Se connecterCaroline Montreal is an ordinary 23-year-old woman who enjoys her simple life with her sister and loving boyfriend. She couldnʼt ask for more until her sisterʼs illness got worse, and the only person she could rely on left her for another woman. Caroline was about to lose hope until she bumped into her boss. Calvin Vander is a 29-year-old business tycoon. Heʼs strict, arrogant, hot-tempered, and the CEO of the renowned company—Platinum Bank Incorporated. The thing is that he would never get his inheritance from his grandfather until he gets married. Thatʼs why after discovering his secretaryʼs situation, he made an offer that would benefit the two of them. “I need a contract wife, and you need money.” On the verge of desperation, Caroline agreed, and they both signed a contract just like a normal business deal. It was just supposed to be an act, but why do those sweet kisses and gestures feel so real? And why doesnʼt Calvin like the idea of her leaving him after the deal?
Voir plusHINDI na nagawa pang pigilan ni Caroline ang sunod-sunod na pagkawala ng luha sa kaniyang mga mata. Ilang oras na kasing nasa loob ng operating room ang kaniyang nakababatang kapatid na si Shiela dahil muli itong inatake sa puso.
Ngunit sa pagkakataong ʼyon ay sobrang hirap na itong huminga at sobrang sakit na rin ng dibdib nito. Kaya naman ay mariin ng isinuhestiyon ng doktor na kailangan na itong operahan sa lalong madaling panahon. Kahit wala silang kapera-pera ay agad siyang pumayag. Saka na lamang niya poproblemahin ang tungkol doon. Ang tanging bagay na mahalaga lamang sa kaniya sa ngayon ay ang kaligtasan ng kaniyang kapatid. Habang naghihintay sa paglabas ng doktor ay saka lamang niya naalalang tawagan ang nobyo na si Austin. Right now, her boyfriend is the only person she can rely on. Bukod sa kapatid ay nagawa rin niyang kayanin ang lahat ng pagsubok nila sa buhay nang dahil sa suporta nito. “Hello?” aniya nito mula sa kabilang linya. Tila ba hingal na hingal ang boses nito. Ngunit hindi na niya ʼyon pinagtuunan pa ng pansin. “Love! I need you right now. Sinugod ko si Shiela rito sa h-hospital.” Sa pagkakataong ʼyon ay tuluyan na siyang napahagulgol. “What? What happened?” Kinagat niya ang ibabang labi. “Nahirapan siyang huminga at nanikip na ng husto ang kaniyang dibdib. The only thing that could save her is heart surgery. Sheʼs currently in the operating room.” Malalim itong napahugot ng hininga mula sa kabilang linya. “Alright. Wait for me. I need to say something as well.” “Okay. Iʼll wait for you. I love—” Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin dahil bigla na lamang nitong ibinaba ang tawag. Sakto namang lumabas na ang doktor mula sa operating room. Agad naman niya itong sinalubong. Mabuti na lang at mabait itong kausap dahil agad itong pumayag na isagawa ang operasyon kahit kulang pa ang kaniyang pambayad. “Sheʼs safe now. The operation was a success.” He smiled the moment he removed his mask. Nakahinga naman siya nang maluwag nang dahil sa narinig. “Thank you so much, Doc!” “No worries. For now, she would be transferred to ICU for close monitoring. Once her condition stabilizes, she will be moved to a regular room already.” Napatango naman siya. “Marami pong salamat ulit.” Nagpaalam na sa kaniya ang doktor. Dahil hindi pa siya puwedeng pumasok sa loob ay dumiretso muna siya sa billing station upang alamin kung magkano na ang bill nila. Ngunit nanlaki na lang ang kaniyang mga mata nang makita ang anim na numero roon. Nanghihinang napaupo si Caroline. The surgery is already done. Ngayon, ang problema naman na kailangan niyang harapin ay ang bayarin. Caroline managed to pay a fifty-thousand down payment. Inutang niya pa ʼyon mula sa kumpanya na pinagtatrabahuhan at balak sanang gamitin para makalipat na sila sa mas maayos na apartment. Pero habang nakatitig siya sa hawak na papel ngayon ay tila sumasakit ang kaniyang ulo sa kaiisip kung saang mahabaging kamay naman siya kukuha ng anim na raang libong piso? Na patuloy pang madadagdagan sa mga susunod na araw. Lumaki sina Caroline at ang kaniyang kapatid sa hirap. Bata pa lamang siya nang iwan sila ng ama. Limang taon naman ang kaniyang kapatid habang labing dalawang taong gulang naman siya nang bawian ng buhay ang kanilang ina. Sa murang edad ay siya na ang nagtaguyod sa kanilang dalawa. Pero bukod doon ay pilit na inilaban din niya ang kapatid na mayroong sakit sa puso. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na niya nagawa pang makatuntong ng kolehiyo. Sheʼs twenty-three years old now. Luckily, just five months ago, she got accepted as the new secretary of the CEO of a renowned company—Platinum Bank Incorporated. Sumubok lang naman siya sa naturang kumpanya. Pero hindi niya akalain na siya pa ang matatanggap sa rami nilang nag-apply. “Carol.” Natigilan siya bago dahan-dahang nilingon ang nagsalita. It was Austin. Tumayo siya at akmang sasalubungin ito ng yakap nang bigla itong humakbang paatras. Pilit naman siyang ngumiti. “Pasensya na kung naabala kita. Itʼs just that I donʼt know what to do anymore. Wala rin naman akong ibang malalapitan.” She looked down. Sa isang iglap ay bigla siyang nakaramdam ng hiya. “The operation is successful. But the bills amounted to six hundred thousand. Maybe—” “Letʼs break up.” Maang siyang napaangat ng tingin dito. Marahil dala ng pagod kaya kung anu-ano na ang kaniyang naririnig. “What?” Hindi naman ito makatingin sa kaniya ng diretso. “Iʼm sorry. Matagal ko na itong pinag-isipan. I know the timing is not perfect. But I have already enough.” Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. “May i-iba na ba?” “Yes. Her name is Trish. Sheʼs the one whoʼs been there for me. Every time I get tired of understanding and caring for you, sheʼs always there to cheer me up. But you...” Sa pagkakataong ʼyon ay sinalubong na nito ang nagtatanong niyang mga mata. “I loved you within those four years. But you become nothing but a burden to me. Itʼs always about you and your sister. How about me? About us?” Puno ng hinanakit at panunumbat ang boses nito. Bago pa siya makapagsalita ulit ay bigla na lamang itong tumalikod sa kaniya at naglakad paalis. Carolineʼs mind went blank. Everything happened so fast, and she could not process any of it. Wala sa loob na nagsimula siyang maglakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Hinayaan niya lang ang paa na dalhin siya sa kung saan. Hanggang sa bumunggo siya sa kung ano. Akmang lalampasan niya lang ito nang bigla itong nagsalita. “Miss Montreal.” Tila roon lang natauhan si Caroline at agad nitong nilingon ang lalaki. “Sir Calvin!” Nanlaki ang kaniyang mga mata. “What are you doing here?” Sa dinami-rami naman ng puwede niyang makabunggo ay ang boss niya pa talaga! Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya. His hands were shoved in his pockets. “My mother got admitted here,” he answered when he reached her. “Anyway, letʼs talk about your problem.” “W-what?” “I heard everything a while ago while you were talking to that bastard ex of yours.” He loosened his necktie. “How about I help you instead?” Napamaang siya nang dahil sa sinabi nito. His words sound tempting. “How?” “Be my wife.” Pakiramdam niya ay nabingi siya nang dahil sa narinig. “W-what?” “If you agree, I will handle all the hospital and medical expenses of your sister. I will even pay you compensation.” “But why? I mean, why me?” hindi pa rin niya mapaniwalaan ang sinabi nito. Mas maiintindihan pa niya kung kukunin siya nitong katulong bilang kapalit sa pagtulong nito sa kaniya. Pero asawa? Isnʼt it too much for this day? “I need a contract wife, and you need money.” His cold ocean blue eyes bored into hers. “Simple as that.” Malalim siyang napahugot ng hininga. His condition might sound ridiculous, but heʼs really offering a good deal. Besides, at this point, sheʼs already desperate. “Alright. I agree to become your fake wife.” Biglang sumeryoso ang mukha nito. “Good.” Mula sa dala-dala nitong attache case ay mayroon itong inilabas na isang papel. “Hereʼs the contract. I always bring it with me just in case I bump into someone who would fit the role.” He shrugged. “Just read it and then sign it.” Agad na tinanggap niya ʼyon at binasa. Nang matapos ay walang pagdadalawang isip siyang pumirma. After all, it just feels like closing a business deal, and no feelings are involved. One year. She just needs to bear with it for one year.PAGKARATING sa opisina ay agad na inasikaso ni Caroline ang mga tambak na papeles sa ibabaw ng kaniyang mesa. Nang tingnan niya ito isa-isa ay napagtanto niya na galing ang mga ito mula sa marketing at finance department. Agad naman niyang sinamsam ang mga papeles para papirmahan kay Calvin.“Come in,” wika nito pagkatapos niyang kumatok sa pinto.Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob. Sa pag-angat ng tingin ni Calvin sa kaniya ay napangiwi na lang ito nang makita ang mga dala niya.“Bakit ba hindi nauubos ang mga paperworks na ʼyan?” He grunted.Napangiti naman si Caroline bago maingat na inilapag ang mga papeles sa mesa nito.“Kung wala ang mga ito ay wala kayong magiging trabaho, Sir.”Napasandal naman ito sa kinauupuang executive chair. “Tama ka naman.” Bigla itong napaisip. “Pero paano kaya kung bigyan na lang kita ng authority na pumirma on my behalf para hindi ko na talaga kakailanganing pumasok?” He smirked.Natawa naman siya. “Puwede naman, Sir. Basta ba sa ʼkin mapupunta
MALAKAS na napasinghap si Caroline nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Agad naman siyang napalingon dito. Sa dinami-rami naman ng tagpo na puwede nitong maabutan ay bakit ʼyon pa? “Austin.” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Calvin. “Whatʼs the meaning of this? Bakit nakikipaghalikan ka sa boss mo?” Bakas ang kalituhan sa mukha nito. Akmang magpapaliwanag siya nang bigla niyang naramdaman ang kamay ni Calvin na humawak sa kaniya. “Why? Whatʼs wrong with me kissing my wife?” Calvin asked innocently. Marahas namang napahugot ng hininga si Austin. “Y-your wife?” Bumaba ang tingin nito sa kanilang mga kamay kung saan ay tila sinasadya pang ipakita ni Calvin ang suot nilang singsing. Hindi makapaniwala itong napaangat ng tingin sa kaniya. “I donʼt understand. Halos dalawang linggo pa lang ang nakalilipas magmula noong huli tayong nagkita. Pagkatapos ngayon ay may asawa ka na agad?” Napatiim bagang ito. “Donʼt tell me that you have been cheating on me all this t
BUONG maghapon na naging abala si Calvin nang dahil sa dalawang meeting na inatendan niya at dami ng paperwork na kailangan niyang basahin at pirmahan. Dahil dito ay hindi na niya namalayan pa ang oras. Sa pag-angat niya ng tingin sa bilugang orasan ay napamaang na lang siya nang mapansin kung anong oras na. Itʼs 5:30 pm already. Kung dati ay saktong ala-singko kung umuwi si Caroline, ngayon ay tila ba hinihintay siya nitong matapos dahil hindi pa ito pumasok ulit sa opisina niya pagkatapos siyang hatiran ng kape kanina. Agad na inayos niya ang mga natira pang papeles sa isang tabi. Bukas na lamang niya ito tatapusin. Mayroon pa kasi silang kailangan puntahan ngayon. Nang matapos ay tinanggal na niya ang suot na suit bago tumayo. Sa paglabas niya ng opisina ay naabutan niya si Caroline na abala pa rin sa pagtitipa ng keyboard. “Darling, thatʼs enough for today. Letʼs go.” Gulat na nilingon siya nito. “You donʼt need to call me like that while weʼre in the office.” Pinatay na nito
KINABUKASAN ay maaga silang nag-almusal. Kasabay rin nila ang kapatid niyang si Shiela. “Dalawang linggo na lang pala at pasukan nʼyo na. It will be your first year in senior high school. May napupusuan ka na bang strand?” tanong dito ni Calvin. Sunod-sunod namang napatango ang kapatid niya. Bakas ang excitement sa mukha nito. “Yes. I want to take ABM.” “Thatʼs nice,” Calvin commented. “So are you interested in putting up a business in the future?” “Not really. What I want is to apply to one of your branches.” Shiela giggled. Napangiti na lang si Caroline nang dahil sa inasta ng kapatid. Sheʼs more lively now than before. Napatango naman si Calvin. “I would love to have you in one of our branches. So Iʼll be looking forward to it.” Shiela smiled. “You can count on me.” Ibinaba na ni Calvin ang hawak na kutsara bago uminom at tumingin sa kaniya. “Are you done already?” Uminom muna siya bago tumango. “Yes.” Napatayo na si Calvin. “Letʼs go then.” Nilingon naman niya ang kapat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentairesPlus