Naging interesado man si Luke roon ay hindi niya iyon ipinahalata. "Sinong kasama niyo?" tanong niya. "Her best friend Jackie. Even though I don't want to, I have no choice but to do it. Ako ang bodyguard niya, hindi ba?" Saglit na huminto si Alona bago nagpatuloy. "Sa tingin ko mas masaya kung kasama ka. Hindi ka naman siguro tatanggi." Tinaasan ni Luke ng isang kilay si Alona. "Paano kung ayokong sumama?" panunuya niya. Nababasa niya sa mukha nito ang dahilan kung bakit gusto siya nitong isama. Hindi sanay si Alona sa mga bonding na katulad nalang ng panonood ng sine. Naiisip na ni Luke ngayon palang ang magiging itsura ni Alona habang nanonood ito kasama sina Kina. Ang nababagot na mukha nito. Kapag kasama siya ay paniguradong aasarin lang siya nito nang aasarin kay Kina. Tumayo si Alona at nagtaas-baba ang balikat nito. "Sige, ikaw rin ang bahala." Aktong lalabas na ito nang paringgan nito si Luke. "Yayain ko kaya si Darwin? Sigurado akong hindi magdadalawang—" "Saglit lang ak
Pagkarating nila sa Avinova Mall, pinakasikat na mall sa Downtown, sabik na pumasok sila sa loob at diretsong nagtungo sa theater room pagkatapos bumili ng tickets at makakain katulad ng popcorn. Hindi pa nagsisimula ang palabas nang pumwesto sila at hindi pa gaano karami ang tao roon."You're gonna love this movie. Trailer pa lang nakakasabik na." nagagalak na sambit ni Jackielyn."I know. Thanks for reminding me. Hinihintay ko rin talaga ang part two niyan." tugon naman ni Kina na sinundan ng bahagyang pagngiti."The main characters are so damn cool! Lalo na 'yong female lead!" ani pa ni Jackielyn, ang mukha nito ay punong-puno ng pagkagalak.Nasa likuran ng dalawa sina Luke naupo. Palihim siyang binulungan ni Alona. "Tell me, talaga bang tinulungan mo ang pamilya Alanis?" usisa nito. Kasalukuyan itong kumakain ng popcorn. Hindi pa man nagsisimula ang kanilang papanoorin ay halos mangalahati na iyon. Para sa kanilang dalawa dapat iyon ni Luke na libre lang ni Jackielyn.Marahan lang
Habang abala sa pag-uusap si Kina at Jackielyn, isang lalaking may bahagyang pagkakatipuno ng katawan ang naupo sa tabi ni Kina. Ang medyo singkit nitong mata ay diretsong nakatingin lang kay Kina habang may kakaibang ngiti sa labi. Si Marcus iyon.Bahagyang nagulat si Kina sa biglaang ginawang iyon ni Marcus samantalang napataas ang isang kilay ni Jackielyn matapos itong makita. Maging si Luke at Alona ay nagtataka ring napatingin dito."Excuse me, marami pang bakanteng upuan. Bakit diyan ka naupo sa tabi ng kaibigan ko?" mataray na tanong ni Jackielyn.Isa-isa silang tiningnan ni Marcus, ang mukha nito ay kakikitaan ng pagkahambog kasabay ng medyo maangas nitong galaw ng katawan. Pinagmasdan nito nang malapitan ang mukha ni Kina, hindi nito pinansin ang tanong ni Jackielyn. "God damn! Ngayon lang ako nakakita ng mala-anghel sa ganda na kagaya mo. Mas lalo ka pa palang maganda sa malapitan!" manghang puri nito. Inilapit pa nito nang husto ang sarili nito kay Kina at nag-alok ng pakik
Simula nang may nangyari kay Kina sa Paraisong Tunay Bar, ni minsan ay hindi nag-abalang usisain ni Jackielyn ang nangyari dahil sa ayaw niyang ipaalala kay Kina ang masamang nangyari dito. Alam niyang si Luke ang nagligtas kay Kina, at nasaksihan niya na rin mismo ang husay ni Luke. Pero para sa kanya ay hindi iyon sapat na dahilan upang maging ganito kakampante si Kina sa proteksyon ni Luke."Hindi mo ako naiintindihan, Kina. Alam ko rin kung gaano kahusay si Luke kung 'yon ang ikinakapanatag ng loob mo. But he's against Reynold Gregory. His martial arts skills can't save him from the wrath of the Gregory family." bulong niya, sinusubukang bigyan ng kabuluhan ang ibig niyang sabihin kanina.Muli, binigyan lang ni Kina ng kalmadong ngiti si Jackielyn. "Magtiwala ka lang sa kanya. Hindi mo pa kilala nang husto si Luke."Matapos ng nangyari sa Paraisong Tunay Bar nakaraang linggo ay hindi na nawala sa isip ni Kina si Luke. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam niya noong gabing iyon h
Lahat sila kabilang si Luke ay nagtatakang napatingin kay Reynold."Anong ibig mong sabihin? Magkakilala ba kayo ng babaeng 'to?" takang tanong ni Marcus."Leave her alone. Hindi mo gugustuhing makagalit lahat ng Young Masters sa upper class na nagkakainteres sa kanya kapag may ginawa ka sa kanya." tugon ni Reynold.Parehas na napatingin si Harold at Marcus kay Kina. Saka lang naalala ni Harold kung bakit pamilyar sa kanya si Kina. "Oh, I remember you now!" sambit nito habang nagliliwanag ang mukhang nakatingin kay Kina. Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang kanyang cellphone.Matapos ng ilang scroll ay ipinakita nito sa kanila ang isang post sa social media na kung saan nilalaman niyon ang patungkol sa nalalapit na pagbagsak ng Sinala Construction na pagmamay-ari ng pamilya Alanis. Kalakip pa niyon ang family picture ng pamilya Alanis na kung saan ay agaw atensyon ang pinakamagandang apo ni Javier at Dominica na walang iba kung hindi ay si Kina.Syempre ay maraming Young Masters sa upp
Mabilis na nakabawi si Marcus sa ginawang iyon ni Reynold sa kanya. Napahawak pa ito sa nananakit nitong batok dahil sa sama ng pagkakabagsak. Dali-dali silang lumapit ni Harold kay Reynold."Reynold, anong ginagawa mo?" agad na usisa ni Marcus.Sa kabila ng ginawa ni Reynold kay Marcus ay tila hindi man lang nito nagawang magalit o magtanim ng sama ng loob. Parang wala lang dito na sinipa ito ni Reynold kanina. Mas nangingibabaw ngayon ang pagtataka nito kaysa sa galit."S-si Reynold pa ba 'tong kasama natin? Bakit parang sinapian 'to ng kabaitan ngayon?" takang tanong naman ni Harold. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Reynold at Luke.Kung dati ay hinahayaan lang sila ni Reynold sa mga kalokohan nila at minsan pa nga ay sumasali rin ito sa kanila, ngayon ay hindi lang sila pinigilan nito at hindi lang nito nagawang sipain si Marcus upang pahintuin sa pangungulit kay Kina, nagawa pa nitong magpakumbaba at humingi ng paumanhin kay Luke na para sa kanya ay mukhang utusan lang nina K
"Pero bakit kailangan mong ilihim sa'kin ang tungkol sainyo ni Mr. Gregory? Ni wala ka man lang nabanggit na magkakilala pala kayo?" usisa ni Jackielyn kay Kina. Mas pinaniwalaan nito ang posibilidad na iyon kaysa sa baka isang makapangyarihang tao si Luke kung bakit ganoon nalang katino si Reynold sa harap nila."Uh—" Magpapaliwanag na sana si Kina pero hindi siya binigyan ng tsansa ni Jackielyn."We're friends, Kina. Atleast sinabi mo man lang sa'kin na kakilala mo pala ang Reynold na 'yon. Nabalaan sana kitang hindi mabuting tao ang lalaking 'yon. Especially his brother Richard. That was probably the reason why Blazing Phoenix Gang took him." Bumuntong hininga pa ito habang sinasambit iyon.Ngumiti si Kina. "Calm down. Wala kaming koneksyon ni Reynold. This is the first time na nakita ko siya in person." paliwanag ni Kina.Saglit na nahinto si Jackielyn habang pakurap-kurap ang matang tiningnan ito. "You mean..." Pagkatapos ng ilang saglit ay nilingon ni Jackielyn si Luke na kasalu
Nagtungo sila sa isang high-end japanese restaurant na kalapit lang sa Avinova mall kaya nilakad lang nila iyon. Kahit na hindi man kasing sikat iyon ng Laurentshé, sikat naman iyon sa mga mahihilig sa japanese style na putahe ng pagkain katulad na lamang ni Jackielyn."I'm sure na magugustuhan niyo ang mga pagkain dito." masayang sambit nito na siyang nasa unahan nila. Kasunuran lang nito si Alona na higit pang nasasabik kaysa kay Jackielyn. Higit na mas masarap talaga para kay Alona ang pagkain lalo na kapag libre.Nasa hulihan nila si Luke, hindi nalalayo kay Kina. Parehas silang tahimik nang oras na iyon. Nagpapakiramdaman at inaalam kung paano kakausapin ang isa't-isa.Palihim na pinagmamasdan ni Luke ang gilid na pigura ni Kina. Napakabanayad nitong maglakad. Ang laylayan ng suot nitong blue rose floral na midi dress ay sumasabay sa bawat hakbang na ginagawa nito. Tila nagagawa niyong pabagalin ang takbo ng oras dahil sa nasasabayan iyon nang maayos ni Luke ng tingin."Enjoying
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni