Matapos marinig ni Reynold ang mga sinabi ng kanyang Ama, ay agad na namutla ang kanyang mukha. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay nakaramdam siya ng matinding takot na mas matindi pa kaysa sa sarili niyang kamatayan.Ano itong nagawa niya? Ginalit niya lang naman ang isa sa tagapagmana ng pamilya Cruise! Kung alam niya lang na ang lalaking ito ay isa palang tagapagmana ng ubod na yamang pamilya ay sana hindi niya na ginawa pang insultuhin ito. Hindi lang sarili niya ang apektado. Paniguradong madadamay ang buong pamilya niya dahil sa kagagawan niya.Tumingin ito kay Luke pagkatapos ay napaluhod at buong pagmamakaawang sinabing, "Please Young Master, patawarin mo ako sa nagawa ko. I'm really sorry, hindi ko sinasadya." naiiyak na paghingi ni Reynold ng patawad. Bahagya pa itong humahakbang nang nakaluhod patungo sa kinatatayuan ni Luke.Napasimangot lang si Luke habang malamig na tinitigan ang nakaluhod na si Reynold. Anong ibig niya sabihin na hindi niya sinadya? "Ibig mo bang s
Pagkatapos ng naganap na komosyon sa Light Metrobank, at pagkatapos ng ilang proseso para muling ma-access ni Luke ang kanyang mga ari-arian at pera, ay heto siya ngayon, pangiti-ngiti habang bitbit ang take-out na pagkain at binabaybay niya ang corridor patungo sa kanilang dormitoryo.Pagkapasok niya sa kanilang kwarto ay nadatnan niyang nakahiga sa sarili nitong kama si Tony habang nakatalikod ito sa kanya at nanonood ng videos sa cellphone nito. Agad na napakunot ang noo ni Luke nang makita ito. Hindi ba oras ng klase at alas dos pa dapat ang balik nito?Inilapag niya ang bitbit niyang mga supot ng pagkain na para talaga sa kanya at kanyang mga kasamahan sa dormitoryo. Gusto niyang ipagdiwang ang kanyang pagbabalik bilang isang anak mayaman kasama ang kanyang mga roommates. Pero ayaw niyang maghinala sila kung yayayain niya sila sa isang magarbong pagsasalo kaya napag-isipan niya lang na bumili ng hindi kamahalang pagkain para sa kanila."Tony tara kain tayo. May dala akong take-out
Habang abala sa pag-order ang tatlo ay iginala naman ni Luke ang kanyang paningin. Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Luke sa bar.Kahit na anak ng mayaman, simula pagkabata hanggang edad labing lima ay walang ibang ginawa si Luke kung hindi ang manatili sa Manor upang mag-aral at matuto ng iba't-ibang kaalaman mula sa iba't-ibang kilala at sikat na guro at eksperto, na nagmula sa iba't-ibang panig ng mundo.Pagdating ng ikalabing anim na taong gulang ay isinabak siya sa gyera, na siyang kanyang ikatlong training. Dito ay naranasan ni Luke ang matinding hirap. Kung hindi dahil sa una't ikalawang training ay marahil nabigo siya sa ikatlo niyang training. Sa tulong din nito ay mas napabuti pa nang lubos ang kanyang pakikipaglaban, mapa long range combat man o hand-to-hand combat.Sa loob ng isang taong 'war training', ay agad na sumabak siya sa kanyang ikaapat na training, ang tatlong taong 'poverty training'. Magmula sa gyera ay diretso agad siya sa pagiging pulubi na kung saan ay
Tinulungan ng isang tauhan ni Douglas si Arman habang ang tatlo naman ay galit na pinagmasdan si Luke, determinadong gulpihin siya ng mga ito."Ang lakas naman ng loob mo bata! Hindi mo ba kilala kung sino kami?" sambit ng isa sa tatlo at tumalikod pa ito nang bahagya para ipakita ang tattoo sa kanyang batok."Hah! Marahil ay naghahanap ng kapahamakan ang isang 'yan. Sisiguraduhin kong makakamit mo ang hinahangad mo bata." ani naman ng isa pa habang pinapalagutok ang kanyang mga buto sa daliri."Tama. Pero siguraduhin niyong 'wag niyo 'yang tutuluyan. Dadalhin ko 'yan mamaya sa dog farm upang tadtarin nang buhay at ipakain kay Bruno." sambit naman ng isa pa na ang tinutukoy ay ang alaga nilang malaking Pitbull na sinundan ng malademonyong halakhak.Hindi umimik si Luke sa halip ay siya mismo ang unang sumugod sa tatlo. Dahil sa hindi napaghandaan ng tatlo ang pag-atake ni Luke ay saglit lang nakahandusay na ang mga ito at mga wala na ring malay tulad ni Arman. Ang liksi at presisyon na
Muling bumalik si Luke sa ikatlong palapag. Saktong paakyat siya habang pababa naman ang ilang miyembro ng BPG kasama ang isang gwardyang nagbabantay kanina sa pinto ng ikatlong palapag. Napahinto sila nang makasalubong siya."S-siya ang binatang nagpumilit pumasok kanina." tukoy ng gwardya kay Luke.Nagtataka namang pinagmasdan ng mga miyembro si Luke. Hindi sila kumbinsidong siya ang nambugbog sa mga tauhan ni Douglas. Napakabata pa nito kung titingnan at parang wala naman itong kakayahan sa pakikipaglaban. Natawa ang ilan sa kanila."Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo magagawa nitong gulpihin ang mga tauhan ni Douglas?" natatawang sambit ng isang miyembro."Sigurado ka bang ito ang tinutukoy mo? Eh mukhang estudyante palang ang isang 'to eh." sambit naman ng isa pa na hindi rin kumbinsido sa sinasabi ng gwardya."Ano ka ba sa Bar na'to, gwardya o komedyante?" ani rin ng isa na mas nagpalakas ng kanilang tawanan.Natahimik lang ang gwardya. Totoo ang kanyang sinasabi pero hindi rin siya
Matapos masabi nina Arman kay Malcov ang totoong pinaggagagawa nila ay walang imik na pinagmasdan lamang ni Malcov si Douglas na ngayon ay nakayuko na lamang at naghihintay ng sasabihin ni Malcov. Si Douglas ang tinaguriang kanang kamay ni Malcov pero siya itong nangungunang lumalabag sa utos ng kanilang 'gang rules'. Oras na malaman ito ng ibang gang ay malaking kahihiyan ito para sa buong BPG.Maririnig ang malalim na pagbuntong hininga ni Malcov. Pinagmasdan niya si Douglas at iniisip kung bakit sinunod niya pa ang utos ng dating lider ng BPG na gawing kanang kamay ito."Mukhang hindi naman kayo nagsisinungaling." wika ni Malcov.Nabuhayan naman ng dugo sina Arman na para bang sa tingin nila ay papatawarin pa sila ni Malcov. "Dalhin sila sa dog farm. Magmula ngayon ay doon kayo titira kasama ang mga aso sa loob ng sampung taon bilang kaparusahan sa paglabag niyo sa alituntunin ng gang. Magsisilbi rin kayong tagalinis ng mga kulungan at kasama nilang matutulog." dagdag pa ni Malcov k
Lahat nag-aabang ng susunod na mangyayari. Base sa pagkakakilala nila sa kanilang lider ay hindi malabong tuluyan nito ang aroganteng binata na ito."Hanga rin ako sa tapang mo. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganito katapang na binata na kahit nasa dulo na ng paa ang hukay ay kalmado pa ring nakikipaglaro kay kamatayan." puri ni Malcov na sinundan ng malakas na halakhak. "Anong pangalan mo?""Hindi ka ba nangangalay? Bakit ayaw mong iputok muna ang baril na 'yan? Hindi ba makapangyarihan naman ang gang niyo? Saglit niyo lang maitatago ang bangkay ko pagkatapos mo akong patayin." Hindi tumugon si Luke sa tanong ni Malcov sa halip ay hinamon niya pa itong iputok ang hawak nitong baril."Gusto mo ba talagang kalabitin ko ang baril na'to?" nakataas ang kilay na tanong ni Malcov."Sige lang. Ikaw lang din naman ang mangangalay." wika ni Luke saka muling isinandal nang husto ang sarili sa sofa. Kampanteng pinagmasdan lamang niya si Malcov.Ilang saglit lang ay kinalabit nga ni Malcov ang baril
Isang matangkad na lalaki ang pumasok nang walang pahintulot sa kanilang kwarto. Naka army cut itong gupit at nakasuot ito ng puting sando at baggy fit na kulay itim na pantalon. Makikita sa maskulado nitong bisig ang isang tattoo ng ulo ng dragon. Kasunod na pumasok sa kwarto ay ang dalawang babae na nagtatawanan pa at isang matangkad din na lalaki na may seryosong ekspresyon lang sa mukha. Mga pawang may magagandang hubog ng katawan ang mga ito. Para silang mga sundalong naka sibilyan kung pagmamasdan."L-Leon? Anong ginagawa mo rito?" Napatayo pa si Malcov sa kanyang kinauupuan nang makita ang unang lalaking pumasok. Maging ang buong miyembro ng BPG ay gulat na gulat din nang makita si Leon."Ganyan ba ang tamang pagsagot ng tanong? Magtanong din?"Dire-diretsong lumapit si Leon kay Malcov. Binigyan niya ito ng mapanukat na titig.Si Leon ang kinikilalang Warlord ng White Dragon Knights na siyang nangungunang gang sa buong Luzon. Kasama nito ang tatlong may matataas ding ranggo sa