Share

5.

May hinala rin si Rhian sa kanyang isipan... Maaari bang pipi ang batang ito?

Sa pag-iisip sa posibilidad na ito, mas lalo siyang naaawa sa batang babae, mahinahon niyang sinabi, "Ibigay mo ang kamay mo sa ate, okey?"

Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang kamay.

Tiningnan siya ng batang babae nang may pagkakaba, at bahagyang bumilog ang kanyang mata ng marinig ang kanyang boses.

Hindi nagmadali si Rhian, naghintay sa bata ng may pasensya.

Matagal nag-atubiling ang batang babae bago maingat na iniabot kay Rhian ang kanyang kamay.

Nakita ito ni Rhian, kaagad niyang hinawakan ng maingat ito, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, siya ay nagkaroon ng pagkakataon na suriin itong mabuti.

Umikli ang distansya nilang dalawa, ramdam ni Rhian ang malambot na katawan nito katulad ng kanyang dalawang anak, amoy gatas din ito.

Lumambot ang puso ni Rhian, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namayapa. Kung lumaki at nabuhay ang kanyang anak na babae, dapat ay ganito na siya kalaki. Hindi niya maiwasan ang malungkot at manghinayang sa pagkawala nito.

Mukhang naramdaman ng batang babae ang kanyang emosyon, nanatili itong hindi gumagalaw, ngunit ang kanyang bilugang mata ay patuloy na nakatitig sa mukha ni Rhian. Bagaman alam niyang hindi dapat lumapit sa mga estranghero, tunay na maganda ang babae na kanyang kaharap. At sa hindi malamang dahilan, magaan ang loob niya sa babae... gusto niya itong malapitan pa.

Nang makita ang eksena na ito, hindi mapigilan ni Jenny na magkomento, "delikado kung iiwan natin siya dito, Rhian! Mabuti pa ay isama nalang muna natin siya!"

Matapos tapusin ni Rhian ang pagsusuri, at matapos makinig, pumayag siya, "Sa tingin ko hindi sinasadyang nahiwalay siya sa kanyang pamilya. Ipadala natin siya sa istasyon ng pulis at tingnan natin kung maaari nating makontak ang pamilya niya."

Nang sabihin iyon ni Rhian, biglang hinila ng batang babae ang laylayan ng damit niya.

Bumaba ang mga mata ni Rhian sa paslit ng may kalituhan.

Nakita lamang niya ang batang babae na umiiling, ang kanyang mga mata ay medyo namumula, parang labis na nag-aalala at tila ba sa susunod na segundo ay iiyak na.

Maliwanag na labis na tumutol ang batang babae sa kanyang mungkahi.

Sa pagtingin sa kaawa-awang anyo ng batang babae, naramdaman ni Rhian na parang lalambot ang kanyang puso.

Ngunit wala nang ibang paraan. Napakabata pa ng batang babae. Kung hindi niya agad ipadadala sa istasyon ng pulis, maaaring siya ay makasuhan ng sala sa pang-aabduct.

Pumilig ang ulo ni Rhian.

Bumaba siya upang pantayan at makipag-usap sa batang babae. "Okay, sige, hindi tayo pupunta sa Pulisya. Pero may numero ka ba ng iyong magulang na maari natin na tawagan para sunduin ka?"Nang marinig ito, hindi umiiling ang batang babae, ngunit namutla ang kanyang magandang mukha.

Matapos maghintay ng matagal, walang tugon mula sa kanya, inakala ni Rhian na hindi nito naunawaan ang itinatanong niya. Nagdesisyon na siyang ipadala ito sa istasyon ng pulis, ngunit gumalaw muli ang batang babae.

Pinanood ni Rhian na kumuha ito ng ballpen at maliit na papel, isinulat ang isang hanay ng numero dito, at isinulat ang Daddy sa dulo, at ibinigay ang papel sa kanya.

Inabot ni Rhian ang kanyang kamay upang kunin ito. Nakasulat roon na ito ang numero ng ama nito.

"Ang tahimik niya... hindi kaya pipi siya?" Bulong nina Rio kay Zian nang mahina.

Bumaling si Rhian sa kanyang dalawang anak ng marinig ito at sinuway sila. "Huwag ninyong sabihin iyan sa kanya... hindi maganda iyan."

Agad na tumayo nang tuwid at guilty na ngumiti ang dalawang batang lalaki sa batang babae.

Tumingin lamang ang batang babae sa dalawang batang lalaki habang nakasandal ito kay Rhian, habang ang kanyang munting kamay ay nakahawak pa rin sa laylayan ng kanyang palda, habang siya ay abala sa pag-dial sa numero ng magulang ng bata.

********

Saavedra mansion.

Pumasok si Zack sa gate ng villa. Sanay ang lahat sa malamig at mapatapang nitong awra, subalit ngayon ay pumasok ang lalaki na may malungkot na mukha, "Nakauwi na ba si Rain?"

Lumapit ang katiwala na may nag-aalalang mukha at sinabi, "Hindi pa, Master. Matagal naming hinanap si Young lady, kung saan-saan na namin siya hinanap, wala kaming pinalagpas maski sulok ngunit hindi siya natagpuan."Pagkatapos niyang magsalita, naramdaman niya ang mababang presyon na nagmumula sa kanyang amo.

Pinagsiklop ni Zack ang manipis niyang mga labi habang magkasalubong ang kilay, lalong kinabakasan ng kalamigan ang kanyang mukha.

Lahat ng mga lugar ay naikot na.

Saan pa kaya makakarating ang munti niyang anak?

May nangyari kayang hindi maganda sa kanyang anak?

Nang maisip niya ang posibilidad na ito, dumilim ang mukha ni Zack, anumang sandali ay parang nais niyang magwala at wasakin ang anumang makita niya.

Sa sandaling ito, isang babae na may magarang makeup ang nagmadaling pumasok mula sa labas, ang kanyang tono ay labis na nag-aalala, "Zack, narinig ko na nawawala si Rain? Totoo ba ito? Natagpuan mo na ba siya?" Tanong ni Marga.

Walang bakas ng galit na nilingon ni Zack ang babae, ngunit wala rin emosyon ni katiting ang mukha na nilingon ito. "Hindi pa siya natagpuan. Mabuti at dumating ka. Gusto kong itanong, ano ba ang sinabi mo kay Rain ng tanghali? Bakit siya umalis ng bahay pagkatapos ninyong mag-usap?"

Natigilan sa tanong niya si Marga, tila ba labis itong nagulat, at pagkatapos ay tiningnan siya ng hindi makapaniwala, "Zack, ano ang ibig mong sabihin dito, pinag-hihinalaan mo ba na may ginawa ako at sinabing masama kay Rain?"

Mukhang nasaktan ito sa tanong ni Zack, "Kilala mo ako, Zack. Hindi ako ganoon! Sa mga nagdaang taon, alam mong itinuring ko si Rain bilang aking tunay na anak. Kahit wala siyang pakialam sa akin, naging mabuti ako sa kanya. Hindi ko kayang magsalita ng masasakit na salita sa kanya. P-paano mo naisip na kaya kong gawin iyon sa anak mo gayong mahalaga siya sa akin na parang tunay kong anak?" May hinanakit na saad ni Marga, namumula ang kanyang mga mata, at bakas ang kainosentehan sa kanyang mukha, na mistulang hindi makakagawa ng bagay na iniisip ni Zack.

Ngunit sa puso ng babae at sa kanyang isip, kinamumuhian niya ang piping anak ni Zack, at nais na hindi na ito bumalik pa!

Nang tanghali, may ilang hindi kanais-nais na bagay si Marga na sinabi sa paslit, sinabi niya na kapag siya ay ikinasal sa ama nito ay magkakaroon sila ng mga anak na mas mamahalin Zack.

Hindi niya kailanman nagustuhan ang bastardang batang iyon dahil ito ay pipi!

Nag-aalala siya na baka sabihin ng paslit kay Zack ang bagay na iyon. Ngunit hindi niya inaasahan na tatakbo ito palayo sa bahay.

Sabagay mas mabuti na lumayas ang batang iyon. At mas mainam kung mamatay na rin siya sa labas, upang hindi na niya ito makita pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status