Share

4.

Habang palabas ng paliparan, kinakabahan si Rhian at patuloy na lumilingon upang kumpirmahin kung nahabol na ba sila ng lalaki.

Sa kabutihang palad, hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan, hindi na nila nakita ang pigura na iyon.

Nakahinga nang maluwag si Rhian.

Ang dalawang maliliit na bata, ay medyo nakaramdam ng kakaiba nang makita nilang halos bawat tatlong hakbang ay lumilingon ang kanilang ina sa daan.

Gayunpaman, nakikita nila kung gaano kabalisa ang kanilang ina, alam nilang hindi ito ang tamang oras upang magtanong, kaya tahimik lang silang sumunod palabas.

"Rhian! Rio! Zian!"

Isang boses ng babae ang kanilang narinig mula sa hindi kalayuan.

Tumingin ang tatlo at nakita nila ang isang babae na nakasuot ng pormal ngunit magarang kasuotan sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti na kumakaway ang kamay habang naglalakad patungo sa kanila.

Nang makita ang papalapit na babae, ang tensyonadong puso ni Rhian ay unti-unting huminahon, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha, "Jenny, matagal na tayong hindi nagkita, ah!"

Si Jenny ang kanyang matalik na kaibigan noong kolehiyo, at ngayon ay isang doktor na rin, at nagtatrabaho sa kanyang sariling ospital.

Mabilis na lumapit si Jenny sa harap niya at ng dalawang bata at niyakap siya, saka ito masayang nagsalita, "Sa wakas ay nagkita din tayo, Rhian! Sobrang namiss kita!"

Nakangiting gumanti ng yakap si Rhian sa kaibigan. "Ako rin, Jenny!"

Sa paglipas ng mga taon, patuloy silang nag-uusap, ngunit kadalasan ay sa online, ngunit hindi nagbago kung gaano sila kalapit sa isa't isa kahit na hindi sila personal na nagkikita.

Mahigpit na niyakap ni Jenny si Rhian, pagkatapos ay lumuhod ito upang pantayan ang dalawang paslit at saka niyakap ang mga ito, "Mga baby, namiss niyo ba si ninang?"

Ngumiti sina Zian at Rio kay Jenny at nakabungisngis na sumagot. "Syempre! Pangarap kong makita ka, ninang! Ang ganda mo pala sa personal, ninang!"

"Naku, nambola pa kayo!"Ani Jenny ngunit hindi maiwasan na mapangiti sa papuri ng dalawang bata. Magaan ang loob niya sa dalawa hindi dahil anak ito ng kaibigan  niya. Ramdam niya na mababait ang mga cute na batang ito kahit na makukulit pa ayon sa kwento ng kanilang ina.

Nagawi ang tingin ni Rhian sa gate ng airport, may kaba na lumukob sa kanyang dibdib, pakiwari niya anumang sandali ay lilitaw doon ang lalaki na kanyang iniiwasan. "Huwag na tayo magtagal dito, mabuti pa'y umalis na tayo. Doon na tayo magkamustahan at magkwentuhan pagkadating natin doon."May hinala siya na anumang sandali ay lalabas ang dati niyang asawa sa gate kaya kailangan na nilang makaalis bago pa sila magkita ng lalaking iyon.

Hinalikan ni Jenny ang dalawang maliliit sa pisngi ng anak ni Rhian bago tumayo nang may kasiyahan. Tinulungan niya si Rhian na ilagay ang mga bagahe sa sasakyan, at saka nagmamadaling umalis kasama ang tatlo.

Sa parehong oras, lumitaw ang matangkad na pigura ni Zack sa gate ng airport.

"I-cancel lahat ng appointment ko sa ibang bansa." Malamig na utos ni Zack sa kanyang butler na si Manny, na nasa tabi niya.

Tumango si Butler Manny bilang tugon, "Master, nagpadala na ako ng mga tauhan upang palawakin ang saklaw ng paghahanap kay young lady. Napakabata niya kaya tiyak na hindi siya makakalayo. Kaya huwag kayong masyadong mag-alala. Tiyak kong mahahanap agad siya."

Ang young lady ang pinakamahalaga sa kanyang master. Kaya naman ang paghahanap dito ang mas mahalaga kumpara sa mga meeting o anumang gawain nito na may kinalaman sa mga negosyo nito, mapa-rito man o sa ibang bansa.

Madilim ang mga mata ni Zack, naglakad siya patungo sa gilid ng kalsada kung nasaan ang kanyang sasakyan ng hindi nagsasalita.

"Umalis na tayo!" Utos niya sa personal na driver.

********

Isang oras ang lumipas, huminto ang sasakyan ni Jenny sa tapat ng isang bahay sa loob ng isang subdivision.

Lumabas silang apat sa sasakyan. Sa pangunguna ni Jenny ay sumunod sila Rhian dala ang kanilang mga bagahe sa bago nilang titirhan.

Nilbibot ni Rhian ang kaniyang paningin sa paligid ng may paghanga sa mata. "Maganda ang kapaligiran, Jenny, gusto ko dito." Nakangiti na nilingon niya ang kanyang matalik na kaibigan at sinabi, "Hindi ko inaasahan na mabilis kang makakahanap ng bahay para sa aming mag iina."

"Lumipat ang may-ari ng bahay at ang kanyang pamilya sa Kyoto. Bukas ang bahay na ito sa mga gustong umupa kaya nirekomenda ko agad sayo. Nasa tabi lang ang bahay ko kaya pwede tayong bumisita sa isa't isa araw-araw kapag wala tayong gagawin sa hinaharap. Ang tagal natin na hindi nagkita, tiyak na marami tayong pag-uusapang dalawa!" May pagkasabik sa boses na saad ni Jenny.

Matapos nilang ayusin ang kanilang gamit, oras na para sa hapunan.

    Si Jenny ang muling nagmaneho ng sasakyan patungo sa restaurant na kanilang kakainan. Habang papunta sila sa parking lot ng restaurant, hindi pa tumitigil ang sasakyan,  may bigla na lang isang batang babae ang tumakbo palabas mula sa dilim.

   Nang makita niyang malapit na siyang bumangga sa bata, dali-daling tinapakan ni Jenny ang preno, kinabahan siya nang makita ang batang babae na natumba sa lupa.

    Natakot din si Rhian sandali, lumingon siya upang tingnan ang kanyang dalawang anak sa likod ng upuan, at nang makita niyang maayos sila, nakahinga siya ng maluwag. Naalala niya ang bata kaya binuksan ang pinto at agad na bumaba ng sasakyan.

    Isang hakbang ang layo mula sa harap ng sasakyan, isang batang babae na mga apat o limang taong gulang ang nakaupo sa lupa na tulala at halatang natatakot.

    Lumambot ang puso ni Rhian. Lumapit siya at lumuhod ng maingat sa tabi ng batang babae, at mahinahon na nagtanong. "Nasaktan ka ba?"

    Ang batang babae ay may maputi at makinis na balat, bilugan na mata, matangos na ilong, at napakaganda. Nakasuot siya ng pink na damit pang-prinsesa, may dalawang tirintas, at may hawak na manika sa kanyang mga bisig na halatang mamahalin pa.

Isa ba siyang prinsesa? Naitanong ni Rhian sa isip ng makita kung gaano ito kaganda. Natitiyak niya na  galing ang bata sa mayaman na pamilya.

    Nang marinig ang boses ni Rhian, dahan-dahang bumalik sa huwisyo ang batang babae, at nahihiyang umiling sa kanya. May bahid pa rin ng pag-aalangan sa kanyang mga mata.

Lumambot ang puso ni Rhian tumingala ang bata at magkasalubong ang kanilang mga tingin. Maingat niyang nilibot ang kanyang paningin sa katawan nito upang suriin. Nang makita na hindi naman ito nasaktan ay nakahinga siya nang maluwag. Kaniyang inilahad ang kanyang kamay upang tulungan itong tumayo.

Ngunit nang ilahad niya ang kanyang kamay, nakita niyang tila natakot ang batang babae at umatras, puno ng takot ang kanyang bilugang mga mata.

Iniwan ni Rhian ang kanyang nakalahad na kamay sa ere, ngumiti ng may pagka-aliw sa batang babae, "Huwag kang matakot, gusto lang kitang tulungan tumayo." Pagkatapos ay tumingin-tingin siya sa paligid at nagtanong ng nagtataka: "Nasaan ang mga magulang mo? Bakit mag-isa ka lang?"

    Mahigpit na niyakap ng batang babae ang manika sa kanyang mga bisig, at hindi nagsalita, umiling lang ito sa kanya.

    Hindi maiwasang kumunot ang noo ni Rhian. Bakit hindi ito nagsasalita?

    Lumabas din ng sasakyan si Jenny kasama ang kanyang dalawang anak.

    Nang makita nilang hindi nagsasalita ang batang babae sa mahabang sandali, nagkatinginan ng kakaiba sina Rio at Zian, may pagtataka sa kanilang mga mata.

Kanina pa tinatanong ng kanilang ina ang cute na batang babae, ngunit hindi ito sumagot sa mahabang sandali... hindi kaya pipi siya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status