Walang tao sa silid. Matapos pumasok si Zack, isinara niya ang pinto. Sa isang sandali, ang silid ay naging tahimik na tanging ang tunog ng kanilang paghinga ang maririnig. Tumingin si Rhian sa paligid at nakaramdam ng panganib nang walang dahilan, kaya't siya'y lumaban nang mabangis. "Ano bang gusto mong gawin? Bitawan mo nga ako!" Sa susunod na sandali, sinandal siya sa pader ni Zack na walang kahirap-hirap. Ang kanilang mga katawan ay halos magkadikit. Ang mainit na hininga ng lalaki ay tumatama sa kanyang tainga. Biglang tumigil ang mga galaw ni Rhian sa pakikipaglaban, habang nakasandal sa pader, pinipilit niya na ayusin ang kanyang postura, samantala hindi niya namamalayan na bumabagal na ang kanyang paghinga. Sa sandaling ito, batid niya na anumang oras ay maaring gawin ng dating asawa ang anumang bagay sa kanya… at wala siyang kawala o magagawa. Walang ibang tao sa silid… nakakabingi ang katahimikan. Bumuga ng hangin si Rhian. Nagsisimula siyang maguluhan.
Ang mainit na labi ni Zack ay lumapat sa kanya, at ang kanilang mga paghinga ay nagkasalubong. Sandaling na-blanko ang kaisipan ni Rhian. Hindi niya inaasahan na gagawin talaga ito ni Zack! Ang kamay ng lalaki na humahawak sa kanyang baba ay pilit na binubuksan ang kanyang bibig. Biglang natauhan si Rhian at nagsimula ng pumiglas, "Zack, pakawalan mo ako! Nasisiraan ka na ba ng bait? Ito ay isang pribadong silid! Maaaring may pumasok anumang oras!" Umusog si Zack ng kaunti dahil sa kanyang pagpiglas. Nang marinig ito, bahagyang binasa nito ng dila ang ibabang labi, "Ano ngayon? Hindi ba't sinabi mong babayaran mo ako? Gusto kong bayaran mo ako sa paraang ito, natatakot ka ba?” Sandaling nanginig ang mata ni Rhian sa takot, bigla niyang naalala ang gabing iyon. Noong gabing iyon, marahil dahil pareho silang na-drug, at hindi gaanong nakadarama si Zack, ngunit nandoon pa rin ang kanyang mga instinct. Sa buong proseso, kumilos ang lalaki nang walang ingat at may labis na puw
Pagkatapos ni Rhian na lumabas mula sa pribadong silid, wala siyang mapuntahan, kaya't ng makakita siya ng pader sa dulo, doon siya nagtago.Sumandal siya sa pader, humihingal nang malakas, at hindi nakalimutang itaas ang kamay upang hawakan ang kanyang mga labi na nahalikan at nasaktan. Hanggang ngayon ay nadarama niya ang init ng labi ng lalaki sa kanyang labi.Pagkatapos ng ilang sandali, ibinaba ni Rhian ang kanyang mga mata sa sariling paglibak.Sa loob ng maraming taon, inisip niyang wala na siyang damdamin para kay Zack, ngunit hindi niya inasahan na sa isang pagkikita ng harapan lamang ay madali niyang makagambala ang kanyang puso.Pagkalipas ng ilang minuto, nang maayos na ang kanyang emosyon, bumalik si Rhian sa pribadong silid kung nasaan ang kanyang mga kasamahan.Ang mga empleyado sa loob ay abala pa rin, at bahagya lamang silang nagtimpi nang makita siyang pumasok.Tumingin si Zanjoe sa kanya at napansin na tila nasa ibang estado siya kumpara nang umalis siya, at bahagya
Si Rain ay mahinahong iniabot ang kanyang nasugatang kamay kay Zack. Nang makita ang mga sugat sa kanyang kamay, kumunot ang noo ni Zack at nagtanong, "Paano nangyari ito? Inapi ka ba ng mga kalaro mo?" Natigilan si Rain sandali, tapos ay mariing umiling. "Hindi ka inapi?" tanong ni Zack, naguguluhan. "Ano ang nangyari?" Kinuha muli ni Rain ang kanyang lapis at dahan-dahang isinulat sa maliit na kuwaderno ang ilang mga titik. "Hnd" Matapos isulat, bahagya siyang tumagilid, hindi masyadong tiwala sa isinulat niya. Mahirap para sa kanya ang pagsulat ng salitang ito. Kapag may mga salita siyang hindi kayang isulat, karaniwan siyang gumagamit ng paint brush o minsan ay diretsong nilalaktawan. Pero ang paint brush ay bihira niyang gamitin, kaya’t hindi niya alam kung tama ba ang pagkakasulat niya. Tiningnan ni Zack ang isinulat niya at kinumpirma, "Nadapa ka?" Tumango si Rain. Bumuntong-hininga si Zack, at maingat na hinawakan ang sugat niya. "Nilagyan ba ng gamot ng guro mo?" T
Pagkatapos umakyat ng dalawang bata, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Rhian. "Anong nangyari? May iniisip ka ba?" tanong ni Jenny na may pag-aalala habang pinatay niya ang TV at lumapit. Sandaling nag-atubili si Rhian bago banggitin nang kaswal ang nangyari nang gabing iyon. "Nagkrus ang landas namin ni Zack habang nasa welcome party kami ng mga katrabaho ko." Anim na taon na ang nakalilipas, bukod kay Jenny, wala na siyang ibang mapagkakatiwalaan. Nang marinig ito, nagulat si Jenny at hindi maiwasang huminga nang malalim. "Ano bang klaseng kapalaran ito? Napakalaki ng Pilipinas. Sigurado ako na kung hindi ninyo sadyang hahanapin ang isa't isa, halos imposible kayong magkita." Ibababa ni Rhian ang kanyang tingin, tila malalim na nag-iisip. "Oh, pagkatapos mo siyang makita, ano na ang iniisip mo ngayon?" tanong ni Jenny. Bahagyang ngumiti si Rhian. "Ano pa nga ba ang maiisip ko? Matagal na kaming tapos, anim na taon na ang lumipas. Ngayon, para na lang kaming mga
Nang mawala sa kanyang paningin si Rain, saka lamang inalis ni Zack ang mata sa gate ng eskwelahan, bumaling siya kay Manny at nag utos. “Umalis na tayo." Tumango si Manny ng marinig at nagmaneho papunta sa Saavedra Corporation. Pagdating sa kumpanya, agad pumasok si Zack sa gusali at umattend ng high-level meeting. Matapos ang higit isang oras, saka lamang natapos ang pagpupulong. Pagkatapos ng meeting ay agad siyang bumalik sa kanyang opisina. "Zack, mabuti at dumating ka na," bati ni Marga pagkabukas niya ng pinto. Bahagyang kumunot ang noo ni Zack ng makita niya ito sa loob ng kanyang opisina. Kaswal na nakasuot si Marga ang elegante at itim na business suit, nakangiti ito habang nakatayo sa harap ng kanyang mesa. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa kanya. “Kailan ka pa dumating?” tanong ni Zack habang papalapit sa kanyang mesa. Mabilis na sinusuri niya ang mga dokumento roon bago tumuon ang tingin kay Marga. Nang makita ni Marga umupo si Zack, sumunod siya at ma
Pagkatapos iyon sabihin ni Zack, hindi niya binigyan-pansin ang reaksyon ni Marga. Sa simula pa lamang, pinili niyang pakasalan si Marga upang suklian ang utang na loob sa kanyang lolo nito na nagligtas sa kanyang buhay. Dahil dito, pinanatili niya ang malapit na ugnayan sa pamilyang Suarez at kaniyang pamilya, at nang imungkahi ng mga nakatatanda sa kanilang pamilya ang kasal sa pagitan nila ni Marga, wala na siyang magawa kundi ang pumayag. Noon, naisip niyang si Marga ang babaeng kailangan niya sa kanyang buhay. Ngunit nang matuklasan niyang umalis si Rhian ng walang salita at naglaho na parang bula anim na taon na ang nakalipas, napagtanto niyang ang kanyang nararamdaman para kay Marga ay hindi ang pag-ibig katulad ng inaakala niya. Sa loob ng anim na taon, paulit-ulit siyang hinihikayat ng mga nakatatanda mula sa parehong pamilya na ituloy ang kanilang kasal, ngunit palagi siyang nakahanap ng mga dahilan para ipagpaliban ito. Sa loob ng anim na taon, ginawa niya ang la
Nagulat si Rhian sa kanyang narinig. Ang pamilyang Suarez? Sa kanyang pagkaalam, mayroon lamang isang pamilya sa Pilipinas na kasangkot sa negosyo sa medisina na may apelyidong Suarez. At meron siyang hindi magandang pagkakaunawaan sa mga ito. Nag isang linya ang kilay ni Rhian sa kanyang naisip. Umaasa siya na hindi siya malasin at makatagpo ang taong pinaka-ayaw niyang makaharap. Hindi nagtagal ay dumating na silang dalawa sa napagkasunduang cafe shop. Ang tao mula sa supplier ng gamot ay hindi pa dumarating, nauna sila sa mga ito. Umupo muna sina Rhian at Zanjoe, umorder ng dalawang tasa ng kape, at naghintay para sa pagdating ng iba. Mga sampung minuto ang lumipas ng makita ni Zanjoe sa entrance ang hinihintay. “Narito na sila.” Pagbibigay alam ni Zanjoe kay Rhian. Tumango si Rhian at tumayo para magalang na bumati, ngunit natigilan siya ng magtama ang kanilang mata ni Marga. “Pasensya na, nahuli kami.” Sabi ng assistant ni Marga na si Fred. Napabuntong-hininga
Umiiyak si Rain na parang nawawalan ng hininga, at niyayakap siya ni Rhian. Mahigpit na hawak ng mga maliit niyang kamay ang mga damit ni Rhian, at ang boses nito ay kalituhan, "Gusto ko po si tita, gusto ko po si tita na maging mommy ko! Ikaw po ang gusto ko!” Nanlaki ang mata ni Rhian. “A-ano?” Nagpatuloy ang bata, "Ikaw po ang gusto ko, tita… ikaw ang pinakamagaling at mabait na tita na nakilala ko… gusto ka din ni Daddy..." Pagkarinig nito, napanganga si Rhian, mayamaya ay bumalik siya sa kanyang ulirat at pilit na pinigilan ang sarili na wag matawa ng sarkastiko. Walang alam si Rain. Alam niya na sinabi ito ng bata dahil desperada ito na manatili silang malapit. Gayumpaman, hindi niya alam kung paano napunta sa ganitong konklusyon ang bata. Siguro sa isip ng bata, basta’t madalas magkasama ang dalawang tao, magugustuhan nila ang isa’t isa. Isa iyong malaking kalokohan… matagal silang nagsama ni Zack noon ngunit hindi siya minahal. Kahit gawin mo ang lahat, magsama man
"Tita ganda please po, wag mo ako ayawan… wag po tita please…” Hinawakan ni Rain ang damit ni Rhian, hinila-hila ito ng bata, humihiling na pumasok sa mga braso niya. Pumantay si Rhian, lumuhod, at pinayagan ang bata na pumasok sa kanyang mga braso. Buntung-hininga siya at nagsabi ng malumanay, "Hindi naman sa hindi ka gusto ni tita, Rain…." “Pero bakit gusto mo akong paalisin?” Nang marinig iyon ni Rhian ay tila sinakal ang puso niya. Mayamaya, narinig niya ang paghikbi sa boses ng bata, kaya't inilabas niya ito mula sa kanyang mga braso, itinataas ang kamay upang dahan-dahang punasan ang mga luha nito. “Bakit po… huhuhu tita bakit po?” Tumingin ang hilam sa luha na bilugang mata ni Rain sa magandang tita, umaasa na makuha ang sagot mula sa kanya. Kinagat ni Rhian ang labi ng ilang sandali. Iniwas niya ang kanyang tingin, awang-awa man sa bata ay kailangan niya itong gawin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “Gusto ni tita na ihatid ka pabalik, hindi dahil ayaw niya sayo
Nang marinig ni Rhian ang malambing na tinig ng bata sa kanyang tenga, ramdam niya ang magkahalong damdamin. Tulad ng inaasahan niya, napaka-sensitibo ng bata sa mga emosyon ng paligid, at napansin pa nito ang kanyang pag-iwas kay Zack. Kaya, ang bata ay dumating nang hindi sinasabi kay Zack ang tungkol sa pagpunta niya dito. Sa kanyang puso, ganito ba siya kahalaga kay Rain? Habang nakatayo sila, si Rio at Zian ay hindi napigilan ang maawa para kay Rain, kaya nilapitan nila ito at hindi nakatiis na magsalitaz "Mommy, nagpunta si Rain ng mag-isa dito, hayaan niyo po siyang maglaro kasama namin!" Hilong ni Zian habang hinawakan ang manggas na suot ni Rhian. Sumunod si Rio, na kanina pa nahahabag sa kanilang stepsister, “Mommy, hindi pa naman uwian kaya hindi pa siya susunduin ni tito Zack, hayaan mo po muna siyang magstay at makipaglaro sa amin! Please mommy!” Hindi nakasagot agad si Rhian. Kahit ang kanyang dalawang anak ay gustong-gusto si Rain. Bilang kanilang ina ay nakik
Pagkatapos ng tanghalian, nais ng dalawang maliliit na bata na makipaglaro kay Rain, ngunit pinigilan sila ni Rhian. "Kayo na lang dalawa ang maglaro, ihahatid lang ni mommy si Rain pauwi,” Gusto sanang ipaliwanag ni Rhian sa bata, ngunit nang makita ang mukha nitong bagong umiyak, hindi niya magawang magsalita ng masakit, kaya't pinili niyang ihatid na lang muna ang bata. Nang marinig ito ng dalawang bata, nakaramdam sila ng lungkot. Ayaw pa nilang umuwi si Rain, pero hindi sila ang magdedesisyon kaya’t tumango na lang sila nang maayos. Dahil aalis si Rain, nawalan na ang kambal ng interes na maglaro. Nang marinig ni Rain ang sinabi ni tita ganda, mukha siyang nag-aalangan. Napansin niyang tinitingnan siya ni Rhian, kaya't pininid niya ang kanyang labi at iniwas ang mata, hindi na nakipag-usap. Ito ang unang pagkakataon na ganoon ang pagtrato sa kanya ng bata. Nakita ito ni Rhian kaya nakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Kung maaari, ayaw niyang pasamain ang loob ng batan
Tumango si teacher Pajardo, nakakaunawa sa sinabi ni Rhian. “Mabuti naman kung gano’n. Zian, magpagaling ka agad ng lubusan ha, para makapasok ka na. Miss ka na kasi ni Rain,” “Opo, teacher!” Sagot ng bata. Nagpakita ng pag-aalala ang Guro kay Zian at nagbigay pa ng ilang mga paalala, pagkatapos ay tiningnan ang relo at nakita ang oras, nabahala siya. Inaprubahan niyang mag-leave si Rain, ngunit wala siyang leave at hindi rin maganda kung magtatagal sila sa labas. Kailangan na nilang bumalik, may trabaho pa siya. "Rain, tapos na natin makita sila Zian, bumalik na tayo," sabi niya sa bata. Ngunit tiningnan ni Rain si Rhian at ang dalawang bata nang may pananabik, pininid ang mga labi at umiling. Nakita ng guro ang hitsura ng bata at alam niyang hindi magiging madali ang pagbalik nila ngayon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya tumingin na lang siya kay Rhian para humingi ng tulong. Ngumiti si Rhian kay teacher Pajardo, "Hayaan mo nang mag-stay si Rain, pagkatapos a
Hawak ni Rain ang notebook at isa-isang isinulat ang mga salita. Nang matapos, itinaas niya ito upang ipakita sa guro niya. "Teacher, nag-aalala po ako." Tinutok ng batang babae ang mga mata kay teacher ng seryoso. Makikita ang determinasyon at pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakahinuha si teacher sa layunin ng bata, ngunit nagtanong pa rin, "Pupunta ka ba sa mga kuya mo? Iyon ba ang gusto mong sabihin?” Tumango si Rain nang mabilis. Sumeryoso ang mukha ni teacher at nag-isip sandali. "Maari kitang papayagan na mag-leave, pero kailangan mo parin sabihin sa daddy mo na dalhin ka doon,” Pagkarinig nito, muling dumapo ang lungkot sa mukha ng bata, at mabilis itong umiling. Isinulat niya ulit sa notebook, "Hindi ayoko!" Kumunot ang noo ng guro, makikita sa mukha ni Rain ang labis na pagtutol. Nakita niya ang malaking tandang padamdam sa dulo ng isinulat ng bata at hindi maiwasang huminga ng malalim. Malinaw na hindi gusto ni Rain ang kanyang iminungkahi. Ang kalagayan ni R
Pagpasok ni teacher Pajardo sa silid-aralan, agad niyang narinig ang paghikbi ni Rain. Mabilis niyang tiningnan ito at nakita ang batang babae na punong-puno ng luha at humihikbi ng malakas. "Rain, anong nangyari?" mabilis na nilapitan ng Guro si Rain. Ang maliit na bata ay patuloy lang sa pag-iyak, hindi nagsasalita. Sa tabi, tumayo si Mae at maayos na ipinaliwanag ang sitwasyon sa Guro, "Teacher, pagkatapos ng klase, gusto ko sanang makipaglaro kay Rain, pero mukhang natakot siya sa akin." May mga bata ring hindi nakatiis at nagsalita para kay Mae, "Si Rain naman ang unang tumama kay Mar, tapos siya pa ang umiyak na parang siya itong nasaktan,” Tumango-tango ang guro, naiintindihan ang sitwasyon mula sa mga pahayag ng mga bata. Matagal na niyang inaalagaan si Rain, kaya't alam na niya ang kalagayan ng bata. Napansin din niya ang hindi magandang mood ng batang babae sa nakaraang dalawang araw. Sa palagay niya, tulad ng sinabi ni Mae, natakot si Rain kaya't siya ang kumilo
Si Zian ay gumaling matapos uminom ng gamot dulot ng mga problemang pisikal, ngunit patuloy pa rin ang pag-aalala ni Rhian kaya nag-request siya ng leave para makapagpahinga para maalagaan ang anak sa bahay. Si Rio naman ay nanatili sa bahay kasama siya. Sa kabilang banda, si Rain ay hindi pa nakikita ang dalawang batang lalaki mula sa kindergarten sa loob ng dalawang araw, at pati na rin ang maganda niyang tita. Dahil dito, hindi maganda ang kanyang mood. Noong una, sa pamumuno nina Rio at Zian, ang mga bata sa klase ay madalas na inaakay siya para maglaro, ngunit dahil sa umayaw siya sa mga bata sa mga nakaraang dalawang araw, nagsimulang mag-alisan ang mga bata sa kanya at hindi na siya inistorbo pa. Matapos ang klase, madalas na nakaupo muna si Rain sa kanyang upuan, malungkot na nakatingin sa mga upuan ng dalawang batang lalaki, umaasang bigla silang lilitaw. "Rain, anong ginagawa mo?" tanong ng isang bata na hindi nakatiis at lumapit sa kanya. Ngunit parang hindi narin
Ipinahiwatig ni Zack na hindi siya pakakasal kay Marga. Nang marinig ito, naramdaman ni Dawn na sumakit ang kanyang mga ulo. Inangat niya ang kamay at hinilot ito habang galit na tinitingnan ang kanyang anak sa kanyang harapan, "Pumunta ka dito ng maaga para lang suwayin at pasakitin ang ulo ko, hindi ba?" “Kung masama ang pakiramdam mo ay dadalhin kita sa ospital. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Kung ipagpapatuloy mo pa rin ang pagbabanta na pakasalan ko si Marga, ngayon palang ay sinasabi ko na sayo, imposibleng mangyari iyon." Namayani ang ilang sandali na katahimikan. Galit na iwinasiwas ni Dawn ang kamay, "Umalis ka na, huwag kang magtagal sa harapan ko!” Katulad ni Zack, batid niya na talagang galit na din ang kanyang ina. Tumango si Zack at tumayo, bago umalis ay hindi niya nakalimutang sabihan, "Nag-iwan ako ng tao sa labas, maaari mo silang kausapin kung may kailangan ka." Matapos iyon, hindi na naghintay ng reaksyon mula kay Dawn, mabilis na umalis si Zack mula