lahat sa pagiging magalang ni Bernard kay Luke na inakala nila kaninang pulubi.

"Totoo ba 'to?" tanong ng isang empleyado, hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha nito.

"This can't be happening! Sino ang binatang 'to? Bakit napakagalang ni Mr. Bautista sa kanya?" sambit naman ng isa sa hindi rin makapaniwalang tono.

Halos pare-pareho sila ng tanong sa kanilang mga isip. Iyong iba ay hindi maiwasang makaramdam ng pagka-awkward sa kanilang sarili matapos isiping baliw lamang si Luke kanina. Hindi nila lubusan akalaing isa palang importanteng tao si Luke.

Ang dalawang guwardya naman ay nanigas na sa kanilang kinatatayuan. "Y-Young Master? Mr. Cruise?" nauutal na pag-uulit ng isang guwardya sa sinabi ni Bernard.

Ang kaninang hinarang nila na sinabihang pulubi at inakalang mamamalimos lang ay mas mataas pa pala ang estado kaysa kay Bernard! Higit pa roon ay binalak pa nilang lumpuhin ito! Halos manginig ang dalawa sa isiping baka kamatayan ang kaparusahan nila sakaling sinaktan nila ito.

Sa puntong iyon, matalim na nakatitig na sa kanila ang mga mata ni Bernard. Punong-puno iyon ng pagkadismaya. Binalingan nito ng tingin si Pauline.

"Ms. Lee, I'm very disappointed of your incompetence of managing this branch! Bakit may mga ganitong empleyado rito?" galit na singhal ni Bernard kay Pauline.

Napayuko si Pauline. "I-I'm so sorry Mr. Bautista. I didn't expected—" Sinubukan ni Pauline na magpaliwanag pero pinahinto siya ni Bernard nang mag-angat ito ng kamay, hudyat na hindi nito gustong marinig ang paliwanag niya.

Ibinaling nito ang kanyang tingin sa dalawang guwardya na ngayon ay nangangatog na ang mga tuhod. Hindi nila alam ang kanilang gagawin.

"May mga magulang ba kayo?" Kalmado ang boses ni Bernard pero hindi maintindihan ng dalawang guwardya kung bakit nakakahilakbot iyon pakinggan. Ang kabog ng kanilang dibdib ay mas bumilis pa. Mabilis na tumango-tango ang mga ito.

"Kung gano'n, hindi ba kayo tinuruan ng mga magulang ninyo kung paano ang tamang pagtrato sa mga tao, mahirap man o mayaman?" tanong ulit ni Bernard sa kalmado pa ring boses. Pero ang totoo ay galit na galit ito. Saan nahugot ng dalawang guwardyang ito ang lakas ng loob para subukang saktan ang tagapagmana ng pamilya Cruise? Pagod na ba silang huminga?

Hindi sumagot ang dalawang guwardya sa halip ay nagkatinginan lamang sila sa isa't-isa. Hindi nila alam kung anong isasagot. Kahit na hindi sila tinuruan ng kanilang magulang, alam naman nila sa kanilang sarili na mali ang kanilang ginawa.

Isa sa mga ito ang nagsimulang lumuhod. "Patawarin niyo po kami Mr. Bautista, hindi po namin sinasadya. Pinapangako namin na hindi na po ito mauulit." maluha-luha nitong sambit.

Inis na napangisi si Bernard. 'Talagang hindi na ito mauulit.' sambit niya sa kanyang isip. Napagplanuhan niya nang tanggalin sa kumpanya ang mga matapobreng empleyado at sisimulan niya ito sa dalawang ito.

Napaluhod din ang isa pang guwardya. "Mr. Bautista, patawad po! Kung alam po namin na isang importanteng tao pala ang binatang—"

*Smack!*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng pangalawang guwardya dahilan para mapahinto ito sa kanyang sasabihin. Napahawak lang ito sa namumula nitong pisngi at napatahimik.

"Mga hangal! Hindi mahalaga kung isang importanteng tao man si Mr. Cruise o hindi. Ang mali ninyo ay hinusgahan niyo kaagad siya dahil sa kung paano siya manamit. Binase niyo sa panlabas niyang anyo ang katauhan niya at hindi niyo man lang siya kinalala muna. That's the problem here!" galit na sigaw ni Bernard. Para itong isang galit na leon na anumang segundo ay kakainin nito nang buhay ang dalawang guwardya.

Maging ang ibang mga nakikiusisa ay natahimik sa sinabi ni Bernard. Hindi sila nakailag doon, halos lahat sila tinamaan. Aminin man nila o sa hindi ay maging sila hinusgahan din nila kaagad si Luke.

Napahanga naman si Luke sa sinabi ni Bernard at marahang napatango-tango. Mukha atang hindi na niya kailangan pang kausapin ito patungkol doon.

"Pumunta kayo ngayon sa finance department at kunin niyo na ang mga sahod ninyo. Ayoko nang makita ang pagmumukha ninyo magmula ngayong araw. Wala sa bansang ito ang tatanggap pa sa inyo sa trabaho. Nauunawaan niyo ba ako?" muling pasigaw na sambit ni Bernard sa dalawang guwardya na naghatid sa mga ito ng matinding takot. Maging ang mga empleyadong nakikiusisa lang ay nakaramdam din ng takot.

Ganoon ba talaga kamakapangyarihan si Bernard?

Kahit na ganoon ang kinahinatnan ng dalawang guwardiya, pasalamat pa rin ang mga ito dahil iyon lang ang inabot nila. Base sa kakayahan ni Bernard, kayang-kaya nitong burahin sila sa mundong ito na wala man lang naiiwan na bakas. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang mga ito at agad na umalis sa harapan ni Bernard.

Bahagya namang nakaramdam ng pagkaawa si Luke para sa dalawang guwardya. Pero karma na rin siguro nila iyon. Iyon na rin ang magsisilbing leksyon nila sa buhay.

Nagsimula na ring magsialisan ang mga empleyado sa takot na baka pati sila ay madamay.

"Mr. Cruise, paumanhin kung nangyari man ang bagay na ito. Pinapangako kong bawat empleyado ng ENDX Corporation na katulad nila ay tatanggalin ko sa trabaho anuman ang kanilang posisyon." paghingi ni Bernard ng paumanhin.

"Ayos lang," tugon ni Luke. "Sa tingin ko ay sa opisina nalang nalang tayo magpatuloy ng pag-uusap natin."

"Of course, Mr. Cruise." pagsang-ayon ni Bernard na may banayad na ngiti. Kahit papaano ay gumaan-gaan ang pakiramdam nito. Nakaramdam din ito ng kaunting galak dahil napagsilbihan rin nito sa wakas ang young master ng pamilya Cruise.

Nauna nang naglakad si Bernard habang nasa likudan naman nila si Pauline. Hindi maiwasan ni Pauline na makaramdam ng hiya sa kanyang sarili dahil sa nangyari. 'Mr. Bautista was right. I'm too incompetent for this position.' naisip nito habang pinagmamasda si Luke.

Nakarating sila sa President's office. Pagkapasok nila sa loob ay inalok agad ni Bernard si Luke na maupo sa upuan ng presidente. Napakunot ang noo ni Luke. Naparito lamang siya para pag-usapan nila ang kanyang training. Hindi ata angkop na siya ang uupo sa upuan ng presidente dahil sa si Bernard ang presidente ng kumpanya. Hindi ibig sabihin na apo siya ni Duncan ay kailangan na ni Bernard na maging sobrang galang sa kanya. Pwede naman siyang umupo kahit sa sopa lang.

Napangiti si Bernard at mababatid sa mukha nito na may gusto itong ipaliwanag. Binalingan nito ng tingin si Pauline. "Ms. Lee, could you please wait outside for a moment? May importante lang kaming pag-uusapan ni Mr. Cruise."

"S-sure," Bahagya pang yumuko si Pauline bago lumabas.

"You see Mr. Cruise, Lord Duncan instructed me na kapag umapak ka na sa kumpanyang ito ay ililipat ko na sa'yo ang pagmamay-ari ng kumpanya. After all, ikaw naman talaga ang may-ari ng kumpanyang ito. This company is one of your own assets." paliwanag ni Bernard.

Natigilan si Luke. Hindi agad nag sink-in sa kanyang isipan ang sinabi ni Bernard. Pagmamay-ari niya rin ang ENDX Corp? Bakit walang nabanggit ang lolo niya kanina patungkol dito? Hindi ba family business ito? Kailan pa naging isa sa kanyang ari-arian ang kumpanyang ito?

Napansin ni Bernard ang malaking pagtataka sa mukha ni Luke kaya mahina itong natawa. "Please Mr. Cruise, have a seat first."

Dahil sa pagkabigla ay kumusa na lamang gumalaw ang katawan ni Luke papunta sa upuan ng presidente at doon naupo.

"I'll explain everything to you, Mr. Cruise." ubod ang ngiting wika ni Bernard.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status