"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. S-sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal... pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Pero sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na nilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..."
Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya.
Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan.
Ngunit masyado na siyang matagal na naghintay, nagmahal at naghirap. Kaya ngayon ay nagmamakaawa siya sa kaunting aliw at sandali na makasama ito sa huling pagkakataon.
"Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!"
Nangalit ang mga ngipin ni Zack, ang kanyang gwapo at perpektong mukha ay puno ng galit. Gusto niyang itulak ang babae palayo, ngunit ang kanyang katawan ay hindi maigalaw at maikilos. Ang mapangahas na babaeng ito ay naglakas-loob na i-set up siya!
"Wala akong hindi kayang gawin para sa iyo, Zack..."
Isang luha ang tumulo mula sa sulok ng mata ni Rhian, ang kanyang halik ay naging mas malalim at mas mapilit, at ang kanyang walang karanasan na maliliit na kamay ay naglakbay sa katawan ng lalaki na ngayon ay walang magawa.
Gusto lang niyang maangkin ang asawa sa una at huling pagkakataon.
Nagalit si Zack.
Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon ay wala na sa kanyang kontrol. Pagkaraan ng ilang sandali, ang likas na reaksyon ng katawan bilang lalaki ay nagising, tumataas na ang temperatura ng kanyang katawan, ito ay nag iinit, ang huling katwiran sa kanyang isip ay ganap na tinangay ng hangin.
Kinabukasan ng madaling araw ay nagising si Rhian.
Tiniis niya ang sakit ng katawan, siya ay bumangon mula sa kama at nagbihis. Kinuha niya ang kasunduan sa diborsyo na matagal nang nakahanda mula sa drawer at inilagay sa bedside table. Sa huli, tumingin siya sa kanyang asawa na nakahiga sa kama.
"Zack, papakawalan na kita. Ito naman ang gusto mo, hindi ba?" Kinagat ni Rhian ang labi ng madiin upang pigilan ang sarili na huwag maluha. "Simula ngayon, maghihiwalay na tayo ng landas, kalilimutan na rin kita." Mahina at walang lakas na dagdag pa niya bago binawi ang kanyang tingin at tumalikod na.
Puno ng pait at kalungkutan ang kanyang puso ng lumabas siya ng bahay ng mga Saavedra. Sa kanyang dibdib ay tila may mabigat ba nakadagan... nahihirapan siyang huminga dala ng labis sa sakit na dulot ng kanilang paghihiwalay.
Minahal niya si Zack sa loob ng pitong taon.
Mula noong pagkabata hanggang sa pag-aaral sa kolehiyo, labis siyang nahuhumaling sa lalaki. Ang pinakamalaking hangarin niya ay ang maikasal dito. Gayunpaman, kinasusuklaman siya ni Zack simula ng sila ay ikasal.
Noong panahong iyon, ang pinakamatanda sa pamilyang Saavedra, ang lolo ni Zack, ay may malubhang karamdaman at nagdesisyon na ipakasal ang apo na si Zack.
At siya ang napili nito.
Ang kanyang ama at madrasta, na ang pinapahalagahan lamang ay pera, ay inimpake ang kanyang mga gamit at dinala siya rito nang walang pasabi.
Ngunit imbes na siya ay malungkot sa pasya na ginawa ng mga ito, kabaligtaran iyon ng kanyang naramdaman. Noong panahong iyon, siya ay puno ng tuwa at hindi makapaghintay na dumating ang araw ng kanilang kasal.
Ngunit sa araw mismo ng kanilang kasal sinabi ni Zack sa kanya nang may pagkasuklam, "Rhian, dapat mong malaman na ang babaeng gusto kong pakasalan ay si Marga, at hindi ikaw! Siya lang ang karapat-dapat ko na maging asawa, hindi kita kailanman magagawang mahalin!"
Alam ni Rhian na wala namang obligasyon si Zack na magustuhan at mahalin siya. Ngunit patuloy siyang umaasa at nangarap na balang araw ay mapapalambot niya ang puso ng asawa.
Sa loob ng tatlong taon mula nang ikasal sila, nagsikap siya na maging mabuting asawa.
Siya mismo araw-araw ang nagluluto, para sa pag-uwi nito ay makapag-hain ng mainit at masarap na pagkain. Tuwing gabi ay naghihintay siya dito gaano man katagal upang salubungin ito sa pag uwi. Kapag ito ay nalalasing galing sa mga sosyal na pagtitipon, maingat niya itong aalagaan ng hindi kailanman humihingi ng tulong sa iba. At kapag ito ay nagkakasakit o nagkakaroon ng pinsala sa katawan, mas nag-aalala siya higit kanino man. Tuwing taglamig, sinisiguro niya na hindi ito lalamigin, personal niyang hinahanda ang pampaligo nito, bumangon siya ng mas maaga sa umaga, at hinahanda ang mga personal na pangangailangan nito.
Gayunpaman, kung hindi ka mahal, ay hindi ka mahal.
Hanggang ng sumapit ang kanyang kaarawan noong nakaraang araw ay hindi dumating si Zack, nalaman niya na nasa ospital ito kasama si Marga. Nang sandaling iyon, sa wakas ay natauhan na siya.
Ang pagmamahal na inaasam niya ay hanggang mga pangarap lang niya. Hindi niya kailanman mapapainit at mapapalambot ang puso ni Zack kahit ano pa ang gawin niya. Dahil ang puso nito ay pag-aari ng ibang babae. Natauhan na siya at ganap na susuko na.
...
NANG magising si Zack, alas-diyes na ng umaga. Bumangon siya mula sa kama, ang unang pumasok sa isip niya ay ang saktan si Rhian sa kapangahasan nitong ginawa.
Siya ang presidente ng Saavedra Group, at kilala siya sa kanyang katalinuhan. Walang sinuman ang nakakatalo sa kanya sa mundo ng negosyo, at walang sinuman ang nakakapagplano laban sa kanya at nakakaisa sa kanya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog siya sa kamay ng babaeng iyon sa kauna-unahang pagkakataon!
Galit na tumingin siya sa paligid ng silid, ngunit hindi niya nakita ang babae. Nakita niya ang mga dokumento sa bedside table mula sa sulok ng kanyang mata.
"Ano ito?"
Kumunot ang noo ni Zack at kinuha ito para tingnan. Ang malalaking titik na "Kasunduan sa Diborsyo" ay agad na sumalubong sa kanyang mga mata.
Naningkit ang kanyang mga mata at biglang naging madilim ang kanyang ekspresyon.
Una, ginamit ni Rhian ang paraang ito para sumiping sa kanya, at ngayon ay humihingi ito ng diborsyo?! Kasama ba ito sa panlilinlang ng kanyang asawa?!
Hindi naniniwala si Zack na hihiwalayan siya ng babae!
Bigla siyang tumayo, nagbihis at bumaba ng hagdanan nang may galit,nang makita ang katiwala, ay kanya itong tinanong. "Nakita mo ba si Rhian?"
Natigilan ang katiwala na si manong Juan at agad na sumagot: "Sir, ang asawa mo ay lumabas bago mag-umaga, dala-dala ang kanyang mga bagahe."
Kumunot ang noo ni Zack sa kanyang narinig. "Ano?!"
Anim na taon ang lumipas.Bansa ng America, FV Medical Research Institute.Lumabas lang si Rhian mula sa laboratoryo ng marinig ang kanyang assistant na si Linda na nagsabi, "Doctor Rhian, may gustong sabihin sa iyo si Doktor Lu, kaya't pinapunta ka niya sa opisina niya."Kakagising lang ni Rhian kaya medyo antok pa siya dahil sa puyat. Ngunit ng marinig niya ito, bigla siyang nagising at naging alerto."May nabanggit ba siya kung tungkol saan? Hindi kaya... nasira na naman ng dalawang pasaway kong anak ang mga resulta ng mga research? Ano sa palagay mo?""Baka nga." Sagot si Linda sa alanganin na tinig.Ang kanyang amo na si Doktor Rhian ay palaging mahusay at malaki ang kakayahan. Sa murang edad, naging pinakamagaling na ito sa larangan ng medisina. Ito ang naging pinakamahusay na tagasunod ni Doktor Lu Mendiola, at ni minsan ay hindi pa ito napapagalitan pagdating sa trabaho dahil talaga naman na mahusay ito at nagta-trabaho ng walang palya.Ang tanging problema lang, sa tuwing may
Pagkatapos niyang umalis sa lugar na iyon anim na taon na ang nakalipas, hindi na niya naisip na bumalik sa lugar na 'yon. Wala na siyang kapamilya na babalikan sa lugar na iyon. Bukod pa rito, nakaramdam na siya ng pagmamahal sa lugar na ito. Nasanay na sila dito ng kanyang mga anak."Pero, Doktor Lu—"Pinutol siya nito, "Rhian, alam kong ayaw mong bumalik, pero sana isipin mo nang mabuti... Nag-aral ka ng medisina sa akin sa loob ng maraming taon, at dapat mong maunawaan ang lawak at lalim ng tradisyunal na gamot ng Pilipinas. Sa ibang bansa, hindi sapat ang mga halamang gamot para sa iyong pag-aaral. Pero sa Pilipinas, iba ang sitwasyon... Maraming halamang gamot ang magagamit mo. Marami pa ang mga halamang gamot doon na hindi pa natutuklasan na maari mong magamit sa pag aaral mo. Mayroon din silang pamana ng sinaunang mga kasanayan sa medisina. Hindi ka ba interesado sa aspektong ito? Kaya... iminumungkahi kong bumalik ka upang madagdagan ang kaalaman mo!""Sa iyong kakayahan, tiy
Habang palabas ng paliparan, kinakabahan si Rhian at patuloy na lumilingon upang kumpirmahin kung nahabol na ba sila ng lalaki.Sa kabutihang palad, hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan, hindi na nila nakita ang pigura na iyon.Nakahinga nang maluwag si Rhian.Ang dalawang maliliit na bata, ay medyo nakaramdam ng kakaiba nang makita nilang halos bawat tatlong hakbang ay lumilingon ang kanilang ina sa daan.Gayunpaman, nakikita nila kung gaano kabalisa ang kanilang ina, alam nilang hindi ito ang tamang oras upang magtanong, kaya tahimik lang silang sumunod palabas."Rhian! Rio! Zian!"Isang boses ng babae ang kanilang narinig mula sa hindi kalayuan.Tumingin ang tatlo at nakita nila ang isang babae na nakasuot ng pormal ngunit magarang kasuotan sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti na kumakaway ang kamay habang naglalakad patungo sa kanila.Nang makita ang papalapit na babae, ang tensyonadong puso ni Rhian ay unti-unting huminahon, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukh
May hinala rin si Rhian sa kanyang isipan... Maaari bang pipi ang batang ito?Sa pag-iisip sa posibilidad na ito, mas lalo siyang naaawa sa batang babae, mahinahon niyang sinabi, "Ibigay mo ang kamay mo sa ate, okey?"Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang kamay.Tiningnan siya ng batang babae nang may pagkakaba, at bahagyang bumilog ang kanyang mata ng marinig ang kanyang boses.Hindi nagmadali si Rhian, naghintay sa bata ng may pasensya.Matagal nag-atubiling ang batang babae bago maingat na iniabot kay Rhian ang kanyang kamay.Nakita ito ni Rhian, kaagad niyang hinawakan ng maingat ito, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, siya ay nagkaroon ng pagkakataon na suriin itong mabuti.Umikli ang distansya nilang dalawa, ramdam ni Rhian ang malambot na katawan nito katulad ng kanyang dalawang anak, amoy gatas din ito.Lumambot ang puso ni Rhian, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namayapa. Kung lumaki at nabuhay ang kanyang anak na babae, dapat ay ganito na siya ka
Kalmadong at hindi pinahalata ni Marga na pinisil niya ang kanyang palad, upang masaktan at maiyak, upang maipakita na siya ay tunay na nag-aalala.Tumingin si Zack sa kanya nang malamig ng ilang segundo. "Siguraduhin mo na totoo ang sinabi mo."Matapos ang ilang sandali, inilayo ni Zack ang kanyang tingin at lumapit kay manang Gina na naghihintay sa gilid, "May balita na ba mula sa pulis?"Sumagot si Gina nang may mabigat na tono, "Wala pa, master." Pagkatapos sabihin iyon, tiningnan niya ang kanyang master ng maingat at may pag-aalala. Ang Young lady ay mahal na mahal ng kanilang amo. Sa mga nagdaang taon, naging target ito ng maraming tao, dahil ito ay kaisa-isang anak ng pinakamayamang tao sa bansa na si Zack Saavedra. Sinusubukan na targetin ito ng mga kalaban sa negosyo, minsan na rin itong muntik madukot. Kaya naman ang kaniyang master ay mas naging protective sa anak nito.Ngayon ay hindi nila mahanap ang Young lady kahit saan, at kahit ang pulis ay walang balita, kaya't nai
Ang Romantic Restaurant ay isang pribadong restawran sa Pilipinas. Ito ay kilala sa maalalahaning serbisyo at masasarap na putahe. Bukas lamang ito para sa mga high-end na kostumer na may reserbasyon, at kailangang gawin ang reserbasyon isang buwan nang maaga. Kahapon, nakahanap si Jenny ng ilang koneksyon at nakakuha ng reserbasyon. Napaka-elegante rin ng pagkakaayos ng restawran. Bawat upuan ay hiwalay ng isang screen. May maliit na pintuan na kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng magandang atmospera, na parang sinaunang panahon kung saan umiinom ang mga tao sa ilalim ng buwan. Pumasok ang ilang tao at umupo sa isang bilog na mesa. Hindi nagtagal, dumating na ang waiter dala ang mga pagkain. Nagaalala si Rhian na baka hindi maging komportable ang batang babae sa tabi niya, kaya't nakatutok siya rito, pinaghahainan ng pagkain at paminsang pinupunasan ang bibig nito. Nakaupo si Rio at Zian sa kabilang bahagi ni
May dalawang tao lamang sa loob ng silid. Nilibot ni Zack ang tingin niya sa buong silid at sa huli ay natutok ang kanyang mga mata sa kanyang anak. Ang batang babae ay nakaramdam ng sama ng loob dahil sa biglaang pag-alis ni Rhian. Nang makita niya ang kanyang ama, hindi siya natakot. Sa halip, tumalikod pa siya nang galit. Bahagyang dumilim ang tingin ni Zack. "Miss, okay ka lang ba?" Tahimik ang mag-ama, kaya't si Manny, ang assistant, ang siyang kumilos. Tiningnan siya ng batang babae, pagkatapos ay tumalikod muli nang galit at hindi siya pinansin. Maingat na tinignan ni Manny ang bata, at nang masigurong ligtas ito, huminga siya nang maluwag at bumalik upang iulat kay Zack. Tumango si Zack, pinagmasdan ang anak niyang tahimik, at pagkatapos ay inusisa ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak. Nang magtama ang kanilang mga tingin, bumigat ang pakiramdam ni Jenny. Pinisil niya ang kanyang palad upang makontrol ang ekspresyon at hindi magpakita ng nerbiyos. "Nas
"Mommy, sino ba 'yung Zack? Bakit kailangan nating magtago sa kanya?" Nakikita ni Rio at Zian na natutulala ang ina, kaya't niyugyog nila ang kamay nito at nagtanong nang may pagdududa. Natauhan si Rhian, hinaplos ang mga ulo nila, at ngumiti nang parang walang anuman, "Hindi siya mahalagang tao, pero may kaunting alitan kami noon. Kayong dalawa, kapag narinig n'yo ang pangalang ito sa hinaharap, kailangan kayong lumayo, naiintindihan niyo ba?” Tumango nang sabay ang dalawang bata, "Naiintindihan namin, Mommy." Nang ilayo ng kanilang ina ang tingin, nagkatinginan ang dalawang bata, at puno ng kuryosidad ang kanilang bilugang mata. Ano kaya ang nangyari noon kina Mommy at Daddy? Mukhang hindi maliit ang kanilang hindi pagkakaintindihan! Tumango si Rhian, ngunit patuloy pa rin siyang nag-aalala tungkol kay Jenny, hanggang sa biglang magsalita muli ang mga bata. "Mommy, bigla tayong umalis kanina. Kung pinaghinalaan tayo ng taong iyon, madali niyang mate-trace tayo sa surve