Share

CHAPTER 4

NILIBOT ni Mia ang kabuuan ng bahay na mukhang malinis naman kaya hindi niya alam kung anong lilinisin niya rito. Mapapansin na walang kahit na anong frame ng mga larawan ang nakasabit o kahit na anong maka-pagtuturo ng tunay na pagkatao ng binata. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba itong pagkatiwalaan o dapat niya itong iwasan. Pero sayang naman ang ino-offer nito sa kanya, malaking tulong iyon sa pamilya niya. 

“Ay, butiki!” Napasigaw siya nang makarinig nang galabog mula sa taas. 

May pag-aatubiling umakyat siya kung saan niya narinig ang ingay na iyon. Pagkarating sa taas ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob nang pang-unahang pintuan ng silid subalit naka-lock, sinubukan niya pa ang kasunod ganoon pa rin. Lahat naka-locked!? Ibig sabihin guess room sa ibaba lang ang pwedeng buksan. 

Bumalik siya sa baba upang umupo sa sofa dahil wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga, ano bang lilinisin niya? E, sobrang linis na nga pati ‘yata banyo malinis. Siguro ay magluluto na lamang siya bago siya umuwi. 

“Hey, brad-” 

“Whaaa! Sino ka, huh? Paano ka nakapasok rito? Magnanakaw ka, ‘no?” Malalaki ang matang tanong ni Mia sa estrangherong lalaki habang nakaduro ang hintuturo niya rito. 

Hindi man lang niya narinig ang pagpasok nito! 

Kunot-noo naman nitong pinasadahan ang kabuuan niya. “Excuse me? Who the hell are you? At saka ako, magnanakaw? Ang gwapo ko namang magnanakaw.” 

Ang hangin naman. 

“Si..sino ka ba kasi?! Paano ka nakapasok rito?” 

He smirked. "I should be the one to ask, who are you?"

“Kasambahay ako rito at ikaw?” 

“Ow, you're really his housekeeper? Akala ko nag-uwi siya ng babae. Akala ko nabaliw na naman siya at kailangan magparaos.” Bulong nitong lalaki na parang bubuyog sapagkat hindi niya masyadong marinig ang sinasabi nito. 

Umatras siya ng bahagya. “Hoy! Tinatanong kita, sino ka? Panay ang bulong mo diyan.” 

“I’m his cousin.” 

Kaya pala pareho silang gwapo..

“Ah, sir. May gusto po ba kayong inumin o kainin?” Bigla siya naging magalang rito. Baka kasi mamaya niyan isumbong pa siya nito kay blue eyes. 

The man kept smiling at her. “So, ngayon magalang ka?” 

Nginitian rin niya ang lalaki, ngiting labas ang ngipin para naman makumbinsi ang damuho. “Hehe, pasensya ka na po sir. Akala ko kasi kung sino ka, e. Binilin kasi ni blue eyes na huwag daw akong magpapapasok ng kahit na sino.” 

"It's okay, I'd like some orange juice and a sandwich with egg, lettuce, cheese and bacon. Pwede mo ba akong dalhan rito?” Maawtoridad nitong utos habang komportable itong nakahiga sa sofa.

“Sige po sir. Hintayin mo po ako rito.” 

“I don't mind waiting,” he replied

Mia nodded and went to the kitchen to make him some orange juice and a sandwich with egg, lettuce, cheese and bacon, just like he wanted. Umabot siya nang 20 minutes bago niya natapos ang sandwich nito dahil nga sa bago pa lang siya dito at hindi kabisado ang kusina na ubod ng lawak daig pa kusina ng mga hotels and restaurants. Siguro naiinip na ang lalaking iyon sa kakahintay sa kanya. 

“Sir, ito na ang..” 

Muntik niyang maibagsak ang hawak niyang tray na may lamang sandwich and juice nang makita si blue eyes na nakahawak sa kwelyo nitong nagpakilala na pinsan daw kuno. Sandali, nag-aaway ba sila? Omg! Baka magnanakaw nga ‘to! Tapos ay nagpapanggap lamang pinsan niya.

“So..sorry, Kuyang blue eyes kasi nagpakilala siyang-” 

“Stop the nonsense!” He yelled fiercely as he released his grip on the man's shirt. 

Napaigtad siya sa pagsigaw ng binata kaya bigla siyang nanahimik. 

“Cousin-”

“Let's talk outside.” Jondray said, his face turning nasty. 

Syempre umepal siya kasi sayang naman ‘yung ginawa niya. “Teka! May ginawa akong sandwich and juice-” 

“Eat up.” Simpleng sagot ni blue eyes bago tuluyang lumabas ang mga ito.  

Pala-isipan pa rin kung sino ba talaga ang binata, kahit pangalan kasi ayaw man lang nito ipaalam sa kanya. Hays, bahala na nga ang mahalaga ligtas siya at alam niyang marangal na ang trabaho niya ngayon hindi na kailangan sumayaw sa harap ng mga manyak na lalaki para lang kumita ng maliit na halaga. 

Simula ngayon talaga blue eyes na ang itatawag ko sa kanya tutal ayaw naman niya ipaalam ang totoo niyang pangalan. 

Maya-maya pa ay bumalik na ang dalawang binata.  

“Hey, woman, if you see someone unusual coming in, just press it.” 

Lumapit si Jondray sa gawi niya at walang paalam na hinaglit ang braso niya upang ilagay ang isang bracelet.

Tumango-tango siya pero nagawa niya pa rin magtanong. “Ano ba kasi ‘yan?” 

“Alarm for protection.” Anito, habang kinakabit ang bracelet. 

“Para sa proteksyon ko?” 

“Ay, hindi para sa proteksyon ko.” Segunda nitong isang lalaki. Tila ba gusto nitong asarin siya. Mayabang samantalang kanina lang hawak ni blue eyes ang kwelyo nito at kulang na lang buhatin ito patiwarik. 

“Bakit pala kailangan ko nito?” Naguguluhan niyang tanong. 

“Huwag ka na masyadong maraming tanong. Just follow what I said.” Walang buhay na sagot ni Jondray. 

“We have to go.” Sabi ni Jondray. (Blue eyes)

Umalis na ang dalawa at muli ay naiwan na naman si Mia mag-isa. Ano kaya ang gagawin niya rito? Magmukmok na parang baliw? Masaya pa siya kung iniwan ng mga ito na marumi ang bahay kaysa tumunganga siya rito at walang gagawin.

Nahiga na lang siya sa malambot na sofa at saka walang aning-aning na tinaas ang kanyang dalawang paa sa hamba ng sofa, feel at home lang ang peg. Naubos niya na’t lahat ang sandwich and juice at hinugasan ang mga ginamit kaya wala na siyang iba pang gagawin kundi ang humilata. 

Maya-maya pa ay bumibigat na ang kanyang dalawang mata, tandang inaantok na siya sa kabusugan. Tamang matulog muna kaysa mabaliw mag-isa sa malaking bahay na ito. 

Nananaginip ba ako? Naglalakad ako at nakasuot ng pang-kasal na gown tapos ay may naghihintay na lalaki sa altar. Hindi ko makita ng malinaw kung anong itsura ng lalaki basta naglalakad lang ako patungo sa kanya. Nang makarating sa tapat niya ay inabot niya ang aking kamay bago hinalikan ito. 

“Be my wife, woman.” 

He kissed me on my lips, he kissed me gently, ngumuso ako upang sabayan ang halik niya hanggang sa..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status