Napansin niyang bumukod din ng mesa si Jackielyn, tila ayaw nitong makasabay si Darwin sa iisang mesa. Naupo siya sa kinaroroonan nito."You're back. Order na tayo?" sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito nang makita siya. Ngumiti siya pabalik at tumango.Pinagmasdan niya si Kina sa katabing mesa, ang mukha nito ay puno ng pag-aalala. Gusto niya itong lapitan at kausapin, sabihing ayos lang ang lahat dahil kaya naman ni Alona ang kanyang sarili. Ngunit pinipigilan naman siya ng kanyang hiya.Napatingin sila kay Alona nang tumawa ito. "Isang milyong dolyar? Malaki na iyon para sa'yo?" nakaismid nitong sambit, ang mukha nito ay puno ng pagkakampante sa sarili.Napataas ang isang kilay ni Darwin. "Bakit, meron ka bang gano'n kalaking halaga?" Sinabayan nito ang pag-ismid ni Alona. Mas malawak pa at medyo may pagyayabang. "I bet ni wala ka man lang ngang kahit na isang daang dolyar, milyon pa kaya?" Nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang kinukuha ang pagpanig ng mga kustomer per
Napasimangot si Luke. Hindi lang pala mahusay sa pakikipaglaban si Alona, mahusay rin pala itong mandukot. Dati ba itong madurukot? Inilabas ni Alona mula sa wallet na iyon ang isang klase ng Light Metrobank card, kuminang kaagad ito nang maliwanagan. Ang pinaghalo-halong kulay nitong silver, platinum at gintong kulay ay nag-reflect pa sa makinis na mukha ni Alona nang iangat nito iyon upang ipakita sa lahat bago ilapag sa kahoy na mesa. Mas tumingkad pa ang kulay nito nang lumapat ito sa mesa. Nagitla nang husto si Darwin nang makita iyon. "I-isa 'yang SVIP Light Metrobank card!" mahinang naibulalas nito sa hindi makapaniwalang tono. Nagsimulang makaramdam ng kaba si Darwin, mula sa kanyang dibdib na dumaloy papuntang kanyang tuhod dahilan upang mangatog iyon. "Paanong..." naiusal nalang nito habang unti-unting lumapit sa mesa ni Alona. "What you're seeing is real. Meron akong SVIP Light Metrobank card at alam mo naman siguro ang maximum na laman nito." Umismid si Alona at nilaro s
Pagkabalik ng manager, may dala-dala itong maliit na card reader machine o POS terminal kung tawagin. Sa pamamagitan nito ay malalaman ang eksaktong laman ng mismong credit o debit card na isasalpak rito. Iniabot iyon ng manager kay Darwin."Malalaman ba nito ang pangalan ng may-ari ng card?" tanong ni Darwin sa manager."Y-yes." kinakabahang tugon ng manager. Hindi pa rin maalis sa isip nito ang ginawa kaninang pagsampal sa kanya ni Darwin at pagtapon ng kape sa kanyang mamahaling suit.Iyon ang pinakanakakahiyang nangyari sa kanya sa restaurant na iyon sa puntong gusto na nitong mag-resign."Good." saad lang ni Darwin.Napangisi pa ito habang nakatingin kay Luke. 'Hindi ko maintindihan kung anong pinaplano mo, Mr. Cruise. Pero oras na para malaman ng buong mundo ang pagkakakilanlan mo. Ikaw rin naman ang may kagustuhan nito kaya hindi mo ako masisisi.' sambit nito sa isip.Matapos ng saglit na pag-aanalisa, inisip ni Darwin na baka ang Luke ngayong nasa harapan niya ay siyang tunay
"Eh?" tanging reaksyon ni Luke. Alam ni Alona ang password ng kanyang card?Katulad ni Luke ay hindi rin inaasahan ni Darwin na alam ni Alona ang password ng card na iyon kung kay Luke nga iyon. Inisip niya nalang na baka ipinagkatiwala ni Luke iyon kay Alona kaya pati password niyon ay alam nito.Napakunot ang noo ni Alona nang mabasa ang pangalan sa screen. 'Alona Cutonglupa? What the fuck?' Sinamaan nito ng tingin si Luke.Nagtataka namang tumaas din ang kilay ni Luke. Mahina siyang natawa nang mapagtantong baka nabasa nito ang inilagay niyang apelyido nito.Una sa lahat ay wala siyang ideya kung anong tunay na apelyido ni Alona. Pangalawa ay parusa niya iyon sa kalokohan nito at pangingialam ng kanyang card. Muntik lang naman nitong ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan. Ni hindi nga niya alam na alam pala nito ang password niyon.Tiningnan ni Darwin ang maliit na monitor ng POS terminal at agad na binasa ang pangalan. Kahit siya ay nagtaka sa pangalang nakalagay roon. Inaasahan niy
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua