Home / Urban / Realistic / A Trillionaire In Disguise / Chapter 5 - The Sports Car

Share

Chapter 5 - The Sports Car

Pero kahit naman wala pang nobya ang kanilang bagong presidente ay napakaimposibleng magkagusto ito sa katulad niyang Executive Manager lang. Kahit na marami namang lalaki ang nanliligaw sa kanya na nagmula sa mayayamang pamilya, ay wala pa ring makakatalo sa karisma at estado sa buhay ni Luke. Bukod sa gwapo at mabait, ay siya ang presidente ng ENDX Corporation! Kung sino man ang babaeng papakasalan nito sa hinaharap ay talagang napakaswerte!

"May problema ba Ms. Lee?" nagtatakang tanong ni Luke nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Pauline. Napansin niya ang paghanga sa mga mata nito.

Nanlaki ang mga mata ni Pauline at agad itong tumalikod sa kahihiyan. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya ng husto sa mukha ni Luke dahil sa kanyang sobrang paghanga rito. Namula ang kanyang magkabilang pisngi at hiniling na sana magkaroon ng butas sa sahig na kinatatayuan niya at higupin siya nito.

"No Mr. Cruise. There's nothing wrong." agad na sagot nito habang nakatalikod siya kay Luke. "In fact, naisip ko na mas mainam na ilibot muna kita sa buong kompanya bago mo simulan ang training sa pamamahala." pag-iiba ni Pauline ng usapan. Kahit na hiyang-hiya pa siya sa kanyang kalooban ay mabilis siyang nakaisip ng ideya para mailihis niya ang kanilang usapan.

Hindi mapigilang mapailing ni Luke. Base sa naging reaksyon Pauline at sa kung paano siya titigan nito ay sigurado siyang may gusto ito sa kanya. Wala namang mali roon, pero alam niyang humahanga lang si Pauline sa kanya dahil sa alam nitong isa siyang mayaman. Ito ang unang beses na nagkita sila at hindi siya naniniwalang na 'love at first sight' si Puline sa kanya. Besides wala pang babae ang nagsabi o nagparamadam ng ganun sa kanya dahil ang tingin lang ng halos lahat ng babaeng makakasalamuha niya ay isa siyang basura. Pero kung ang sitwasyon ay katulad nalang ng halimbawang nagkita lang sila sa ibang lugar sa ibang pagkakataon, at nakasuot lang siya ng damit na katulad ng suot niya ngayon, ay paniguradong hindi mag-aabala si Pauline na tingnan man lang siya.

Bumuntong hininga lang si Luke habang isinasantabi ang nararamdaman ni Pauline para sa kanya. "Magandang ideya yan Ms. Lee, pero sigurado ka ba na lilibutin natin ang buong kompanya?"

Pagkatapos bigyan ng konsiderasyon ang sinabi ni Pauline, maganda nga siguro na mag-ikot-ikot muna sila para naman kahit papaano ay mapamilyar niya ang kompanya. Pero kahit na branch company lang ito ay napakalawak na din ng buong gusali. Baka kailanganin nila ng kalahating araw para mabisita lahat ng pasilidad.

"Oh." Na-realize din ni Pauline ang kanyang sinabi. "Nauunawaan ko Mr. Cruise. Bibisitahin lang natin ang mga palapag na may kinalaman sa training mo at makakatulong sa'yo." sambit ni Pauline habang muling humaharap kay Luke. Makikita pa rin ang kaunting pagkahiya sa mukha ni Pauline.

Hindi ito ang main branch kaya hindi na kailangan ni Luke na bisitahin pa lahat ng palapag meron ang kompanya. Ang kailangan niya lang matutunan ay kung paano ito pinapatakbo at kung paano niya ito papamahalaan sa hinaharap.

Naglaan sila ng mahigit tatlong oras para bisitahin ang mga importanteng bahagi ng kompanya. Nakita ni Luke na maayos naman lahat ng operasyon. Nakita niya din ang determinasyon ng mga empleyado sa kani-kanilang trabaho. Pinuri ni Luke si Pauline dahil dito at nagpasalamat naman agad si Pauline.

Narating nila ang 4th floor na kung saan ay nakadisplay ang mga mamahalin at magagarang kotse na nagkakahalaga ng milyong dolyar pataas. Ito ang isa sa showroom ng kompanya. Ang isang showroom ay nasa ikatlong palapag at ang mga nakadisplay roon ay ang mga murang modelo ng ENDX cars na nagkakahalaga ng simula kalahating milyong dolyar hanggang siyam na raang libong dolyar.

Sobrang pagkasabik ang naramdaman ni Luke nang makita niya ang mga ito. Kung dati ay pinapangarap niya lang na makabili ng sasakyan na gawa ng ENDX Corp, ngayon ay sa kanya na lahat ng ito.

May mangilan-ngilang tao sa palapag. Yung iba ay sales personnel at yung iba naman ay mga potensyal na kostumer. Yung iba ay naroroon lang para tumingin-tingin at pasimpleng kumuha ng litrato para i-post sa social media at ipagyabang.

Sa pinakagitna ay agaw atensyon ang kulay pulang sports car. Ito ang pinakamagandang sasakyan sa buong showroom. May iilang taong nakatayo malapit dito habang pinupuri nila ang ganda ng disenyo nito.

Nang makalapit si Pauline at Luke sa dako ng pinakamagarang sasakyan, saglit na napahinto si Luke nang mapagtanto niyang pamilyar sa kanya ang disenyo ng sasakyan.

"Imposible!" manghang bulong ni Luke sa kanyang sarili. Ang gumawa ng disenyo ng sports car na ito ay walang iba kung hindi siya mismo!

Mahilig gumuhit si Luke ng mga disenyo ng kotse noong bata pa siya. Ang disenyo ng sports car na nasa harapan niya ngayon ay siyang pinakamaganda sa lahat ng iginuhit niya. Ipinakita niya iyon sa kanyang lolo at sinabing balang araw ay siya mismo ang gagawa ng kotseng iyon. Pero hindi niya inaakalang ang disenyong iyon ay naipagawa na rin ng kanyang lolo. Napailing-iling nalang siya habang nakangiti.

"Magkano ang halaga ng kotseng ito?" tanong ni Luke kay Pauline.

"Oh, I'm also about to tell you about this Mr. Cruise that's why we're here. Mr. Bautista hadn't told us about this car's actual cost. Pero ito ang pinakamahal na kotse sa buong mundo. This is the one and only model that the company has ever made. Mr. Bautista also said that this car is not for sale, dahil meron nang nagmamay-ari nito. Nakadisplay lang ito dito pansamantala para sa atraksyon habang hinihintay ang may-ari na kunin ito." paliwanag ni Pauline.

Natuwa siya nang marinig na nag-iisa lang itong gawa ng kanyang kompanya. Pero agad na nawala iyon nang sabihin ni Pauline na mayroon nang nagmamay-ari ng kotse. Nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya. Plano niya sanang bayaran nalang ang kanyang kompanya para hindi na ibenta pa ang kotseng ito. Ibig sabihin lang nito ay hindi siya ang unang makakagamit ng kotseng siya rin mismo ang dumisenyo.

"Ilang buwan bago magawa ang ganitong model?" muling tanong ni Luke. Napag-isipan niya nalang na magpagawa ulit ng bagong model. Wala siyang ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na siya ang pangalawang gagamit ng modelong ito.

"Sinabi ni Mr. Bautista na ito ang una't huling gagawa ang kompanya ng ganitong model. Para lang talaga sa taong nagmamay-ari nito ngayon ang modelong ito." tugon ni Pauline.

Hindi makapaniwala si Luke sa kanyang narinig. Sino itong maswerteng taong ito na nakabili ng tanging modelo na gawa ng kanyang kompanya? Nagmula ba ito sa makapangyarihang pamilya? Pero bakit ang kanyang iginuhit na disenyo ang pinagamit ng kanyang lolo sa paggawa ng modelong ito?

"Hindi ba nakapagtataka na dito naisipan ni Mr. Bernard na i-display ito, kung nag-iisang klase lang itong gawa ng ENDX? Hindi ba dapat sa main branch ito nakadisplay?" tanong ni Luke.

Napakunot naman ang noo ni Pauline sa sinabing iyon ni Luke. Oo nga, bakit ngayon niya lang naisip ito? Paanong ang nag-iisa at pinakamahal na modelo ng kotseng ito ay dito nakadispaly sa Quezon branch? Taga dito ba sa Quezon ang may-ari nito?

Isang ideya ang biglang pumasok sa isip ni Luke.

'Hindi kaya...'

"Sabihin mo Ms. Lee, paano gumagana ang kotseng ito?" tanong ni Luke na may pagkagalak.

Nagugulumihanan namang pinagmasdan ni Pauline si Luke bago sumagot. "There's a finger print scanner inside. Kailangan ng fingerprint ng may-ari para magamit ang kotseng ito. Mr. Bautista told us that the owner of this car already registered his or her fingerprints. Kaya kahit sinumang susubok na gamitin ang kotseng ito ay i-dedecline ng kotse kung hindi match ang fingerprint sa nakaregister." sagot ni Puline.

Nalaglag ang balikat ni Luke sa kanyang narinig. Ang pagkagalak sa kanyang mukha ay nawala. Akala niya ay isa na naman ito sa surpresa ng kanyang lolo para sa kanya. Ito lang ang paliwanag kung bakit nag-iisang modelo lang ito na likha ng kompanya at bukod pa dito ay siya ang dumisenyo nito. Idagdag pang dito ito naka-display sa Quezon kung nasaan siya.

Ang huling pagkakaalala niya kung kailan siya nag register ng kanyang fingerprints ay noong bago pa siya sumabak sa ikatlong training apat na taon na ang nakararaan. Maaari kayang ang fingerprints niyang iyon ang ginamit ng kanyang lolo para irehistro sa kotseng ito?

Gusto niya sanang subukan pero andaming tao sa paligid. Kapag sa kanya nga ang kotseng ito ay siguradong pagkakaguluhan ng mga tao ang kanilang masasasaksihan.

Habang nag-iisip si Luke, isang mag-asawa ang lumapit din sa kinaroroonan ng magarang kotse. Masaya silang nag-uusap habang pinagmamasdan ang kotse. Pero mabilis na nagbago ang ekspresyon sa kanilang mukha nang makita nila si Luke na nakatayo malapit dito. Maging si Luke ay nagulat din nang makita sila.

"Luke? Anong ginagawa mo dito?" gulat na pasigaw na tanong ng babae. Mapapansin ang pandidiri sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya.

"Hah! Wag mo sabihing nagcutting class ka para lang tumambay dito? Hindi ka na nahiya sa anak namin. Wala ka nang maipagmamalaki, nakukuha mo pang magbolakbol! I'm so disappointed of you!" bulyaw naman ng lalaking katabi ng babae. Nagulat ang mga taong nasa paligid dahil sa biglaang pagsigaw ng dalawa.

Mga magulang sila ni Veronica. Ang pangalan nila ay Roger at Katarina. Hindi inaasahan ng mag-asawa na makikita nila si Luke sa ganitong klaseng lugar. Ang kapal naman ng pagmumukha ng hampas lupang ito na tumapak sa ganitong lugar!

Nang makita ni Pauline na sinisigawan ng dalawa si Luke, nagtataka siyang pinagmasdan muna si Luke bago inilipat ang tingin sa mag-asawa. "Excuse me? Are you talking to Mr. Cruise?" sabat niya.

"Mr. Cruise???" nagtatakang pag-uulit ni Katarina sa sinabi ni Pauline. "Yes, his name is Luke Cruise but he's not worthy of calling Mr. Cruise because he is just a lowly poor human being living in this city! Oh gosh I don't know why Veronica picked this guy out of the garbage can." sambit ni Katarina habang nandidiring binanggit ang huli niyang kataga.

Kumulo ang dugo ni Pauline dahil sa kanyang narinig. Anong karapatan ng babaeng ito na pagsalitaan ng masama si Mr. Cruise?

Pero bago pa man ito makapagsalita, pinigilan siya ni Luke. Tiningnan niya sa mata si Pauline sabay umiling-iling. Base sa reaksyon ni Pauline ay baka makapagsabi ito ng mga bagay na hindi dapat marinig ng mga tao. Baka maibunyag nito sa kanila na siya ang presidente ng kompanyang ito nang wala sa oras. Sa halip ay kalmado lang na hinarap ni Luke ang mag-asawa

"Ang rason kung bakit nandito ako ay nag-apply ako ng trabaho." simpleng paliwanag ni Luke habang pekeng nakangiti.

Bahagyang natigilan si Katarina dahil sa sinabi ni Luke. "Seryoso ka ba? This is ENDX Corporation! There's no way they would hire someone like you!" hindi kumbinsidong sambit ni Katarina.

"Maybe he's telling the truth hon. Baka hiring ng toilet cleaner sa kompanyang ito. Mas mabuti na rin iyon para naman may maibibigay na siyang pera sa anak natin." sarkastikong wika naman ni Roger. Sa kanyang isip ay gumagawa lamang ng dahilan si Luke para mapagtakpan ang hindi niya pagpasok sa paaralan.

Hindi mapigilang matawa ng mga tao sa paligid dahil sa kanilang naririnig.

"What're you talking about? You're disgusting Roger! Mas mainam na maghiwalay nalang sila ni Veronica kaysa naman mag-apply ng trabaho para lang may maipagmalaki ang basurang ito, pero toilet cleaner naman? Imagine if he'd actually applied for that job. Kapag uuwi siya pagkagaling sa trabaho tapos makikipagkita siya sa anak natin, tapos maghahawak sila ng kamay... Eww!! No. Way!" Maging si Katarina ay nandiri sa sarili niyang imahinasyon.

Hindi niya gugustuhin na mangyari iyon sa kanyang anak. At mas lalong ayaw niyang isang toilet cleaner lang ang nobyo ng kanilang anak kaya mas mabuting maghiwalay nalang sila. "I'm telling you, don't you dare touch our daughter's precious hands!" dagdag pa nito habang dinuduro si Luke.

Nakaramdam ng matinding pagkaasar sa mag asawa si Pauline. Tiningnan niya si Luke pero nakita niyang kalmado lang ito. Paano nito natitiis ang ganitong pagmamaltrato? Hindi makapaniwala si Pauline na hinahayaan lang ni Luke ang mga ito na insultuhin siya sa kanya mismong kompanya. Pero bahagya naman siyang nakaramdam ng selos nang malaman niya na may kasintahan na pala si Luke.

Sa kabilang banda naman ay kalmadong nakatingin lang si Luke sa dalawa. Sanay na siya sa masasakit na salita ng mag-asawang ito kaya balewala na sa kanya ang mga pinagsasabi nila. "'Wag po kayong mag-alala. Hindi po ako nag-apply bilang tagalinis ng banyo, kun'di security guard." sambit ni Luke habang pilit pa ring ngumiti. Dahil sa natanggal sa pwesto ang dalawang gwardya kanina, naisipan niya na siya muna ang pumalit sa isa sa nabakanteng pwesto. Nang sa ganun ay may perpektong dahilan siya para bumisita dito sa kompanya.

Lumingon siya kay Pauline. "Ito nga po pala si Ms. Pauline Lee, ang Executive Manager ng kompanyang ito. Mapapatunayan niyang nagsasabi ako ng totoo."

Saglit na natahimik ang mag-asawa at bumaling ang tingin sa babae kaninang tumawag kay Luke ng 'Mr. Cruise'.

Executive Manager?

Kahit na nagtataka ay agad namang naunawaan ni Pauline ang ibig-sabihin ni Luke kaya mabilis niyang sinabing, "Yes, I am the Executive Manager of this company and I hereby confirming that Mr. Cruise was definitely applied for a job as security guard of this company. Sa katunayan ay natanggap na siya sa trabaho kanina lang. Kaya kung sino man ang mang-insulto ng empleyado ng ENDX Corp sa loob mismo ng kompanya, ay mahaharap sa mabigat na kaparusahan. Do you understand?" wika ni Pauline habang humahakbang papalapit sa mag-asawa at galit na tinititigan ang mga ito.

Napaatras naman ang dalawa nang makitang unti-unting lumalapit si Pauline sa kanila. Ilang beses silang napalunok dahil sa kaba at tensyon. Hindi nila inaasahang Executive Manager pala ng kompanya ang babaeng katabi ni Luke. Kung alam lang nila, ay sana hindi na sila naglakas loob na gumawa ng iskandalo.

"M-Ms. Lee, we're both sorry for our rude behaviors. Gusto lang naman namin malaman kung anong ginagawa ni Luke dito. In fact ay paalis na rin naman kami." Sa puntong iyon ay mahinahon na ang boses ni Katarina na sinundan ng awkward na pagtawa.

Gusto niya agad makaalis sa lugar na iyon dahil sa takot kay Pauline. Agad na hinablot niya ang kamay ni Roger at hinila paalis.

Sa kabilang dako naman ay tahimik lang si Roger. Hindi siya makapaniwalang totoo ngang nag-apply ng trabaho si Luke. Bukod pa roon ay natanggap ito. Dahil na din sa kahihiyan at sa takot, ay hinayaan nalang niyang hilahin siya ng kanyang asawa papuntang elevator.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status