Nang makita siya na biglang humarang sa harap ni Rain, napaatras si Cherry. Sabi ni Rio nang may katigasan: "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo kailangan mong humingi ng tawad kapag may nagawa kang mali. Itinulak mo siya, kaya dapat kang humingi ng tawad sa kanya!" Bagamat bata pa, may natural na kapangyarihan siyang taglay kapag nagpakita ng seryosong mukha. Napaatras si Cherry sa takot, tumingin sa paligid, umaasang may ibang bata na magsasalita para sa kanya. Matapos ang mahabang sandali, nang walang sumuporta sa kanya, nahirapan siyang ipagtanggol ang sarili, "Ako, ako ay..." Nag-"ako" siya ng matagal, ngunit hindi mailabas ang iba pang mga salita. Nang makita ang kanyang namumula na mukha, si Zian ay naglakad papalapit sa kanya, "Cherry, dapat maging mabait ka, hindi ka dapat nananakit sa iba, ito ay masamang asal. Hindi pinapayagan ang mga bata na makipag-away. Kaya, dapat kang humingi ng tawad sa kanya!" Kung ikukumpara kay Rio, mas malambot ang tono ni Zian, nguni
Walang alam si Rhian tungkol sa nangyari sa kindergarten. Pagkatapos niyang umalis sa kindergarten, nagpunta siya upang mag-ulat sa research institute na itinatag ng kanyang guro sa Pilipinas. Pagpasok niya sa institute, nakita niya ang isang guwapo at elegante na lalaki na nakasuot ng maayos na shirt at pantalon na papalapit sa kanya. "Doktor Fuentes, welcome back. Natutuwa akong makatrabaho ka muli." Nakatayo si Zanjoe Rodriguez sa harapan at iniabot ang kamay sa kanya ng may paggalang. Bahagyang tumango si Rhian, inabot ang kanyang kamay upang makipag-shake, at pagkatapos ay agad na binawi ito. Si Zanjoe Rodriguez ay nakatrabaho din ang team ni Lu Mendiola sa ibang bansa at nagsagawa ng maraming research and development na gawain. Sa panahong iyon, si Zanjoe ang nagsilbing assistant. Nagtapos siya mula sa isang kilalang unibersidad, at ang kanyang kakayahan ay minsang kinilala nila ni Doktor Lu Mendiola, kaya naman siya ang napili nito noon na maging tagasunod. Porma
Nang marinig ang kanyang tanong, nabura ang ngiti ni Zanjoe, bumuntong-hininga ito bago nagsalita, "Sinasubukan naming lutasin ang tungkol sa bagay na ito.” Nanatiling nakikinig si Rhian, naghintay sa mga susunod na paliwanag ng lalaki. "Kamakailan lang ay nakipag-ugnayan ako sa isang supplier ng mga materyales medikal. Inungkat ko na ang pangmatagalang pakikipag-cooperate sa kanila. Kailangan na lang naming pumirma ng kontrata. Napagkasunduan na ang oras ng pagpirma, na gaganapin bukas ng hapon.” Ang dahilan kung bakit hindi naging maayos ang mga bagay nitong nakaraan ay dahil ang institute ay under ng konstruksyon sa mga sandaling iyon. Maraming komplikado at maliliit na bagay ang kailangang ayusin, at hindi gaanong maalam ang mga tauhan. Ngunit sa sandaling ito, sa wakas ay nasa ayos na ang lahat. Bukod pa dito, ang mga materyales medikal sa Pilipinas ay pangunahing minomonopolyo ng malalaking dealer ng materyales, at ang supply ay hindi naaayon sa demand. Dumagdag pa, mg
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Zack, at may bahagyang inis na dumaan sa kanyang mga mata. Mali ba ang nakita niya muli? Ayos lang sana kung nangyari ito isang beses o dalawang beses, ngunit dalawang sunud-sunod na araw na niyang nakita ang pigura sa magkaibang lugar. Ngunit... ang pigura ay biglang naglaho sa kanyang paningin, at pagkatapos ay wala nang bakas. Hindi napigilan ni Zack ang pag-ngisi at inalis ang kanyang tingin. Nahihibang na siya, kaya patuloy niyang iniisip ang babaeng iyon! Matagal ng naghintay si Manny, at nang hindi niya makita ang kanyang amo na humakbang, nagtanong siya nang may pag-aalangan. “Master, matagal na silang naghihintay, hindi ba tayo papasok?” Pumikit si Zack, inayos ang kanyang mga emosyon, at tumugon nang kalmado, “Tara na.” Pagkatapos, humakbang siya ng malaki at naglakad papasok. Mabilis naman na sumunod si Manny. ... Nang dumating sina Rhian at Zanjoe sa silid, naroon na ang mga tauhan ng institute. Inanyayahan ni
Mas mabuti ng hindi na lang magdulot ng problema. Nang maisip ito, muling humingi ng pasensya sa Rhian sa lalaki. "Pasensya na talaga, ayos ka lang ba?" Lasing ang lalaki, kaya naman maingat siyang humingi muli ng tawad. Pagkatapos niyang magsalita, biglang ngumiti ng malisyoso ang tao sa kanyang harapan, at lasing din ang kanyang boses, "L-Little beauty... kung ayos ba ako o hindi, malalaman mo kung sasamahan mo akong uminom! Kung mapasaya mo ako, hindi na kita gagalawin ngayon!" Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian, alam niyang ang tao sa kanyang harapan ay halatang lasing at wala sa katwiran, kaya hindi na niya balak itong bigyang-pansin. Niyuko niya ang kanyang ulo at sinubukang lumakad sa gilid niya. Nang siya ay lumakad palayo sa lasing, muling umingay ang boses ng lasing, “Huwag kang umalis, little beauty! Mayaman ako…. Basta't sumama ka sa akin at paligayahin ako, garantisado na magiging maganda ang buhay mo magpakailanman!" Habang sinasabi ito, tumawa ng malakas ang lal
Walang tao sa silid. Matapos pumasok si Zack, isinara niya ang pinto. Sa isang sandali, ang silid ay naging tahimik na tanging ang tunog ng kanilang paghinga ang maririnig. Tumingin si Rhian sa paligid at nakaramdam ng panganib nang walang dahilan, kaya't siya'y lumaban nang mabangis. "Ano bang gusto mong gawin? Bitawan mo nga ako!" Sa susunod na sandali, sinandal siya sa pader ni Zack na walang kahirap-hirap. Ang kanilang mga katawan ay halos magkadikit. Ang mainit na hininga ng lalaki ay tumatama sa kanyang tainga. Biglang tumigil ang mga galaw ni Rhian sa pakikipaglaban, habang nakasandal sa pader, pinipilit niya na ayusin ang kanyang postura, samantala hindi niya namamalayan na bumabagal na ang kanyang paghinga. Sa sandaling ito, batid niya na anumang oras ay maaring gawin ng dating asawa ang anumang bagay sa kanya… at wala siyang kawala o magagawa. Walang ibang tao sa silid… nakakabingi ang katahimikan. Bumuga ng hangin si Rhian. Nagsisimula siyang maguluhan.
Ang mainit na labi ni Zack ay lumapat sa kanya, at ang kanilang mga paghinga ay nagkasalubong. Sandaling na-blanko ang kaisipan ni Rhian. Hindi niya inaasahan na gagawin talaga ito ni Zack! Ang kamay ng lalaki na humahawak sa kanyang baba ay pilit na binubuksan ang kanyang bibig. Biglang natauhan si Rhian at nagsimula ng pumiglas, "Zack, pakawalan mo ako! Nasisiraan ka na ba ng bait? Ito ay isang pribadong silid! Maaaring may pumasok anumang oras!" Umusog si Zack ng kaunti dahil sa kanyang pagpiglas. Nang marinig ito, bahagyang binasa nito ng dila ang ibabang labi, "Ano ngayon? Hindi ba't sinabi mong babayaran mo ako? Gusto kong bayaran mo ako sa paraang ito, natatakot ka ba?” Sandaling nanginig ang mata ni Rhian sa takot, bigla niyang naalala ang gabing iyon. Noong gabing iyon, marahil dahil pareho silang na-drug, at hindi gaanong nakadarama si Zack, ngunit nandoon pa rin ang kanyang mga instinct. Sa buong proseso, kumilos ang lalaki nang walang ingat at may labis na puw
Pagkatapos ni Rhian na lumabas mula sa pribadong silid, wala siyang mapuntahan, kaya't ng makakita siya ng pader sa dulo, doon siya nagtago.Sumandal siya sa pader, humihingal nang malakas, at hindi nakalimutang itaas ang kamay upang hawakan ang kanyang mga labi na nahalikan at nasaktan. Hanggang ngayon ay nadarama niya ang init ng labi ng lalaki sa kanyang labi.Pagkatapos ng ilang sandali, ibinaba ni Rhian ang kanyang mga mata sa sariling paglibak.Sa loob ng maraming taon, inisip niyang wala na siyang damdamin para kay Zack, ngunit hindi niya inasahan na sa isang pagkikita ng harapan lamang ay madali niyang makagambala ang kanyang puso.Pagkalipas ng ilang minuto, nang maayos na ang kanyang emosyon, bumalik si Rhian sa pribadong silid kung nasaan ang kanyang mga kasamahan.Ang mga empleyado sa loob ay abala pa rin, at bahagya lamang silang nagtimpi nang makita siyang pumasok.Tumingin si Zanjoe sa kanya at napansin na tila nasa ibang estado siya kumpara nang umalis siya, at bahagya
Umiiyak si Rain na parang nawawalan ng hininga, at niyayakap siya ni Rhian. Mahigpit na hawak ng mga maliit niyang kamay ang mga damit ni Rhian, at ang boses nito ay kalituhan, "Gusto ko po si tita, gusto ko po si tita na maging mommy ko! Ikaw po ang gusto ko!” Nanlaki ang mata ni Rhian. “A-ano?” Nagpatuloy ang bata, "Ikaw po ang gusto ko, tita… ikaw ang pinakamagaling at mabait na tita na nakilala ko… gusto ka din ni Daddy..." Pagkarinig nito, napanganga si Rhian, mayamaya ay bumalik siya sa kanyang ulirat at pilit na pinigilan ang sarili na wag matawa ng sarkastiko. Walang alam si Rain. Alam niya na sinabi ito ng bata dahil desperada ito na manatili silang malapit. Gayumpaman, hindi niya alam kung paano napunta sa ganitong konklusyon ang bata. Siguro sa isip ng bata, basta’t madalas magkasama ang dalawang tao, magugustuhan nila ang isa’t isa. Isa iyong malaking kalokohan… matagal silang nagsama ni Zack noon ngunit hindi siya minahal. Kahit gawin mo ang lahat, magsama man
"Tita ganda please po, wag mo ako ayawan… wag po tita please…” Hinawakan ni Rain ang damit ni Rhian, hinila-hila ito ng bata, humihiling na pumasok sa mga braso niya. Pumantay si Rhian, lumuhod, at pinayagan ang bata na pumasok sa kanyang mga braso. Buntung-hininga siya at nagsabi ng malumanay, "Hindi naman sa hindi ka gusto ni tita, Rain…." “Pero bakit gusto mo akong paalisin?” Nang marinig iyon ni Rhian ay tila sinakal ang puso niya. Mayamaya, narinig niya ang paghikbi sa boses ng bata, kaya't inilabas niya ito mula sa kanyang mga braso, itinataas ang kamay upang dahan-dahang punasan ang mga luha nito. “Bakit po… huhuhu tita bakit po?” Tumingin ang hilam sa luha na bilugang mata ni Rain sa magandang tita, umaasa na makuha ang sagot mula sa kanya. Kinagat ni Rhian ang labi ng ilang sandali. Iniwas niya ang kanyang tingin, awang-awa man sa bata ay kailangan niya itong gawin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “Gusto ni tita na ihatid ka pabalik, hindi dahil ayaw niya sayo
Nang marinig ni Rhian ang malambing na tinig ng bata sa kanyang tenga, ramdam niya ang magkahalong damdamin. Tulad ng inaasahan niya, napaka-sensitibo ng bata sa mga emosyon ng paligid, at napansin pa nito ang kanyang pag-iwas kay Zack. Kaya, ang bata ay dumating nang hindi sinasabi kay Zack ang tungkol sa pagpunta niya dito. Sa kanyang puso, ganito ba siya kahalaga kay Rain? Habang nakatayo sila, si Rio at Zian ay hindi napigilan ang maawa para kay Rain, kaya nilapitan nila ito at hindi nakatiis na magsalitaz "Mommy, nagpunta si Rain ng mag-isa dito, hayaan niyo po siyang maglaro kasama namin!" Hilong ni Zian habang hinawakan ang manggas na suot ni Rhian. Sumunod si Rio, na kanina pa nahahabag sa kanilang stepsister, “Mommy, hindi pa naman uwian kaya hindi pa siya susunduin ni tito Zack, hayaan mo po muna siyang magstay at makipaglaro sa amin! Please mommy!” Hindi nakasagot agad si Rhian. Kahit ang kanyang dalawang anak ay gustong-gusto si Rain. Bilang kanilang ina ay nakik
Pagkatapos ng tanghalian, nais ng dalawang maliliit na bata na makipaglaro kay Rain, ngunit pinigilan sila ni Rhian. "Kayo na lang dalawa ang maglaro, ihahatid lang ni mommy si Rain pauwi,” Gusto sanang ipaliwanag ni Rhian sa bata, ngunit nang makita ang mukha nitong bagong umiyak, hindi niya magawang magsalita ng masakit, kaya't pinili niyang ihatid na lang muna ang bata. Nang marinig ito ng dalawang bata, nakaramdam sila ng lungkot. Ayaw pa nilang umuwi si Rain, pero hindi sila ang magdedesisyon kaya’t tumango na lang sila nang maayos. Dahil aalis si Rain, nawalan na ang kambal ng interes na maglaro. Nang marinig ni Rain ang sinabi ni tita ganda, mukha siyang nag-aalangan. Napansin niyang tinitingnan siya ni Rhian, kaya't pininid niya ang kanyang labi at iniwas ang mata, hindi na nakipag-usap. Ito ang unang pagkakataon na ganoon ang pagtrato sa kanya ng bata. Nakita ito ni Rhian kaya nakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Kung maaari, ayaw niyang pasamain ang loob ng batan
Tumango si teacher Pajardo, nakakaunawa sa sinabi ni Rhian. “Mabuti naman kung gano’n. Zian, magpagaling ka agad ng lubusan ha, para makapasok ka na. Miss ka na kasi ni Rain,” “Opo, teacher!” Sagot ng bata. Nagpakita ng pag-aalala ang Guro kay Zian at nagbigay pa ng ilang mga paalala, pagkatapos ay tiningnan ang relo at nakita ang oras, nabahala siya. Inaprubahan niyang mag-leave si Rain, ngunit wala siyang leave at hindi rin maganda kung magtatagal sila sa labas. Kailangan na nilang bumalik, may trabaho pa siya. "Rain, tapos na natin makita sila Zian, bumalik na tayo," sabi niya sa bata. Ngunit tiningnan ni Rain si Rhian at ang dalawang bata nang may pananabik, pininid ang mga labi at umiling. Nakita ng guro ang hitsura ng bata at alam niyang hindi magiging madali ang pagbalik nila ngayon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya tumingin na lang siya kay Rhian para humingi ng tulong. Ngumiti si Rhian kay teacher Pajardo, "Hayaan mo nang mag-stay si Rain, pagkatapos a
Hawak ni Rain ang notebook at isa-isang isinulat ang mga salita. Nang matapos, itinaas niya ito upang ipakita sa guro niya. "Teacher, nag-aalala po ako." Tinutok ng batang babae ang mga mata kay teacher ng seryoso. Makikita ang determinasyon at pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakahinuha si teacher sa layunin ng bata, ngunit nagtanong pa rin, "Pupunta ka ba sa mga kuya mo? Iyon ba ang gusto mong sabihin?” Tumango si Rain nang mabilis. Sumeryoso ang mukha ni teacher at nag-isip sandali. "Maari kitang papayagan na mag-leave, pero kailangan mo parin sabihin sa daddy mo na dalhin ka doon,” Pagkarinig nito, muling dumapo ang lungkot sa mukha ng bata, at mabilis itong umiling. Isinulat niya ulit sa notebook, "Hindi ayoko!" Kumunot ang noo ng guro, makikita sa mukha ni Rain ang labis na pagtutol. Nakita niya ang malaking tandang padamdam sa dulo ng isinulat ng bata at hindi maiwasang huminga ng malalim. Malinaw na hindi gusto ni Rain ang kanyang iminungkahi. Ang kalagayan ni R
Pagpasok ni teacher Pajardo sa silid-aralan, agad niyang narinig ang paghikbi ni Rain. Mabilis niyang tiningnan ito at nakita ang batang babae na punong-puno ng luha at humihikbi ng malakas. "Rain, anong nangyari?" mabilis na nilapitan ng Guro si Rain. Ang maliit na bata ay patuloy lang sa pag-iyak, hindi nagsasalita. Sa tabi, tumayo si Mae at maayos na ipinaliwanag ang sitwasyon sa Guro, "Teacher, pagkatapos ng klase, gusto ko sanang makipaglaro kay Rain, pero mukhang natakot siya sa akin." May mga bata ring hindi nakatiis at nagsalita para kay Mae, "Si Rain naman ang unang tumama kay Mar, tapos siya pa ang umiyak na parang siya itong nasaktan,” Tumango-tango ang guro, naiintindihan ang sitwasyon mula sa mga pahayag ng mga bata. Matagal na niyang inaalagaan si Rain, kaya't alam na niya ang kalagayan ng bata. Napansin din niya ang hindi magandang mood ng batang babae sa nakaraang dalawang araw. Sa palagay niya, tulad ng sinabi ni Mae, natakot si Rain kaya't siya ang kumilo
Si Zian ay gumaling matapos uminom ng gamot dulot ng mga problemang pisikal, ngunit patuloy pa rin ang pag-aalala ni Rhian kaya nag-request siya ng leave para makapagpahinga para maalagaan ang anak sa bahay. Si Rio naman ay nanatili sa bahay kasama siya. Sa kabilang banda, si Rain ay hindi pa nakikita ang dalawang batang lalaki mula sa kindergarten sa loob ng dalawang araw, at pati na rin ang maganda niyang tita. Dahil dito, hindi maganda ang kanyang mood. Noong una, sa pamumuno nina Rio at Zian, ang mga bata sa klase ay madalas na inaakay siya para maglaro, ngunit dahil sa umayaw siya sa mga bata sa mga nakaraang dalawang araw, nagsimulang mag-alisan ang mga bata sa kanya at hindi na siya inistorbo pa. Matapos ang klase, madalas na nakaupo muna si Rain sa kanyang upuan, malungkot na nakatingin sa mga upuan ng dalawang batang lalaki, umaasang bigla silang lilitaw. "Rain, anong ginagawa mo?" tanong ng isang bata na hindi nakatiis at lumapit sa kanya. Ngunit parang hindi narin
Ipinahiwatig ni Zack na hindi siya pakakasal kay Marga. Nang marinig ito, naramdaman ni Dawn na sumakit ang kanyang mga ulo. Inangat niya ang kamay at hinilot ito habang galit na tinitingnan ang kanyang anak sa kanyang harapan, "Pumunta ka dito ng maaga para lang suwayin at pasakitin ang ulo ko, hindi ba?" “Kung masama ang pakiramdam mo ay dadalhin kita sa ospital. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Kung ipagpapatuloy mo pa rin ang pagbabanta na pakasalan ko si Marga, ngayon palang ay sinasabi ko na sayo, imposibleng mangyari iyon." Namayani ang ilang sandali na katahimikan. Galit na iwinasiwas ni Dawn ang kamay, "Umalis ka na, huwag kang magtagal sa harapan ko!” Katulad ni Zack, batid niya na talagang galit na din ang kanyang ina. Tumango si Zack at tumayo, bago umalis ay hindi niya nakalimutang sabihan, "Nag-iwan ako ng tao sa labas, maaari mo silang kausapin kung may kailangan ka." Matapos iyon, hindi na naghintay ng reaksyon mula kay Dawn, mabilis na umalis si Zack mula