Mabilis na nakabawi si Marcus sa ginawang iyon ni Reynold sa kanya. Napahawak pa ito sa nananakit nitong batok dahil sa sama ng pagkakabagsak. Dali-dali silang lumapit ni Harold kay Reynold."Reynold, anong ginagawa mo?" agad na usisa ni Marcus.Sa kabila ng ginawa ni Reynold kay Marcus ay tila hindi man lang nito nagawang magalit o magtanim ng sama ng loob. Parang wala lang dito na sinipa ito ni Reynold kanina. Mas nangingibabaw ngayon ang pagtataka nito kaysa sa galit."S-si Reynold pa ba 'tong kasama natin? Bakit parang sinapian 'to ng kabaitan ngayon?" takang tanong naman ni Harold. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Reynold at Luke.Kung dati ay hinahayaan lang sila ni Reynold sa mga kalokohan nila at minsan pa nga ay sumasali rin ito sa kanila, ngayon ay hindi lang sila pinigilan nito at hindi lang nito nagawang sipain si Marcus upang pahintuin sa pangungulit kay Kina, nagawa pa nitong magpakumbaba at humingi ng paumanhin kay Luke na para sa kanya ay mukhang utusan lang nina K
"Pero bakit kailangan mong ilihim sa'kin ang tungkol sainyo ni Mr. Gregory? Ni wala ka man lang nabanggit na magkakilala pala kayo?" usisa ni Jackielyn kay Kina. Mas pinaniwalaan nito ang posibilidad na iyon kaysa sa baka isang makapangyarihang tao si Luke kung bakit ganoon nalang katino si Reynold sa harap nila."Uh—" Magpapaliwanag na sana si Kina pero hindi siya binigyan ng tsansa ni Jackielyn."We're friends, Kina. Atleast sinabi mo man lang sa'kin na kakilala mo pala ang Reynold na 'yon. Nabalaan sana kitang hindi mabuting tao ang lalaking 'yon. Especially his brother Richard. That was probably the reason why Blazing Phoenix Gang took him." Bumuntong hininga pa ito habang sinasambit iyon.Ngumiti si Kina. "Calm down. Wala kaming koneksyon ni Reynold. This is the first time na nakita ko siya in person." paliwanag ni Kina.Saglit na nahinto si Jackielyn habang pakurap-kurap ang matang tiningnan ito. "You mean..." Pagkatapos ng ilang saglit ay nilingon ni Jackielyn si Luke na kasalu
Nagtungo sila sa isang high-end japanese restaurant na kalapit lang sa Avinova mall kaya nilakad lang nila iyon. Kahit na hindi man kasing sikat iyon ng Laurentshé, sikat naman iyon sa mga mahihilig sa japanese style na putahe ng pagkain katulad na lamang ni Jackielyn."I'm sure na magugustuhan niyo ang mga pagkain dito." masayang sambit nito na siyang nasa unahan nila. Kasunuran lang nito si Alona na higit pang nasasabik kaysa kay Jackielyn. Higit na mas masarap talaga para kay Alona ang pagkain lalo na kapag libre.Nasa hulihan nila si Luke, hindi nalalayo kay Kina. Parehas silang tahimik nang oras na iyon. Nagpapakiramdaman at inaalam kung paano kakausapin ang isa't-isa.Palihim na pinagmamasdan ni Luke ang gilid na pigura ni Kina. Napakabanayad nitong maglakad. Ang laylayan ng suot nitong blue rose floral na midi dress ay sumasabay sa bawat hakbang na ginagawa nito. Tila nagagawa niyong pabagalin ang takbo ng oras dahil sa nasasabayan iyon nang maayos ni Luke ng tingin."Enjoying
Sumama ang ekspresyon sa mukha ni Darwin nang makita si Luke. Agad na nakilala nitong si Luke ang lalaking masamang tumitig sa kanya kanina sa kanilang classroom."You're the guy in our class with the surname Cruise, right? Anong ginagawa mo rito?" medyo gulat nitong tanong habang magkasalubong ang kilay. Hindi nito inaasahang makikita nito si Luke roon.Kanina, sa pagtatanong-tanong ay nalaman ni Darwin mula mismo kina Sasha na Luke ang pangalan ni Luke. Tinanong niya rin si Andrie kung si Luke ba ang tunay na Luke Cruise pero sinagot iyon ni Andrie ng hindi at nakakasiguro ito roon. Idinagdag pa nitong peke ang ginamit na pangalan ng tunay na Luke Cruise.Iyon ang puntong bago pumunta sina Andrie sa clinic kaya kung tutuusin ay parang nagsabi na rin ito ng totoo at hindi masasabing nilinlang lang nito si Darwin.Syempre, pinagkatiwalaan ni Darwin si Andrie dahil makabuluhan nga naman ang sinabi nito. Isa pa ay ilang buwan nang tapos sa poverty training ang tunay na Luke Cruise at ka
Lumapit ang waiter at malugod na binati si Alona. Ngunit agad din iyong naglaho nang mahagip ng tingin nito ang mukha ni Darwin na magkasalubong ang kilay.'Bakit bumalik si Mr. Quinton dito?' may takot na tanong nito sa isip.Napansin iyon ni Luke. Anong nangyari dito kanina? Bakit mukhang natatakot sila kay Darwin?"I want this, this, this, this and this. At pagkatapos ay isama mo na rin 'to. And then..." Sa dami ng itinuro ni Alona ay hindi iyon nasabayan ng waiter. Ang atensyon nito ay na kay Darwin pa rin. Panay tango-tango lang ito."Hey, nakikinig ka ba?" puna ni Alona rito."Y-yes." kinakabahan nitong tugon.Tinaasan ni Alona ng isang kilay ang waiter pagkatapos ay kinuha niya ang hawak nitong menu at pati na rin ang ballpen na nakasabit sa may bulsa ng uniporme nito. Pinagbibilugan niya sa menu ang kanyang mga order."'Yan lahat ang order ko." sambit niya pagkatapos ay ibinalik iyon sa waiter. Katulad ni Luke ay napansin din niya ang takot sa mata ng waiter nang tingnan nito
Napansin niyang bumukod din ng mesa si Jackielyn, tila ayaw nitong makasabay si Darwin sa iisang mesa. Naupo siya sa kinaroroonan nito."You're back. Order na tayo?" sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito nang makita siya. Ngumiti siya pabalik at tumango.Pinagmasdan niya si Kina sa katabing mesa, ang mukha nito ay puno ng pag-aalala. Gusto niya itong lapitan at kausapin, sabihing ayos lang ang lahat dahil kaya naman ni Alona ang kanyang sarili. Ngunit pinipigilan naman siya ng kanyang hiya.Napatingin sila kay Alona nang tumawa ito. "Isang milyong dolyar? Malaki na iyon para sa'yo?" nakaismid nitong sambit, ang mukha nito ay puno ng pagkakampante sa sarili.Napataas ang isang kilay ni Darwin. "Bakit, meron ka bang gano'n kalaking halaga?" Sinabayan nito ang pag-ismid ni Alona. Mas malawak pa at medyo may pagyayabang. "I bet ni wala ka man lang ngang kahit na isang daang dolyar, milyon pa kaya?" Nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang kinukuha ang pagpanig ng mga kustomer per
Napasimangot si Luke. Hindi lang pala mahusay sa pakikipaglaban si Alona, mahusay rin pala itong mandukot. Dati ba itong madurukot? Inilabas ni Alona mula sa wallet na iyon ang isang klase ng Light Metrobank card, kuminang kaagad ito nang maliwanagan. Ang pinaghalo-halong kulay nitong silver, platinum at gintong kulay ay nag-reflect pa sa makinis na mukha ni Alona nang iangat nito iyon upang ipakita sa lahat bago ilapag sa kahoy na mesa. Mas tumingkad pa ang kulay nito nang lumapat ito sa mesa. Nagitla nang husto si Darwin nang makita iyon. "I-isa 'yang SVIP Light Metrobank card!" mahinang naibulalas nito sa hindi makapaniwalang tono. Nagsimulang makaramdam ng kaba si Darwin, mula sa kanyang dibdib na dumaloy papuntang kanyang tuhod dahilan upang mangatog iyon. "Paanong..." naiusal nalang nito habang unti-unting lumapit sa mesa ni Alona. "What you're seeing is real. Meron akong SVIP Light Metrobank card at alam mo naman siguro ang maximum na laman nito." Umismid si Alona at nilaro s
Pagkabalik ng manager, may dala-dala itong maliit na card reader machine o POS terminal kung tawagin. Sa pamamagitan nito ay malalaman ang eksaktong laman ng mismong credit o debit card na isasalpak rito. Iniabot iyon ng manager kay Darwin."Malalaman ba nito ang pangalan ng may-ari ng card?" tanong ni Darwin sa manager."Y-yes." kinakabahang tugon ng manager. Hindi pa rin maalis sa isip nito ang ginawa kaninang pagsampal sa kanya ni Darwin at pagtapon ng kape sa kanyang mamahaling suit.Iyon ang pinakanakakahiyang nangyari sa kanya sa restaurant na iyon sa puntong gusto na nitong mag-resign."Good." saad lang ni Darwin.Napangisi pa ito habang nakatingin kay Luke. 'Hindi ko maintindihan kung anong pinaplano mo, Mr. Cruise. Pero oras na para malaman ng buong mundo ang pagkakakilanlan mo. Ikaw rin naman ang may kagustuhan nito kaya hindi mo ako masisisi.' sambit nito sa isip.Matapos ng saglit na pag-aanalisa, inisip ni Darwin na baka ang Luke ngayong nasa harapan niya ay siyang tunay