Share

Chapter 136 - Alona Is A Billionaire

Napasimangot si Luke. Hindi lang pala mahusay sa pakikipaglaban si Alona, mahusay rin pala itong mandukot. Dati ba itong madurukot?

Inilabas ni Alona mula sa wallet na iyon ang isang klase ng Light Metrobank card, kuminang kaagad ito nang maliwanagan. Ang pinaghalo-halong kulay nitong silver, platinum at gintong kulay ay nag-reflect pa sa makinis na mukha ni Alona nang iangat nito iyon upang ipakita sa lahat bago ilapag sa kahoy na mesa. Mas tumingkad pa ang kulay nito nang lumapat ito sa mesa.

Nagitla nang husto si Darwin nang makita iyon. "I-isa 'yang SVIP Light Metrobank card!" mahinang naibulalas nito sa hindi makapaniwalang tono. Nagsimulang makaramdam ng kaba si Darwin, mula sa kanyang dibdib na dumaloy papuntang kanyang tuhod dahilan upang mangatog iyon. "Paanong..." naiusal nalang nito habang unti-unting lumapit sa mesa ni Alona.

"What you're seeing is real. Meron akong SVIP Light Metrobank card at alam mo naman siguro ang maximum na laman nito." Umismid si Alona at nilaro s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arnel Jimenez Padilla
madam update please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status