Share

CHAPTER 3

MAG-AALA-syete na pala nang umaga at biglang naalala ni Mia na may napag-usapan pala sila ni Kuyang Blue eyes. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumilos, ni hindi na nga rin niya nagawang kumain kahit pa naghain ang kanyang mahal na Ina’y ng almusal niya. 

Laking tuwa niya may natira pang isang libo sa sira-sira niyang wallet. Kasyang-kasya pa iyon pamasahe at pangkain niya ng isang linggo.

Hindi siya nag-atubiling ibinigay ang dalawang libo kagabi sa kanyang Ina’y na kinukulit siya para sabihin kung saan niya nakuha ang ganoong pera sa isang gabi lamang.

“Mia! Mag almusal ka muna!” Habol ng kanyang Ina’y ng magpaalam siya.

“Hindi na po! Kakain na lang ako sa carinderia!” Balik sigaw niya na tila ba sila ay nasa bundok at sila lamang ang tao, which is true, bundok na ang lugar nila kahit Maynila pa ito dahil sila ang nasa laylayan habang ang mga mayayaman ay nasa itaas.

Wala na siyang narinig na sigaw mula sa kanyang Nanay dahil malayo na siya. Sumakay na siya ng jeep, mabuti na lamang kabisado niya ang pasikot-sikot rito kaya alam niya ang direksyon papunta sa ibinigay na address ni kuyang Blue eyes. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Excited siya? Dahil siguro makikita niya ulit ito? Is she attracted to him? No! Hindi pwede. May parte sa puso niyang natatakot na…Baka kung anong gawin nito sa kanya dahil kahapon lang sila nagkakilala. Paano kung may plano itong ibenta siya ng doble kay Mr. Wong? Paano kung mas masama pa ito kay Mr. Wong?

“Itutuloy ko ba ‘to?” Pagkausap niya sa kanyang sarili habang gulong-gulo sa kung ano ba ang dapat niyang gawin. “Manong! Dito na lang po.” Dali-dali siyang bumaba at walang balak na tumuloy dahil natatakot sa posibleng mangyari sa kanya, hindi niya lubos na kilala ang binatang iyon para pagkatiwalaan. Baka masyado itong mapanganib.

Nilakad ni Mia ang kahabaan ng overpass at maraming tao siyang kasabayan. Bahala na kung anong mangyayari, siguro hahanap na lang siya ng bagong trabaho.

Nasa kalagitnaan na siya ng overpass nang may mga armadong lalaki na parang nakasunod sa kanya. Napapansin niyang kung saan siya magpunta ay nakasunod ang mga ito, kaya naman nag-sumiksik siya sa mga mas maraming taong kasabayan niya. Walang lingon-lingon na tinakbo niya ang overpass, kahit pa may mga nakakabangga siyang tao. Ano ang pakay ng mga ito sa kanya? Hindi kaya mga tauhan ni Mr. Wong?

Nang makababa siya sa overpass puro sasakyan ang narinig niya at nahihilo siya dahil hindi niya alam kung saan na ba siya pupunta. Marami ang mga humahabol sa kanya. Sinubukan niyang lumingon para kumpirmahin kung wala na ba ang mga ito, subalit kitang-kita niya ang mabilis na pagtakbo ng mga ito papunta sa direksyon niya. Muli siyang nagsimula sa pagtakbo upang matakasan ang mga ito. Humahangos siyang tumigil sa pagtakbo sa isang gilid, tila ba hindi na kaya ng mga paa niya makipag habulan.

Susuko na ba ako?

“Tulong! Tulungan...”

May kung sinong humigit sa braso niya at nadatnan na lang niya ang sarili sa loob ng kotseng siguradong pamilyar siya.

“I… Ikaw?”

“Bakit hindi ka tumuloy?” Malamig ang boses nito, parang isang malamig na yelo.

Yumuko siya sa kahihiyan, “A… Aaminin ko natakot ako sa’yo, baka kasi ibenta mo ‘ko ng doble kay Mr. Wong..”

“Do I look like a bad person?” Iba ang kislap ng mga mata ng lalaki. 

“Hi… Hindi naman, kasi... kasi kagabi lang kita nakilala, paano ako magtitiwala sa’yo? At saka hindi mo ako mapapakinabangan, ano ba talaga ang gusto mo sa akin?”

Jondray smiled with his eyes. “It’s okay, I understand. Don't ever trust me.” His voice returned to being cold, and the young man's aura also returned to being emotionless. “Don't trust easily, especially to people you don't know very well. Gusto ko lang ipapaalala sa’yo, ikaw ang nag-volunteered na gagawin ang lahat bilang kapalit ng pagligtas ko sa’yo at sa utang mo.”

“A… Ano ba ang ibig mong sabihin?”

“Humawak kang mabuti, woman. May humahabol sa atin.”

“Huh? Sino… .Ahhh!” Mahabang sigaw niya ang maririnig sa loob ng kotse dahil sa mabilis na pagmamaneho ng binata at parang tinatangay ng hangin ang kaluluwa niya pati na ang puso niya sa sobrang bilis. Hindi niya na alam kung saan kakapit.

“Gusto mo pa ba mabuhay!? Kung ayaw muna, pwes ako gusto ko pa!” Ungos niya pa habang nakapikit ang mga mata niya dahil pakiramdam niya ay lumilipad na sila sa ere. “Ahh! Putcha tama na! Nakakahilo!”

“Can you please shut up?!” Halata ang pagkairita sa boses nito.

After a few minutes, the young man slowed down his speed, and Mia felt irritated, wanting to slap and curse the young man repeatedly.

“Sino ba kasi ang mga humahabol-”

“Ako ang dapat na magtanong sa’yo niyan, woman. Sino ba ang mga humahabol sa’yo? Kilala mo ba sila?”

“Hi… Hindi ko sila kilala! Baka si Mr. Wong?” Patanong niyang wika. 

Itinigil ng binata ang kotse sa parking lot nang hindi man lang niya namamalayan at kung hindi siya nagkakamali, ito ang subdivision na sinasabi nito sa kanya na puntahan niya. Pero dahil natakot siya sa posibleng mangyari, umatras siya ngunit sa ikalawang pagkakataon iniligtas siya ng lalaking ito. 

“I know him very well, hindi ka niya hahabulin kung katawan mo lang ang gusto niya at hindi siya bumibili ng mga babae.” Bulong nitong si Jondray, sino ba ang kausap nito? Siya ba, o ang sarili nito? Hindi kasi malinaw sa pandinig niya.

“Ano ba ang binubulong mo diyan?”

Jondray looked at her straightly. “Who exactly are you? Are you important to him?” Tanong nito na medyo kunot ang noo na para bang pilit nitong binabasa ang nasa isip niya. “Sino ka ba talaga? Hindi ka niya hahabulin kung hindi ka mahalaga.”

“Alam mo, hindi talaga kita maintindihan,” sabi niya sabay cross ng dalawa niyang braso sa dibdib. Nag iisip siya kung sino ba ang mga humahabol sa kanya at ano ang pakay ng mga ito sa kanya. Ang ganda ko naman para habulin. 

“Wait for me here, woman.” Anito, at saka lumabas ng kotse.

Palaisipan pa rin ang mga armadong lalaki na humabol sa kanya. Dahil ba sa binayad ng Mr. Wong na iyon kay tandang Cole?

Sinilip niya ang binata at nakitang nakatalikod ito habang ang cellphone nito ay nasa tainga nito at ang kaliwang kamay naman ng binata ay nakapamulsa sa suot nitong blue pants.

Nagulat siya ng humarap ito “Okay, wait for me. I can handle it,” anito sa kausap sa phone bago lumakad patungo sa kotse kung saan siya nakadungaw.

“Bumaba ka na diyan.” Seryosong utos nito, kaya dali-dali siyang bumaba.

Maya-maya pa ay hinila siya nito palayo sa kotse at may inilabas na isang remote mula sa bulsa.

“P*****a!” Naisigaw niya nang makitang sumabog ang kotse na sinakyan nila. “Ba- bakit mo pinasabog? Adik ka ba?” Nagtatakang tanong ni Mia.

“Huwag ka na masyadong matanong. Just follow me.” Anito.

He led the way, and she followed. Mukhang hindi naman takot sa expenses ang binata. Sa bagay, mukhang mayaman ito kaya ganoon na lamang kung magtapon ng mga gamit. 

“Bahay mo?”

“Let’s go inside.” Imbis na sagutin siya, niyaya lang siya nitong pumasok sa loob na may pagka-demanding pa. Sana naman hindi ito mahirap maging amo at sana rin tama ang pagsama niya at pagtitiwala sa binata.

Bahala na, ang mahalaga ang Ina’y niya at mga kapatid.

“Ah, kuyang Blue eyes? Ano ba ang ginagawa mo diyan?” Humarap kaagad ito habang kasalukuyang nakatayo sa tapat ng gate at may kung anong kinakalikot roon. “Bakit ang tagal mo ‘yatang magbukas? Mahirap bang buksan ‘yan? Ihing-ihi na kasi ako...”

Kanina pa siya ihing-ihi dahil sa nerbyos.

“Come here.”

Nang mapatapat siya sa gate katabi ang binata, kinuha nito ang kamay niya at tinapat sa isang malaking screen, sabay hawak nito sa kanyang baba at bahagyang inangat iyon na hindi niya alam ang dahilan. Umilaw naman ng kulay asul ang screen na iyon. Pero mas naka-focus siya sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ng hawakan nito ang kamay at baba niya.

“Kuyang Blue eyes, ano bang trip mo? Baka mamaya biglang may bumaril...”

“Shut up. Ang ingay mo.” Masungit nitong wika.

“Alam mo, nahihiwagaan na talaga ako sa’yo! Para kang...” Pinatahimik siya nito gamit ang mga labi nito at para siyang natuod sa kinatatayuan niya.  

Matapos ang ilang segundo, nagbukas ang gate at kasabay ‘nun ang pagbitaw ng mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Naiwan siyang nakatayo sa tapat ng gate. Bakit ba siya nito hinahalikan!? Pangalawa na iyon! Sumosobra na ito, tinatake-advantage nito ang kahinaan niya!

“Hoy! Kuyang Blue eyes, pangalawang halik mo na ‘yon…”

“Pag hindi ka tumahimik, may pangatlo pa...” She can feel his breathing. She felt his warm breath on her neck.

Ipiniid niya ang kanyang ulo habang pinipigilan na huwag magsalita, pero bakit kinikilig siya? Hindi ba’t dapat naiinis siya dahil walang permiso siya nitong hinalikan?! Iba ‘yata ang sinasabi ng puso sa utak.

Manghang tinitigan niya ang glass door na apat ang lock. Nagulat siya nang muli na naman nitong hinigit ang kamay niya ng walang pasabi, sabay tapat sa screen na mukhang nag-scan. Hindi niya hinintay na ito ang mag-angat sa ulo niya, kusa siyang tumingkayad upang umangat. Masyado ‘yata itong takot pasukin ng mga magnanakaw, kaya secured ang bahay at puro scan-scan bago ka makapasok.

Paano pala pag taeng-tae na siya? Shemay, bubulwak talaga ang tae at ihi niya pag maraming cheche bureche rito sa pamamahay ng lalaki. 

“Takot ka bang manakawan? Secured na secured ang bahay mo pero glass door naman. Isang pukpuk lang ng martilyo diyan, wasak na ‘yan.” Komento niya na parang mas alam pa niya kung paano maging ligtas.

“Matibay ‘yan, matibay pa sa tao. Bibigyan kita ng chance na pukpukin ang main door ko sa isang kondisyon.”

“Hindi ko na lang ita-try, bwisit na kondisyon ‘yan.” Bulong niya sabay upo sa sofa. Inaantok ‘yata siya sa lambot nito. Hindi man lang niya naramdaman na may aircon dahil cozy and warm ang sofa na kina-uupuan niya ngayon.

“Ang kailangan mo lang gawin ay maglinis ng buong bahay at ipagluto ako. At walang angal, ayon sa kasunduan natin.” 

“Seryoso?” Hindi makapaniwala na tanong niya, sabay ngiti. “May sweldo pa rin ba ako, o bayad ko ‘yan sa pagligtas mo sa akin?”

May inabot na card ang binata sa kanya. “Gastusin mo kahit kailan mo gustuhin, you get paid for your value not your time.” Iniwan siya nitong nakatingin lang sa hawak niyang card na alam niyang withdrawal card. 

HINAPLOS ni Jondray ang mga labi niya dahil sa hindi niya pagpigil sa sarili na halikan ang dalaga. Siguro epekto lang ‘yon ng mahabang panahon. It’s been a years simula nang magparaos siya sa mga babae at iyon ang mga panahon na wala siya sa sarili dahil sa pagkamatay ng babaeng mahal niya.

But his heart is thumping like crazy. He didn't understand why the woman had such an effect on him. Alam ng puso niyang iisang babae lamang ang mamahalin niya hanggang kamatayan.

Nasa kalagitnaan siya nang pag-iisip ng mag-ring ang cellphone niya. It was from Mirko.

‘Sigurado ka ba?’ Tanong ng kaibigan niya na nasa kabilang linya. ‘Hindi naman sa pinagdududahan kita. Kaya lang, she is a woman, kung ako may kasamang babae sa loob ng pamamahay ko baka ni-rape ko na ‘yan.’

‘Yes, I’m sure besides, ako naman ito, hindi ikaw. Isang babae lang ang mahal ko at hindi ako manyak katulad mo.’ Aniya sa kaibigan na alam niyang nakangisi ngayon kahit hindi niya nakikita iyon.

‘Okay, good luck. Sana magagamit natin siya against to Mr. Wong. Hindi sa alaga mo diyan sa ibaba na alam kong tigang na dahil busy ka.’

‘Fuck you! I’m not you!’ Giit niya sa kaibigan bago mag call ended.

Kukuha siya ng mga impormasyon mula sa dalaga upang malaman nila ang totoo nitong pagkatao. Malalaman nila kung anong koneksyon nito kay Mr. Wong, kung ang dalaga ba ay magagamit nila para makapasok sa organisasyon nito. It's not even sure that he must hide the woman and not to let her go until he gets information from her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status