Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana.
Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame. Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niyang hindi ganoon magiging kadali iyon. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga habang inihihiga ang sarili sa kama. Halos kalahating oras niya ring pinagmasdan ang kisame ng kwarto habang malalim na nag-isip. Pagkatapos ay napagdesisyunan niyang dukutin sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at hinanap sa contacts ang numero ng kanyang lolo na si Duncan. Tinawagan niya ito. Ilang saglit lang ang nakalipas, sinagot ito ni Duncan. "Apo! Kamusta ka na? Napagdesisyunan mo na bang bumalik dito sa Manor?" bulalas nito sa kabilang linya. Hindi man nakikita ni Luke ang mukha ng kanyang lolo, alam niya kung gaano ito kasaya sa kanyang pagtawag at alam niya kung gaano siya nito nami-miss. Napangiti siya. Nami-miss niya rin nang husto ang kanyang lolo. "Ayos lang po ako." tugon ni Luke. Pero mababakas sa kanyang tono ang kalungkutan. Napuna iyon ni Duncan. "Apo, alam mo naman 'di bang hindi ka makakapagsinungaling sa lolo mo? Alam kong hindi ka ayos." sambit ni Duncan pagkatapos ay tumawa ito. Ang totoo ay alam na ni Duncan ang nangyaring paghihiwalay nila ni Veronica kanina. Naningkit ang mga mata ni Luke. 'Nabanggit na kaya ni Zachary ang tungkol sa nangyari kanina?' tanong niya sa kanyang isip. Si Zachary ay anak ng kanilang family butler na si Sigmund at isa ito sa top security personnel ng pamilya. Ipinadala ito ng lolo ni Luke upang maging personal niyang tagapagbantay at magpanggap na janitor sa unibersidad na kanyang pinapasukan para mas mabantayan siya nito. Bumuntong-hininga siya at sinabing, "Paumanhin po kung nabigo man po kita 'lo." Ang pagpili ng tamang babaeng papakasalan ay isa sa pinakaimportanteng alituntunin ng kanilang pamilya. Ayos lang kahit hindi nila kasingyaman ang pamilya ng babae, ang mahalaga ay mamahalin nito ang kanyang asawa nang buong puso, hindi sa kung anong yaman meron ito. Lalo pa't si Luke ang nangungunang kandidato na magiging tagapagmana ng yaman ng kanilang pamilya. "Hindi apo, ayos lang. Napakarami pang oras para pumili ng tamang babae. 'Wag mong madaliin ang sarili mo. Byente anyos ka palang." sambit ni Duncan. Nasa boses nito ang pagsuporta sa kanyang apo. "Thank you po 'lo." sambit ni Luke habang nakangiti saka nagpatuloy. "Ang rason po kung bakit ako napatawag ay para sabihin po sa'yo na gusto ko na pong simulan ang pag-iensayo ko sa pamamahala ng ating negosyo." Sa totoo lang ay tapos na si Luke sa kanyang tatlong taong poverty training ilang buwan na ang nakakalipas at pinapabalik na siya ng kanyang lolo sa kanilang Family Manor para sa sunod na training. Pero dahil sa alanganin ang sitwasyon ay mas pinili ni Luke na manatili muna sa unibersidad at ipagpatuloy ang kanyang pagpapanggap na mahirap at pati na rin ang kanyang pag-aaral. Dahil tapos na rin naman siya sa ikaapat na training, ay pwede niya nang simulan ang ikalima niyang training, ang 'family business training'. "Gano'n ba?" napatango-tango si Duncan. "Well, that's good! Ang totoo ay naihanda ko na rin naman ang kumpanya kung saan ka magsisimulang mag-ensayo." natutuwang sambit ni Duncan pagkatapos ay muling nagpatuloy. "Ang ENDX Corporation ay isa sa ating mga kumpanya at meron din tayong branch diyan sa Quezon. Doon ka magsisimula ng training mo." Bago pa man matapos ang poverty training ni Luke ay napaghandaan na iyon ni Duncan. Napagdesisyunan niyang magtayo rin ng branch ng kumpanya sa syudad kung saan nag-aaral si Luke. Nagulat si Luke sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na ang sikat na kumpanyang pinagkakaguluhan ng mga nasa middle class hanggang upper class na pamilya, ay pag-aari pala nila. Noong bata pa siya, bago niya pa man simulan ang kanyang mga pag-iensayo, ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na alamin man lang kung gaano kayaman ang kanilang pamilya. Ang tanging alam niya lang ay mayaman ang kanilang pamilya, iyon lang. "Seryoso ka po ba? Hindi ka po ba nagbibiro?" gulat na tanong ni Luke. Ang mismong branch na iyon sa Quezon ay mayroong net worth na nagkakahalaga ng tatlong bilyong dolyar! Lalo pa kaya ang kabuuang net worth ng buong kumpanya! Gumawa noon si Luke ng research patungkol sa ENDX Corporation dahil sa hilig niya sa mga sasakyan. Ang ENDX Corp ay isang Automotive Company na nag top 1 sa Automotive Industry sa loob lamang ng limang taon. Maraming branch ang ENDX Corp sa iba't-ibang bansa pero ang main company ay nasa Manila. Hindi niya lubos maisip nang sabihin ng kanyang lolo na kanila ang kumpanyang iyon. Gaano nga ba kayaman ang kanilang pamilya? "Syempre naman hindi ako nagbibiro. Bakit naman ako magbibiro patungkol sa bagay na ito?" tumatawang wika ni Duncan saka nagtanong. "Kailan ka ba pupunta?" Saglit na nag-isip si Luke. Dahil sa hindi naman siya pumasok ngayon, bakit hindi nalang siya ngayon pumunta? "Pwede po akong makapunta ngayon 'lo." tugon ni Luke. "Mabuti 'yan. Ipapaalam ko agad kay Bernard na pupunta ka ngayon. Kilala ka na rin naman niya kaya makikilala ka niya agad kapag nando'n ka na. ifo-forward ko rin sa'yo ang kanyang numero, para matawagan mo siya sakaling makarating ka na sa kumpanya." wika ni Duncan. Muli, nagulat si Luke sa kanyang narinig. Ang tinutukoy ng kanyang lolo ay si Bernard Bautista! Ang kasalukuyang Presidente ng ENDX Corp! Makikita niya na rin sa wakas sa personal ang iniidolo niya at pinakasikat na negosyante sa buong mundo. Hindi akalain ni Luke na si Bernard, na isang bilyonaryo at tinitingala ng lahat, ay nagtatrabaho lang din pala sa kanilang pamilya. Ang buong akala niya noon ay mas mayaman pa ito kaysa sa kanila. Nasa estado pa rin ng pagkagulat si Luke nang matapos ang tawag. Ganoon ba talaga kayaman ang kanilang pamilya? Ibig din ba nitong sabihin ay mas mayaman pa sila sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa? Nabanggit din ng kanyang lolo na ang ENDX Corp ay isa lamang sa kanilang mga kumpanya kaya nangangahulugan lamang ito na may iba pa silang kumpanya hindi lamang marahil dito sa Pilipinas, kung hindi na maging sa iba pang bansa! Ang kaninang lungkot na kanyang nararamdaman ay napalitan ng pagkagalak. Agad na napatayo siya at lumabas ng campus. Pagkatapos ay sumakay siya ng dyip papuntang ENDX Corp sa Downtown. Pagkababa ng dyip ay ilang minuto pa ang nilakad niya papunta sa mismong building ng ENDX Corp. Muli siyang nakaramdam ng pagkagalak nang makita ang napakalaki at napakagandang building sa kanyang harapan. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta si Luke rito. Agad na namangha siya sa ganda ng disenyo at istraktura ng gusali. Sa tantiya niya ay nasa mahigit limampung palapag meron ang building na ito. "Ang ganda!" mahinang sambit niya sa manghang-manghang tono. Hindi niya mapigilang puriin kung sino man ang arkitektong itinalagang gumawa ng disenyo ng gusali. Maya-maya lang ay isang security guard ang lumapit sa kanya. Hindi niya pa sana mapupuna ito kung hindi pa ito nagsalita. "May kailangan ka ba bata? Ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, bawal mamalimos dito." sambit nito habang pinagmamasdan si Luke mula ulo hanggang paa. Agad na nawala ang saya sa mukha ni Luke. Bahagya siyang nadismaya sa bungad ng security guard. "Hindi ako naririto para mamalimos. Nandito ako para makipagkita kay Mr. Bernard." wika niya. "Talaga ba? Sino namang santong Bernardo hinahanap mo aber?" tanong ng guwardya na may halong pangungutya sa tono ng boses nito. Hindi mapigilang mairita ni Luke sa inaasta ng guwardya. "Ang tinutukoy ko ay ang presidente ng kumpanya." walang ganang tugon ni Luke. Pagkatapos ay dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa upang tawagan ang numero ni Bernard. Tumawa nang malakas ang guwardya. Dahilan para maagaw ang atenyon ng mga dumaraang empleyado. "Ano kamo? Pakiulit? Isinilang ka bang payaso? Napakaimposible naman ng sinasabi mo bata." sambit ng guwardya habang nakapameywang na tumatawa. Isang security guard pa ang lumapit sa kinaroroonan nila. "Anong nangyayari dito?" agad na tanong nito nang makalapit ito kina Luke. Nakita nito kung sino ang kausap ng kanyang kasamahan. Base sa pananamit ni Luke ay malamang naparito lang ito upang mamalimos sa mga dumaraang empleyado tulad ng ibang pulubing napapadpad dito o baka naman ay mag-aapply lamang ito bilang janitor. Pero wala naman itong dalang dokumento o anupaman para masabing mag-aapply ito ng trabaho. "Sinasabi ng batang ito na naririto raw siya para makipagkita kay Mr. Bautista. Biruin mo nga naman o." paliwanag ng naunang guwardya na sinundan ng malakas na tawa. Natawa rin ang ibang empleyadong nakakarinig ng kanilang pag-uusap. "Ano raw? Makikipagkita raw siya kay President Bernard?" hindi makapaniwalang pabulong na tanong ng isang empleyado sa katabi nito. "Napakaimposible. Tayo nga na mismong empleyado ng kumpanya ay hindi magawang makalapit kay Mr. Bautista, siya pa kayang isang hamak na pulubi lang?" tugon naman ng isa sa kausap. "Marahil ay nasisiraan lamang 'yan ng bait. O hindi kaya ay gumagawa lamang ng dahilan para makalusot sa mga guwardya at makapamasyal sa loob." naiiling na sabat naman ng isa pa. Napailing-iling ang guwardyang kakarating lang at inisip na baka isa lamang naliligaw na baliw si Luke. Oo, nandito nga si Bernard sa branch nila ngayon. Bibihira lang din itong bumisita rito dahil madalas nasa ibang bansa ito para asikasuhin ang iba pang branch ng kumpanya. Kung nandito man siya sa Pilipinas ay namamalagi naman ito sa main branch sa Manila. 'Nakakapagtaka lang na alam ng binatang ito na nandito ngayon si Mr. Bautista. Isa pa, nabanggit din nitong makikipagkita raw siya kay Mr. Bautista.' naisip ng ikalawang guwardya, nasa mukha nito ang pagtataka. Kahit na minsan ay hindi nagtuon ng atensyon si Bernard sa kanila kahit na empleyado sila ng kumpanya. Kay Luke pa kayang mukhang pulubi? Sinasabi pa nitong makikipagkita ito sa presidente ng ENDX Corporation? Ang pinakasikat na negosyante sa buong bansa? Napakaimposible! "Sige salamat, Mr. Bernard." Sa puntong iyon ay kakatapos lang makausap ni Luke si Bernard sa kanyang cellphone. Napansin niyang natigilan ang dalawang guwardya habang nakakunot ang noong nakatitig sa kanya. "Bakit?" takang tanong niya. Nagkatinginan ang dalawang guwardya pagkatapos ay magkasabay na humalakhak. "Baliw nga ang isang ito!" natatawang sambit ng naunang guwardya. Talagang nakuha pa ni Luke na magpanggap na kausap nito si Bernard sa cellphone. Kahit nga siguro janitor ng kanilang kumpanya ay hindi nito kilala sa personal, si Bernard pa kaya? Ang mas nakakatawa pa ay may cellphone number ito kay Bernard at tinawagan nito iyon gamit ang kanyang cellphone na de-keypad! Ang lakas ng tama! "Hoy bata, napakagaling mong magpatawa. Saludo kami sa'yo. Ngayon, makakaalis ka na." wika ng guwardyang kakarating lang. Iminuwestra nito ang kanyang kamay upang paalisin si Luke sa lugar. "At bakit ko naman kailangang umalis? May nagawa ba akong mali?" naiinis pero kalmadong tanong ni Luke. "Oh c'mon kid! Tigilan mo nang magpanggap. Masasabi ko na isa ka rin sa mga pulubing madalas na pumupunta rito para mamalimos sa mga empleyado rito. Tingnan mo nga ang sarili mo. 'Yan na ba ang pinakamaganda mong damit na masusuot para makapanloko? At anong karapatan mo para gamitin ang pangalan ni Mr. Bautista para manloko?" tanong ng naunang guwardya habang may nakapanlolokong ngisi. Napasimangot si Luke. Ganito ba ang mga empleyado ng kanilang kumpanya? Tinatrato ang mga tao base sa kung paano sila manamit? Paano pala kung isa pala talaga siyang mahirap pero nakasuot siya ng pang mayamang damit? Igagalang ba siya ng mga ito? At paano rin kung isa pala siyang kriminal at magpanggap siyang mayaman sa pamamagitan ng pagsuot ng magarang kasuotan? Papatuluyin ba siya ng mga ito? Napabuntong-hininga na lamang si Luke. Kung ganoon, alam na niya kung anong una niyang gagawin kapag nagsimula na siyang mag-training. Ang mga empleyadong katulad ng dalawang guwardyang ito ay hindi nararapat na magtrabaho para sa kanilang kumpanya dahil wala silang magandang maidudulot. Baka makarating sila sa puntong makainsulto ng isang taong nagmula sa napakarangyang pamilya na pareho niya rin kung manamit at baka maging dahilan pa iyon ng masamang epekto sa kanilang kumpanya. Kakausapin niya si Bernard patungkol dito. "Bingi ka ba? Ang sabi namin, umalis ka na. Kung hindi ay mapipilitan kaming gumamit ng dahas." pananakot na sambit ng naunang guwardya. Nakahawak na ang isang kamay nito sa baton na nakasukbit sa tagiliran nito. Hindi umimik si Luke. Sobra siyang nadidismaya sa inaasta nila. Ni hindi man lang siya tinanong ng mga ito kung anong pangalan niya o inalam man lang kung anong tunay niyang pagkakakilanlan. Bagkus ay hinusgahan agad siya ng mga ito dahil lang sa paraan ng kanyang pananamit. "Sinusubukan mo ba kami?" Nakaramdam ng pagkainis ang pangalawang guwardya nang hindi kumilos si Luke. Security guards sila ng pinakasikat na kumpanya! Maraming security guards ang nagtatrabaho sa ibang kumpanya ang naiinggit sa kanila lalo pa't mas malaki ang kanilang sinasahod kumpara sa iba. "Gawin niyo kung anong gusto niyo, pero hindi ako aalis hangga't hindi pa kami nakakapag-usap ni Mr. Bernard." kalmadong wika ni Luke. Nagkatinginan muli ang dalawang guwardya. Talaga bang sinusubukan sila ni Luke? Kung ganoon, bibigyan nila ito ng matinding leksyon! "Ah! Gusto mo munang malumpo bago ka umalis, tama ba?" sambit ng naunang guwardya na sobra nang naiinis sa inaasal ni Luke. Hindi sila papayag na maliitin lang sila ng isang aroganteng pulubi. Napagdesisyunan nilang pipilayin muna nila si Luke bago nila ito tuluyang itaboy nang sa gayon ay hindi na ito makagala pa. Kapag nalaman ng Chief Security nila at tinanong sila kung bakit nila ginawa iyon, sasabihin lang nila na ayaw magpaawat sa panggugulo ng baliw na pulubing ito kaya wala silang nagawa kung hindi ang gamitan na ito ng dahas. "Hah! Tingnan natin kung magiging arogante ka pa pagkatapos nito." sambit ng naunang gwardya, may gigil sa boses nito. "Tama! Ikaw mismo ang may kagustuhang mangyari sa'yo 'to! Tutulungan ka lang namin makamit ang hinahangad mo." sarkastikong sambit naman ng pangalawa. Pagkatapos ay sabay nilang tinangkang sunggaban si Luke habang hawak-hawak ang kanilang mga baton. Pero bago pa man sila makalapit, isang sigaw ng lalaki mula sa kanilang likuran ang nagpahinto sa kanila."Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos kasama ang kanyang postura ng katawan, nagbibigay iyon ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante. Siya si Bernard Bautisa, ang presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinaka-iginagalang na negosyante sa buong mundo. "Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado. "Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado. "Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang mata. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil
"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya," panimula ni Bernard. Napataas naman agad ang kilay ni Luke dahil sa sinabi nito. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya? "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013." Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa ENDX Corp, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ito sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kumpanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago. Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard habang naiiling-iling na para bang may naalala ito. Agad namang
Pero kahit naman wala pang nobya ang kanilang bagong presidente ay napakaimposibleng magkagusto ito sa katulad niyang Executive Manager lang. Kahit na marami namang lalaki ang nanliligaw sa kanya na nagmula sa mayayamang pamilya, ay wala pa ring makakatalo sa karisma at estado sa buhay ni Luke. Bukod sa gwapo at mabait, ay siya ang presidente ng ENDX Corporation! Kung sino man ang babaeng papakasalan nito sa hinaharap ay talagang napakaswerte!"May problema ba Ms. Lee?" nagtatakang tanong ni Luke nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Pauline. Napansin niya ang paghanga sa mga mata nito.Nanlaki ang mga mata ni Pauline at agad itong tumalikod sa kahihiyan. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya ng husto sa mukha ni Luke dahil sa kanyang sobrang paghanga rito. Namula ang kanyang magkabilang pisngi at hiniling na sana magkaroon ng butas sa sahig na kinatatayuan niya at higupin siya nito."No Mr. Cruise. There's nothing wrong." agad na sagot nito habang nakatalikod siya kay Luke.
Nagsimula na ring magkawatak-watak ang mga taong nakapalibot. Nagsibalik sila sa pag-iikot-ikot sa showroom na animo'y walang naganap na komosyon.Tiningnan ni Pauline si Luke na may halong pagtataka sa kanyang mukha. Tinanong niya si Luke kung dapat lang ba nilang hayaan na makaalis ang mag-asawang iyon. Pasimple lang na tumango si Luke at sinabing, "Hayaan mo sila."Hindi komportable si Luke kapag nasa harapan niya ang mga magulang ni Veronica. Ayaw niya silang makita. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya ng mag-asawa. Baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili kapag nagtagal pa ang mag-asawang iyon sa kanyang harapan.Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Pauline. Alam niyang gustong-gusto nito na maturuan sila ng leksyon. Gusto niya rin naman sana, kung hindi lang sila magulang ni Veronica. Baka isipin pa ni Veronica na dahil sa hiniwalayan niya si Luke kaya nito nagawang saktan ang mga magulang niya.Nakaramdam naman ng simpaty
"Mr. Baltazar!" bulalas ni Monique nang makita ang lalaki. Siya si Noel Baltazar, ang Manager ng Light Metrobank."I'm so sorry Mr. Baltazar. Ginawa ko na po ang lahat para mapigilan ang lalaking 'to na makapasok, pero nagpumilit pa rin po ito." paliwanang ni Monique habang nanginginig ng kaunti ang kanyang boses.Saglit na tiningnan ni Noel si Luke saka sinenyasan si Monique na lumapit ito sa kanya. Agad namang sumunod si Monique."Listen to me. Do you know who's this young man beside me?" bulong na tanong ni Noel kay Monique.Saglit namang tiningnan ni Monique ang lalaking katabi ni Noel. Hindi niya ito kilala at hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito. Ngayon lang marahil ito pumunta sa kanilang bangko. Pero masasabi niyang isa itong mayamang kliyente."That's right! He's the son of one of the top clients of Light Metrobank!" sambit ni Noel na para bang nabasa nito ang iniisip ni Monique. "Ganitong uri lang ng tao ang tinatanggap natin sa bangkong ito. Bakit may ganitong tao sa loob
"You see Mr. Rivera, this young man right here is trying to sneak in, at sinasabi niya na makikipagkita siya sa'yo. I guess he's only using your name para makagala sa loob ng bangko." paliwanag ni Noel.Napatango lamang si Louis. Bilang lamang ang salita sa sinabi ni Noel ang makatotohanan. Totoong hinahanap nga ni Luke si Louis, pero hindi totoong ginagamit lamang ni Luke ang pangalan ni Louis para makapasok sa bangko. Lahat ng iyon ay akusasyon lamang ni Noel.Kanina habang tahimik na naghihintay sa loob ng kanyang opisina at nag-iisip ng maaari niyang sasabihin kapag dumating na si Luke, ay biglang tumunog ang telepono ng kanyang opisina. Tawag iyon mula front desk ng bangko. Pagkatapos niyang malaman mula dito ang nagaganap na komosyon sa ibaba ng gusali ay agad niyang binuksan ang kanyang computer upang tingnan ang live cctv footage sa reception area.Sa una, magkahalong pagkagulat at pagkagalak ang kanyang naramadaman nang makita niya si Luke. Pero agad na napasimangot ito nang m
Matapos marinig ni Reynold ang mga sinabi ng kanyang Ama, ay agad na namutla ang kanyang mukha. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay nakaramdam siya ng matinding takot na mas matindi pa kaysa sa sarili niyang kamatayan.Ano itong nagawa niya? Ginalit niya lang naman ang isa sa tagapagmana ng pamilya Cruise! Kung alam niya lang na ang lalaking ito ay isa palang tagapagmana ng ubod na yamang pamilya ay sana hindi niya na ginawa pang insultuhin ito. Hindi lang sarili niya ang apektado. Paniguradong madadamay ang buong pamilya niya dahil sa kagagawan niya.Tumingin ito kay Luke pagkatapos ay napaluhod at buong pagmamakaawang sinabing, "Please Young Master, patawarin mo ako sa nagawa ko. I'm really sorry, hindi ko sinasadya." naiiyak na paghingi ni Reynold ng patawad. Bahagya pa itong humahakbang nang nakaluhod patungo sa kinatatayuan ni Luke.Napasimangot lang si Luke habang malamig na tinitigan ang nakaluhod na si Reynold. Anong ibig niya sabihin na hindi niya sinadya? "Ibig mo bang s
Pagkatapos ng naganap na komosyon sa Light Metrobank, at pagkatapos ng ilang proseso para muling ma-access ni Luke ang kanyang mga ari-arian at pera, ay heto siya ngayon, pangiti-ngiti habang bitbit ang take-out na pagkain at binabaybay niya ang corridor patungo sa kanilang dormitoryo.Pagkapasok niya sa kanilang kwarto ay nadatnan niyang nakahiga sa sarili nitong kama si Tony habang nakatalikod ito sa kanya at nanonood ng videos sa cellphone nito. Agad na napakunot ang noo ni Luke nang makita ito. Hindi ba oras ng klase at alas dos pa dapat ang balik nito?Inilapag niya ang bitbit niyang mga supot ng pagkain na para talaga sa kanya at kanyang mga kasamahan sa dormitoryo. Gusto niyang ipagdiwang ang kanyang pagbabalik bilang isang anak mayaman kasama ang kanyang mga roommates. Pero ayaw niyang maghinala sila kung yayayain niya sila sa isang magarbong pagsasalo kaya napag-isipan niya lang na bumili ng hindi kamahalang pagkain para sa kanila."Tony tara kain tayo. May dala akong take-out