Share

CHAPTER 6

KASALUKUYANG nananatili si Mia sa guestroom habang nasa living room ang limang lalaki na sina Blue eyes at Damuho, pero ang tatlong lalaking kasama ng magpinsan ay hindi niya kilala dahil nakatakip ang mga mukha. Palagay niya ay mga kasamahan ng mag-pinsan ang mga iyon, pero ang nakakapagtaka, paano nakilala ng mga ito si Mr. Wong? Hindi lang basta kilala kundi para bang alam ng mga ito ang buong background ng pagkatao ng matandang manyakis na iyon. Dapat pa ba siyang magtiwala sa mga ito?

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng inuukupa niyang guest room at iniluwa niyon ang gwapong si Blue eyes. “Woman, come out and follow me.” 

“Nandiyan pa ba ‘yung mga kalalakihan na-” 

“Just follow me.” Hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin dahil pinutol kaagad iyon ng binata, kaya imbis na magsalita pa ay sumunod na lamang siya ng tahimik sa likuran nito. 

Nang mabungaran niya ang mga kasama ni Blue eyes na nasa living room, tumalon ang puso niya. Mia felt her mouth water because she was seeing a modern generation of Adan, she swallowed first and then tried to smile at the three men who no longer had facemasks on their faces so she could see their appearance better. She noticed one of them had a thick beard with a few blonde hairs and the other had a neatly groomed mustache. The last one had a clean-shaven face and wore glasses. He looked like a genius. His hair was neatly combed and he had a confident smile on his face. He was also carrying a laptop bag in his hand. 

 As for dogs, there are imported breeds, such as Labrador Retrievers and Golden Retrievers.

Bakit naman ginawang aso, Mia? Pero ang guwapo nilang lahat! Walang tulak kabigin. Kaya lang mas type ko si bBue eyes. Hmp! Kahit may pagkamasungit. 

“Hi, magandang binibini. What is your name, binibini?” May silay nang ngiti sa labi na bati ni Cooper kay Mia. 

“Blonde ang buhok niya. Mukha siyang mabait at sweet.” Anang sabi ng isip ni Mia habang nakangiti sa binata. 

“Hi, ako si Mia.” Hindi na wala ang ngiti sa labi niya. “E, ikaw? Anong pangalan mo-” 

“May itatanong muna kami sa’yo.” Segunda ng isang lalaki na naka-sando lang ng black, kaya nasisilayan niya ang biceps nito. Ito ay si Mirko. 

Kumpara sa iba, mas mukhang bad boy ang lalaking ‘to. 

“Ah, ano iyon?” Tugon naman ni Mia. 

“Gaano mo kakilala si Mr. Wong?” 

Interview ba ito? Survey? Or what, nakakaloka bakit ba kasi panay ang habol ng Mr. Wong na iyon sa kanya? Marami namang ibang babae sa Club na pwede nitong bilhin at habulin para gawing parausan, bakit kailangan kasi siya pa? 

Pero mas nakakapagtaka na interesado ang mga kalalakihang ito sa matandang manyakis na iyon? Ano ba ang meron sa manyakis na iyon? 

Hindi kalaunan ay sumagot rin si Mia. “Kilala si Mr. Wong bilang isang sindikato. Iyon ang bulong-bulungan ng mga kasama ko, pero wala akong ibang makitang dahilan kung bakit niya ako hinahabol. Ang alam ko lang ibinenta ako sa kanya ni Mama Cole, may-ari ng Cole club.”

Tumango-tango ang mga ito matapos niyang ipaliwanag ang nalalaman niya at saka nagtinginan na parang nag-uusap-usap sa pamamagitan ng mga tingin. Weird. 

Pakiramdam ni Mia may tinatago ang mga ito na hindi niya pwedeng malaman. Undercover investigator ba ang limang ito? Mga pulis ba ang mga ito, o kriminal? Iwinagayway niya ang ulo dahil sa kung anu-anong lumalabas sa utak niya. 

Masyado naman siyang advance mag-isip! Focus, Mia. 

“Go back to your room.” Maawtoridad na utos ni Jondray kay Mia. 

Gusto niyang siringan ang binata dahil masyado itong bossy. Gusto pa nga niya malaman ang pangalan ng tatlong lalaki na bago sa paningin niya, e! Pinagdadamot pa iyon? 

“Ah-eh. Pwede ko ba malaman ang mga pangalan ninyo? Ngayong nasagot ko na ang tanong ninyo?” Naglakas-loob siyang tanungin ang mga pangalan nito. “Para sana alam ko kung anong itatawag ko sa inyo. Mahirap kasing magbigay ng palatandaan-”

“Not allowed. Now, go back to your room.” Masungit na segunda ni Jondray. 

Sumimangot si Mia. “Bakit naman? Hindi ko rin ba pwedeng malaman ang pangalan nila tulad ninyo?” Bumuntong-hininga siya at saka nagpatuloy. “Kailangan ba bigyan ko rin sila ng nickname?” 

“Really? Do they have a nickname? Tell us, we want to know.” Eksaheradong tanong ni Alvan. As Mia looked at him, she wondered what kind of job he had and where he was headed. Mukha siyang genuis at ang cool niyang tingnan! 

The group of friends all laughed except for Jondray. One of them piped up, “Yeah, we want to know their nicknames.” At si Cooper ang isang iyon na ang tinutukoy ay si Jondray at Cyrus. 

Lumingon muna si Mia kay Jondray at nakita niya kung gaano kaseryoso ang mukha nito kaya medyo nag-aalangan siyang sabihin. Kaya lang ang mga mukha ng mga kasama nito ay mapilit at inaabangan ang sasabihin niya. Alam niyang mamaya, pag umalis ang mga ito ay malalagot siya kay Blue eyes. 

“Siya.” Tinuro niya si Jondray. “Tawag ko sa kanya si Blue eyes, kasi kulay asul ang mga mata niya at magaganda iyon.” Manghang-mangha niyang sabi. “At siya naman.” Itinuro rin niya si Cyrus na mukhang kanina pa naghihintay, kaya tumawa siya. “Dahil unang pagkikita namin, mapang-asar siya kaya binansagan ko siyang dumuho!” 

Bago pa man siya makatawa nang tuluyan ay naunahan na siya ng tatlong lalaki. Inaasar ng mga ito si Cyrus dahil sa ibinigay ni Mia na nickname rito. Ngunit si Jondray ay naka poker face pa rin. Tumahimik tuloy siya at hindi na sinabayan ang asaran ng apat dahil nakaramdam siya ng hiya sa binata. 

“Hey, Mia. I'm more handsome than my cousin! Why did my nickname become dumuho? You're so unfair.” Pagrereklamo ni Cyrus at umaakto pa itong nasasaktan. “Ang sakit mo naman, Mia! I mean, come on, dumuho? It's a bit embarrassing.”

“Mia. Go back to your room.” Pukaw ni Jondray kay Mia at ang uri ng tono na ginamit nito sa kanya ay ang boses ng isang Boss na hindi dapat suwayin. 

“Teka-” 

“Who is the Boss?” Nakataas ang kilay na wika ni Jondray pero wala man lang emosyong mababakas sa mukha ng binata. 

“Ikaw. Kaya nga sabi ko babalik na po ako.” Aniya at saka nagmamadaling bumalik sa kuwarto na inuukupa niya. 

Ang sungit! Pasalamat itong si Blue eyes, guwapo siya! 

Biglang naalala ni Mia na dapat pala ay uuwi siya ngayon sa kanila dahil may usapan sila ni Jondray. At ang mga pinamili niya na para sana sa kanyang Ina’y at dalawang kapatid ay wala na. Dali-dali siyang lumabas upang kausapin si Jondray, ngunit wala ni isa siyang naabutan sa mga ito, umalis na siguro, paano na siya uuwi nito sa kanila? Malas naman!

Lumabas si Mia at naabutan niyang nakatayo si Jondray malapit sa swimming pool at ang isang kamay nito ay nakahawak sa cellphone nito na nakatapat sa tenga nito tanda na may kausap ang binata sa cellphone at ang isang kamay nito ay nasa bulsa nito. Kaya’t naisipan niyang lumapit ng ilang dipa ang distansya sa pagitan nila habang hinihintay itong matapos sa kausap nito sa cellphone, para sana kausapin rin ito. 

“Do it, kung kinakailangan pigain mo siya para magsalita, gawin mo!” Jondray's frantic shouts were filled with anger and frustration as he yelled to the person he was speaking to the phone. 

Anong nangyayari kay Blue eyes?

Napaigtad si Mia dahilan kaya napaatras siya nang sumigaw itong muli at parang galit na galit sa kausap. Ang creepy nito, kaya natakot na siyang tumuloy pa, siguro ay mamaya na lamang niya ito kakausapin. Dahan-dahan siyang umikot patalikod at saka niya sinubukan maglakad pabalik sa loob na walang ginagawang tunog. Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya nang marinig ang boses ng kung sino. 

“Do you need something?” Boses mula kay Jondray iyon. 

Unti-unti siyang humarap sa binata at sa hindi kalayuan nakita niya ang walang aura nitong mukha. “Wa-wala naman, gusto ko lang sana mag-goodnight and thank you dahil niligtas ninyo ako.” 

“Don’t mention it.” Tugon nito at saka nilampasan siya nito papasok sa loob.

“Ah, teka!” 

“What?” Nilingon siya nito, kaya nilingon niya rin ito.  

“Lahat ng mga pinamili ko ay naiwan sa Mall, tapos hindi pala ako nakauwi sa amin ngayon. Kailan ako pwede makadalaw sa kanila?” 

“To provide protection for you and your family, magpapadala ako ng mga guards sa inyo at hindi ka pwedeng umuwi sa inyo dahil wala tayong idea kung ano ang pakay sa’yo ni Mr. Wong.” Seryoso ang boses na sabi nito. 

Yumuko siya upang itago ang lungkot sa mga mata niya. “Pero nag-aalala sila sa akin at isa pa namimiss ko na sila. Wala na rin akong kontak sa kanila dahil nawala ang phone ko kanina.” She spoke in a tone that was full of sadness and regret. “Pwede kayang kahit silip lang… makapunta ako? Please?” 

Tiningnan lang siya ni Jondray na walang buhay ang mga mata. Umalis ito na hindi sumasagot at syempre anong karapatan niya na pilitin ito? She is just a maid, isa pa ay kaligtasan rin nila ng pamilya niya ang dapat niyang pangunahing concerns bago ang pagkamiss niya sa mga ito. Sana ay hindi nag-aalala sa kanya ang Nanay at mga kapatid niya lalo na't nawala ang di-keypad niyang phone, kaya wala siyang contact sa mga ito. 

Malungkot siyang bumalik sa loob at ng malapit na siya papasok, naramdaman na naman niya ang pagkirot ng sugat sa balikat niya, kaya napapangiwi siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon dahilan kaya napahawak siya sa hamba ng malaking pintuan.

Shet! Sariwa pa rin ang sugat ko. 

Maya-maya, naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kanyang kamay para alalayan siya at nang imulat niya ang kanyang mga mata, na kumpirma niyang si Jondray ang umaalalay sa kanya papunta sa sofa. At nang makaupo siya sa malambot na couch ay may inilapag itong paper bag sa mini table. 

“I bought this for you” Anito, sabay lapag ng paper bag. 

Kunot ang noo na tumingin siya sa binata. “Ano ‘yan?” 

“Tingnan mo.” Simpleng sagot nito bago naupo na rin sa couch katabi niya, na binigyan ng kaunting distansya ang pagitan nila. 

Kinuha niya ang paper bag sabay silip at nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa binata. “Ba-bakit ang gandang cellphone naman nito? Okay na ang di-keypad sa akin, basta may kontak lang ako kay Ina’y, nakakahiya na nga sa’yo kasi wala naman akong masyadong ginagawa dito.” 

He must be rich, hindi takot sa expenses. 

“Akin na ang braso mo.” Anito, imbis na sakyan ang kadramahan niya.

Aanhin naman nito ang braso niya? Nagiging weird na talaga ito ngayon. Ewan, sino ba ang weird, siya, o ang binata? 

“Huh?”

Hinigit na lang bigla nito ang braso niya na walang pasabi at tinanggal ang tela na naka tapal sa sugat niya, kaya naman napangiwi siya sa sobrang hapdi habang pinipigilan na huwag sumigaw, o sapakin ang binata. 

Tahimik itong ginagamot ang sugat niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na mas titigan at kabisaduhin ang gwapo nitong mukha. Ang amo nito tingnan, parang maamong tigre, bakit niya nasabing tigre? Paminsan-minsan kasi ay alam niya kung paano ito magalit, tulad kanina sa kausap nito at nakakatakot ang binata. Kaya nga parang ayaw na niyang galitin ang binata, o suwayin na alam niyang ikagagalit nito.

Weird minsan, nakakatakot magalit, madalas masungit. 

Ilan lang ang mga iyan na alam niyang ugali ng lalaki. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status