Muling bumalik si Luke sa ikatlong palapag. Saktong paakyat siya habang pababa naman ang ilang miyembro ng BPG kasama ang isang gwardyang nagbabantay kanina sa pinto ng ikatlong palapag. Napahinto sila nang makasalubong siya."S-siya ang binatang nagpumilit pumasok kanina." tukoy ng gwardya kay Luke.Nagtataka namang pinagmasdan ng mga miyembro si Luke. Hindi sila kumbinsidong siya ang nambugbog sa mga tauhan ni Douglas. Napakabata pa nito kung titingnan at parang wala naman itong kakayahan sa pakikipaglaban. Natawa ang ilan sa kanila."Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo magagawa nitong gulpihin ang mga tauhan ni Douglas?" natatawang sambit ng isang miyembro."Sigurado ka bang ito ang tinutukoy mo? Eh mukhang estudyante palang ang isang 'to eh." sambit naman ng isa pa na hindi rin kumbinsido sa sinasabi ng gwardya."Ano ka ba sa Bar na'to, gwardya o komedyante?" ani rin ng isa na mas nagpalakas ng kanilang tawanan.Natahimik lang ang gwardya. Totoo ang kanyang sinasabi pero hindi rin siya
Matapos masabi nina Arman kay Malcov ang totoong pinaggagagawa nila ay walang imik na pinagmasdan lamang ni Malcov si Douglas na ngayon ay nakayuko na lamang at naghihintay ng sasabihin ni Malcov. Si Douglas ang tinaguriang kanang kamay ni Malcov pero siya itong nangungunang lumalabag sa utos ng kanilang 'gang rules'. Oras na malaman ito ng ibang gang ay malaking kahihiyan ito para sa buong BPG.Maririnig ang malalim na pagbuntong hininga ni Malcov. Pinagmasdan niya si Douglas at iniisip kung bakit sinunod niya pa ang utos ng dating lider ng BPG na gawing kanang kamay ito."Mukhang hindi naman kayo nagsisinungaling." wika ni Malcov.Nabuhayan naman ng dugo sina Arman na para bang sa tingin nila ay papatawarin pa sila ni Malcov. "Dalhin sila sa dog farm. Magmula ngayon ay doon kayo titira kasama ang mga aso sa loob ng sampung taon bilang kaparusahan sa paglabag niyo sa alituntunin ng gang. Magsisilbi rin kayong tagalinis ng mga kulungan at kasama nilang matutulog." dagdag pa ni Malcov k
Lahat nag-aabang ng susunod na mangyayari. Base sa pagkakakilala nila sa kanilang lider ay hindi malabong tuluyan nito ang aroganteng binata na ito."Hanga rin ako sa tapang mo. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganito katapang na binata na kahit nasa dulo na ng paa ang hukay ay kalmado pa ring nakikipaglaro kay kamatayan." puri ni Malcov na sinundan ng malakas na halakhak. "Anong pangalan mo?""Hindi ka ba nangangalay? Bakit ayaw mong iputok muna ang baril na 'yan? Hindi ba makapangyarihan naman ang gang niyo? Saglit niyo lang maitatago ang bangkay ko pagkatapos mo akong patayin." Hindi tumugon si Luke sa tanong ni Malcov sa halip ay hinamon niya pa itong iputok ang hawak nitong baril."Gusto mo ba talagang kalabitin ko ang baril na'to?" nakataas ang kilay na tanong ni Malcov."Sige lang. Ikaw lang din naman ang mangangalay." wika ni Luke saka muling isinandal nang husto ang sarili sa sofa. Kampanteng pinagmasdan lamang niya si Malcov.Ilang saglit lang ay kinalabit nga ni Malcov ang baril
Isang matangkad na lalaki ang pumasok nang walang pahintulot sa kanilang kwarto. Naka army cut itong gupit at nakasuot ito ng puting sando at baggy fit na kulay itim na pantalon. Makikita sa maskulado nitong bisig ang isang tattoo ng ulo ng dragon. Kasunod na pumasok sa kwarto ay ang dalawang babae na nagtatawanan pa at isang matangkad din na lalaki na may seryosong ekspresyon lang sa mukha. Mga pawang may magagandang hubog ng katawan ang mga ito. Para silang mga sundalong naka sibilyan kung pagmamasdan."L-Leon? Anong ginagawa mo rito?" Napatayo pa si Malcov sa kanyang kinauupuan nang makita ang unang lalaking pumasok. Maging ang buong miyembro ng BPG ay gulat na gulat din nang makita si Leon."Ganyan ba ang tamang pagsagot ng tanong? Magtanong din?"Dire-diretsong lumapit si Leon kay Malcov. Binigyan niya ito ng mapanukat na titig.Si Leon ang kinikilalang Warlord ng White Dragon Knights na siyang nangungunang gang sa buong Luzon. Kasama nito ang tatlong may matataas ding ranggo sa
Pagkalipas ng ilang saglit ay tinawanan lang nila ang sinabi ni Luke. Para sa kanila ay napakalabong mangyari ng kanyang sinabi. Kilala na ng halos lahat ng estudyante si Luke. Sikat siya sa paaralan bilang isang basurang pakalat-kalat at walang katale-talento. Paano magagawa ng katulad niya na mapasunod ang katulad nina Matthew na maglinis ng banyo?Nakisabay nalang sa tawanan si Matthew. Kahit papaano ay nadala siya ng sinabi ni Luke kahit na hindi rin siya naniniwala dito. "Nababaliw ka na talaga ata." naiwika lang nito pagkatapos ay muling bumawi ng postura."Anong kaguluhan 'to Luke? Matt?" Isang boses ng babae ang nagpahinto sa kanilang tawanan. Si Veronica iyon. Maging siya ay narinig din ang mga sinabi ni Luke kina Matthew. Nasa likudan nito si Patricia."Wala kaming ginagawa sa kanya. Siya itong pinagbabantaan kami." pagsisinungaling ni Matthew habang nakataas pa ang dalawang kamay.Hindi inaasahan ni Matthew na pupunta si Veronica ngayon sa cafeteria. Ito na sana ang napakaga
Ang lakas naman ng loob ng pulubing ito na hamunin si Dexter. Sino ba siya sa tingin niya? Anak ng Presidente ng Pilipinas?"Ano ring karapatan mo para hamunin ako? I'm asking you nicely to leave this place or else ay pagsisisihan mo kung magmamatigas ka pa."Inilapag ni Luke ang hawak niyang menu pagkatapos ay seryosong tiningnan si Dexter. "Talaga? Bakit ko naman pagsisisihan kung magmamatigas ako?"Una sa lahat ay wala naman siyang ginagawa sa kanila. Sila itong hinuhusgahan siya dahil lang sa kanyang pananamit. Ang tanging nais ni Luke ay kumain at magpakabusog. Isa pa ay mukhang hindi naman nila pagmamay-ari ang restaurant na ito. Saka lang siya aalis kung sasabihin nilang kanila ito."Talagang..."Hindi napigilan ni Dexter na mailing. Hindi niya akalain na may ganito pala ka-aroganteng pulubi. Pambihira."Right. Kung ayaw mong umalis, I think there's someone who will help you to do that."Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ng Manager ng restaurant."Sino an
"Wait what? Are you serious?" gulat na tanong ni Tiffany sa waiter. Pero ang tanong na iyon ay isa lang ang gustong sagot na marinig at iyon ay 'hindi'.Kani-kanina lang, kung insultuhin nila si Luke ay parang kilalang-kilala na nila ang buong pagkatao nito. Ngayon ay pare-pareho silang nakamulagat sa kanilang narinig mula sa waiter.Kung totoo mang isa ngang SVIP client ng Light Metrobank si Luke, ibig lang nitong sabihin ay nagmula ito sa ubod na yamang pamilya. Para na rin lang nilang hinabol ang leon na nagbalat-kayong tupa."Imposible! Just look at him Manager! Mukha bang anak mayaman 'yan?" hindi makapaniwalang sambit ni Dexter. "You're just kidding right?" baling ni Dexter sa waiter.Nagugulumihanang tiningnan ng waiter sina Dexter bago nagtatakang inilipat ang tingin kay Joey. "I-I'm sure Sir. Ito po ang customer na sinabi ko sa inyo kanina na may hawak na SVIP Light Metrobank Card. Hindi ko po maunawaan. May problema po ba?"Napasampal sa noo si Joey. Saka niya lang napagtanto
Tahimik na pinagmamasdan ni Lauren si Luke na kasalukuyang kumakain. Makailang beses nang inalok ni Luke si Lauren pero panay tanggi lang ito. Ilang putahe ng pagkain ang inorder ni Luke pero halos maubos niya lahat ng iyon."Are you done?" tanong ni Lauren."Hmm." Pinunasan muna ni Luke ang kanyang bibig gamit ang tissue. "Sulit. Ang sarap ng mga pagkain niyo rito." puri ni Luke pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang wallet at inabot kay Joey ang kanyang SVIP card. "Ang password ay 122502."Galak na galak naman na tinanggap iyon ni Joey. Ito ang unang beses na nakahawak siya ng SVIP Light Metrobank card. "I'll be right back." sambit nito.Pagkaalis ni Joey ay namayani ang katahimikan sa pagitan nina Luke at Lauren."Kamusta—""Kamusta—"Halos sabay na sambit ng dalawa na sinundan ng awkward na katahimikan.Pagkalipas ng ilang saglit ay si Luke ang nagsimula ng usapan. "Hindi ko alam na kasal ka na pala. Bakit parang biglaan?"Hindi sumagot si Lauren sa halip ay tahimik niya lang na pin