Share

2.

Anim na taon ang lumipas.

Bansa ng America, FV Medical Research Institute.

Lumabas lang si Rhian mula sa laboratoryo ng marinig ang kanyang assistant na si Linda na nagsabi, "Doctor Rhian, may gustong sabihin sa iyo si Doktor Lu, kaya't pinapunta ka niya sa opisina niya."

Kakagising lang ni Rhian kaya medyo antok pa siya dahil sa puyat. Ngunit ng marinig niya ito, bigla siyang nagising at naging alerto.

"May nabanggit ba siya kung tungkol saan? Hindi kaya... nasira na naman ng dalawang pasaway kong anak ang mga resulta ng mga research? Ano sa palagay mo?"

"Baka nga." Sagot si Linda sa alanganin na tinig.

Ang kanyang amo na si Doktor Rhian ay palaging mahusay at malaki ang kakayahan. Sa murang edad, naging pinakamagaling na ito sa larangan ng medisina. Ito ang naging pinakamahusay na tagasunod ni Doktor Lu Mendiola, at ni minsan ay hindi pa ito napapagalitan pagdating sa trabaho dahil talaga naman na mahusay ito at nagta-trabaho ng walang palya.

Ang tanging problema lang, sa tuwing may nangyayaring gulo, ito ang sinisisi dahil sa dalawang cute na batang nasa buhay nito.

Kinomport si Rhian ni Linda, "Nitong nakaraang tatlong araw, hindi ka lumabas ng laboratoryo. Nag-aalala sina Zian at Rio sa kalusugan mo. Araw-araw silang naglalaro sa opisina ni Doktor Lu... namumuti na ang buhok ni Doktor Lu sa kakasaway sa kanilang dalawa."

Nang marinig ito, nakaramdam ng sakit ng ulo at pagkaaliw si Rhian, at medyo natawa sa huling sinabi ni Linda.

Anim na taon na ang nakalipas, pagkatapos niyang umalis sa pamilya ng mga Saavedra, nagpunta siya sa ibang bansa. Plano niyang mag-aral nang mabuti, ngunit hindi inaasahan, nagdalantao siya.

Noong panahong iyon, nag-aalangan din siya kung itutuloy ba niya ang pagbubuntis, o tatanggalin ba niya ang sanggol, ngunit nang makarating siya sa ospital, nagbago ang isip niya at hindi nagawa na ipa-abort nasa sinapupunan.

Sa huli, pinili niyang buhayin ang sanggol.

Tatlong kambal ang kaniyang isinilang, dalawang lalaki at isang babae.

Sa panahon ng panganganak, namatay ang babae dahil sa kakulangan ng oxygen, at naiwan lamang ang dalawang anak na lalaki, na pinangalanan niyang Zian at Rio.

Pinanganak ang dalawang batang kambal na may mataas na IQ, bilang ina, masaya siya at pinagmamalaki ang mga ito.

Biglang naalala ni Rhian na mapapagalitan na naman siya dahil sa kanyang mga anak. Bigla ay para siyang nanghina at napapailing na napasabi nalang na "Kayo talagang mga bata kayo."

Dali-dali na nagtungo si Rhian sa opisina ni Doktor Lu Mendiola.

Pagpasok pa lang niya, nakita na niya ang dalawang pasaway niyang anak na nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ng doktor, at naglalaro ng pag-ugoy ng kanilang mga paa.

Nang makita si Rhian na pumasok, nagliwanag ang kanilang mga mata at agad silang bumaba sa sofa at tumakbo palapit sa ina, "Mommy, sa wakas ay lumabas ka na! Akala namin ay maninirahan ka na sa laboratoryo habang buhay, eh!"

"Mommy, nagtrabaho ka nang husto, pagod ka na ba? Umupo ka muna, tutulungan kitang imasahe ang likod mo..."

Habang sinasabi iyon, hinawakan ng dalawang paslit ang kamay ni Rhian, isa sa kaliwa at isa sa kanan, at saka iginiya ng mga ito ang kanilang mommy para maupo sa sofa.

Tiningnan ni Rhian ang dalawang maalaga ngunit makukulit na anak, at bigla niyang naalala ang ginawa ng mga ito.

"Mababait na kayo ngayon. Bakit hindi kayo ganyan noong hi-nack ninyo ang computer ko?"

Nakita ni Doktor Lu ang eksena mula sa likod ng kanyang mesa, may ngiwing-ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kanila.

Nakanguso na nagdahilan agad si Rio. "Kasalanan lahat 'yan ni Doktor Lu! Lagi niyang pinapa-o-overtime si Mommy. Tingnan mo, halos malnourished na ang mommy namin!"

"Tama si Rio. Mortal lang si Mommy. Kaya bakit mo siya pinag-o-overtime sa araw at gabi, Doktor Lu?" Nakanguso na sang-ayon ni Zian habang aktibong minamasahe ang mga balikat ni Rhian gamit ang kanyang maliliit na kamay, na animo'y eksperto sa ginagawa.

Hindi malaman ni Doktor Lu kung maiinis o matatawa sa dalawang bata, "Alam kong nag aalala kayo sa inyong ina, ngunit sino ba sa research institute na ito ang hindi dumaan sa ganito?" Pagkatapos itong sabihin, umiling siya at tumingin kay Rhian, "Kumusta ang pananaliksik mo ngayong araw?"

Ngumiti si Rhian bago sumagot, "Maayos naman. Ipapadala ko ang data sa computer mo mamaya." natigilan siya ng may maalala, agad siyang nagtanong. "Na-restore na ba ang data?"

Napasuklay si Doktor Lu sa kanyang buhok gamit ang kamay at nag-aalalang sinabi, "Isang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin na-restore."

Natatawa naman si Rhian na tinapik ang maputi at malambot na kamay ni Zian, "Go, anak. Ibalik mo sa dati ang computer ni Doktor Lu. Tama na ang paglalaro. Paano kung mawala talaga ang mahahalagang data dahil sa ginagawa ninyo?"

Nag-baby voice na sumagot sa Zian sa mommy niya.

"Palagi akong may backup, at nagdagdag din ako ng maraming anti-virus bilang proteksyon, kaya paano ito mawawala?"

Kahit na sinabi niya iyon, sumunod pa rin si Zian at umupo sa tabi ni Doktor Lu, saka niya sinimulang i-restore ang data sa computer.

Mabilis at eksperto na gumalaw ng mabilis ang maliit na daliri ng bata habang nagta-type ng mga code. Pagkaraan ng ilang minuto, kumislap ang screen ng computer at agad na bumalik sa dating estado.

Nang makita ito, hindi maiwasang humanga si Doktor Lu  sa katalinuhan ng dalawang anak ni Rhian.

Si Rio, sa murang edad, ay nag-master na ng mga kasanayan sa paggamot at nakikilala ang libo-libong halamang gamot. May natatanging talento ito sa medisina at partikular na mahilig sa panggagamot.

Si Zian naman ay napakahilig sa programming at ngayon ay isang maliit na hacker na. Napaka-sensitive niya sa mga numero at may malaking talento pagdating sa mga technology.

Bukod pa rito, ang dalawang batang ito ay napa-cute, may kalmado at masiglang personalidad.

Kaya tuwing nanggugulo ang mga ito, hindi ito kayang pagalitan ni Doktor Lu, hinahayaan na lamang ng doktor na pagalitan ito ng kanilang sariling ina.

Nakahinga ng maluwag si Rhian ng matapos ng anak ang pagbalik sa data. Humarap siya kay Doktor Lu at humingi ng pasensya. "Pasensya na, Doktor Lu, nanggulo na naman ng mga bata. Pasensya na talaga."

"Puro ka pasensya! Ilang beses mo ng sinabi ito? Kaya mo bang bilangin?" Tumabingi ang ngiti ni Rhian. Nang makita ang kanyang ekspresyon, hindi maiwasang tumawa si Doktor Lu, "Binibiro lang kita, Rhian. Huwag kang mag-alala, hindi kita pagagalitan sa pagkakataong ito. Ngunit may nais akong ipagawa sayo. Plano kong bumalik sa Pilipinas  para magtayo ng research institute, na nakatuon sa tradisyunal na gamot ng Pilipinas. Pero marami pa akong gagawin, kaya hindi ako makakapunta doon sa ngayon, kaya naisip ko ikaw muna ang humalili sa akin doon."

Hindi inaasahan ni Rhian na ganito ang maririnig, kaya naman nabigla siya at hindi nakaimik.

Siya? Babalik  sa Pilipinas?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status