Share

Chapter 4 - Caesar

"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya," panimula ni Bernard.

Napataas naman agad ang kilay ni Luke dahil sa sinabi nito. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya?

"Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013."

Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa ENDX Corp, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ito sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kumpanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago.

Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard habang naiiling-iling na para bang may naalala ito.

Agad namang nawala iyon nang mapansin nitong nakatingin si Luke sa kanya. "I-I'm sorry, Mr. Cruise. Natutuwa lang ako dahil sa napakatalino ng iyong lolo sa pagpili ng pangalan para sa'yong kumpanya. Kahit ako ay nagulat nang malaman ko mula mismo sa kanya kung saan niya nakuha ang ideyang ENDX."

"Talaga? Paano mo naman nasabi?" interesadong tanong ni Luke habang sinusubukan niyang isipin kung saan maaaring nagmula ang pangalang ENDX.

"Naikwento sa'kin ni Lord Duncan na noong tatlong taong gulang ka pa lang, gustong-gusto mo magkaroon ng alagang aso. Nang umuwi ang Papa mo galing Germany, he brought a three months old great dane puppy para iregalo sa'yo and you named him Ceasar."

Napakunot ang noo ni Luke nang ikwento ni Bernard ang tungkol kay Caesar. Sinundan iyon ng pagngiti nang maalala niya ang alaga niyang aso noon.

Dahil sa isa siya sa nakatakdang tagapagmana ng pamilya Cruise, tanging sa kanilang Manor lang siya nag-aaral noon. Ang manirahan sa Manor na kasama lang ang kanyang lolo't lola, butler at mga katulong ay sobrang nakakabagot. Hindi niya ma-enjoy ang kanyang sarili na sila lang ang kalaro. Pero nang dumating si Ceasar sa buhay niya ay halos araw-araw maingay ang kanilang Manor na minsan pa nga ay nakakabasag sila ng mamahaling pasong naka display dahil sa kanilang paghahabulan. Pero imbis na magalit ang kanyang lola ay balewala lang iyon. Ang importante ay masaya ang kanyang apo.

Noong sampung taong gulang na si Luke ay namatay si Caesar sa edad na pitong taong gulang. Noong panahong iyon, labis na dalamhati ang naramdaman ni Luke. Parang naging kapatid na niya si Caesar, hindi lamang isang alagang aso. Sinubukan siyang alukin ng kanyang lolo ng panibagong alaga pero ayaw niya iyong tanggapin. Gusto niya lang ibalik ang masasayang araw na kung saan ay tuta pa lang si Caesar upang makapaglaro muli silang dalawa.

"Pero anong kinalaman ni Caesar sa pangalan ng kumpanya?" tanong niya.

Makahulugang ngumiti si Bernard. Kumuha ito ng papel at ballpen pagkatapos ay nagsulat ito ng english alphabet mula a hanggang z. Nagtatakang pinagmasdan lamang ito ni Luke. "I'll explain it clearly, Mr. Cruise."

Pero bago pa man ito magsimulang magpaliwanag ay napasampal sa noo si Luke. "Ah! Oo, nakuha ko na!" bulalas niya. Bakit nga ba hindi niya naisip ang tungkol doon? Hindi niya mapigilang mamangha sa naging ideya ng kanyang lolo.

Gumamit ang kanyang lolo ng Caesar cipher at ginamit nito ang kanyang pangalan para makapag-encrypt ng salita. Dahil namatay si Caesar sa edad na pitong taong gulang, at ninais niyang maibalik ang kanilang nakaraan, ginamit ng kanyang lolo ang shift 7 code pabalik. Kung saan ang letrang L ay napalitan ng letrang E, ang letrang U ng letrang N, K ng D at E ng X. Sa taon ding mismo kung kailan namatay si Caesar ay doon din nagsimulang itayo ang ENDX Corp. Dahil din sa mahilig sa sasakyan si Luke simula noong bata pa siya ay Automotive Company ang itinayong negosyo ni Duncan para sa kanya.

Napasandal sa kanyang kinauupuan si Luke. Malinaw sa kanya na hindi lang basta kumpanya ang ENDX Corporation kung hindi ay bahagi ng kanyang buhay. Ang intensyon ng kanyang lolo sa ideyang iyon ay para bigyan ng buhay ang namayapa niyang alagang aso, na para bang tinupad ng kanyang lolo na sana maibalik ang mga panahong nabubuhay pa si Caesar.

"'Yon ang rason kung bakit sa'yo talaga itong kumpanyang ito at rason kung bakit nakatakda ka nang maging Presidente ng ENDX Corporation, Mr. Cruise. And since you are now the President of the company, ako naman ay bababa na bilang Vice President." paliwanag ni Bernard.

"Anong mangyayari sa kasalukuyang Vice President?" tanong niya.

"As for Ms. Reyes, naka-assign na siya ngayon sa ibang kumpanya." magalang at nakangiting tugon ni Bernard. Nagpatuloy ito. "Sa ngayon ay ako pa rin muna ang mamamahala ng ENDX Corp habang nag-i-ensayo ka pa rito. You don't have to worry about anything else aside sa'yong training. Kung may problema man dito, please just call me and I will handle it immediately."

Tama, ang kailangan lang muna ngayon pagtuunan ng atensyon ni Luke ay kung paano papamahalaan ang kanyang kumpanya. Parang biro man ang nangyaring pagiging presidente niya bigla ng isang multi-billion-dollar na kumpanya, hindi naman biro ang gagampanan niyang tungkulin. Hindi niya gugustuhing bumagsak ang buong kumpanya at biguin ang kanyang lolo.

Tumayo si Bernard at lumabas saglit, pagkatapos ay muli itong pumasok kasunod si Pauline. Ilang minutong sermon ang natanggap ni Pauline dahil sa nangyari kanina. Para silang magtatay kung pagmamasdan.

Pagkatapos ipakilala ni Bernard si Pauline kay Luke ay ipaliwanag ni Bernard sa kanya na ito muna ang tutulong sa kanya sa kanyang pag-i-ensayo. Nagpaalam na rin si Bernard na babalik na ito sa main branch dahil may mga importante pa itong aasikasuhin doon.

"Ayos ka lang ba Ms. Lee?" tanong ni Luke. Pagkatapos umalis ni Bernard ay nanatiling tahimik lang si Pauline na para bang ikamamatay nito oras na magsalita ito. Ni hindi nga ito nag-abalang tumingin sa kanya.

"Y-yes, Mr. Cruise. I-I'm really sorry about what happened earlier. I'll promise it will never, ever, happen again." nauutal at nahihiyang tugon ni Pauline.

Hindi mapakali si Pauline kanina sa labas ng opisina. Paroon at parito ang lakad nito sa hallway, habang iniisip kung paano hihingi ng tawad kay Luke.

Kung nakakatakot na si Bernard para sa kanya, dapat lang ay mas matakot pa siya kay Luke. Kahit na wala siyang ideya kung ano nga ba talaga ang eksaktong pagkakakilanlan ni Luke, dahil sa nagawa ni Bernard na yumuko sa harapan nito at tawagin itong young master, marahil ay isa itong tagapagmana ng napakamakapangyarihang pamilya na kahit na mismo si Bernard na siyang tinitingala na ng marami ay lubos na igininagalang ito.

"Ayos lang, 'wag mo nang isipin pa ang tungkol doon." kaswal na sambit ni Luke.

'Eh?' Ilang beses na napakurap ang mata ni Pauline habang nakatitig kay Luke. 'Hindi siya galit sakin?' tanong nito sa isip.

"Bakit, may problema ba Ms. Lee?" tanong ni Luke nang mapansing nakatingin lamang sa kanya si Pauline.

Mabilis na umiling-iling si Pauline. "N-no, Mr. Cruise. I'm just surprised and happy that you're not mad at me. Thank you." sambit nito pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga na para bang nabunutan ito ng tinik sa dibdib.

"Nauunawaan ko ang sitwasyon mo at alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari kanina." wika ni Luke. Alam niya ring naging overprotective lang si Bernard kanina kaya ganoon nalang ang naging reaksyon nito sa nangyari. Wala talagang kasalanan si Pauline.

"Thank you again, Mr. Cruise." muling pasasalamat ni Pauline. Hindi nito lubos maisip na ang bago nilang presidente ay napakabait at napakamapagkumbaba pala.

Bahagya lamang na tumango si Luke. "Maaari na ba tayong magpatuloy sa pag-iensayo ko?" tanong niya.

Naku-curious siya sa kung paanong paraan siya tuturuan ni Pauline sa pamamahala ng kumpanya. Napakabata pa nito para sa posisyong executive manager. Sa tantiya niya ay mas matanda lang sa kanya ito ng lima o anim na taon.

Hindi sa kini-question niya ang kakayahan nito, sa katunayan ay humahanga siya rito dahil nagagampanan na nito ang ganitong klaseng tungkulin. Karaniwan, ang mga executive manager ng isang kumpanya ay nasa tatlumpung taong gulang na pataas.

"I think, kailangan muna natin magpatawag ng meeting para sa lahat ng company staff members. Since some of the employees don't know you yet, I guess it is the most important thing to do right now, right?"

Ayaw na ni Pauline na masermonan pa ni Bernard kapag nagkataong harangin na naman si Luke sa labas dahil sa hindi nila ito kilala at mapagkamalan na naman itong pulubi. Maalala lang ni Pauline ang galit na mukha ni Bernard ay tumatayo na ang balahibo niya sa kanyang batok.

Napaisip si Luke. Kapag nalaman ng kanyang mga empleyado ang tunay niyang pagkakakilanlan, malamang sa malamang ay makakarating din ito sa labas. Bagay na ayaw niyang mangyari.

Kaya nag-extend si Luke sa kanyang poverty training ay upang mapatagal niya pa ang kanyang pagpapanggap na mahirap. Ito ay para din mahanap niya ang babaeng nararapat para sa kanya. Ang babaeng mamahalin siya at tatanggapin siya sa kung anong pagkatao niya, hindi dahil sa kanyang yaman. Oras na malaman nilang siya ang nagmamay-ari ng ENDX Corporation, siguradong maraming babaeng sakim sa yaman ang magkandarapa sa kanya.

Biglang pumasok sa kanyang isipan si Veronica. Ano kaya kung sabihin niya rito na isa talaga siyang mayaman? Babalik ba ito sa kanya? Hihiwalayan din ba nito si Richard para sa kanya?

Umiling-iling si Luke. Hindi niya gugustuhing magkabalikan pa sila dahil lang sa nalaman nitong isa na siyang mayaman ngayon. Tinalikuran siya ni Veronica nang dahil lang sa pera. Mabuti nalang ay nakipaghiwalay na ito sa kanya bago niya pa man ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan dito.

"Sa tingin ko ay hindi na kailangan. Ipaalam mo lamang sa kanila na may bago nang Presidente ang ENDX Corp."

Napakunot ang noo ni Pauline. Hindi nito lubos maunawaan ang ibig-sabihin ni Luke. "What do you mean, Mr. Cruise? Do you intend to keep your real identity hidden from everyone?" tanong nito, gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala. Nababahala itong baka mangyari ulit ang tulad ng nangyari kaninang pagharang kay Luke ng dalawang guwardya.

Napansin iyon ni Luke. "Huwag kang mag-alala, sasabihin ko nalang kay Bernard ang tungkol dito at wala kang kinalaman sa desisyon ko. Alam kong mauuunawaan niya naman." sambit niya habang bahagyang nakangiti.

"O-okay, Mr. Cruise."

Hindi man maintindihan ni Pauline kung bakit gusto ni Luke na itago ang kanyang pagkakakilanlan, ay hindi na ito nag-abala pang mag-usisa. Baka isa lang talagang low-key type si Luke. Kung ibang tao ang nasa kanyang posisyon ay marahil ipinangalandakan na nila na sila ang presidente ng sikat na ENDX Corporation.

'He is really a humble guy!' naisip ni Pauline, tila kinikilig pa ito sa sarili. Wala pang isang oras simula nang magkakilala sila ay nagsimula na itong magkagusto kay Luke. 'May girlfriend na kaya siya?'

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Flor Neneng Infante
26 si Pauline at 20 si Luke?
goodnovel comment avatar
Zaligma
Although may pagkakahawig ang novel ko sa mga mayamang nagpapanggap na mahirap at binubully, part lang po iyon ng story na 'to. Nakaplano na po lahat ng isusulat ko rito maging na ang ending nito : )
goodnovel comment avatar
Emily Resente
As the story goes...nice, kc ung curiousity q napupukaw, looking forward the extense of this story. Hopelly hndi xa paikot-ikot para lng bumitin ng mambabasa, un bang wlng maraming pasakalye
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status