A Love Reclaimed: Fated To Love You
"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..."
Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya.
"Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!"
Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan.
Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo.
Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita...
“Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!”
Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Basahin
Chapter: 301.Pagbalik sa bahay, ang dalawang bata ay nasundo na ni Jenny mula sa eskwelahan, at sila ngayon ay kasalukuyan nang naglalarlo ng lego sa sala. Nang makita nilang dumating si Rhian, agad na lumapit sila at nag-aalala na nagtanong sa kanilang ina. “Mommy, bakit basa ka sa ulan? Nakalimutan mo ba ang payong mo?” Tanong ni Zian. Hindi nakatiis si Rio at nag-aalala din na nagtanong, bahagya pa nitong pinagalitan ang mommy nila. “Dapat ay sumilong ka nalang muna kung nakalimutan mo ang payong mo, mommy. Baka magkasakit ka po,” sabi naman ni Rio. Pagod na bumuga ng hangin si Rhian, ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa mga anak. Tinabi niya muna ang handbag at saka nilapitan ang kambal at hinawakan ang ulo nila para ipakita na ayos lang siya, "Hindi ko inasahan na uulan, kaya hindi ako nagdala ng payong. Kailangan ko nang umuwi agad kasi miss ko na kayo, kaya sumuong ako sa ulan,” lumuhod siya at pinantayan sila, “kasalanan niyo ito, namiss kayo kasi ni mommy,” biro niya sa mga anak.
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: 300.Nakita ni Manny na may kakaibang ekspresyon si Rhian, ngunit hindi ito malinaw. Sinulyapan niya ang telepono na biglang pinatay ng kanyang master at mabilis na lumapit kay Rhian. “Ma’am Rhian, wala kang payong na dala? Ang kotse mo? Kung magco-commute ka ay ihahatid nalang muna kita, hindi pa naman bababa si master kaya mahahatid kita,” pagkasabi nito, binuksan na ni Manny ang hawak na payong, Agad naman na tumanggi si Rhian sa alok nito, “Hindi na ho, salamat na lang. may hinihintay pa kasi ako,” pagdadahilan niya habang nakahawak sa kanyang ulo, Nang marinig ito, nakakaunawa na tumango si Manny. Tumingin si Rhian sa entrance ng restaurant. Narinig niya na hindi bababa si Zack. Pero paano kung bumaba ito? Dahil sa nalalapit na kasa nito, kailangan talaga niyang panindigan ang pag-iwas. Tumingin siya sa malakas na ulan. Nag-atubili siya ng ilang segundo kung susuong ba siya sa malakas na ulan. Pero gusto niyang makaalis bago pa lumabas ang lalaki. Ah, bahala na. Hinandal ni
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: 299.Nang alas-otso ng gabi, dumating si Rhian sa Steak restaurant kasama ang mga kasamahan sa institute. Pagpasok nila sa private room, nagtaas ng mga baso ang lahat upang mag-toas sa kanya. "Simula nang dumating si Doktor Fuentes sa aming institute, hindi lamang niya kami tinulungan na masolusyunan ang malalaking problema sa mga materyales na gamot, kundi pinangunahan din kami sa paggawa ng maraming proyekto. Ang institute ngayon, matagumpay dahil sa kanya!” "Akala ko hindi na matatapos ang proyektong ito, pero buti na lang at si Doktor Fuentes ay may galing at tapang! Hindi lang siya maganda, matalino at talagang kahanga-hanga pa!” Sunod-sunod ang mga papuri ang natanggap ni Rhian. Tumayo sa harapan ng lahat, at saka nakangiti na tumugon sa lahat, "Tungkulin ko ang lahat ng ito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa inyo dahil sa walang sawa ninyong pagtulong sa akin at mainit na pagtanggap bilang lider ninyong lahat,” Nang bumalik siya sa bansa, naisip na niya ang kasalukuyang sit
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: 298.Wala namang alam si Rhian tungkol sa mga iniisip ni Marga. Ang mga sinabi niya kay Rain ay hindi puro dahilan lang. Talagang abala ang research institute nitong mga nakaraang araw. Dahil sa pagkakasugat niya sa kanyang pulso at sa pakiusap ng mga bata, naglaan siya ng isang araw upang magpahinga sa bahay. Kinabukasan ng umaga, nagising siya dahil sa tawag mula sa isa sa mga miyembro ng team. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, wala na siyang oras para mag-almusal at dali-daling nagpunta sa research institute. Tapos na ang nakaraang proyekto. Ang simula at pagtatapos ng proyektong iyon ay mahirap. Kaya naman, sa simula ng proyekto, madalas na manatili si Rhian sa experimental area. Ngayon na malapit na itong matapos, muling bumalik ang kabusyhan ng nakaraan. Si Zanjoe pa rin ang nagsisilbing assistant niya. Habang nagsasagawa ng eksperimento, aksidenteng napansin ni Zanjoe ang sugat sa pulso ni Rhian at nagtanong, "Doktor Fuentes, ang kamay mo..." Naging abala si Rhian at na
Huling Na-update: 2024-12-10
Chapter: 297.Matapos umalis sa bahay ng magulang ni Zack, ang mga bakas ng kalungkutan at hinagpis sa mukha ni Marga ay unti-unting nawala at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Si Fred ay naghihintay sa kotse. Nang makita niyang masama ang mukha ni Marga habang sumasakay, maingat niyang tinanong, "Ma’am. saan po tayo pupunta?" Bumaling si Marga at tiningnan siya ng malamig sa rearview mirror, "Sa kumpanya." Tumango si Fred, at habang umaandar ang kotse papuntang kumpanya, biglang nagsalita si Marga mula sa likuran, "Wag na, diretso na tayo sa bahay!" Wala talaga siyang gana na pumunta sa kumpanya at makita ang mga magugulong tao roon! Nakakalungkot na siya pa mismo ang nagpunta kay Dawn kaninang umaga. Akala niya tutulungan siya ni Dawn na makipag-usap kay Zack agad nang makita siya na umiiyak tulad ng dati. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbisita niyang ito ay magiging walang silbi. Parang wala ring saysay ang mga sinabi ni Dawn. Kapag kalmado na si Zack, malamang ay malalama
Huling Na-update: 2024-12-10
Chapter: 296.Samantala, sa villa ng pamilya Suarez, Masana ang loob ni Marga mula nang siya ay itaboy ni Zack noong araw na iyon. Noon, si Dawn ay laging nagtatanggol sa kanya, ngunit hindi siya nagsalita noong araw na iyon, na nagpakita lamang na kahit ito ay hindi kayang tumulong. Dahil dito, halos mawalan ng pag-asa si Marga. Hindi siya bobo, pagkatapos maghintay kay Zack sa loob ng maraming taon, alam niyang malamang ay wala na itong balak na pakasalan siya. Ngunit palaging may kaunting pag-asa siyang hawak, dahil tinulungan siya ni Dawn sa bawat hakbang. Palagi niyang iniisip na basta't maghintay siya, darating din ang araw na papakasalan siya ni Zack. Ngunit hindi inaasahan, bumalik sa bansa si Rhian, at si Zack ay wala nang ibang iniintindi kundi ito, paulit-ulit din nitong sinasabi na nais nitong kanselahin ang kanilang engagement. Kung hindi lang sana bumalik ang babaeng iyon! Matapos magpalamig nang ulo sa bahay buong araw, nagpupumilit pa rin si Marga na panghawakan ang
Huling Na-update: 2024-12-10