Home / Urban / Realistic / A Trillionaire In Disguise / Chapter 6 - Unexpected Call

Share

Chapter 6 - Unexpected Call

Nagsimula na ring magkawatak-watak ang mga taong nakapalibot. Nagsibalik sila sa pag-iikot-ikot sa showroom na animo'y walang naganap na komosyon.

Tiningnan ni Pauline si Luke na may halong pagtataka sa kanyang mukha. Tinanong niya si Luke kung dapat lang ba nilang hayaan na makaalis ang mag-asawang iyon. Pasimple lang na tumango si Luke at sinabing, "Hayaan mo sila."

Hindi komportable si Luke kapag nasa harapan niya ang mga magulang ni Veronica. Ayaw niya silang makita. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya ng mag-asawa. Baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili kapag nagtagal pa ang mag-asawang iyon sa kanyang harapan.

Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Pauline. Alam niyang gustong-gusto nito na maturuan sila ng leksyon. Gusto niya rin naman sana, kung hindi lang sila magulang ni Veronica. Baka isipin pa ni Veronica na dahil sa hiniwalayan niya si Luke kaya nito nagawang saktan ang mga magulang niya.

Nakaramdam naman ng simpatya si Pauline para sa bago nilang Presidente. Bakit tinitiis niya lang ang pangmamaliit sa kanya ng mag-asawang iyon? Ganun niya ba kamahal ang kanyang kasintahan? Napakaswerte naman ng babaeng yun. Pero hindi niya maunawaan kung bakit pati sa kanila ay kailangang itago ni Luke ang kanyang pagkakakilanlan. Kung alam lang nila ang tunay na estado niya sa buhay, paniguradong luluhod pa sila sa kanyang harapan at hihilinging pakasalan ang kanilang anak.

"Mr. Cruise, I'm really sorry for what had happened. Gusto niyo bang ilagay natin sila sa blacklist ng kompanya?" tanong ni Pauline.

Nakataas ang kilay na tiningnan ito ni Luke. "Hindi na kailangan."

Kapag ginawa nila iyon ay baka isipin ng mga magulang ni Veronica na siya ang dahilan kung bakit sila na ban na makatapak sa ENDX Corporation. Lalo na si Roger. Kahit na ganun ang pag-uugali nun, ay alam ni Luke na marunong ito mag-analisa ng mga bagay-bagay. Lalo pa't tinawag siya ng Executive Manager sa magalang na pamamaraan sa harapan nila kahit na security guard lang siya ng kompanya. Magiging kahina-hinala kapag nalagay sila sa blacklist nang dahil lang sa ginawa nila kanina.

"At hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Ako pa nga dapat ang magpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo. Thank you." wika ni Luke.

"Y-you're welcome Mr. Cruise." tugon ni Pauline pagkatapos ay mabilis na nag-iwas ito ng tingin. Hindi siya komportable kahit na simpleng pasasalamat lang ni Luke iyon. Iba ang pakiramdam kapag galing mismo sa bibig ni Luke ang salitang 'Thank You'.

Pagkatapos ng ilang sandali, nag-ring ang cellphone ni Luke. Dinukot niya ito sa kanyang bulsa at nakita sa screen ang isang hindi kilalang numero. Sinagot niya ito.

"Sino 'to?" agad na tanong ni Luke.

"Hello, I'm sorry Young Master Cruise kung naabala man kita sa ginagawa mo. Ako nga pala si Philip Garcia. I've been working for Lord Duncan for more than thirty years. I was assigned by your grandfather to be the President of Light Metrobank Incorporated. Napatawag ako upang sabihin sa'yo na pwede mo nang makuha ang mga assets mo na nakadeposito sa Light Metrobank dahil sa natapos mo na ang poverty training mo." litanya ni Philip mula sa kabilang linya.

Saglit na natigilan si Luke at makikita ang gulat na reaksyon sa kanyang mukha bago sumagot. "Magandang balita 'yan, Mr. Philip. Salamat."

Bahagyang nakaramdam ng pagkagalak si Luke dahil sa narinig. Sa loob ng apat na taong paghihirap, sa wakas ay pwede niya na ulit magamit ang pera at ari-ariang kanyang pagmamay-ari.

"Nabanggit mo na nagtatrabaho ka para sa lolo ko, ibig bang sabihin ay pagmamay-ari din ni lolo ang Light Metrobank Incorporated?" tanong ni Luke.

Saglit na natigilan si Philip sa naitanong ni Luke. Hindi niya akalain na hindi pa alam ni Luke ang tungkol dito. "Yes Young Master, Lord Duncan is indeed the owner of Light Metrobank. I'm surprised that you're not aware." sagot ni Philip saka mahinang natawa.

Maging si Luke ay mahinang ring natawa. Nabanggit ng kanyang lolo sa kanya na may iba pa silang kompanya bukod sa ENDX Corp. Hindi siya nagulat dahil dun, kung hindi dahil sa ang isa sa mga kompanyang iyon ay ang Light Metrobank Incorporated.

Kahit na hindi man pamilyar si Luke sa bangko, minsan niya nang narinig na ang Light Metrobank ay isa sa nangungunang bangko pagdating Banking Industry. Tanging mayayamang tao lang ang mga kliyente nito.

"Nabanggit sa'kin ni Lord Duncan na nasa Quezon ka ngayon. Alam mo naman siguro yung branch sa Downtown, tama ba?" pagpapatuloy ni Philip.

"Opo. Sa katunayan ay nandito ako ngayon sa ENDX Corporation." sagot ni Luke. Ilang minutong sakay lang ng dyip iyon mula dito sa ENDX.

"That's good! Pagkarating mo dun ay hanapin mo lang si Louis Rivera at sabihin mo lang sa kanya ang pangalan mo. He's a friend of mine and he's also the Senior Manager of our bank. Kilala ka na niya at alam na niya ang kanyang gagawin. I'm sure matutuwa siyang makita at matulungan ka." malugod na wika ni Philip. "For now, 'yan lang ang maitutulong ko sa'yo Young Master, I would also like to assist you personally but unfortunately, I'm here in Chicago right now dahil sa importanteng bagay. I hope you'll understand, and also I would like to congratulate you dahil sa tagumpay mong natapos ang poverty training mo. I can't wait to work with you in the future Young Master Cruise!" wika ni Philip habang punong-puno ng pagkagalak ang boses nito.

"Ayos lang, nauunawaan ko at maraming salamat. Pero pakiusap, Mr. Cruise nalang ang itawag mo sa'kin sa hinaharap." mapagkumbabang wika ni Luke.

"You're too humble Young Master. You're just like your Grandfather." papuring sambit ni Philip pagkatapos ay mahinang natawa. "Calling you by your name is inappropriate. I'll agree with Mr. Cruise then." dagdag pa nito.

"Okay." simpleng tugon lamang ni Luke pagkatapos ay pinatay na ang tawag.

Pagkatapos ay nilingon niya si Pauline. Halos matawa siya sa naging reaksyon nito nang makitang mabilis itong tumalikod at naglakad palayo na kunwari ay hindi ito nakinig sa usapan nila ni Philip.

"Alam kong nakinig ka sa usapan namin. Ayos lang. Hindi mo kailangang magkunwari." sambit ni Luke na sinundan ng mahinang pagtawa.

"Uh-huh?" Nagmamaang-maangang nilingon ni Pauline si Luke. "A-anong usapan?" pagkukunwari nito.

"Sige na, sabihin mo nang nakinig ka. 'Wag kang mag-alala, hindi ako galit."

Saglit na tinitigan muna ni Pauline ang mukha ni Luke na tila inaalam niya pa kung totoong hindi nga ito galit. "I'm really sorry, Mr. Cruise. I didn't mean to eavesdrop. Promise hindi na mauulit." sambit ni Pauline habang bahagyang nakayuko.

"Ayos lang, gaya nga ng sinabi ko, hindi ako galit." wika ni Luke. Sa tingin ni Luke ay ayos lang din naman na malaman ni Pauline ang tungkol sa pinag-usapan nila ni Philip kaya hindi na siya nag-abalang dumistansya pa para ilihim ang kanilang pag-uusap. Total alam na rin naman ni Pauline na siya ang presidente ng ENDX Corp.

Agad namang lumuwag ang paghinga ni Pauline. Saka muling tiningnan si Luke na punong-puno ng paghanga. Napakayaman naman talaga ng pamilya nila. Hindi niya akalaing pati ang Light Metrobank Incorporated ay pagmamay-ari din ng pamilya ni Luke.

'Napakayaman, napakabait, at napakagwapo ni Mr. Cruise. And yet, napunta lang siya sa babaeng may halimaw na magulang. Paniguradong ganun din ang ugali ng babaeng iyon. Hmmp!' sambit ni Pauline sa kanyang isipan sabay napasimangot.

"Sa tingin ko ay kailangan ko nang umalis. Ipagpatuloy nalang natin sa sabado ang training ko." wika ni Luke kay Pauline pagkatapos ay ilang segundong pinagmasdan ang pulang sasakyan. "Bibisita nalang ako dito tuwing weekend para sa training ko. Pakihanda nalang din ng uniporme ko bilang security guard." dagdag pa niya.

Tumango-tango si Pauline habang direktang nakatitig kay Luke. "Samahan na kita Mr. Cruise palabas." mungkahi ni Pauline pero tinanggihan ito ni Luke.

Hindi naman nagpumilit pa si Pauline sa halip ay parang tulala lamang ito na nakatingin sa papalayong katawan ni Luke. "I'll do my best to seduce you, Mr. Cruise." bulong ni Pauline sa kanyang sarili pagkatapos ay humagikhik ito.

Pasado alas-onse na nang makarating si Luke sa Light Metrobank. Bago siya makapasok ay mapapansin ang dalawang gwardyang nakatayo sa magkabilang bahagi ng entrance. Matangkad ang mga ito na may malalaking pangangatawan. Nakasuot sila ng shades habang parehong may hawak na shotgun at may nakasukbit na handgun sa kani-kanilang tagiliran. Sa kabutihang palad, walang pakialam sa kanya ang dalawang gwardya kaya nilagpasan niya lang ang mga ito.

Pero pagkalagpas niya ng revolving door, isang magandang babae ang agad na sumalubong sa kanya. Halos magkasingtangkad lang sila at medyo kulot din ang itim na itim na buhok nito. Bumabagay iyon sa kayumangging kulay ng kanyang balat. Sa kanang bahagi ng kanyang dibdib ay nakaborda ang pangalang 'Monique' sa uniporme nito. Isa itong bank teller.

Bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanya ay napahinto ito nang makita ang kanyang kasuotan. Saglit na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Gosh! He's even wearing a slippers!" tila nandidiring bulong nito sa kanyang sarili pero rinig iyon ni Luke.

"May problema ba Miss?" tanong ni Luke na sinundan naiilang na pagtawa. Syempre alam niya na kung anong mali. Iyon ay ang kanyang kasuotan.

"Anong kailangan mo? Naliligaw ka ba? Alam mo ba kung anong lugar 'to? Nandito ka ba para manghingi ng pananghalian? Nakikita mo ba yung nakasulat sa pader sa likod?" sunod-sunod na tanong ni Monique pagkatapos ay itinuro ang malaking pangalan ng Light Metrobank sa bandang likuran ng reception.

"Teka, nandito ako pa—" hindi pa nga halos nangangalahati ang gustong sabihin ni Luke ay agad na nagsalita si Monique.

"Yes, it's Light. Met. Ro. Bank. Can't you read?" wika ni Monique na halos madiin ang bawat pagkakabigkas niya ng salita.

"A-alam ko. Kaya nga nandi—" muli ay napahinto na naman si Luke nang putulin muli ni Monique ang kanyang sinasabi.

"Then get the hell out of here!" Kahit mahina ang pagkakasabing iyon ni Monique, may gigil naman sa boses nito.

'Anong ginagawa ng pulubing ito rito?' inis na tanong ni Monique sa kanyang isip.

Kapag nakita siya ng ibang kliyente ay siguradong makakaapekto ito sa reputasyon ng bangko. Para lamang sa mayayaman at mapeperang tao ang bangkong ito. Kapag nakita nila ang ganitong klase ng tao na pakalat-kalat sa loob ng gusali, baka magreklamo sila sa Manager. At syempre, dahil si Monique ang teller na naka-assign sa entrance, at siya ang unang nakakita dito, responsibilidad niyang paalisin ito. Kung hindi ay malilintikan siya kay Manager Noel.

"Pwede ba pagsalitain mo muna ako? Nandito ako para makausap si Mr. Louis Rivera. Pwede bang pakisabi na may naghahanap sa kanya?" kalmadong pakiusap ni Luke. Ayaw niyang makipagtalo sa babaeng ito.

"What? You're looking for Senior Manager?" Gulat na tanong ni Monique, hindi ito makapaniwalang may isang pulubing naghahanap sa kanilang Senior Manager.

"Oo." determinadong tugon ni Luke.

Hindi alam ni Monique kung matatawa ba siya o magagalit nang husto. Ang bagay na mas inaalala niya sa ngayon ay baka makita ng Manager nila ang pulubing ito at paniguradong siya ang mapapagalitan. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito dahil para sa kanya ay hindi naman talaga ito kapani-paniwala. May mataas na reputasyon si Mr. Rivera sa kanilang syudad kaya hindi na nakapagtataka kung kilala man ng pulubing ito ang kanilang Senior Manager.

Kinuha nalang ni Monique ang kanyang wallet pagkatapos ay kumuha ng one hundred-peso note at iniabot iyon kay Luke.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Luke nang abutan siya ni Monique ng isang daang piso.

"Pera malamang! Ngayon umalis ka na. 'Wag mo sabihing kulang 'yan?" naiinis na sambit ni Monique. Inaakala ni Monique na nandito lamang si Luke para mamalimos ng pagkain.

Napasimangot si Luke. Alam niyang pera ang inaabot ni Monique. Ang tinatanong niya ay bakit siya binibigyan nito ng pera?

"Alam ko at nakikita ko rin namang pera 'to. Ang tina—"

"Alam mo naman palang pera eh. Kaya kunin mo na, baka magbago pa ang isip ko." pinutol muli ni Monique ang sasabihin ni Luke. Bahagya nang nakaramdam ng pagkainis si Luke.

Napabuntong hininga nalang siya saka iginala ang kanyang paningin. Nagbabakasakaling baka may makita siyang ibang pwedeng kausapin. Sa kabutihang palad ay nakita niya ang isa pang teller na nasa likod ng counter.

"What're you waiting for? Get lost!" mahinang sigaw ni Monique habang nakaturo sa exit pero hindi siya pinansin ni Luke na nagsimulang tumungo sa counter. Pero bago pa man siya makalapit ay hinarangan siya kaagad ni Monique.

"What are you thinking?" gulat na tanong ni Monique. Hindi siya makapaniwalang desidido talagang makapasok si Luke. "Guard!" Hindi na nagpigil pa ng boses si Monique at tumawag agad ng gwardya.

Saglit lang ay isang gwardya ang agad na rumesponde sa kinaroroonan nila. Nakita niyang hinaharangan ni Monique ang isang lalaki na sa unang tingin ay masasabi na kaagad na isang pulubi. Agad na naunawaan ng gwardya ang sitwasyon.

"Sir, pasensya na kayo pero bawal kayo rito sa loob." wika ng gwardya pero hindi ito pinansin ni Luke sa halip ay tinawag nito ang babaeng nasa likod ng counter na kasalukuyang may kausap sa telepono.

"Hey Miss! Excuse me!" pagtawag ni Luke sa babae pero saglit lang itong nag-angat ng tingin sa kanya saka muling ibinaling sa kausap sa telepono ang atensyon.

Ayos. Bakit itinuturing ng lahat na isa lang siyang walang kwenta dahil lang sa kanyang pananamit? Kasuotan na ba talaga ang basehan ngayon kung may pera man o wala ang isang tao? Kasuotan na ba ang basehan kung pagsisilbihan nila ang kanilang kustomer o kliyente?

Sa puntong iyon, dalawang lalaki ang masayang nag-uusap ang napadaan sa kanilang kinaroroonan at napahinto nang makita sila.

"What's going on here?" tanong ng isa kanila na isang middle-aged at nakasuot ng black suit. Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha nito nang dumapo kay Luke ang tingin nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status