Share

A DANGEROUS MAN SERIES 1 Jondray Clarence Ford
A DANGEROUS MAN SERIES 1 Jondray Clarence Ford
Author: Bitter_sweet

PROLOGUE

NALILIGO sa pawis si Mia habang tumatakbo sa hindi niya malaman na kadahilanan at wala siyang makita, madilim ang paligid at basta lang tumatakbo siya na parang may humahabol sa kanya at pilit niyang tinatakasan iyon. Bitbit niya ang kaba sa kanyang dibdib na baka abutan siya nito at patayin na lamang bigla.

“Mia?”

“Mia?!”

Napabalikwas si Mia nang upo sa narinig niyang boses at bumungad ang nag-aalang mukha ng kanyang Ina’y. 

“Anak, pawis na pawis ka at sumisigaw kaya ginising kita.” 

Naupo siya at tumingin sa gawi ng kanyang Ina. “Nanaginip lang po ako, Ina’y.” 

Ngumiti ang kanyang Ina at hinaplos ang buhok niya. “Anak, sigurado akong namimiss ka na niya. Bakit hindi mo siya dalawin?”

Ngumiti rin siya pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. “Baka nga po.” Hinaplos niya ang maliit na umbok sa tiyan niya. “Baka namimiss na niya kami ni baby Jonray.” 

Noong araw na nawala ang lalaking mahal niya. Iyon rin naman ang araw na nalaman niyang buntis siya. She's 3 months pregnant with a man she truly loves. She's excited and looking forward to becoming a Mom. 

Palagi niyang napapanaginipan si Jondray at hindi ito nawala sa isip niya. Siguro, dapat niya itong dalawin baka nagtatampo ang binata dahil masyado na siyang busy sa mga iniwan nito na trabaho. Sa tatlong buwan na wala sa piling niya si Jondray, ang palagi niyang kasama ay ang mga kaibigan nito at sa kagustuhan niyang maging perpekto para kay Jondray, nag-aaral siya para kung sakaling buhay nga ang lalaking mahal niya, meron siyang maipagmamalaki. 

Hanggang ngayon, hindi niya ito kayang limutin, o ipagpalit sa ibang lalaki.

I love him with all my heart and I can’t stop loving him.

Mabilis niyang pinatakbo ang kotse para mabilis makarating sa pupuntahan dahil alam niyang nagtatampo na ito, kaya nananaginip na naman siya ng mga kung anu-ano, ginugulo na naman siya nito para mag-paalala. Ganito palagi maglambing ang kanyang sinta, idadaan sa panaginip niya ang lahat. 

“Hey, love. Kamusta ka dito?”

Nagsisimula na naman mangilid ang mga luha sa kanyang dalawang mata habang pinagmamasdan ang isang malawak na karagatan, kung saan nawala ang taong minahal niya at hindi niya mapigilang sisihin nang paulit-ulit ang sarili sa mga nangyari na alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit ito nawala. Sa tatlong buwan na lumipas, wala siyang hinihiling kundi ang magising sa bangungot na ito.

“Siguro kung buhay ka ngayon at lumabas na ang binuo nating baby, hindi ako mahihirapan ipaliwanag kay Jonray kung bakit wala siyang kikilalaning Ama sa pagsilang niya. Kung may hihilingin man ako ngayon, isa na dito ang sana bumalik ka na kahit alam kong imposible, kahit alam kong wala ka na talaga, pero patuloy akong umaasa hangga’t wala akong nakikitang totoo mong bangkay. Hindi ako maniniwala na patay ka na.” Maramdamin niyang pahayag. 

Sabay-sabay na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa binata, hanggang ngayon walang makakapigil sa pagmamahal niya rito. 

I miss you so much and it hurts so badly that we're not together anymore. It, it's the worst kind of pain I've ever known and you're the pain I can't seem to get rid of. I love you so much, Jondray. 

“Hey, there, beautiful. You look so innocent and I love that about you.” Anang baritono na boses galing sa kanyang likuran.

Napatigil si Mia sa narinig niyang boses. Isang lalaki lamang ang alam niyang nagsasabi ‘nun sa kanya. Isang lalaki lang ang kayang magpatibok ng puso niya nang ganoon kabilis.

Hindi siya agad lumingon. Baka kasi guni-guni lang ang boses na iyon.  Jondray... She hoped, she hoped that it was her Jondray. Lilingon siya kapag narinig niya muli ang boses na iyon. 

Pumikit si Mia at dinama ang hangin na tumatama sa kanyang katawan. Magsalita ka, Jondray. Kung ikaw talaga iyang nasa likuran ko. Maya-maya pa, may narinig siyang yabag mula sa likuran niya, pero nanatili siyang nakapikit at hindi lumilingon...

Bitter_sweet

Hello, Readers! Gusto ko lang po humingi ng pasensya dahil maraming errors ang book na ito. Hindi pa po kasi polished. Kaya, pinaglaanan ko po ng oras na i-edit ito upang mas lubos ninyong mabasa at maunawaan ang kwento. Maraming salamat!

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Patrizia Di Lorenzo
what language Is this ?????
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status