NALILIGO sa pawis si Mia habang tumatakbo sa hindi niya malaman na kadahilanan at wala siyang makita, madilim ang paligid at basta lang tumatakbo siya na parang may humahabol sa kanya at pilit niyang tinatakasan iyon. Bitbit niya ang kaba sa kanyang dibdib na baka abutan siya nito at patayin na lamang bigla. “Mia?” “Mia?!” Napabalikwas si Mia nang upo sa narinig niyang boses at bumungad ang nag-aalang mukha ng kanyang Ina’y. “Anak, pawis na pawis ka at sumisigaw kaya ginising kita.” Naupo siya at tumingin sa gawi ng kanyang Ina. “Nanaginip lang po ako, Ina’y.” Ngumiti ang kanyang Ina at hinaplos ang buhok niya. “Anak, sigurado akong namimiss ka na niya. Bakit hindi mo siya dalawin?” Ngumiti rin siya pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. “Baka nga po.” Hinaplos niya ang maliit na umbok sa tiyan niya. “Baka namimiss na niya kami ni baby Jonray.” Noong araw na nawala ang lalaking mahal niya. Iyon rin naman ang araw na nalaman niyang buntis siya. She's 3 months pregnant with
“MAMA Cole, hindi ko po talaga kayang magsuot nang ganyan kaikling dress habang sumasayaw, at saka napag-usapan na po natin na hindi ako magpapa-table kahit kanino pa ‘yan, o kahit na bigatin pa ‘yan. Ayoko po talaga. Magdadala lang ako ng mga inumin ng customers.” Nini-nerbyos na wika ni Mia sa kanilang Manager dito sa Club. Pilit niya hinihila ang laylayan ng suot niyang damit sapagkat kulang na lang pwet na niya ang makita habang sumasayaw sa stage. Hindi siya mapakali dahil parang luluwa na ang dibdib niya sa suot niyang ito, masyadong expose ang katawan niya at hindi siya sanay sa ganitong suotan dahil kapag sumasayaw siya sa stage, mahaba ang mga suot niyang dress, kaya nga walang gumagalaw sa kanya dito. Inirapan lang siya ni Mama Cole. “Alam mo sobrang arte mo, Mia. Hindi ko nga alam bakit kita kinuha bilang dancer sa club na ‘to, wala naman akong napapala sa isang katulad mo. Dapat kung ano ang sinabi ko gawin mo! Kaya nasisilip ka ng mga kasamahan mo dahil masyado kang cons
PAULIT-ulit nagrerewind sa utak ni Mia na parang sirang plaka ang halik nito kanina. The way he kiss her, hindi niya alam kung desire lang ba ito o sadyang nakakadala ang mga mata nito na malakas mang-akit. Hindi naman siya ganito. Sa club siya nagtatrabaho pero wala siyang hinayaan na bastusin siya. But that guy.. He kissed me and I kissed him back! Hindi ako umangal agad, buti na lang nasa tamang wisyo pa ako. Gosh! Nakakahiya ka, Mia! Pinukpok niya ang ulo habang pinapagalitan ang sarili dahil marupok siya at para siyang manyak kanina sa harapan ng binata na sinabayan pa ito! Gosh! It’s so embarrassing! Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong condo at parang mga crystal sa ganda ang paligid nito, kaya nakakahikayat na mas libutin pa. May tatlong room na magkaharapan pero may mas nakakuha ng atensyon niya, isang malaking vase. Hindi niya alam kung sinong nagtulak sa kanya na tingnan ang laman nito. “Vase? Pero walang flowers na nakalagay?” Sansala niya sa kanyang sarili. Bubuk
MAG-AALA-syete na pala nang umaga at biglang naalala ni Mia na may napag-usapan pala sila ni Kuyang Blue eyes. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumilos, ni hindi na nga rin niya nagawang kumain kahit pa naghain ang kanyang mahal na Ina’y ng almusal niya. Laking tuwa niya may natira pang isang libo sa sira-sira niyang wallet. Kasyang-kasya pa iyon pamasahe at pangkain niya ng isang linggo. Hindi siya nag-atubiling ibinigay ang dalawang libo kagabi sa kanyang Ina’y na kinukulit siya para sabihin kung saan niya nakuha ang ganoong pera sa isang gabi lamang. “Mia! Mag almusal ka muna!” Habol ng kanyang Ina’y ng magpaalam siya. “Hindi na po! Kakain na lang ako sa carinderia!” Balik sigaw niya na tila ba sila ay nasa bundok at sila lamang ang tao, which is true, bundok na ang lugar nila kahit Maynila pa ito dahil sila ang nasa laylayan habang ang mga mayayaman ay nasa itaas. Wala na siyang narinig na sigaw mula sa kanyang Nanay dahil malayo na siya. Sumakay na siya ng jeep, mabuti na la
NILIBOT ni Mia ang kabuuan ng bahay na mukhang malinis naman kaya hindi niya alam kung anong lilinisin niya rito. Mapapansin na walang kahit na anong frame ng mga larawan ang nakasabit o kahit na anong maka-pagtuturo ng tunay na pagkatao ng binata. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba itong pagkatiwalaan o dapat niya itong iwasan. Pero sayang naman ang ino-offer nito sa kanya, malaking tulong iyon sa pamilya niya. “Ay, butiki!” Napasigaw siya nang makarinig nang galabog mula sa taas. May pag-aatubiling umakyat siya kung saan niya narinig ang ingay na iyon. Pagkarating sa taas ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob nang pang-unahang pintuan ng silid subalit naka-lock, sinubukan niya pa ang kasunod ganoon pa rin. Lahat naka-locked!? Ibig sabihin guess room sa ibaba lang ang pwedeng buksan. Bumalik siya sa baba upang umupo sa sofa dahil wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga, ano bang lilinisin niya? E, sobrang linis na nga pati ‘yata banyo malinis. Siguro ay magluluto na la
“Ahh!” Napabalikwas si Mia ng upo nang makitang nakaharap sa kanya si Blue eyes. Nakaupo ito sa couch, malapit kung nasaan ang mahabang sofa na hinihigaan niya. “Nasaan ang niluto mo?” Bungad nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at hinanap ng mga mata niya ang wall clock upang malaman niya kung anong oras na. 7:00 pm “Luh! Sorry. Hindi ako nakapag luto...” Yumuko na lang siya sa kahihiyan. Ito na nga lang ang gagawin niya tinulugan niya pa! Natahimik ito, bago tumayo at umalis. Sinundan niya ng tingin ang lalaki at nakita niyang kinuha nito ang cellphone mula sa jacket na suot. “Hey, woman. Are you deaf?” Yumuko siyang muli ng humarap na ito sa kanya. “Hu- huh?” “Pag may nag-doorbell buksan mo at kunin ang dala, okay?” Paalala nito sa kanya dahil mukhang aakyat na ito sa kwarto na naka-lock rin. Isa pa pala iyon na gusto niyang i-kompronta sa binata, paano naman kasi niya lilinisin ang silid nito at iba pang mga silid kung naka-lock at wala siyang susi? Tumang
KASALUKUYANG nananatili si Mia sa guestroom habang nasa living room ang limang lalaki na sina Blue eyes at Damuho, pero ang tatlong lalaking kasama ng magpinsan ay hindi niya kilala dahil nakatakip ang mga mukha. Palagay niya ay mga kasamahan ng mag-pinsan ang mga iyon, pero ang nakakapagtaka, paano nakilala ng mga ito si Mr. Wong? Hindi lang basta kilala kundi para bang alam ng mga ito ang buong background ng pagkatao ng matandang manyakis na iyon. Dapat pa ba siyang magtiwala sa mga ito? Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng inuukupa niyang guest room at iniluwa niyon ang gwapong si Blue eyes. “Woman, come out and follow me.” “Nandiyan pa ba ‘yung mga kalalakihan na-” “Just follow me.” Hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin dahil pinutol kaagad iyon ng binata, kaya imbis na magsalita pa ay sumunod na lamang siya ng tahimik sa likuran nito. Nang mabungaran niya ang mga kasama ni Blue eyes na nasa living room, tumalon ang puso niya. Mia felt her mouth water because
BUMUGA ng marahas na hangin si Jondray at kinuha ang mga papeles na itinapon niya sa sahig at pinag-aapakan niya ang mga iyon. Natigilan siya ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto na inuukupa niya. Kung saan ang sekretong silid na silang limang magkakaibigan lamang ang puwedeng pumasok. “Come in.” Kaswal niyang tugon. Umupo ito sa couch. “Bro. What are you planning now? Ngayong binabasura ng korte ang mga ipinapasa nating ebidensya laban sa organization ni Mr. Wong.” Pukaw ni Cyrus sa kanya. “He has so many connections in the Philippines. At hindi siya lumalabas ng lungga niya. Huling labas niya hindi natin naabutan sa Cole club.” “Dapat na tayong masanay sa mga bulok na hustisya sa bansa natin. I don't have much hope for justice from them, but we can still get that without anyone else knowing.” Nagkatinginan sila ng pinsan niyang si Cyrus at sabay na bumuntong-hininga. Halos tatlong taon rin siyang nagpakatanga sa hustisyang ninanais niya sa mga kapulisan hanggang ngayon magpapa
KASALUKUYANG natutulog si Mia, ngunit bigla siyang nagising nang may marinig siyang bumagsak na nanggagaling sa ibaba, sa may living room. Tiningnan niya ang wall clock.2 am. Kaagad na hinanap ng mga mata ni Mia si Jondray. Pero mukhang wala ang binata, hindi ito bumalik ng kuwarto para tabihan siya. Kagabi lang, inaaway niya pa ito dahil naiinis siya sa hindi niya malamang kadahilanan, basta naiinis lang siya rito, kaya pinalabas niya ito. Ayaw niya makita ang pagmumukha ng binata. Pero ngayong umaga, gustong-gusto na niya makita ang kasintahan, gusto niya makita ang guwapong mukha nito, gusto niyang amoyin ang naturang bango nito.Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?Hindi siya nito tinabihan? Akala ko ba sleeping pills niya ako? I found a love, for meDarling, just dive right in and follow my leadWell, I found a girl, beautiful and sweetOh, I never knew you were the someone waiting for me - Perfect Song by Ed Sheeran Kumunot ang noo ni Mia dahil sa tunog ng musika sa baba. Dahan-
3 MONTHS LATER… NALILIGO sa pawis si Mia habang tumatakbo sa hindi niya malaman na kadahilanan at wala siyang makita, madilim ang paligid at basta lang tumatakbo siya na parang may humahabol sa kanya at pilit niyang tinatakasan iyon. Bitbit niya ang kaba sa kanyang dibdib na baka abutan siya nito at patayin na lamang bigla.“Mia?”“Mia?!”Napabalikwas si Mia nang upo sa narinig niyang boses at bumungad ang nag-aalang mukha ng kanyang Ina’y. “Anak, pawis na pawis ka at sumisigaw kaya ginising kita.” Naupo siya at tumingin sa gawi ng kanyang Ina. “Nanaginip lang po ako, Ina’y.” Ngumiti ang kanyang Ina at hinaplos ang buhok niya. “Anak, sigurado akong namimiss ka na niya. Bakit hindi mo siya dalawin?”Ngumiti rin siya pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. “Baka nga po.” Hinaplos niya ang maliit na umbok sa tiyan niya. “Baka namimiss na niya kami ni baby Jonray.” Noong araw na nawala ang lalaking mahal niya. Iyon rin naman ang araw na nalaman niyang buntis siya. She's 3 months pre
MADALING napatumba ni Jondray ang kalaban niya at nang lumingon siya sa mga kaibigan na expert na nakikipaglaban, wala ng malay ang mga kalaban nito. Hindi pa sila lumalaban ng barilan dahil sayang ang bala kung ganito naman kadali ang kalaban nila. Reserba na lang niya iyon kapag alam nilang nagkagipitan na. Jondray's movements were lightning-fast and precise. Every movement he was giving to his opponents was full of strength and energy, making it difficult for them to predict his next move. Nang dumami na ang mga tauhan ni Mr. Wong at Black Master, inilabas na niya ang baril. Sunod-sunod na putok ng baril ang humabol sa kanya. Parami na nang parami ang kalaban, kaya lahat sila ay nakipag-sagupaan na ng barilan. Tumingin siya sa gawi ni Mia. Wala itong malay. Kailangan nilang makuha si Mia at mailagay sa safe na lugar. “Cooper, Alvan! Go! Get Mia! Kami na ni Cyrus at Mirko ang bahala rito!” Jondray shouted. Sumunod si Cooper at Alvan sa gustong mangyari ni Jondray. Habang sina
NAGISING si Mia sa malamig na tubig na bumuhos sa buong katawan niya at narinig niya ang pagtawa ng isang pamilyar na boses. Minulat niya ang mga mata at nakita niya si Jeffry na may satisfying na ngiti sa mga labi. At hindi lamang si Jeffry ang kanyang nakita. Nakaramdam siya ng matinding takot ng makita ang matandang lalaki na may hawak na tabaco. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Hindi… Si Mr. Wong. “Mr Wong…” Naibulong niya sa kanyang sarili. “Masarap ba ang naging tulog mo, Mia?” “A-ano pa ba ang kailangan ninyo?!” Nanggagalaiti niyang wika. “Easy ka lang, Mia. Ako, wala. Siguro si Tito Wong, meron.” Nang-aasar na sagot ni Jeffry. “Tito?” “Yes, I'm from the Wong Family. We are a powerful syndicate of criminal organization that operates in the Philippines area. Isa ako sa kanila. We have connections throughout the city and the country, and we are willing to sacrifice anything to succeed.” Pahayag nito at saka tiningnan siya. “Kahit ikaw na kaibigan ko. Kaya kong isakripisyo
“Pero dahil malandi si Mirko at matinik sa babae at mukhang tinamaan sa kaibigan mo, sinusundan pa rin niya si Bea kahit na sinabi naming tapos na ang misyon niya. But at least, naging maganda ang pagsunod niya.” Dagdag pa ni Cooper sa paliwanag ni Cyrus. Masayang ngumiti siya sa mga ito. “Maraming salamat. Lalo na sa’yo, Mirko.” “Sa tingin ko. Sapat na ang alak, Jondray. Jowa mo naman si Mia. Libre mo na lang kami ng alak at pulutan.” Wika ni Mirko sabay kindat. Walang preno talaga ang bibig ng isang ‘to. Tumingin siya sa gawi ni Jondray na hindi maipinta ang mukha, kaya nilapitan niya ito sabay angkla sa braso nito. “Sa tingin ko. Hindi tayo matutuloy ngayon. Bukas na lang…” Pabulong niyang sabi. Ramdam niya ang inis na nararamdaman nito dahil sa naudlot nilang date, pero kaagad na lumambot rin naman ang ekspresyon sa mukha nito ng magpa-cute siya. Epektibo! Tumango-tango ang binata. “I know how much you miss her. Bukas na lang.” Anito sabay lakad patungo sa mga kaibigan
“Mia..” namamaos nitong tawag sa pangalan niya. Naramdaman niyang unti-unti na nitong tinatanggal ang lahat ng saplot niya, pero bago pa 'yon tuluyang mangyari, sinakop muli ni Jondray ng halik ang mga labi niya hanggang sa hindi na niya namalayang wala na pala siyang saplot ni isa. Mia had no other thoughts in her head but Jondray's kisses, his slow, romantic caress of her body. She was lost in the moment, and she didn't want it to end. Ni hindi na nga niya naisip na baka sa pangalawang pagkakataon ay magbunga ito. Wala na siya sa tamang wisyo para maisip ang mga bagay-bagay na dapat niyang isinasaalang-alang bago siya magpasakop kay Jondray. Subalit tuso ang tinutugon ng katawan niya sa nasa isip niya. Parang napupugto ang hininga ni Mia sa bawat paglapat ng labi nito mula sa leeg, dibdib, pababa sa puson niya. His touch was so intense that it left her skin feeling like it was on fire. His kisses were so breathtaking that they left her breathless and wanting more. Every time J
MAGTATANGHALI na nang magising si Mia. Napuyat kasi siya kagabi sa kakaisip kay Jondray at sa mga sinabi nito. He really cares for her and she's an important person to him. Dapat na ba siyang magpatingin kay Doktora Melly? Baka nasisiraan na siya ng utak. Kagabi pa niya iniisip ang mga iyan. Para siyang butete kagabi sa kakaikot sa kama at muntik pa niyang magising ang batang babae dahil sa maligalig niyang puso. Dapat sinusuway niya ang sarili sa kalandiang naiisip niya, pero hindi niya talaga mapigilan, e. Kapag si Jondray na ang pinag-uusapan, nagpapanic ang puso niya. Kapag malapit ang binata at ramdam niya ang presensya nito, nagwawala ang puso niya. Kapag may sinasabi ito na maganda tungkol sa kanya, lumalabas ang natural na kalandian ng puso niya. Puso ko talaga ‘yung malandi. Hindi ako! Bigla niyang napansin, wala na pala ang bata sa tabi niya. Akmang tatayo siya nang bumukas ang pintuan at iluwa ‘nun ang batang babae na may masayang ngiti sa mga labi. “Good morning, Mo
“Hello Jondray. A.K.A. Kiffer. Kamusta ka naman?” Nakangising wika ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaki. “Walang hiya ka! Ikaw, matagal na akong naghihinala sa’yo. Ikaw si Black Master!” He was about to shoot Jeffry out of rage when the man with blue hair moved. Inatake siya nito ng sunod-sunod na pagbaril kaya nagtago siya. Mabuti na lang at malaki ang VIP room kaya kahit pa paano ay nakakagalaw siya at nakakaiwas sa bawat balang pinapatama nito sa kanya. “Jondray. Jondray. Jondray. Why are you trying to hide from me? What a poor man. Natatakot ka ba?!” Jeffry was shouting and furious. “Harapin mo ‘ko, Jondray!” Nakadapang gumapang si Jondray upang hindi siya makita nito. Kinuha niya ang isang baril na tumatagos sa kahit na anong wall. Kailangan niyang makuha si Mia. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama rito. Tumakbo siya at mabilis na ipinutok ang baril sa tauhan ni Jeffry na nasa tabi nito. Bumagsak ang lalaki, kaya kampante siyang humarap
“DITO tayo mamimili? Bakit parang walang namimili?” Sunod-sunod na tanong ni Mia kay Jondray habang nililibot nila ang Mall na pagmamay-ari ng Ama ni Jondray. Ipinasara pansamantala ni Jondray ang mini Mall na ito. Kaya sigurado siyang punong-puno ang mga mamimili sa malaking Mall na pagmamay–ari naman ng kanyang Ina. Siya rin naman ang may hawak ng mga negosyo ng mga magulang niya, kaya puwede niyang gawin ang lahat ng gustuhin niya. Hindi niya sinagot ang mga tanong ng dalaga bagkus nagpatuloy sila sa paglilibot. Hindi alam ni Jondray kung anong meron sa mga mata ng dalaga at parang iba ang dating nito pag nakatitig sa mga mata niya. Niyaya niya si Mia para bumili ng mga damit ng batang babae at damit na rin nito pati body wash at kung anu-anong gamit pang-babae. Matagal na rin nananatili ang dalaga sa bahay niya, pero iisa pa lamang ang nabibili nitong pansariling damit. “Kunin mo kung anong gusto mo at ipili mo na rin 'yung bata ng damit pang-bahay.” Aniya. May kislap ng sa