Share

Chapter 127 - Perverts

Habang abala sa pag-uusap si Kina at Jackielyn, isang lalaking may bahagyang pagkakatipuno ng katawan ang naupo sa tabi ni Kina. Ang medyo singkit nitong mata ay diretsong nakatingin lang kay Kina habang may kakaibang ngiti sa labi. Si Marcus iyon.

Bahagyang nagulat si Kina sa biglaang ginawang iyon ni Marcus samantalang napataas ang isang kilay ni Jackielyn matapos itong makita. Maging si Luke at Alona ay nagtataka ring napatingin dito.

"Excuse me, marami pang bakanteng upuan. Bakit diyan ka naupo sa tabi ng kaibigan ko?" mataray na tanong ni Jackielyn.

Isa-isa silang tiningnan ni Marcus, ang mukha nito ay kakikitaan ng pagkahambog kasabay ng medyo maangas nitong galaw ng katawan. Pinagmasdan nito nang malapitan ang mukha ni Kina, hindi nito pinansin ang tanong ni Jackielyn. "God damn! Ngayon lang ako nakakita ng mala-anghel sa ganda na kagaya mo. Mas lalo ka pa palang maganda sa malapitan!" manghang puri nito. Inilapit pa nito nang husto ang sarili nito kay Kina at nag-alok ng pakik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status