Nagtungo sila sa isang high-end japanese restaurant na kalapit lang sa Avinova mall kaya nilakad lang nila iyon. Kahit na hindi man kasing sikat iyon ng Laurentshé, sikat naman iyon sa mga mahihilig sa japanese style na putahe ng pagkain katulad na lamang ni Jackielyn."I'm sure na magugustuhan niyo ang mga pagkain dito." masayang sambit nito na siyang nasa unahan nila. Kasunuran lang nito si Alona na higit pang nasasabik kaysa kay Jackielyn. Higit na mas masarap talaga para kay Alona ang pagkain lalo na kapag libre.Nasa hulihan nila si Luke, hindi nalalayo kay Kina. Parehas silang tahimik nang oras na iyon. Nagpapakiramdaman at inaalam kung paano kakausapin ang isa't-isa.Palihim na pinagmamasdan ni Luke ang gilid na pigura ni Kina. Napakabanayad nitong maglakad. Ang laylayan ng suot nitong blue rose floral na midi dress ay sumasabay sa bawat hakbang na ginagawa nito. Tila nagagawa niyong pabagalin ang takbo ng oras dahil sa nasasabayan iyon nang maayos ni Luke ng tingin."Enjoying
Sumama ang ekspresyon sa mukha ni Darwin nang makita si Luke. Agad na nakilala nitong si Luke ang lalaking masamang tumitig sa kanya kanina sa kanilang classroom."You're the guy in our class with the surname Cruise, right? Anong ginagawa mo rito?" medyo gulat nitong tanong habang magkasalubong ang kilay. Hindi nito inaasahang makikita nito si Luke roon.Kanina, sa pagtatanong-tanong ay nalaman ni Darwin mula mismo kina Sasha na Luke ang pangalan ni Luke. Tinanong niya rin si Andrie kung si Luke ba ang tunay na Luke Cruise pero sinagot iyon ni Andrie ng hindi at nakakasiguro ito roon. Idinagdag pa nitong peke ang ginamit na pangalan ng tunay na Luke Cruise.Iyon ang puntong bago pumunta sina Andrie sa clinic kaya kung tutuusin ay parang nagsabi na rin ito ng totoo at hindi masasabing nilinlang lang nito si Darwin.Syempre, pinagkatiwalaan ni Darwin si Andrie dahil makabuluhan nga naman ang sinabi nito. Isa pa ay ilang buwan nang tapos sa poverty training ang tunay na Luke Cruise at ka
Lumapit ang waiter at malugod na binati si Alona. Ngunit agad din iyong naglaho nang mahagip ng tingin nito ang mukha ni Darwin na magkasalubong ang kilay.'Bakit bumalik si Mr. Quinton dito?' may takot na tanong nito sa isip.Napansin iyon ni Luke. Anong nangyari dito kanina? Bakit mukhang natatakot sila kay Darwin?"I want this, this, this, this and this. At pagkatapos ay isama mo na rin 'to. And then..." Sa dami ng itinuro ni Alona ay hindi iyon nasabayan ng waiter. Ang atensyon nito ay na kay Darwin pa rin. Panay tango-tango lang ito."Hey, nakikinig ka ba?" puna ni Alona rito."Y-yes." kinakabahan nitong tugon.Tinaasan ni Alona ng isang kilay ang waiter pagkatapos ay kinuha niya ang hawak nitong menu at pati na rin ang ballpen na nakasabit sa may bulsa ng uniporme nito. Pinagbibilugan niya sa menu ang kanyang mga order."'Yan lahat ang order ko." sambit niya pagkatapos ay ibinalik iyon sa waiter. Katulad ni Luke ay napansin din niya ang takot sa mata ng waiter nang tingnan nito
Napansin niyang bumukod din ng mesa si Jackielyn, tila ayaw nitong makasabay si Darwin sa iisang mesa. Naupo siya sa kinaroroonan nito."You're back. Order na tayo?" sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito nang makita siya. Ngumiti siya pabalik at tumango.Pinagmasdan niya si Kina sa katabing mesa, ang mukha nito ay puno ng pag-aalala. Gusto niya itong lapitan at kausapin, sabihing ayos lang ang lahat dahil kaya naman ni Alona ang kanyang sarili. Ngunit pinipigilan naman siya ng kanyang hiya.Napatingin sila kay Alona nang tumawa ito. "Isang milyong dolyar? Malaki na iyon para sa'yo?" nakaismid nitong sambit, ang mukha nito ay puno ng pagkakampante sa sarili.Napataas ang isang kilay ni Darwin. "Bakit, meron ka bang gano'n kalaking halaga?" Sinabayan nito ang pag-ismid ni Alona. Mas malawak pa at medyo may pagyayabang. "I bet ni wala ka man lang ngang kahit na isang daang dolyar, milyon pa kaya?" Nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang kinukuha ang pagpanig ng mga kustomer per
Napasimangot si Luke. Hindi lang pala mahusay sa pakikipaglaban si Alona, mahusay rin pala itong mandukot. Dati ba itong madurukot? Inilabas ni Alona mula sa wallet na iyon ang isang klase ng Light Metrobank card, kuminang kaagad ito nang maliwanagan. Ang pinaghalo-halong kulay nitong silver, platinum at gintong kulay ay nag-reflect pa sa makinis na mukha ni Alona nang iangat nito iyon upang ipakita sa lahat bago ilapag sa kahoy na mesa. Mas tumingkad pa ang kulay nito nang lumapat ito sa mesa. Nagitla nang husto si Darwin nang makita iyon. "I-isa 'yang SVIP Light Metrobank card!" mahinang naibulalas nito sa hindi makapaniwalang tono. Nagsimulang makaramdam ng kaba si Darwin, mula sa kanyang dibdib na dumaloy papuntang kanyang tuhod dahilan upang mangatog iyon. "Paanong..." naiusal nalang nito habang unti-unting lumapit sa mesa ni Alona. "What you're seeing is real. Meron akong SVIP Light Metrobank card at alam mo naman siguro ang maximum na laman nito." Umismid si Alona at nilaro s
Pagkabalik ng manager, may dala-dala itong maliit na card reader machine o POS terminal kung tawagin. Sa pamamagitan nito ay malalaman ang eksaktong laman ng mismong credit o debit card na isasalpak rito. Iniabot iyon ng manager kay Darwin."Malalaman ba nito ang pangalan ng may-ari ng card?" tanong ni Darwin sa manager."Y-yes." kinakabahang tugon ng manager. Hindi pa rin maalis sa isip nito ang ginawa kaninang pagsampal sa kanya ni Darwin at pagtapon ng kape sa kanyang mamahaling suit.Iyon ang pinakanakakahiyang nangyari sa kanya sa restaurant na iyon sa puntong gusto na nitong mag-resign."Good." saad lang ni Darwin.Napangisi pa ito habang nakatingin kay Luke. 'Hindi ko maintindihan kung anong pinaplano mo, Mr. Cruise. Pero oras na para malaman ng buong mundo ang pagkakakilanlan mo. Ikaw rin naman ang may kagustuhan nito kaya hindi mo ako masisisi.' sambit nito sa isip.Matapos ng saglit na pag-aanalisa, inisip ni Darwin na baka ang Luke ngayong nasa harapan niya ay siyang tunay
"Eh?" tanging reaksyon ni Luke. Alam ni Alona ang password ng kanyang card?Katulad ni Luke ay hindi rin inaasahan ni Darwin na alam ni Alona ang password ng card na iyon kung kay Luke nga iyon. Inisip niya nalang na baka ipinagkatiwala ni Luke iyon kay Alona kaya pati password niyon ay alam nito.Napakunot ang noo ni Alona nang mabasa ang pangalan sa screen. 'Alona Cutonglupa? What the fuck?' Sinamaan nito ng tingin si Luke.Nagtataka namang tumaas din ang kilay ni Luke. Mahina siyang natawa nang mapagtantong baka nabasa nito ang inilagay niyang apelyido nito.Una sa lahat ay wala siyang ideya kung anong tunay na apelyido ni Alona. Pangalawa ay parusa niya iyon sa kalokohan nito at pangingialam ng kanyang card. Muntik lang naman nitong ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan. Ni hindi nga niya alam na alam pala nito ang password niyon.Tiningnan ni Darwin ang maliit na monitor ng POS terminal at agad na binasa ang pangalan. Kahit siya ay nagtaka sa pangalang nakalagay roon. Inaasahan niy
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni