Share

Chapter 132 - The Annoying Darwin Quinton

Nagtungo sila sa isang high-end japanese restaurant na kalapit lang sa Avinova mall kaya nilakad lang nila iyon. Kahit na hindi man kasing sikat iyon ng Laurentshé, sikat naman iyon sa mga mahihilig sa japanese style na putahe ng pagkain katulad na lamang ni Jackielyn.

"I'm sure na magugustuhan niyo ang mga pagkain dito." masayang sambit nito na siyang nasa unahan nila. Kasunuran lang nito si Alona na higit pang nasasabik kaysa kay Jackielyn. Higit na mas masarap talaga para kay Alona ang pagkain lalo na kapag libre.

Nasa hulihan nila si Luke, hindi nalalayo kay Kina. Parehas silang tahimik nang oras na iyon. Nagpapakiramdaman at inaalam kung paano kakausapin ang isa't-isa.

Palihim na pinagmamasdan ni Luke ang gilid na pigura ni Kina. Napakabanayad nitong maglakad. Ang laylayan ng suot nitong blue rose floral na midi dress ay sumasabay sa bawat hakbang na ginagawa nito. Tila nagagawa niyong pabagalin ang takbo ng oras dahil sa nasasabayan iyon nang maayos ni Luke ng tingin.

"Enjoying
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status