PAULIT-ulit nagrerewind sa utak ni Mia na parang sirang plaka ang halik nito kanina. The way he kiss her, hindi niya alam kung desire lang ba ito o sadyang nakakadala ang mga mata nito na malakas mang-akit. Hindi naman siya ganito. Sa club siya nagtatrabaho pero wala siyang hinayaan na bastusin siya.
But that guy.. He kissed me and I kissed him back! Hindi ako umangal agad, buti na lang nasa tamang wisyo pa ako. Gosh! Nakakahiya ka, Mia!
Pinukpok niya ang ulo habang pinapagalitan ang sarili dahil marupok siya at para siyang manyak kanina sa harapan ng binata na sinabayan pa ito! Gosh! It’s so embarrassing!
Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong condo at parang mga crystal sa ganda ang paligid nito, kaya nakakahikayat na mas libutin pa. May tatlong room na magkaharapan pero may mas nakakuha ng atensyon niya, isang malaking vase. Hindi niya alam kung sinong nagtulak sa kanya na tingnan ang laman nito.
“Vase? Pero walang flowers na nakalagay?” Sansala niya sa kanyang sarili. Bubuksan sana niya ito mula sa pagkakatakip, subalit natigilan siya ng makita niya ang isang malaking larawan na nakasabit sa mismong tapat kung saan ito nakatayo. Sino naman kaya ang magandang babaeng ito? Asawa niya? Luma na ang larawan at mukhang taon na ang lumipas.
“What are you doing?”
“Ay, butiki ka!” Napapitlag siya sa gulat.
Humarap siya kay Blue eyes na nakatayo malapit sa kanya at nakakapagtaka lang na wala siyang narinig na paghakbang nito papalapit sa kanya, masyado itong nakakatakot sa paraan kung paano kumilos ng walang tunog.
“Ah, eh, titingnan ko lang sana ang vase na ‘to-”
“Don’t you dare touch her.” Mapanganib nitong babala, kaya umatras siya ng mga ilang hakbang palayo sa vase dahil sa tono ng boses nito.
“O… Okay, sorry.”
“Please sit down.”
Hindi na siya nagsalita pa basta umupo na lang siya sa couch kaharap ito para simulan niya ang paglilinis ng sugat nito sa balikat. Tinaas niya ang manggas ng suot nitong t-shirt upang makita niya ang sugat pero natatakpan pa rin at nahihirapan siyang linisin iyon.
“Kuyang Blue eyes, pwede mo ba hubarin ang damit mo? Hindi ko malinis ng maayos.”
“Kuyang Blue eyes?” May pagtatakang bigkas nito sa gawa-gawa niyang pangalan ng binata.
“Bakit? Masam ba? E, sa hindi ko alam ang pangalan mo, kaya gumawa na lang ako ng pwedeng itawag sa’yo. Tutal, blue naman ang mga mata mo.” Mahaba niyang paliwanag. “O, siya, bilisan muna. Maghubad ka na.”
Walang sere-seremonyang hinubad ng binata ang sariling damit, kaya ngayon ay nasisilayan ni Mia ang magkakahalera na tinapay sa tiyan nito. Abs! Napalunok siya habang pinagpipiyestahan ng mga mata niya ang kabuuan nito. Paano ba siya napunta sa paghubad ng damit!? Ganito na ba kadumi ang pag-iisip niya? No. Pinaghubad ko siya para gamutin ang kanyang sugat, hindi para pagnasaan, ‘di ba?
“Satisfied, woman?” Ngumisi ito, kitang-kita niya iyon at marahil ang tinutukoy nito ay ang pagsuyod niya sa buong katawan ng binata mula ulo hanggang paa. Maganda ang katawan nito pero hindi niya pa nakikita ang mukha nito. Sayang!
Lumunok siya para mahimasmasan.“Si- simulan ko na pala ang paglilinis..” Nini-nerbyos niyang wika. Ipagsasawalang bahala na lang ng mga mata niya ang nasisilayan.
Mia finished cleaning the wound after a few minutes and apply an antibiotic ointment to the wound. She also applied a bandage to keep it clean. Buti na lang kahit papaano may alam siya sa paggamit ng mga medicine kit.
“Do you want to see my face?” Pukaw nitong si Blue eyes sa magulo niyang utak. “Alam kong gusto mong makita ang mukha ko.”
“Oo, kung papayag kang ipakita.”
“Deal, in one condition,” dagdag pa nito.
She rolled her eyes. “Bakit may kondisyon?”
Mata sa mata nagtitigan silang dalawa bago ito nagsalita. “You don’t want to see my face? Dahil lang sa panget ako?”
She was taken aback by his words. “Wa-wala akong sinasabi! Ikaw ang nagsabi niyan. Pero, sige na nga. Anong kondisyon ba iyon?” Hindi rin nagtagal at pumayag siya.
He smiled and said, “Okay. I understand. I just wanted to make sure that you won't judge me because of my face.”
“Promise, hindi naman ako judgemental!”
“Okay. Lahat ng itatanong ko sa’yo, sasagutin mo ng totoo at maayos.” Seryoso nitong wika habang nakatitig sa mga mata niya. “Deal?”
Mia agreed with her nod.
“Bakit ka hinahabol ng mga tauhan ni Mr. Wong?” His voice showed his curiosity.
Kumunot ang noo niya, sabay tumayo with matching pamewang pa. “Bakit interesado kang malaman? Tauhan ka rin ba niya, o baka naman isa ka sa mga katulad niya?”
“Just answer me, woman.”
“Bakit mo nga kasi gustong malaman-”
“Answer me! Bakit ka hinahabol ng mga tauhan niya?” Sa boses pa lang ng binata na baritono natatakot na siya.
Napaigtad siya sa gulat kaya wala siyang nagawa, kundi ang sumagot. “Ibinenta ako ni Mama Cole sa kanya-”
“Why?”
Nanggagalaiti siyang tumingin sa kulay asul nitong mga mata. “Hoy! Ginagago mo ‘yata ako? Ano ka inosente? Nakita muna ang suot ko, halos maghubad na ako tapos-”
“Para gawing parausan. Itinuloy ko na, mukhang nahihiya ka.”
“FYI! As in For your information! Sumasayaw lang ako sa Club pero hindi ako nagpapagalaw kaya mali ang sinasabi mong parausan! Tsk.”
Oo, tama ang binata, nahihiya siyang sabihin na isa lang siyang babaeng nagtatrabaho sa Club. Walang disenteng trabaho, gamit ang katawan para kumendeng sa harap ng maraming tao na likaw ang bituka habang pinagpipiyestahan ang katawan niya. She keep embarrassing herself, her work at the club at higit sa lahat, ang makita ng maraming tao na ganito ang suot niya pero walang magagawa ang isang katulad niya sa gabi-gabing sumasayaw sa Club. Pakiramdam niya sinusunog ang pagkatao niya.
Tumalikod siya sa binata para hindi nito makitang nahihiya siya. “Aalis na pala ako-”
“Wait, tulad ng ipinangako ‘ko.”
The man slowly lifted up the full-mask he was wearing and revealed his face to her. Mia was surprised by how handsome he was despite the small scar on his face. Maliit lang naman ang scar na iyon sa gilid ng mukha nito at hindi mahahalata kung hindi mo tititigan.
She gaped at his handsomeness!
She couldn't help but stare at the man in front of her. His deep blue eyes seemed to pierce right through her, and she could feel her heart beating faster with each passing second. His perfect nose and his alluring lips moved as if they were roses in bloom. She felt a sudden pang of attraction and admiration for the man, and she couldn't help but think that any woman would be lucky to have him in their lives. She felt a little dazed, overwhelmed by his charm. She knew that she had to break the spell and look away, but she couldn't help herself - she was mesmerized.
“Hey woman, are you done checking me?”
Nakatuon ang tingin niya sa kabuuan nito at para siyang mababaliw. His deep blue eyes ang lakas makadala at habang sinasalubong ng mga mata ni Mia ang mga mata ng binata ay nanunuot ang mga tingin nito sa kaibuturan niya. Isa ba itong kalahi ni Adan? Ngayon lang siya nakakita ng lalaking almost perfect!
“Woman?”
Kung hindi pa ito tumikhim, hindi pa siya makakabalik sa tamang pag-iisip. Bahagya siyang nahiya at yumuko sa sobrang pagkapula ng kanyang pisngi.
“Woman? Are you...”
“Ayos lang ako! Oo, este oo nga, okay lang ako. Hehe.”
Napailing na lang siya sa mga kagagahan niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito, at saka unang pagkikita pa lang nila, pero tila ba gusto na niyang mapalapit sa binata. As in mapalapit at lumapit para singhutin ang mabangong halimuyak nito hanggang sa maubos at yakapin ang matitipuno nitong katawan.
Oh, god! Ang halay ko!
“Ihahatid na kita, ituro mo lang kung saan ka nakatira.” Segunda nito, bago kinuha ang damit na pinahubad niya rito at saka sinuot iyon. “Let’s go, woman.”
Tahimik siyang nakasunod sa binata palabas ng gusali habang nakayuko at nakapikit ang mga mata. Pakiramdam niya kasi sa tuwing magtatama ang mga mata nila ay namamagnet siya. This man is so attractive and I can’t help myself, this is called attraction? Desire? Or just lust? Duh! Hindi naman ako manyak, e. Alam niya ang mga ganoong bagay pero nanunumpa siyang purong-puro pa siya, ‘no.
“Sa..salamat nga pala...” Basag niya sa katahimikan habang nag-dadrive ang binata at siya ay nakaupo sa passenger seat.
Nilingon siya nito panandalian at agad rin bumalik sa kalsada ang tingin.
“Thank you for what?”
“Salamat sa pagligtas mo sa akin.”
Wala na siyang sunod na narinig mula sa binata, naka-focus na lang ito sa pagdi-drive kaya tahimik lang siyang nakadungaw sa bintana ng kotse. Wala pala siyang pera, ano na lang ang gagawin niya? Walang gamot ang kanyang Ina’y, walang baon ang mga kapatid niya at lalong walang pagkain para bukas. Mababaliw na siya kakaisip!
Lumingon siya sa lalaki at biglang nakaisip ng paraan. Kung umutang siya sa lalaking ‘to, pauutangin kaya siya nito? Wala na siyang tinatagong hiya kung para sa mga kapatid naman niya at sa kanyang Ina’y.
Mukha naman itong mayaman… Susubukan lang niya.
Tumikhim siya. “Kuya?”
“What?” Despite his gaze fixed on the road, he responded promptly.
“Pwe… pwede ba akong umutang ng pera sa’yo? Kahit one thousand lang para sa mga kapatid ko at sa may sakit kong Ina’y. Babayaran ko rin naman pag may nahanap na akong trabaho, o baka kailangan mo ng katulong, willing akong pagsilbihan ka.”
“Wala kang trabaho?”
“Tinakbuhan ko si Mama Cole.” Walang buhay niyang tugon. “Sigurado akong hindi ako ‘nun titigilan lalo pa ngayon na tumakas ako sa impyerno niyang tahanan. Huwag kang mag-alala, maghahanap ako agad ng trabaho para may pambayad ako sa’yo.”
“Paano kung, ikaw ang gusto kong bayad?” Makahulugan nitong saad.
“A… Anong ibig mong sabihin?”
“I want you to cooperate with me. Lahat ng itatanong ko ay sasagutin mo nang totoo, lahat ng gusto kong ipagawa sa’yo ay gagawin mo.”
She swallowed and then reacted quickly. “Okay! Pumapayag ako, basta hindi lang one thousand ang ibabayad mo sa akin at marangal ang ipapagawa mo sa akin. Deal.”
“Are you sure of that?”
“O… Oo, basta...”
“Basta?” Sa pangalawang pagkakataon, muli siya nitong nilingon pero ngayon ay hindi nito inaalis ang paningin sa kanya. “Open minded ka ba? Sa club ka nagtatrabaho pero hindi ko alam kung bakit ang inosente mong tingnan.”
“Huh?”
“Nevermind.” Itinigil nito ang kotse sa bakanteng lote, sa kabila nito ay ang bahay nila na kubo-kubo lamang. “Here is my calling card, tomorrow at 7am pumunta ka sa address na ‘yan.”
“Hindi sa condo mo?”
“Hindi.” Maikli nitong sagot at bumaba na siya ng kotse.
“Salamat...”
Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng mabilis na umandar ang sasakyan ng binata, kaya naibulong na lang niya sa hangin. Tinitigan niya ang ibinigay nitong calling card sa kanya na walang pangalan at tanging cellphone number at address lang ang naka-indicate. Nang italikod niya ito may nalaglag na tatlong libo. Parang gusto niyang tumalon sa tuwa.
“Mia? Bakit ang aga mo naman umuwi?” Bumungad ang Nanay niya sa kanya. “Kaaalis-alis mo lang, ah?”
“Nay, bakit hindi pa kayo natutulog?” Balik tanong niya rito.
Lumapit siya rito na nakaupo sa di-kahoy nilang upuan bago nagmano bilang paggalang sa kanyang pag-uwi. Masaya siyang unti-unting umaaliwalas ang itsura nito. Hindi na tulad nang dati, para itong stress palagi sa pagkawala ng Tatay nila. Kaya masaya siyang tumatalab ang mga gamot na pinapainom niya sa kanyang Ina’y.
“Mia?”
“Bakit po?”
“Hindi ka ba napapagod?” May simpatya na tanong ng kanyang Nanay. “Ayokong nakikita kang napipilitan na lang pumasok diyan para sa amin.”
She smiled at her mother. “Ina’y, hindi ako napapagod, bawal mapagod sa katulad natin. At saka, huwag mo po isipin na napipilitan lang ako dahil kusang loob kong ginagawa ito para sa atin.”
Hinaplos nito ang pisngi niya at napansin niyang may tumulong luha sa mga mata nito na kaagad naman pinunasan ng kanyang Nanay.
“Inay, wala kang dapat ipag-alala kasi kaya ko naman kayong buhayin. Patahimikin na natin si Ita’y sa langit. Nabubulabog siya dahil malungkot kayo palagi. Matulog na kayo Ina’y, masama ang napupuyat sa inyo.”
MABILIS na nagtipa ng keyboard sa laptop si Jondray. He spent a few days looking for information on Mr. Wong's women, and when he bumped into the woman he had previously helped, he suspected the young woman and Mr. Wong were having an affair.
Pinagpatuloy niya ang pag-analyze sa mga larawan at nakita niya ang isa sa mga larawan , ipinadala ni Mr. Wong sa lalaki na hawak nila ngayon, isa sa mga tauhan nito. Naka-link ang larawan sa isang website na may iba pang mga larawan na magkakaugnay sa isang organisasyon na tinatawag na 'The Golden Cross'.
Dahil sa pagkakakita ng larawan, si Jondray ay nagsimulang maghanap ng mga impormasyon tungkol sa 'The Golden Cross'. Pinasok niya ang mga database na hawak ng mga organisasyon at nagsimulang mag-click sa mga link na nakalagay sa website na hawak ni Mr. Wong.
Ayaw naman niyang istorbohin sa ganitong oras ang kaibigan na si Alvan, magaling ito sa technology at pagpasok sa mga systems na malaki ang maitutulong sa kanya upang makakuha ng mga impormasyon.
Lima silang kumikilos upang sugpuin si Mr. Wong, patayin ito na walang nakakaalam subalit malakas ang kinabibilangan nitong organisasyon at gusto nilang alamin kung may gobyerno at kapulisan nga ba ang tumutulong rito upang mapanatili ang mga illegal na gawain sa iba't-ibang bansa.
Drugs, guns and prostitute, oo, nagbebenta ito ng mga babae sa foreigners at marami rin itong babae sa tuwing may event na gaganapin sa loob ng mga lungga ng hayok ang kalamnan. Minsan na nilang napuntahan ang lugar na iyon. Doon, ginaganap ang buy and sell ng mga illegal na gawain ng mga organisasyon sa buong mundo.
Bumuga siya ng marahas na hangin nang wala na siyang maisip na ibang paraan upang malaman ang impormasyon tungkol sa mga illegal na gawain ni Mr. Wong. He was curious about Mr. Wong, especially his illegal deeds. And he truly wants to kill him; he wishes to torture and kill him in his hands.
Puno nang frustrasyon na inihilamos niya ang buong palad sa mukha. Kailangan niyang pilayan ang mga negosyo ni Mr. Wong. Sigurado siyang lilitaw rin ito sa lungga pag nangyari iyon.
Alam ni Jondray na puwede niyang magamit ang dalaga na tinulungan niya kanina. Kailangan niyang mapalapit sa dalaga upang magamit ito.
“Brad, gusto mo ba magalit si Rachelle?” Tumingin siya sa nakatayong si Cyrus, his cousin. Noong isang araw pa ito nanatili sa bahay niya para bantayan ang hawak nilang tauhan ni Mr. Wong.
“Ang lahat nang ginagawa ko ay para rin sa kanya.
Biglang nagtagis ang bagang niya sa tuwing maaalala kung paano binaboy at walang awang pinatay ang kasintahan niya noong araw ng kasal nila.
“I got news for you.” Sabi nito sa seryosong boses.
Binalingan niya si Cyrus. “Good or bad?”
“Both.”
“What is it?”
Tipid na ngumiti ang pinsan niya. “The good news is, nagsalita na ang hawak natin na tauhan ni Mr. Wong. The bad news, namatay na siya na walang tama sa mga impormasyon na ibinigay niya. Ayon, tinuluyan na ni Mirko.”
“That’s bullshit!” Galit na galit siya. “Takot ba sila kay Mr. Wong!? Kaya pipiliin nilang mamatay para sa demonyong matanda na ‘yon!”
“Don’t worry, makakakuha rin tayo ng ace.” Sabi ni Cyrus.
Nang maalala ang dalaga na tinulungan niya kanina. Kaagad na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at napalitan iyon nang ngisi. Meron siyang ace na puwedeng magamit para sa matandang iyon.
I will kill you, Mr. Wong! Maghintay ka lang at makikita muna si Satanas.
“Ang good news. Malapit na tayo makalapit kay Mr. Kim.”
Pagkasabi niyon ni Cyrus, napawi ang galit niya.
MAG-AALA-syete na pala nang umaga at biglang naalala ni Mia na may napag-usapan pala sila ni Kuyang Blue eyes. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumilos, ni hindi na nga rin niya nagawang kumain kahit pa naghain ang kanyang mahal na Ina’y ng almusal niya. Laking tuwa niya may natira pang isang libo sa sira-sira niyang wallet. Kasyang-kasya pa iyon pamasahe at pangkain niya ng isang linggo. Hindi siya nag-atubiling ibinigay ang dalawang libo kagabi sa kanyang Ina’y na kinukulit siya para sabihin kung saan niya nakuha ang ganoong pera sa isang gabi lamang. “Mia! Mag almusal ka muna!” Habol ng kanyang Ina’y ng magpaalam siya. “Hindi na po! Kakain na lang ako sa carinderia!” Balik sigaw niya na tila ba sila ay nasa bundok at sila lamang ang tao, which is true, bundok na ang lugar nila kahit Maynila pa ito dahil sila ang nasa laylayan habang ang mga mayayaman ay nasa itaas. Wala na siyang narinig na sigaw mula sa kanyang Nanay dahil malayo na siya. Sumakay na siya ng jeep, mabuti na la
NILIBOT ni Mia ang kabuuan ng bahay na mukhang malinis naman kaya hindi niya alam kung anong lilinisin niya rito. Mapapansin na walang kahit na anong frame ng mga larawan ang nakasabit o kahit na anong maka-pagtuturo ng tunay na pagkatao ng binata. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba itong pagkatiwalaan o dapat niya itong iwasan. Pero sayang naman ang ino-offer nito sa kanya, malaking tulong iyon sa pamilya niya. “Ay, butiki!” Napasigaw siya nang makarinig nang galabog mula sa taas. May pag-aatubiling umakyat siya kung saan niya narinig ang ingay na iyon. Pagkarating sa taas ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob nang pang-unahang pintuan ng silid subalit naka-lock, sinubukan niya pa ang kasunod ganoon pa rin. Lahat naka-locked!? Ibig sabihin guess room sa ibaba lang ang pwedeng buksan. Bumalik siya sa baba upang umupo sa sofa dahil wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga, ano bang lilinisin niya? E, sobrang linis na nga pati ‘yata banyo malinis. Siguro ay magluluto na la
“Ahh!” Napabalikwas si Mia ng upo nang makitang nakaharap sa kanya si Blue eyes. Nakaupo ito sa couch, malapit kung nasaan ang mahabang sofa na hinihigaan niya. “Nasaan ang niluto mo?” Bungad nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at hinanap ng mga mata niya ang wall clock upang malaman niya kung anong oras na. 7:00 pm “Luh! Sorry. Hindi ako nakapag luto...” Yumuko na lang siya sa kahihiyan. Ito na nga lang ang gagawin niya tinulugan niya pa! Natahimik ito, bago tumayo at umalis. Sinundan niya ng tingin ang lalaki at nakita niyang kinuha nito ang cellphone mula sa jacket na suot. “Hey, woman. Are you deaf?” Yumuko siyang muli ng humarap na ito sa kanya. “Hu- huh?” “Pag may nag-doorbell buksan mo at kunin ang dala, okay?” Paalala nito sa kanya dahil mukhang aakyat na ito sa kwarto na naka-lock rin. Isa pa pala iyon na gusto niyang i-kompronta sa binata, paano naman kasi niya lilinisin ang silid nito at iba pang mga silid kung naka-lock at wala siyang susi? Tumang
KASALUKUYANG nananatili si Mia sa guestroom habang nasa living room ang limang lalaki na sina Blue eyes at Damuho, pero ang tatlong lalaking kasama ng magpinsan ay hindi niya kilala dahil nakatakip ang mga mukha. Palagay niya ay mga kasamahan ng mag-pinsan ang mga iyon, pero ang nakakapagtaka, paano nakilala ng mga ito si Mr. Wong? Hindi lang basta kilala kundi para bang alam ng mga ito ang buong background ng pagkatao ng matandang manyakis na iyon. Dapat pa ba siyang magtiwala sa mga ito? Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng inuukupa niyang guest room at iniluwa niyon ang gwapong si Blue eyes. “Woman, come out and follow me.” “Nandiyan pa ba ‘yung mga kalalakihan na-” “Just follow me.” Hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin dahil pinutol kaagad iyon ng binata, kaya imbis na magsalita pa ay sumunod na lamang siya ng tahimik sa likuran nito. Nang mabungaran niya ang mga kasama ni Blue eyes na nasa living room, tumalon ang puso niya. Mia felt her mouth water because
BUMUGA ng marahas na hangin si Jondray at kinuha ang mga papeles na itinapon niya sa sahig at pinag-aapakan niya ang mga iyon. Natigilan siya ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto na inuukupa niya. Kung saan ang sekretong silid na silang limang magkakaibigan lamang ang puwedeng pumasok. “Come in.” Kaswal niyang tugon. Umupo ito sa couch. “Bro. What are you planning now? Ngayong binabasura ng korte ang mga ipinapasa nating ebidensya laban sa organization ni Mr. Wong.” Pukaw ni Cyrus sa kanya. “He has so many connections in the Philippines. At hindi siya lumalabas ng lungga niya. Huling labas niya hindi natin naabutan sa Cole club.” “Dapat na tayong masanay sa mga bulok na hustisya sa bansa natin. I don't have much hope for justice from them, but we can still get that without anyone else knowing.” Nagkatinginan sila ng pinsan niyang si Cyrus at sabay na bumuntong-hininga. Halos tatlong taon rin siyang nagpakatanga sa hustisyang ninanais niya sa mga kapulisan hanggang ngayon magpapa
“Blu-blue eyes? Kailangan mo na lumipat sa kuwarto mo-” Jondray tenderly cupped her face and kissed her gently on the lips. Para siyang tuod na nakayuko habang ang kanyang dalawang braso ay nakatuon sa dining table, wala siyang reaksyon o kahit na pagtutol basta pinabayaan niyang gumalaw sa labi niya ang labi nito. No.. Bakit ako nagpapadala, bakit ko siya hinahayaan.. Nababaliw na ba ako? Akmang lalayo na siya nang hapitin nito ang bewang niya at mapaupo muli siya sa kandungan ng binata, but this time nakaharap na siya sa binata habang patuloy gumagalaw ang labi nito sa labi niya. His lips were warm and inviting, and she smelled of the alcohol on his breath. She felt safe and secure in his embrace, and the warmth of his body was comforting. She felt like she was in the arms of someone who truly cared for her, and she allowed herself to be lost in the moment. With a gentle touch, he slowly and carefully moved her body to the dining table. He took extra care not to move her too qui
Kitang-kita ni Mia kung paano ito umiwas nang tingin sa kanya matapos itanong iyon. Bigla rin naman siyang napalunok at pakiramdam niya ay nagbabara ang laway sa lalamunan niya sa ala-alang iyon na pinagsaluhan ng mga labi nila kagabi. Gusto niyang manakbo upang makaiwas rin, pero kung gagawin niya iyon baka isipin ng binata na apektado siya. “O- Oo, pero alam ko naman na lasing ka lang kagabi. Naiintindihan ko iyon.” Pinilit ni Mia na huwag mautal. “Hi- hindi naman big deal iyon, kaya ayos lang. Huwag mo rin isipin na nag-cheat ka sa jowa mo kasi hindi naman ‘yon sinasadya.” Mia! Bakit ba ang dami mong paliwanag, huh? Nagpahahalataan ka, e! He looked at her with a serious expression on his face. “Get dressed and get ready. I know a cafeteria nearby that's open during the day.” Pag-iiba nang topic nito at saka nilampasan siya papasok sa loob ng bahay at mabilis na sinundan ng mga mata niya ang binata na ngayon ay paakyat na sa hagdan. Nang mawala na ito sa paningin niya kinasti
“You're pretty enough.” He said while looking at her. She smiled awkwardly and looked away, her cheeks turning red as she felt the blush creep up her face. “Edi, salamat sa pagpapagaan ng loob ko.” Nasabi niya na lang sa binata. Nang umorder na ang binata, naiwan siya sa table na inuukupa nila. Nang medyo mainip siya, naisip niya lang tumingin ng mga cakes kaya’t lumapit siya sa kabilang counter kung saan may naka-display na mga cakes. “Hi, bago ka lang ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita rito sa cafeteria namin at kasama ka pa niya.” Tanong kay Mia ng babaeng nasa counter, hinuha niya ay nasa mid-fourthies na ang edad. Itinuro nito ang gawi ni Jondray na abala sa pag-order sa kabilang counter. “Opo, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong mamahaling cafeteria.” Sagot naman niya. Nginitian siya nito. “Alam mo ba, pangalawa ka pa lang sa mga babaeng dinala niya dito? Matagal-tagal na rin siguro mga 3 years ago.” “Seryoso po ba?” Hindi makapaniwala na tanong niya. Bigla tulo