Pagkatapos niyang umalis sa lugar na iyon anim na taon na ang nakalipas, hindi na niya naisip na bumalik sa lugar na 'yon. Wala na siyang kapamilya na babalikan sa lugar na iyon. Bukod pa rito, nakaramdam na siya ng pagmamahal sa lugar na ito. Nasanay na sila dito ng kanyang mga anak.
"Pero, Doktor Lu—"
Pinutol siya nito, "Rhian, alam kong ayaw mong bumalik, pero sana isipin mo nang mabuti... Nag-aral ka ng medisina sa akin sa loob ng maraming taon, at dapat mong maunawaan ang lawak at lalim ng tradisyunal na gamot ng Pilipinas. Sa ibang bansa, hindi sapat ang mga halamang gamot para sa iyong pag-aaral. Pero sa Pilipinas, iba ang sitwasyon... Maraming halamang gamot ang magagamit mo. Marami pa ang mga halamang gamot doon na hindi pa natutuklasan na maari mong magamit sa pag aaral mo. Mayroon din silang pamana ng sinaunang mga kasanayan sa medisina. Hindi ka ba interesado sa aspektong ito? Kaya... iminumungkahi kong bumalik ka upang madagdagan ang kaalaman mo!"
"Sa iyong kakayahan, tiyak ko na magtatagumpay ka sa hinaharap. Bukod pa rito, malaki na ang pinagbago mo ngayon. Makatagpo mo man sila, o makaharap ang kahit sino, alam kong kaya mo dahil malaki na ang pinagbago mo."
Natahimik si Rhian nang marinig ito.
Tama si Doktor Lu. Sa loob ng maraming taon, malaki ang kanyang pinagbago. Kalmado siyang humaharap sa kahit ano, o kahit sino. Kaya niyang lutasin ang anumang suliranin nang maayos, at hindi na siya natatakot sa anumang bagay.
Bukod pa rito, anim na taon na ang nakalipas, tiyak na ang lalaking iyon ay maaaring nagpakasal na sa iba, sa kanyang tunay na minamahal.
Ano pa ang dapat niyang katakutan?
Nang maisip ito, huminga nang malalim si Rhian at tumango, "Sige, Doktor Lu, susundin kita at babalik ako sa Pilipinas."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Lu, "Mabuti at mabilis kang nakapagdesisyon. Huwag kang mag-alala, hahayaan kong sumama si Linda sayo, at magpapadala rin ako ng isang propesyonal na pangkat para tulungan ka."
Tumango si Rhian. "Sige, salamat, Doktor Lu."
Habang nag-uusap ang dalawa, nagkatinginan ang dalawang cute na batang lalaki na sina Zian at Rio, makikita ang kagalakan sa mga mata ng isa't isa.
Sa wakas ay babalik na si Mommy sa Pilipinas!
Matagal na nilang gustong bumalik sapagkat alam nilang nasa Pilipinas ang kanilang ama. Matagal na nilang gustong makita ang daddy nila. Kapag nakita nila ito, nangangako sila na tuturuan ito ng leksyon sa pag-iwan sa kanila at sa mommy nila!
*******
Dalawang araw ang nakalipas.Philipine International Airport.
Nilibot ni Rhian ang kanyang tingin sa bansa kung saan siya ipinanganak at lumaki. Ni minsan ay hindi niya naisip na siya ay muling babalik kasama ang kanyang dalawang anak sa bansang ito.
Pagbaba ng eroplano at paglabas nila sa pasilyo, yumakap si Zian sa kanyang mga binti at hinila ang palda niya, "Mommy, naiihi ako, kailangan kong pumunta sa banyo!"
Tumatawang ginulo ni Rhian ang buhok ng anak. "Sige, dadalhin kita doon..." ngunit bago ito gawin, naglabas siya ng camera upang kunan ito ng litrato.
Nagreklamo ang maliit na bata, "Mommy, tigilan mo na ang pagkuha ng litrato, maiihi na ako sa pantalon ko!"
Hindi maiwasang tumawa ni Rhian bago dali-dali na niyakag ang anak patungo sa banyo.
Pagdating sa banyo, sumunod sa kanya ang kanyang kambal na si Rio, habang naghihintay si Rhian sa labas ng pampublikong palikuran dala ang kanilang mga bagahe, at naghihintay sa kanyang mga anak, kinuha niya ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Doktor Lu para sabihin na nakarating sila sa bansa ng ligtas.
Sa mga oras na iyon, isang bahagyang pamilyar na boses ang kanyang narinig.
"Wala kang silbi! Sa dami ng tao, hindi mo maasikaso ang isang bata lang? Anong silbi mo?!"
Ang boses ng taong nagsalita ay may bahid ng galit at kalamigan, ngunit hindi maitatanggi na masarap itong pakinggan.
Nanigas ang mga daliri ni Rhian, natigil siya sa pagtipa sa kanyang cellphone.
Anim na taon ng huli niyang narinig ang boses na ito. Wala ditong nagbago, buo, malamig, at baritono pa rin ang boses nito... ang bawat salita na bitiwan ng lalaki ay naghahatid ng kakaibang lamig sa pakiramdam.
Hindi napigilan ni Rhian na tumingin sa gawi kung nasaan ito. Nakita niya ang matangkad na pigura ng lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan. Ang suot nitong suit ay bagay na bagay na malapad nitong balikat, malaki at matikas parin nitong pangangatawan. Bagay na bagay ang itim na slacks sa mahaba nitong binti, nagmistula itong modelo na hindi binago ng nagdaang mga taon.
Mula sa kinatatayuan ni Rhian, nakikita niya ang perpektong profile nito.
Wala itong pagbabago... ang mukha, tindig, at boses nito ay nanatiling perpekto, na alam niya na kayang umagaw sa pansin ng kahit sino.
Si Zack Saavedra!
Nag-unahan ang kaba sa dibdib ni Rhian.
Hindi niya kailanman naisip na makikilala niya ang lalaking ito sa unang araw ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Ang damdamin na matagal nang natakpan ay biglang gustong kumawala, ngunit di nagtagal ay bumalik ito sa pagiging payapa. Malamig at walang ekspresyon na ngayon ang kanyang mga mata. Nang dahil sa lalaking ito, sa wakas ay magagawa niya ito nang hindi binabago ang kanyang ekspresyon.
Sa oras na ito, ang dalawang maliliit na bata na nagpunta sa banyo ay sa wakas ay lumabas na at sinabi kay Rhian sa nakakatuwang paraan na, "Mommy, tapos na kami!"
Biglang bumalik sa kanyang katinuan si Rhian, at halos tumigil ang kanyang puso sa kaba na baka makita ni Zack ang kanyang dalawang anak.
70% ang pagkakahawig ng mga ito sa dati niyang asawa, kaya kung makikita sila, madaling matutuklasan nito na kaniya ang mga bata.
Ayaw na niyang magkaroon ng anumang kinalaman sa lalaking iyon!
"T-tara na, okay. Kanina pa naghihintay sa atin ang ninang ninyo kaya halika na!" Pagkatapos sabihin iyon, hindi na siya naghihintay ng tugon ng dalawang paslit, dali-dali niyang hinila ang kanyang bagahe paalis.
Samantala, si Zack na nasa gilid ay may kausap sa telepono nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na boses kaya siya ay tumingin sa kabilang gawi.
Mula sa sulok ng kanyang mata, nagkaroon lamang siya ng ilang segundo upang mahuli ang isang pamilyar na pigura.
Rhian Fuentes——!!!
Siya ba iyon?
Bumalik na siya?
Agad na hinabol ito ni Zack gamit ang kanyang mahabang mga binti, ngunit ang pigura ay sumali na sa karamihan at nawala.
Nagdilim ang mga mata ni Zack, at ang galit sa kanyang mukha ay naging mas kapansin-pansin.
Ang babaeng iyon ay umalis pagkatapos abandonahin ng walang awa ang kanilang anak. Bakit bumalik pa siya?!
Habang palabas ng paliparan, kinakabahan si Rhian at patuloy na lumilingon upang kumpirmahin kung nahabol na ba sila ng lalaki.Sa kabutihang palad, hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan, hindi na nila nakita ang pigura na iyon.Nakahinga nang maluwag si Rhian.Ang dalawang maliliit na bata, ay medyo nakaramdam ng kakaiba nang makita nilang halos bawat tatlong hakbang ay lumilingon ang kanilang ina sa daan.Gayunpaman, nakikita nila kung gaano kabalisa ang kanilang ina, alam nilang hindi ito ang tamang oras upang magtanong, kaya tahimik lang silang sumunod palabas."Rhian! Rio! Zian!"Isang boses ng babae ang kanilang narinig mula sa hindi kalayuan.Tumingin ang tatlo at nakita nila ang isang babae na nakasuot ng pormal ngunit magarang kasuotan sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti na kumakaway ang kamay habang naglalakad patungo sa kanila.Nang makita ang papalapit na babae, ang tensyonadong puso ni Rhian ay unti-unting huminahon, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukh
May hinala rin si Rhian sa kanyang isipan... Maaari bang pipi ang batang ito?Sa pag-iisip sa posibilidad na ito, mas lalo siyang naaawa sa batang babae, mahinahon niyang sinabi, "Ibigay mo ang kamay mo sa ate, okey?"Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang kamay.Tiningnan siya ng batang babae nang may pagkakaba, at bahagyang bumilog ang kanyang mata ng marinig ang kanyang boses.Hindi nagmadali si Rhian, naghintay sa bata ng may pasensya.Matagal nag-atubiling ang batang babae bago maingat na iniabot kay Rhian ang kanyang kamay.Nakita ito ni Rhian, kaagad niyang hinawakan ng maingat ito, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, siya ay nagkaroon ng pagkakataon na suriin itong mabuti.Umikli ang distansya nilang dalawa, ramdam ni Rhian ang malambot na katawan nito katulad ng kanyang dalawang anak, amoy gatas din ito.Lumambot ang puso ni Rhian, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namayapa. Kung lumaki at nabuhay ang kanyang anak na babae, dapat ay ganito na siya ka
Kalmadong at hindi pinahalata ni Marga na pinisil niya ang kanyang palad, upang masaktan at maiyak, upang maipakita na siya ay tunay na nag-aalala. Tumingin si Zack sa kanya nang malamig ng ilang segundo. "Siguraduhin mo na totoo ang sinabi mo." Matapos ang ilang sandali, inilayo ni Zack ang kanyang tingin at lumapit kay Manny na naghihintay sa gilid, "May balita na ba mula sa pulis?" Sumagot si Manny nang may mabigat na tono, "Wala pa, master." Pagkatapos sabihin iyon, tiningnan niya ang kanyang master ng maingat at may pag-aalala. Ang Young lady ay mahal na mahal ng kanilang amo. Sa mga nagdaang taon, naging target ito ng maraming tao, dahil ito ay kaisa-isang anak ng pinakamayamang tao sa bansa na si Zack Saavedra. Sinusubukan na targetin ito ng mga kalaban sa negosyo, minsan na rin itong muntik madukot. Kaya naman ang kaniyang master ay mas naging protective sa anak nito. Ngayon ay hindi nila mahanap ang Young lady kahit saan, at kahit ang pulis ay walang balita, kaya't naisi
Ang Romantic Restaurant ay isang pribadong restawran sa Pilipinas. Ito ay kilala sa maalalahaning serbisyo at masasarap na putahe. Bukas lamang ito para sa mga high-end na kostumer na may reserbasyon, at kailangang gawin ang reserbasyon isang buwan nang maaga. Kahapon, nakahanap si Jenny ng ilang koneksyon at nakakuha ng reserbasyon. Napaka-elegante rin ng pagkakaayos ng restawran. Bawat upuan ay hiwalay ng isang screen. May maliit na pintuan na kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng magandang atmospera, na parang sinaunang panahon kung saan umiinom ang mga tao sa ilalim ng buwan. Pumasok ang ilang tao at umupo sa isang bilog na mesa. Hindi nagtagal, dumating na ang waiter dala ang mga pagkain. Nagaalala si Rhian na baka hindi maging komportable ang batang babae sa tabi niya, kaya't nakatutok siya rito, pinaghahainan ng pagkain at paminsang pinupunasan ang bibig nito. Nakaupo si Rio at Zian sa kabilang bahagi ni
May dalawang tao lamang sa loob ng silid. Nilibot ni Zack ang tingin niya sa buong silid at sa huli ay tinutok niya ang kanyang mata sa kanyang anak. Sumama ang loob ni Rain kanina sa biglaang pag alis ni Rhian, kaya ng makita niya ang daddy niya, nagtatampo na tumalikod siya. Masama ang kanyang loob sa daddy niya dahi ito ang dahilan kaya umalis ang magandang babae kanina. Bahagyang dumilim ang tingin ni Zack. "Young lady, okay ka lang ba?" Tahimik ang mag-ama, kaya't si Manny, ang assistant, ang siyang kumilos upang magtanong sa Young lady. Tiningnan siya ng batang babae, pagkatapos ay tumalikod muli nang galit at hindi siya pinansin. Maingat na tinignan ni Manny ang bata, at nang masigurong ligtas ito, huminga siya nang maluwag at lumapit kay Zack upang mag ulat. “Ayos lang ang inyong anak, Master.” Tumango si Zack, pinagmasdan ang anak niyang tahimik, at pagkatapos ay inusisa ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak. Nang magtama ang kanilang mga tingin, bumiga
"Mommy, sino ba 'yung Zack? Bakit kailangan nating magtago sa kanya?" Nakikita ni Rio at Zian na natutulala ang ina, kaya't niyugyog nila ang kamay nito at nagtanong nang may pagdududa. Natauhan si Rhian, hinaplos ang mga ulo nila, at ngumiti na parang walang anuman, "Hindi siya mahalagang tao, pero may kaunting alitan kami noon. Kaya kayong dalawa, kapag narinig n'yo ang pangalang niya sa hinaharap, kailangan ninyong lumayo o umiwas. Naiintindihan niyo ba?” Tumango nang sabay ang dalawang bata, "Naiintindihan namin, Mommy!” Nang ilayo ng kanilang ina ang tingin, nagkatinginan ang dalawang bata, at puno ng kuryosidad ang kanilang bilugang mata. Ano kaya ang nangyari noon kina Mommy at Daddy? Mukhang hindi maliit ang kanilang hindi pagkakaintindihan! Bumuntong-hininga si Rhian, ngunit patuloy pa rin siyang nag-aalala tungkol kay Jenny, hanggang sa biglang magsalita muli ang mga bata. "Mommy, bigla tayong umalis kanina. Kung pinaghinalaan tayo ng taong iyon, madali niya tay
Dalawampung minuto ang lumipas. Dahan-dahang huminto ang sasakyan sa Mansion ng pamilyang Saavedra. Hindi hinayaan ni Rain na may humawak sa kanya. Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan, at naglakad papasok nang hindi hinihintay ang sinuman. Tahimik na sumunod si Zack sa anak. Pagkapasok ng mag-ama, narinig nila ang isang boses... "Rain!" Nasa sala si Marga, abala sa pag-browse sa kanyang cellphone nang marinig ang pagpasok ng mga yabag. Nang makita na si Rain at si Zack ito, agad siyang tumakbo para salubungin sila ng may pekeng ngiti. Mahigpit na niyakap niya ang maliit na bata, "Sa wakas ay bumalik ka na! Bakit ka umalis ng walang dahilan? Nag alala si Tita! Ayos ka lang ba? May sugat ka ba?" Habang sinasabi ito, sinuri niya ang katawan ng maliit na batang babae na may nerbiyos na ekspresyon sa mukha. Nabigla si Rain sa kanya at medyo natigilan nang ilang sandali. Nang marinig ang mapanlinlang na boses ni Marga sa kanyang mga tainga, unti-unting bumalik ang kanyang mga mat
Pakauwi nang bahay nila Rhian, gutom pa rin ang dalawang bata, kaya't inubos nila ang lahat ng mga pagkain na kanilang inuwi ni Jenny. Pagkatapos kumain ng dinner, nilapitan ni Rhian ang kambal pagkatapos maghugas ng kanilang pinagkainan, “Umakyat na kayo sa taas mga anak, maligo na kayong dalawa,” “Okay po, mommy!” Sagot ng dalawa. Nang makaakyat ang mga bata, tumingin si Jenny sa kanyang matalik na kaibigan nang may kahulugan, "Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagtatago kay Zack? Di ba't nagkasundo kayong magdiborsyo noon? Bakit ka natatakot sa kanya ngayon? Umamin ka sa akin… totoo ba na mutual na desisyon ang inyong diborsyo? Kung oo, bakit ka nagtatago sa kanya? May kasalanan ka bang ginawa noon sa kanya?” Usisa nito. Nang magtagpo ang kanyang tingin, nagbaba ng tingin si Rhian, nag-alinlangan nang matagal kung sasabihin ba sa kaibigan ang sitwasyon noon, sa huli ay nagpasya siyang sabihin ang totoo. "Rhian, nagawa mo iyon?!” Hindi inasahan ni Jenny na may lakas ng
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag
Sa study room nakakunot ang noo ni Zack habang tinitingnan ang hindi natapos na trabaho ngayong araw, nang bigla siyang makarinig ng mga yapak sa pinto.Maya-maya, kumatok ng malakas sa pinto.Inilipat ni Zack ang kanyang mga mata mula sa screen ng computer at tiningnan ang pinto na may kunot na noo.Dati, sa oras na ito, ang mga katulong ng Saavedra pamilya sa manor ay nagpapahinga na, at wala ni isa sa kanila ang maglalakas-loob na mag-abala sa kanyang trabaho sa study room.Bukod pa rito, ang malakas na katok ay nagmumungkahing ang tao sa pinto ay si Marga.Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon.Nagpatuloy ang malakas na katok sa pinto. Matapos patagilid na patulugin si Rain, hindi nais ni Zack na magising ang bata dahil sa katok, kaya't tumayo siya at binuksan ang pinto.Pagbukas ng pinto, nakita niya ang isang lasing na babae sa labas.Hindi niya alam kung gaano karami ang nainom nito, ngunit ang amoy ng alak ay masakit sa ilong at kumalat sa buong study room.Nak
Sa ibaba, nakaupo na si Marga sa dining table.Nang makita ang dalawa na bumaba, tumingin si Marga kay Rain at ang mukha nito ay puno ng paghingi ng paumanhin, "Rain, pasensya na, mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda kanina."Hinawakan ni Rain ang kamay ni Zack, itinaas ang mata at tinanong ang kanyang ama kung maaari ba niyang talikuran ang taong iyon.Hinaplos ni Zack ang ulo ng maliit na bata at dinala siya sa kanyang tabi.Walang pansin ang ama at anak kay Marga.Sa isang saglit, ang atmospera sa mesa ay tila sobrang tensed.Pinapanood ni Marga ang mag-ama na nagsasalu-salo ng pagkain, ngunit ni hindi siya tinitingnan, para bang hindi siya umiiral. Puno ng galit ang puso niya, ngunit wala siyang magawa kundi magpasikat at magbigay galak sa maliit na bata."Rain, halika, bata ka pa, kumain ka nang marami para tumangkad ka pa." Ngumiti si Marga at kumuha ng piraso ng karne para sa maliit na bata.Nang makita ni Rain ang dagdag na karne sa kanyang mangkok, natigil siya.Na
Tinitingnan ni Marga ang likod ni Zack habang siya ay umaalis, at dumilim ang mukha nito.Bagamat pumayag si Zack na manatili siya sa manor, malinaw mula sa hitsura nito na hindi siya papansinin.Hindi siya papayag dito!Habang ito ay nangyayari, lumabas si Zack mula sa kwarto, naglakad papunta sa pinto ng kwarto ni Rain, at kumatok, "Rain, buksan mo ang pinto."Sa loob ng kwarto, narinig ni Rain ang boses ng kanyang ama, at naisip ang mga sinabi ni Marga kanina. Agad siyang umiwas at nakatalikod sa pinto ng kwarto.Naghintay si Zack ng matagal, ngunit walang sumagot. Alam niyang nagseselos na naman ang maliit na bata, at hindi niya maiwasang magka-headache.Gabi na at ang nanay at anak na babae ay nagpasakit sa kanya ng sabay...Matapos maghintay ng ilang sandali at walang narinig na galaw, nagdesisyon si Zack na kunin ang susi at binuksan ang pinto upang pumasok. Pagpasok niya, nakita niya ang maliit na bata na nakaupo sa kama, nakatalikod sa pinto, at niyayakap ang kanyang mga tuho
Si Rain ay nakatago sa likod ni Aling Gina, ngunit nang marinig niyang sinabi ni Marga na magiging mommy siya balang araw, agad nagbago ang ekspresyon ng bata, tiningnan siya nito ng galit at tumakbo papuntang taas gamit ang mga maiiksing mga paa.Nang makita ni Marga ang likod ng bata, agad niyang pinahid ang kanyang kilay at nagmukhang hindi kuntento.Si Aling Gina naman ay nakahinga ng maluwag nang makita niyang tumakbo ang bata, at nagsabi kay Marga, "Ang emosyon po ng little lady ay laging hindi stable, ma'am Marga, sana po ay maintindihan ninyo."Pagkarinig nito, nagbigay ng pilit na ngiti si Marga at nagsabing salamat.Habang nagagalit si Marga, narinig ang ingay mula sa pinto ng villa, at pumasok si Zack mula sa labas."Zack, umalis na ba si Tita Dawn?" mabilis na in-adjust ni Marga ang kanyang ekspresyon at tiningnan ang pinto nang may pagpapakitang awa.Itinaas ni Zack ang kanyang mata at tiningnan siya, tumango ng walang kasamang komento, at pagkatapos ay tiningnan si Aling
Alam ni Zack kung ano ang nais sabihin ni Dawn, kaya't nagkunwari siyang hindi nakikinig, at hindi nagsalita, naghihintay na magsalita siya una."Paulit-ulit ko nang sinasabi, hindi madaling maghintay si Marga para sa'yo ng anim na taon, hindi mo siya dapat pabayaan!" seryosong sinabi ni Dawn.Maraming beses na nilang napag-usapan ito, kaya't nang marinig ito ni Zack sumakit ang ulo niya at hindi na nagkaroon ng lakas ng loob na makipagtalo sa kanyang ina.Patuloy si Dawn sa pagsasalita, at tahimik lang si Zack.Sa villa, tinitingnan ni Rain ang babae na nakaupo sa sofa, mahigpit na humahawak sa laylayan ng damit ni Aling Gina, may pag-aalinlangan sa kanyang mukha.Napansin ni Marga ang pagtutol ng bata, at nakaramdam ng hindi magandang pakiramdam, ngunit nagkunwari pa rin siyang mabait, "Rain, tignan mo, may dalang regalo si Tita Marga para sa'yo."Sabay kuha ni Marga ng isang manika mula sa kanyang bag, "Tignan mo, gusto mo ba ito?"Walang pag-aalinlangan na umilibg si Rain.Hindi n
Gabing iyon, dinala ni Zack si Rain sa bahay. Pagpasok nila ng pinto, nakita nila ang kanyang ina at si Marga na nakaupo sa sofa.Nang makita sila na bumalik, mukha pa ring galit si Dawn, ngunit nahihiya si Marga. Tumayo siya at binati sila, "Zack Rain, nakabalik na kayo."Tumango si Zack sa kanya ng walang emosyon, tapos ibinaba ang mga mata at tumingin sa kanyang ina.Nang makita ni Rain si Dawn agad siyang umatras at nagtago sa likod ng kanyang ama at hindi man lang nagbigay-galang kay Dawn."Mom, bakit ka nandito?" hawak ni Zack ang kamay ni Rain ng isang kamay, tahimik na inaalalayan ang maliit na bata, at nagtanong ng malalim na boses.Pagkarinig ng tanong mula sa kanyang anak, lalo pang dumilim ang mukha ni Dawn. "Bakit kami nandito? Ipinagkatiwala ko si Marga sa'yo. Okay lang na hindi mo siya dinala sa bahay, pero hindi mo man lang siya pinuntahan nang mag-recurr ang lumang sugat niya!"Hindi nakayanan ni Zack at parang nag kasakit ng ulo siya. "Nagpadala na ako ng tao para da