Kalmadong at hindi pinahalata ni Marga na pinisil niya ang kanyang palad, upang masaktan at maiyak, upang maipakita na siya ay tunay na nag-aalala.
Tumingin si Zack sa kanya nang malamig ng ilang segundo. "Siguraduhin mo na totoo ang sinabi mo." Matapos ang ilang sandali, inilayo ni Zack ang kanyang tingin at lumapit kay Manny na naghihintay sa gilid, "May balita na ba mula sa pulis?" Sumagot si Manny nang may mabigat na tono, "Wala pa, master." Pagkatapos sabihin iyon, tiningnan niya ang kanyang master ng maingat at may pag-aalala. Ang Young lady ay mahal na mahal ng kanilang amo. Sa mga nagdaang taon, naging target ito ng maraming tao, dahil ito ay kaisa-isang anak ng pinakamayamang tao sa bansa na si Zack Saavedra. Sinusubukan na targetin ito ng mga kalaban sa negosyo, minsan na rin itong muntik madukot. Kaya naman ang kaniyang master ay mas naging protective sa anak nito. Ngayon ay hindi nila mahanap ang Young lady kahit saan, at kahit ang pulis ay walang balita, kaya't naisip ni Zack na maaari itong nadukot. Nang maisip ito, biglang dumilim sa galit ang mga mata ni Zack, at mariin niyang sinabi, "Magdagdag ng mga tao at palawakin ang saklaw. Dapat mahanap ang anak ko ngayong araw na ito!" Bakas ang galit sa matigas at ma-awtoridad na boses ni Zack, kaya naman si Manny at ang iba pa ay mabilis na sumagot ng magalang sa kanilang Master. "Masusunod!" Bago pa man siya lumingon at umalis, tumunog ang cellphone ni Zack. Impatiently niyang kinuha ang kanyang cellphone at halos ibaba na ito nang makita niyang hindi pamilyar ang numero. Wala siyang gana na sinagot ang tawag. Im Nang maalala ang kaniyang naisip kanina, nagtiim ang bagang ni Zack at sinagot ang tawag ng walang ekspresyon. Nang ma-konekta ang tawag, isang malambing na boses ng babae ang nagsalita, "Hello?" Nang marinig ang boses na ito, bahagyang pumikit si Zack, may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Ang boses na ito... pamilyar at eksakto na kapareho ng babaeng nakita niya kanina! Ang imahe na kanyang nakita sa airport kanina ay biglang sumagi sa kanyang isipan... "Hello? May nakikinig ba?" tanong ni Rhian nang maghintay ng matagal, walang tumugon sa kanya. Nang makabawi, isinantabi ni Zack ang kanyang mga iniisip at maikli niyang sinagot ito nang, "Oo." Sa pagkakarinig ng may sumasagot mula sa kabilang linya, huminga ng maluwag si Rhian, "Hello, ganito po kasi ang nangyari, nakita ko ang isang batang babae dito, at ang tawag na ito ay galing sa kanya. Kayo ba ang kanyang ama, tama ba? May oras ba kayo para pumunta at sunduin siya ngayon?" Ang boses ng babae ay malinaw na narinig at nag-echo sa mga tenga ni Zack. Habang ito ay patuloy na nagsasalita, siya namang dilim at lamig ng mata niya. Nang ang kanyang boses ay bumaba, tila binalot ng yelo sa lamig ang damdamin niya. Hindi siya maaaring magkamali! Siya ito! Kahit maraming taon na ang lumipas, hindi niya kailanman magagawang kalimutan ang boses na ito! Rhian Fuentes! Talaga na nagbalik ka na! Nagtagis ang bagang ni Zack, ibinaba ang kanyang boses, at nagtanong, "Nasaan ka?" Sumagot si Rhian agad, "Nasa Romantic Restaurant kami, naghihintay kami rito ng mga kasama ko. Pupunta ka na ba sa restaurant para sunduin siya?" "Sige, darating ako kaagad." Pagkatapos sabihin iyon, diretsong ibinaba ni Zack ang cellphone at sinabi kay Manny, "Maghanda ng sasakyan, tayo ay pupunta sa Romantic Restaurant." Hindi alam ni Manny kung saan nanggagaling ang galit ng amo, "Masusunod, master!" mabilis niyang tugon. Habang tinitingnan ang itim na screen ng kanyang cellphone, naramdaman ni Rhian ang hindi maipaliwanag na pagkabahala sa kanyang puso. Ang boses ng lalaki kanina ay tila paos. At ito ay pamilyar... Gayunpaman, hindi maisip ni Rhian kung saan niya ito narinig, kaya't nagkabitbalikat na lamang siya at inalis ito sa isip. "Gutom ka na ba?" Kanina pa nakatayo sa labas si Jenny, hindi na niya kaya pang tiisin ang gutom. "Nagugutom na ako, Rhian, gutom na rin ang mga bata. Pumasok na tayo sa loob at kumain muna. Maaari naman natin palabasin ang batang iyan sa oras na dumating ang magulang niya." Nakangiting tumango si Rhian sa kaibigan. "Mauna na kayo, maghihintay muna ako dito." Umupo siya para pantayan ang batang babae at tanungin. "Gutom ka ba? Kung gutom ka at ayos lang sayo ay dadalhin kita sa loob para pakainin. Parating na ang daddy mo, at kapag dumating siya, ihahatid kita palabas, ayos lang ba?" Tiningnan siya ng batang babae ng ilang segundo, ang kanyang bilugang mata ay kumikislap, at medyo nag-aalinlangan. "Kung ayaw mo naman, maghihintay ako dito kasama ka." Mahinahon na pagpapagaan ni Rhian sa loob ng bata. Nang marinig ito, sabay na sinabi nina Rio at Zian na, "Maghihintay din kami dito kay Mommy!" Natampal ni Jenny ang kanyang noo, "Ako na lang ba ang nagugutom dito? Baby girl, hindi talaga kami masamang tao. Dadalhin ka ba namin sa magandang restaurant at pambulikong lugar kung kami ay masama? Gutom ka rin, di ba? Huwag kang matigas ang ulo, pumasok ka na kasama si ate, okey?" Sa sandaling iyon, ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa batang babae. Si Zian at Rio ay gutom na rin, kaya hindi nila napigilan ang mapatingin sa munting batang babae na may pag-asam. "Huwag natin siyang pilitin." Kinagat ng batang babae ang kanyang labi, lumapit ng dalawang hakbang kay Rhian, inabot ang manggas niya, at tumango sa kanya. Naintindihan ni Rhian ang ibig sabihin ng paslit, at lumambot ang kanyang puso. Gumalaw-galaw ang ulo ng bata. Nang makita ito, ngumiti si Rhian at hinaplos ang ulo ng bata. Kinuha niya ang kamay ng batang nakahawak sa kanyang manggas, tumayo, at inalalayan ito pumasok sa loob ng restaurant. Sumunod si Jenny sa likod, hawak ang kamay nina Rio at Zian. Habang nakikitang sumusunod ang batang babae ng nakahawak sa kanyang matalik na kaibigan, hindi niya napigilan ang magkomento, "Kanina ay takot na takot ang batang ito sa atin, pero bigla na lang naging malapit sa'yo." Pagkatapos sabihin iyon ay napabuntong-hininga siya, "Sa mundong ito, talagang sikat ang mga magaganda sa mga lalaki, babae, mapa-bata man, at matanda. Ang mundo talaga ay hindi patas."dagdag biro pa ni Jenny. Napangiti si Rhian sa biro ng kanyang kaibigan, at hinigpitan ang hawak sa malambot na kamay ng maliit na bata nang hindi nagsasabi ng anuman.Ang Romantic Restaurant ay isang pribadong restawran sa Pilipinas. Ito ay kilala sa maalalahaning serbisyo at masasarap na putahe. Bukas lamang ito para sa mga high-end na kostumer na may reserbasyon, at kailangang gawin ang reserbasyon isang buwan nang maaga. Kahapon, nakahanap si Jenny ng ilang koneksyon at nakakuha ng reserbasyon. Napaka-elegante rin ng pagkakaayos ng restawran. Bawat upuan ay hiwalay ng isang screen. May maliit na pintuan na kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng magandang atmospera, na parang sinaunang panahon kung saan umiinom ang mga tao sa ilalim ng buwan. Pumasok ang ilang tao at umupo sa isang bilog na mesa. Hindi nagtagal, dumating na ang waiter dala ang mga pagkain. Nagaalala si Rhian na baka hindi maging komportable ang batang babae sa tabi niya, kaya't nakatutok siya rito, pinaghahainan ng pagkain at paminsang pinupunasan ang bibig nito. Nakaupo si Rio at Zian sa kabilang bahagi ni
May dalawang tao lamang sa loob ng silid. Nilibot ni Zack ang tingin niya sa buong silid at sa huli ay tinutok niya ang kanyang mata sa kanyang anak. Sumama ang loob ni Rain kanina sa biglaang pag alis ni Rhian, kaya ng makita niya ang daddy niya, nagtatampo na tumalikod siya. Masama ang kanyang loob sa daddy niya dahi ito ang dahilan kaya umalis ang magandang babae kanina. Bahagyang dumilim ang tingin ni Zack. "Young lady, okay ka lang ba?" Tahimik ang mag-ama, kaya't si Manny, ang assistant, ang siyang kumilos upang magtanong sa Young lady. Tiningnan siya ng batang babae, pagkatapos ay tumalikod muli nang galit at hindi siya pinansin. Maingat na tinignan ni Manny ang bata, at nang masigurong ligtas ito, huminga siya nang maluwag at lumapit kay Zack upang mag ulat. “Ayos lang ang inyong anak, Master.” Tumango si Zack, pinagmasdan ang anak niyang tahimik, at pagkatapos ay inusisa ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak. Nang magtama ang kanilang mga tingin, bumiga
"Mommy, sino ba 'yung Zack? Bakit kailangan nating magtago sa kanya?" Nakikita ni Rio at Zian na natutulala ang ina, kaya't niyugyog nila ang kamay nito at nagtanong nang may pagdududa. Natauhan si Rhian, hinaplos ang mga ulo nila, at ngumiti na parang walang anuman, "Hindi siya mahalagang tao, pero may kaunting alitan kami noon. Kaya kayong dalawa, kapag narinig n'yo ang pangalang niya sa hinaharap, kailangan ninyong lumayo o umiwas. Naiintindihan niyo ba?” Tumango nang sabay ang dalawang bata, "Naiintindihan namin, Mommy!” Nang ilayo ng kanilang ina ang tingin, nagkatinginan ang dalawang bata, at puno ng kuryosidad ang kanilang bilugang mata. Ano kaya ang nangyari noon kina Mommy at Daddy? Mukhang hindi maliit ang kanilang hindi pagkakaintindihan! Bumuntong-hininga si Rhian, ngunit patuloy pa rin siyang nag-aalala tungkol kay Jenny, hanggang sa biglang magsalita muli ang mga bata. "Mommy, bigla tayong umalis kanina. Kung pinaghinalaan tayo ng taong iyon, madali niya tay
Dalawampung minuto ang lumipas. Dahan-dahang huminto ang sasakyan sa Mansion ng pamilyang Saavedra. Hindi hinayaan ni Rain na may humawak sa kanya. Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan, at naglakad papasok nang hindi hinihintay ang sinuman. Tahimik na sumunod si Zack sa anak. Pagkapasok ng mag-ama, narinig nila ang isang boses... "Rain!" Nasa sala si Marga, abala sa pag-browse sa kanyang cellphone nang marinig ang pagpasok ng mga yabag. Nang makita na si Rain at si Zack ito, agad siyang tumakbo para salubungin sila ng may pekeng ngiti. Mahigpit na niyakap niya ang maliit na bata, "Sa wakas ay bumalik ka na! Bakit ka umalis ng walang dahilan? Nag alala si Tita! Ayos ka lang ba? May sugat ka ba?" Habang sinasabi ito, sinuri niya ang katawan ng maliit na batang babae na may nerbiyos na ekspresyon sa mukha. Nabigla si Rain sa kanya at medyo natigilan nang ilang sandali. Nang marinig ang mapanlinlang na boses ni Marga sa kanyang mga tainga, unti-unting bumalik ang kanyang mga mat
Pakauwi nang bahay nila Rhian, gutom pa rin ang dalawang bata, kaya't inubos nila ang lahat ng mga pagkain na kanilang inuwi ni Jenny. Pagkatapos kumain ng dinner, nilapitan ni Rhian ang kambal pagkatapos maghugas ng kanilang pinagkainan, “Umakyat na kayo sa taas mga anak, maligo na kayong dalawa,” “Okay po, mommy!” Sagot ng dalawa. Nang makaakyat ang mga bata, tumingin si Jenny sa kanyang matalik na kaibigan nang may kahulugan, "Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagtatago kay Zack? Di ba't nagkasundo kayong magdiborsyo noon? Bakit ka natatakot sa kanya ngayon? Umamin ka sa akin… totoo ba na mutual na desisyon ang inyong diborsyo? Kung oo, bakit ka nagtatago sa kanya? May kasalanan ka bang ginawa noon sa kanya?” Usisa nito. Nang magtagpo ang kanyang tingin, nagbaba ng tingin si Rhian, nag-alinlangan nang matagal kung sasabihin ba sa kaibigan ang sitwasyon noon, sa huli ay nagpasya siyang sabihin ang totoo. "Rhian, nagawa mo iyon?!” Hindi inasahan ni Jenny na may lakas ng
**Saavedra Family Mansion.** **Malamig na gabi.** Tahimik na pumasok si Zack sa kwarto ni Rain at inayos ang kumot na kanyang itinapon. Ang maliit na batang babae ay mahimbing na natutulog. Tumingin si Zack sa kanya ng ilang sandali bago lumabas. Paglabas niya, nakita niyang papalapit si Manny at nag-ulat, "Master, pumunta ako sa restaurant na iyon para tingnan, pero sira ang surveillance ng restaurant at wala akong nahanap na kahit ano." Nang marinig ito, bahagyang kumunot ang noo ni Zack, "Ano ang ibig mong sabihin na walang natagpuan na kahit ano?" Kaduda-dua, sira ang surveillance ng restaurant? Mukhang medyo nahihiya si Manny at nag-atubiling sumagot, "Marahil ay coincidence lang. Sa katunayan, ang Madam... Hindi, si Miss Fuentes ay matagal nang nawala. Wala tayong balita tungkol sa kanya sa mga nagdaang taon. Malamang na hindi siya biglang magpapakita sa bansa." Nang matapos siyang magsalita, nakita niyang biglang sumeryoso ang mukha ng kanyang master. Naisip n
Sinundan ni Rio ang linya ng kanyang paningin at nakita ang batang babae na nakilala nila kahapon. Bahagyang kumurba ang magandang kilay ng maliit na batang babae. Sa oras na ito, si Rain ay nakatingin din sa kanila at pumapalakpak kasama ang ibang mga bata. Nang makita silang nakatingin sa kanya, nagkaroon ng bahagyang kasiyahan sa kanyang mga mata na parang tuwang-tuwa. Hindi niya inaasahang makikita ang dalawang bata na lalaki dito. Bagamat isang beses pa lamang silang nagkita, hindi niya maipaliwanag kung bakit nahihirapan siyang hindi sila magustuhan. Ngunit habang nakatingin siya sa kanila, naunang ibinaba ni Rio at Zian ang kanilang mga tingin. "Okay, kayong dalawa, maupo na kayo. May dalawang bakanteng upuan doon. Puwede ba kayong magsama?" Itinuro ng guro ang dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Rain. Napatigil sandali sina Rio at Zian, ngunit wala silang sinabi. Tumango sila nang masunurin at pumunta sa upuan. Nang makita ang dalawang bata na lalaki na lum
Nang makita siya na biglang humarang sa harap ni Rain, napaatras si Cherry. Sabi ni Rio nang may katigasan: "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo kailangan mong humingi ng tawad kapag may nagawa kang mali. Itinulak mo siya, kaya dapat kang humingi ng tawad sa kanya!" Bagamat bata pa, may natural na kapangyarihan siyang taglay kapag nagpakita ng seryosong mukha. Napaatras si Cherry sa takot, tumingin sa paligid, umaasang may ibang bata na magsasalita para sa kanya. Matapos ang mahabang sandali, nang walang sumuporta sa kanya, nahirapan siyang ipagtanggol ang sarili, "Ako, ako ay..." Nag-"ako" siya ng matagal, ngunit hindi mailabas ang iba pang mga salita. Nang makita ang kanyang namumula na mukha, si Zian ay naglakad papalapit sa kanya, "Cherry, dapat maging mabait ka, hindi ka dapat nananakit sa iba, ito ay masamang asal. Hindi pinapayagan ang mga bata na makipag-away. Kaya, dapat kang humingi ng tawad sa kanya!" Kung ikukumpara kay Rio, mas malambot ang tono ni Zian, nguni
Ilang segundo munang kumalma si Rhian bago tumugon, "Ang concert ay ipinangako ko na sa bata. Ano ang ibig sabihin ni Mr. Saavedra tungkol dito?"Mabilis na sumagot ang kabilang linya, "Iniisip ko lang na maaaring abala si Miss Rhian sa pakikipagtulungan sa pamilya Dantes sa panahong ito at walang oras. Kaya, kung talagang wala siyang oras, hindi ko pipilitin si Miss Rhian."Sa pagbasa ng huling pangungusap, may lumitaw na hinala si Rhian sa kanyang isipan.Biglaang binanggit ni Zack ang bagay na ito dahil sa sinabi niya sa sasakyan na huwag siyang pilitin.Sa pananaw nito, ang pagpayag sa concert ay dahil sa paulit-ulit na hiling ni Rain, na tila sapilitang tinanggap din.Kung ganoon, ginagawa ba niya ito upang itama ang maling nagawa?Sa pag-iisip na ang lalaking ito ay magbabago dahil sa kanyang sinabi, nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam kay Rhian. Nais pa nga niyang maniwala sa sinasabing paghahangad ni Zack sa kanya.Napagtanto niya ang kanyang iniisip, kaya't bigla siyang nata
Pagkapasok na pagkapasok ni Rhian sa bahay, narinig niya ang ingay mula sa itaas."Mommy!"Lumabas ang dalawang munting bata mula sa kwarto, nagmamadaling bumaba, at tumayo sa harap niya. Tinitigan siya ng sabik at may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Nasa mabigat na kalagayan pa rin ang damdamin ni Rhian. Nang makita ang tingin ng mga bata, pinilit niyang itago ang kanyang iniisip. "Anong meron?"Pagkasabi niya nito, napansin niyang nakatingin ang mga bata sa may pintuan, tila may hinahanap.Ilang sandali pa, ibinaling nila ang kanilang tingin pabalik, may halong pagkadismaya sa kanilang mga mukha."Ano ang tinitingnan niyo?" tanong ni Rhian, litong-lito.Tumingala ang mga bata at tumingin sa kanya, may bahid ng pagkadismaya sa kanilang maliliit na mukha. "Mommy, wala po ba si little sister?"Sa narinig, nagtataka si Rhian kung bakit biglang nabanggit ng mga bata si Rain."Gabing-gabi na, malamang natutulog na si little Raib," sagot niya.Ngunit tumagilid ang ulo ng mga ba
Pagkatapos magsalita ni Rhian, napagtanto rin niyang may mali sa kanyang mga sinabi.Inaasahan niyang sasalungatin siya ni Zack nang malamig, ngunit matagal nang hindi nagsalita ang lalaki.Ang tanging naramdaman niya ay ang unti-unting pagbigat ng atmospera sa loob ng sasakyan.Habang nagdadalawang-isip kung magdadagdag ng paliwanag, narinig niya ang bahagyang walang magawang boses ng lalaki sa kanyang tainga."Kung ganoon, pakiusap, Miss Rhian ituring mo ako na katulad ng iba mong tagahanga at huwag akong tratuhin nang iba."Walang magawa si Zack sa kanya. Matapos mag-isip ng matagal, nagdesisyon siyang magpakumbaba.Sa hindi inaasahang pahayag na iyon, biglang sumikip ang dibdib ni Rhian at napagdudahan pa niya ang narinig.Paano masasabi ng isang taong kasing taas ng pride ni Zack ang ganoong bagay?"Kung ang tinutukoy ni Miss Rhian na iba pang tagahanga ay si Ginoong Mike. Pakiusap ituring mo ako nang pareho kay Ginoong Mike Tutal, hindi naman tayo mas kaunting magkakilala kumpar
Tahimik muli ang loob ng sasakyan.Biglang lumiwanag ang telepono ni Rhian.Isang mensahe mula kay Mike ang natanggap niya, nagtatanong kung nakauwi na siya.Sa harap ng pag-aalala ng kanyang senior, kahit hindi harapan, ngumiti pa rin siya nang magalang at nag-reply: "Paparating pa lang."Mabilis namang sumagot ang kabilang linya, "Sabihan mo ako kapag nakarating ka na."Tumango si Rhian at ngumiti habang sumasagot.Sa tabi niya, napansin ni Zack ang liwanag ng kanyang telepono. Paglingon niya, nakita niya ang banayad na ngiti sa mukha ni Rhian. Nang tingnan niya ang screen ng telepono, nakita niya ang nakasulat na Senior Mike.Malinaw na nakikipag-usap si Rhian kay Mike.Dahil dito, ang bahagyang gumaan na damdamin ni Zack ay muling bumigat.Ano ang nagawa niya para magkamali? Ang babaeng ito, nakangiti nang masaya habang nagrereply kay Mike pero kapag siya ang kaharap, laging parang may kinatatakutan!Sa isiping iyon, unti-unting bumaba ang air pressure sa paligid ni Zack.Nang mat
Medyo tuliro ang pagkakatulog ni Rhian. Nang magising siya, sandali niyang nakalimutan kung nasaan siya. Ang tanging naramdaman niya ay ang bahagyang init.Nagpumilit siyang umupo nang tuwid at tumingin sa paligid, hanggang sa maalala niyang nasa loob siya ng sasakyan ni Zack.At ang lugar kung saan siya nakahilig habang natutulog...Agad na tumingin si Rhian sa lalaki sa tabi niya.Naialis na ni Zack ang kanyang kamay. Sa ayos nito sa pagkakaupo, parang walang nangyari kanina.Pero maliban sa mga braso niya, wala siyang maisip na iba pang lugar kung saan siya nakahilig kanina."Pasensya na," sabi ni Rhian na may halong pag-aalala. "Hindi ko sinasadyang nakatulog ako kanina."Pagkasabi niya nito, naramdaman niya ang tingin ng lalaking nasa tabi niya, at ang malalim na tingin ay tila dumidikit sa kanya.Naiilang, bahagyang gumalaw si Rhian upang lumayo sa lalaki.Napansin ni Zack ang balak niya, kaya't dumilim ang tingin nito. "Mukhang mahimbing ang tulog ni Miss Rhiab kanina. Mukhang
Habang pinagmamasdan ang dalawang taong papalayo, unti-unting dumilim ang mga mata ni Luke.Ang kasalukuyang relasyon ng dalawang ito ay mahirap talagang unawain.Kitang-kita niya na pilit sinusubukan ni Zack na ayusin ang kanilang relasyon, ngunit ang saloobin ni Rhian ay hindi tiyak.Naalala ni Luke ang anyo ng babaeng nakatayo sa malambot na liwanag kanina, at naramdaman niyang magulo ang kanyang damdamin.Samantala, walang kamalay-malay si Rhian sa kanyang iniisip.Sa buong biyahe, hawak ng lalaki ang kanyang pulso.Hindi alam ni Zack kung gaano kalakas ang paghawak niya, pero bahagyang masakit ang pulso ni Rhian."Bitawan mo ako!" sigaw niya.Pilit siyang nagpupumiglas, pero lalo pang humigpit ang hawak nito.Matapos niyang pakawalan kanina, muntik nang tumakbo ang babae papunta sa ibang lalaki, kaya't ayaw nang bitawan muli ni Zack ang kamay niya.Hindi makawala si Rhian, at tila hindi siya pinakikinggan ng lalaki.Matapos ang ilang beses na pagtangka, sumuko na siya at hinayaan
Tinutok ni Rhian ang kanyang mata kay Zack, parang tinatanong siya, bakit siya duda sa kanya tulad ng mga ibang tao. Nabigla si Zack ng kaunti. Naisip niya ang mga hindi maingat na salita niya kanina, at isang di-kitang pagkabigo ang dumaan sa kanyang mga mata. Nang magsalita siya muli, medyo humina ang tono, "Hindi ko ibig sabihin iyon." Ayaw lang niyang makita ang maliit na babaeng ito na umalis kasama ang ibang lalaki. Ang mukha ni Rhian ay naging malamig, at ang tono niya ay puno ng pangungutya, "Ano ba ang ibig sabihin ni Mr. Zack?" Nagkibit ng balikat si Zack, tiningnan si Luke sa kabila, at binago ang mga salita, "Napakalaki ng nangyaring iyon, kung may makakita na si Young Master Luke ang naghatid sa'yo pauwi, magiging walang silbi ang mga ginawa ko." Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang kanyang mga mata mula kay Luke at tiningnan ang mukha ni Rhian, at nagsalita ng malalim na boses, "Bagamat hindi gaanong nagpapasalamat si Miss Rhian sa aking pagtulong, ayokong mabi
Pagkasabi ng mga salita, malinaw na naramdaman ni Rhian na bumaba ang presyon ng hangin sa paligid niya.Hindi na kailangang tumingin, alam niyang ang pinagmulan ng mababang presyon ay ang lalaking nasa tabi niya.Hinawakan ni Rhian ang kanyang mga palad at pinilit na huwag tumingin, nagkunwaring hindi siya naroroon.Ang tanong ni Zack kanina ay nag patibok ng kanyang puso. Nang maisip ang hindi maipaliwanag na pagtatapat kanina, natakot siyang magbigay ito ng ilang sobrang mga kahilingan.Sa kabilang banda, napansin ni Luke na medyo mabagal nga ang driver.“Gagawa ako ng tawag para magtanong.” Habang nagsasalita, inilabas ni Luke ang kanyang cellphone at gustong tumawag.Hindi nagtagal, narinig ni Rhian ang boses ni Zack, “Dahil medyo matagal pa ang driver ni Luke kung hindi po kayo mag-aalala, maaari ko po kayong isabay pauwi.”Pagkatapos niyang magsalita, muling tumingala si Rhian at agad na tinanggihan nang walang pag-aalinlangan, “Hindi, sinabi ko na po kay Mr. Luke na sasabay ak
Makalipas ang ilang sandali, dinala ni Manny ang mga tao upang samahan si Meranda palabas. Hindi niya na-realize ang nangyari hanggang lumabas na sila sa karamihan. Patuloy siyang lumaban, ngunit wala ring silbi.Matapos umalis ni Meranda, tiningnan ni Zack ang mga tao sa paligid ng malamig. Nang magtama ang mga mata nila, nanikip ang mga puso ng mga tao at hindi na nila tinangkang magtagal pa, kaya’t mabilis silang umalis.Maya-maya, tanging si Rhian at ang iba pang mga tao na lang ang natira sa harap ng hotel."Maraming salamat, Mr. Saavedra sa pagtulong sa akin," sabi ni Rhian, na nakayuko at nagpapanggap na kalmado, habang nagpapasalamat kay Zack. Nang mga oras na iyon, nais niyang bumalik kay Mike at magbigay ng distansya kay Zack.Ngunit hindi niya inaasahan na pagkapasok na pagkapasok ng isang hakbang, hinawakan siya sa pulso ng lalaki.Tumigil saglit si Rhian at nais niyang pahintuin siya, ngunit takot siyang lumingon kaya’t nanatili na lang siyang stiff."Ang pasasalamat ni M