“MAMA Cole, hindi ko po talaga kayang magsuot nang ganyan kaikling dress habang sumasayaw, at saka napag-usapan na po natin na hindi ako magpapa-table kahit kanino pa ‘yan, o kahit na bigatin pa ‘yan. Ayoko po talaga. Magdadala lang ako ng mga inumin ng customers.” Nini-nerbyos na wika ni Mia sa kanilang Manager dito sa Club.
Pilit niya hinihila ang laylayan ng suot niyang damit sapagkat kulang na lang pwet na niya ang makita habang sumasayaw sa stage. Hindi siya mapakali dahil parang luluwa na ang dibdib niya sa suot niyang ito, masyadong expose ang katawan niya at hindi siya sanay sa ganitong suotan dahil kapag sumasayaw siya sa stage, mahaba ang mga suot niyang dress, kaya nga walang gumagalaw sa kanya dito.
Inirapan lang siya ni Mama Cole. “Alam mo sobrang arte mo, Mia. Hindi ko nga alam bakit kita kinuha bilang dancer sa club na ‘to, wala naman akong napapala sa isang katulad mo. Dapat kung ano ang sinabi ko gawin mo! Kaya nasisilip ka ng mga kasamahan mo dahil masyado kang conservative, nagmamalinis ka at ayaw magpagalaw!” Sabi nito sa mataas na boses.
Yumuko na lang siya para tiisin lahat ng mga sinasabi nito. Kung hindi naman siya susunod baka ipatanggal siya sa trabaho, paano na lang ang pamilyang umaasa sa kanya? Hindi siya puwedeng mag-inarte sa ngayon hangga’t wala pa siyang nakukuhang matinong trabaho.
“Ano, Mia?! Yuyuko ka na lang ba diyan?”
“Pero, Mamá Cole…”
“No buts, Mia! Kung nagrereklamo ka, libre ang umalis!” Sigaw na naman nito at todo pilit niya sa kanyang sarili na magtimpi dahil baka lalo siyang mapasama kung papatulan niya pa ang matandang ‘to. “Ano? Aalis ka, o magtatable ka kay Mr. Wong?!”
“Ma... Magtatable ako kay Mr. Wong.” Napipilitan niyang tugon.
“Good! Bilisan mo diyan at lumabas ka na.”
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod, hindi siya puwedeng tumigil para sa mahal niyang pamilya. Dahil sa pagkawala ng Papa nila, kinakailangan niyang tumigil at magsakripisyo, ayaw niya kasing masira ang kinabukasan ng mga kapatid niya, ayaw niyang tumulad ang mga ito sa kanya. Gusto niyang makitang marangal ang magiging trabaho ng mga ito.
“Hey, beautiful...” Bulong nitong matandang manyakis na katabi niya ngayon.
“He… Hello,” nauutal niyang sagot. Mukha pa lang manyak na at kung hindi niya lang iniisip na kailangan niya ng pera, baka sinapak niya na ito.
Maya-maya pa ay lumapit sa kanila si Mama Cole at saka ngumiti sabay lapit sa taenga niya at bumulong na may pagbabanta. “Be nice with Mr. Wong…”
Sa tagal ni Mia na nakaupo, nagpapasalamat siya at hindi pa siya nito ginagalaw, kaya ang hiling niya ay sana umalis na ito para matapos na ang kahibangan ng Mama Cole niya. Masyado na ba siyang abusado sa sarili niya? Mia promise to herself na hindi siya magpapagalaw, lalo sa mga manyak lang naman. Wala siyang balak isuko ang bataan niya sa lalaking walang kwenta.
Ilang minuto ang lumipas, nagsimulang manlamig si Mia nang maramdaman ang kamay nitong humahaplos sa kanyang hita, kaya mabilis siyang umiwas, pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Cole ang ginawa niya. Masama ang tingin nito sa gawi nila ni Mr. Wong.
“Do you want me to get angry?” Bulong nito sa kanya na may pagbabanta.
“No, Mr. Wong, I can’t…” She said, her voice trembling. “I'm sorry… Hindi ko kaya.”
“You are mine! When I say take your clothes off. I mean it! I paid a lot of money to get you, tapos ngayon sasabihin mong hindi mo kaya?!” Mr. Wong's voice was raised, catching the attention of the other customers.
“O…opo, Mr. Wong,” hindi niya mapigilan ang sariling hindi magalit, kaya naman isang hawak pa nito sa hita niya hindi siya magdadalawang isip na tumakbo at takasan ang matandang ito. Hindi siya papayag na abusuhin siya ng kahit na sino. Alam pa rin niya ang salitang, dignidad.
“Good,” anito, bago niya muling naramdaman ang mga kamay ng matanda sa hita niya.
Dahil sa gulat at inis na nararamdaman ni Mia, mabilis niyang hinablot ang bote ng alak at walang pag-aalinlangan na hinampas ang ulo ni Mr. Wong gamit ang bote dahilan upang mabasag ito sa ulo nito, at saka niya sinabayan nang takbo palabas ng Club.
Narinig niya pa ang sunod-sunod na tawag ni Mama Cole.
“Mia! Come back here!”
JONDRAY was driving his luxury car when the accident occurred. Fuck! When he saw the damage caused by the collision, he felt angry and frustrated. He wanted to confront the driver of the other car, but he knew it wouldn't do any good.
He took a few deep breaths to calm himself down and then inspected the damage to his car.
My car is fine, Thanks to the grace of God. Nagdarasal pa rin siya kahit milyon-milyon na pala ang kasalanan niya. That’s fucking great.
Hindi na niya pinag-aksayahan ng oras ang nangyari sapagkat may mas importante pa siyang kailangan gawin. While Jondray was driving, his phone rang and he answered it immediately.
‘Do you find something?’
Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. ‘Bro, we’re fucking too late. Wala na siya sa Cole Club at siguradong nagtatago na naman siya.’
He gritted his teeth angrily. ‘That old man, I’ll kill him!’
'We'll kill him one day, Jondray. Kaya chill ka lang.’
And end the call.
Habang nagmamaneho ay iniisip ni Jondray kung paano niya mapapatay si Mr. Wong, masyado itong matinik at tuso kaya naman sa mahigit ilang taon nilang plano ay wala pa rin nangyayari. Gustong-gusto niyang sa mga kamay niya ito mamatay. Pag nangyari ang bagay na iyon, puwede na siyang mawala sa mundo at pumalit kay Satanas.
Nang mapadaan siya sa madilim na iskinata, may nakita siyang isang babae na parang hindi mapakali at balisa kung titingnan. Ititigil na sana niya ang kotse nang pumara ito, subalit wala na siyang oras, kung hindi siya magmamadali lalong hindi niya maaabutan ang hinahabol niya.
Sa gitna nang pagdi-drive, nahagip ng mga mata niya ang mga tauhan ni Mr. Wong at nagkaroon siya ng hint na hinahabol ng mga ito ang babaeng nakita niya. Ang tatoo sa leeg ng mga ito na Dragon, iyon ang palatandaan ni Jondray na tauhan ni Tandang Wong.
Ano naman kaya ang pakay ng mga ito sa babaeng iyon?
WALANG pakialam si Mia, kahit wala siyang pera ang mahalaga makaalis siya sa punyetang Club na iyon, hindi niya kayang tagalan ang mga pinapagawa ng Mama Cole niya. Alam naman niyang parte ng trabaho niya iyon, pero nag-usap sila na akala niya ay matino. Walang table, o kahit na anong involve ang sexual. Pero hindi pala matino ang usapan nilang iyon.
Hindi na muna siguro siya uuwi sa kanila, pero saan siya nito pupunta? Ayaw naman niyang istorbohin si Bea, ang matalik niyang kaibigan. Nakakahiya kung pupunta pa siya ng ganitong oras doon.
“Ayon siya! ‘Wag ninyo hahayaang makatakas, lagot tayo kay Boss!”
Napalingon siya ng may marinig na mga ingay mula sa ‘di kalayuan sa kinatatayuan niya at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang katerbang armadong lalaki na mukhang papalapit sa kanya. Walang atubili siyang tumakbo at para mas makatakbo ng maayos, hinubad niya ang sandals na suot.
“Shet! Bakit ba nila ako hinahabol?! Pakana na naman ni Cole ito. Ang matandang ‘yon talaga obsess sa mga babaeng alam niyang pakikinabangan niya!” Sansala niya sa isipan habang kumakaripas ng takbo.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtakbo nang may dumaang kotse at mabilis niya iyong pinara para sana sumakay at manghingi ng tulong, ngunit nilampasan lamang siya nito kaya nawalan siya ng pag-asang makakatakas pa. Marami ang mga ito, nakakaramdam na rin siya ng pagod.
Hinihingal na nagtago si Mia sa isang masikip na eskinita pero na-corner rin siya ng mga ito. Wala na siyang ligtas, siguradong galit na galit ang Mama Cole niya at paparusahan siya nito dahil sa biglaan na pagtakas sa impyerno nitong tahanan. Hindi dapat siya ganito kung nandito lang ang Papa niya, hindi dapat sila naghihirap ngayon kung nandito lang ang kanyang Papa, I miss you so bad, Papa. Maayos naman ang buhay nila noon, pero ngayon wala na ang Papa niya, walang ibang maaasahan kundi siya, tapos ganito pa ang mangyayari.
“Kunin ninyo ang babaeng ‘yan! Dalhin siya kay Mr. Wong, binili na niya ‘yan sa Cole Club kaya pagmamay-ari na siya ni Mr. Wong,” napabaling siya sa lalaki na nagsalita.
“Pa… Paanong ipinagbili?! Walang nagmamay-ari sa akin, walang kahit na sino!” Giit niya.
“Miss, huwag ka ng pumalag kasi wala kang magagawa. Sumunod ka na lang at siguradong magkakapera ka rin naman. Katawan lang naman ang puhunan mo. Ayaw mo pa?”
“Mga demonyo kayo! Pakawalan ninyo ako. Ano ba! Tulong! Tulong!”
“Kahit anong sigaw mo, walang tutulong sa’yo,” sabat na naman nitong lalaki na kanina niya pa gustong sapakin sa mukha. “Ang ganda-ganda mo naman kasi, ayan tuloy mainit ka sa mga mata ni Mr. Wong.” Dagdag pa nito.
Isasakay na sana si Mia ng mga ito sa malaking van ng may biglang pumutok at alam niya ang bagay na iyon. Baril iyon, kaya naging alerto ang lahat pati siya’y naging alerto. Baka mamatay pa siya nito kailangan niya makatakas pero, paano? Paano siya tatakas kung sa maling galaw lamang maaari niyang ikamatay.
“Maging alerto kayo, doon kayo at dito kami!” Malakas na isinara ng mga ito ang pinto ng van at iniwan siyang mag isa sa loob.
Kung anu-anong ginawa niya para lang matanggal ang pagkakatali sa kamay niya, pero masyadong mahigpit, kaya pinilit na lang niyang buksan ang pinto ng van at nagulat siya ng bumungad ang isang estrangherong lalaking naka-full mask. Tanging ang mga mata at labi lamang nito ang nakikita. Kulay asul ang bilugan nitong mga mata. Nahihipnotise siya ng mga mata nito na sumama.
“Si… Sino ka?” May pangamba niyang tanong rito. Hindi na rin nakabalik ang mga humahabol sa kanya kanina, “Parang awa mo na, ‘wag mo ‘ko-”
“Sumama ka sa akin.” Walang sere-seremonya na hinigit nito ang braso niya patungo kung saan nakaparada ang isang kulay itim na kotse. Tinanggal nito ang pagkakabuhol ng tali sa kamay niya kaya naman nakahinga siya nang maluwag. Subalit nagdadalawang-isip pa rin siya kung sasama ba siya, o hindi.
Sino ba ang estrangherong lalaking ito?
Natigilan siya nang buksan nito ang pinto ng isang kotse habang nagdadalawang isip kung sasakay ba siya, o hindi.
Tinitigan naman siya ng binata at nakipagtitigan rin naman siya rito. “Hoy, babae, gusto mo bang buhatin pa kita?”
“Ano… Anong buhatin?! Wala akong sinasabi! Hindi nga kita kilala, e. Bakit naman ako sasama sa’yo, aber?”
“Sasakay ka, o ibibigay kita sa mga tauhan ni Mr. Wong?”
“Ayon sila! ‘Wag ninyo hahayaang makatakas!” Napalingon siya sa mga tauhan ni Mr. Wong na ngayon ay patungo na sa kanila.
“Anong gagawin natin-”
“Get in the car woman, now!” Napaigtad siya sa lakas ng sigaw nito, kaya wala siyang nagawa kundi sumunod rito. Baka mamatay pa siya sa putukan na mangyayari. Mabuti na sigurong magtiwala muna siya sa lalaking ito. Bahala na nga!
Sunod-sunod na putukan ang narinig niya dahilan kaya napapikit siya, sabay takip sa taenga, ayaw niya makarinig ng mga putukan ng baril dahil pakiramdam niya sa bawat putok ng baril, buhay ang kapalit at sana okay lang ang lalaking kulay blue ang mga mata. Ayaw niya maiwan sa mga kamay ni Mr. Wong.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kotse at pumasok ang estranghero na lalaki. Napansin niya agad na may tama ito ng baril sa balikat.
“Ma… May tama ka sa balikat...” Pansin niya sa sugat na natamo nito, pero hindi siya nito tinapunan ng pansin, bagkus pinaharurot nito ang kotse. Tumahimik na lang si Mia hanggang sa makarating sila sa isang malaking Building na nakakahumaling ang taas at ganda nito. Kung hindi siya nagkakamali, isa itong condominium.
“Hey woman.” Narinig niya ang pagtawag ng lalaking naka-full mask, pero hindi siya sumagot sapagkat nabighani siya sa magandang Condominium Building na nasa harapan niya. The colors of the enormous building are black and white. What does it look like inside? She wanted to see, but only if Blue eyes would let her.
“Are you deaf, woman?”
“Hu… huh? May sinasabi ka ba?”
“So what are your plans? Do you have any family members?”
“Me- Meron, bakit mo natanong?”
“Ihahatid kita sa inyo.” Anito, subalit nakita niyang tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa balikat nito, kaya imbis na sumunod ay nag-protesta siyang gamutin iyon.
“Pwede bang gamutin ko muna ang sugat mo?”
“No need.”
“Pero...”
“Get in the car.” Mariin nitong saad ngunit ayaw niyang mamatay ito ng dahil sa kanya. Iniligtas siya ng binata, kaya dapat lang siguro na gamutin niya ang natamo nitong sugat.
“Ayoko. Kailangan ko muna gamutin ang sugat mo, paano kung mamatay ka?! Ayoko naman mangyari ‘yon, ‘no. Mamaya niyan sisihin pa ako sa pagkamatay mo. Wala na nga akong trabaho makukulong pa ako dahil sa pagkamatay mo.”
Lumakad ito palapit sa kanya at muntik na siyang madapa dahil sa bawat pag atras niya ay kasunod niyon ang paghakbang nito palapit sa kanya. Kahit naka-full mask ito, nakikita niya ang nakaplasta na ngisi sa mga labi ng estrangherong lalaki dahil nakalabas ang labi at dalawang mata nito sa Mask. Hindi niya alam kung bakit pumipintig ang puso niya nang mabilis. Dahil ba ito sa ngisi ng binata, o dahil mukha itong mapanganib?
“Wa…‘wag kang lalapit.”
Pero mas lumapit ang binata sa kanya.
“Sabi ko, huwag kang lalapit! Kundi sisigaw ako rito!”
Pumikit siya sa pag-aakalang lalapitan siya ng lalaki, pero nilagpasan lamang siya nito papasok sa malaking Building at sumunod naman siya. Buti naman pumayag ang Blue eyes na ito. Mabait naman pala ito, hindi niya iyon inakala dahil ang mga mata nito at mga tingin ay parang mapanganib na tao, parang hindi mapagkakatiwalaan. Iniisip niya tuloy, ‘di kaya magnanakaw ito?
Ano naman ang nanakawin sa’yo, Mia? E, wala ka namang pera...
Pagpasok pa lang niya sa loob, halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang ganda, samantalang ang bahay nila na buwan-buwan niyang binabayaran halos amagin na sa sobrang luma. Naibenta kasi ang bahay nila dahil malala ang naging sakit ng Nanay niya na kailangan operahan at iyon ang perang pinagbentahan ng bahay ang ginamit nila.
Parang nahihiya siya hawakan ang mga gamit, nahihiya siyang umupo at nahihiya rin siyang tapakan ang marmol tiles.
“Kuyang Blue eyes, pwede mo ba tanggalin ang mask mo?” Pukaw niya sa binata.
“Sa balikat ang sugat ko, so why do I have to remove it?”
“Para makilala kita..”
“No need, okay? If you don't want to treat my wound, I'll send you off first, and I'll take care of it. Let's go.” His response was cold; she could not even sense or felt the emotions in his voice.
Tao ba siya, o yelo?
Umupo siya, at saka tiningnan ito sa mga mata. “Siguro panget ka, ‘no? Ayaw mo ipakita ang mukha mo, ibig sabihin wala kang tiwala diyan sa itsura mo kaya nahihiya ka ipakita. Alam mo, okay lang naman maging panget basta maganda ang kalooban, alam kong mabait ka wala kang dapat itago. Hindi ako basta-basta nanghuhusga lalo kung mabuti ang puso mo… Hindi-”
Napatigil siya ng ini-sang hakbang nito ang pagitan nila at dumampi bigla ang labi nito sa mga labi niya na nakabuka ngayon dahil sa gulat. Tinitigan nito ang mga mata niya habang magkadikit pa rin ang kanilang mga labi, nakahihigit ang asul na mga mata nito na para bang na-hypnotise siya dahilan kaya nagawa niyang pumikit upang damhin ang malambot nitong labi na nakalapat sa mga labi niya.
Muntik na nga siyang madala sa langit, mabuti na lamang at may nabubuhay pang kaunting wisyo sa sarili niya dahilan kaya buong lakas niya itong tinulak palayo sa kanya, bago pa man siya tuluyang malunod sa masarap nitong labi.
“Hoy! Ba-bakit mo ako hinalikan?! Sino ka para halikan ako? Purket ba iniligtas mo ang buhay ko at sinabihan kang panget may karapatan ka na halikan ako!” Singhal niya na may paduro-duro pa sa binata.
“Just shut up or I’ll kiss you?”
“Gago ka ba...”
Gumawa na naman ito ng isang hakbang, kaya tinakpan niya ang kanyang bibig at saka naupo nang maayos sa couch. “Tatahimik na ako, basta wala kang gagawing masama.”
“Good.”
“Da… Dalhin mo na rin ang pwedeng panggamot diyan sa balikat mo.” Aniya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito.
PAULIT-ulit nagrerewind sa utak ni Mia na parang sirang plaka ang halik nito kanina. The way he kiss her, hindi niya alam kung desire lang ba ito o sadyang nakakadala ang mga mata nito na malakas mang-akit. Hindi naman siya ganito. Sa club siya nagtatrabaho pero wala siyang hinayaan na bastusin siya. But that guy.. He kissed me and I kissed him back! Hindi ako umangal agad, buti na lang nasa tamang wisyo pa ako. Gosh! Nakakahiya ka, Mia! Pinukpok niya ang ulo habang pinapagalitan ang sarili dahil marupok siya at para siyang manyak kanina sa harapan ng binata na sinabayan pa ito! Gosh! It’s so embarrassing! Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong condo at parang mga crystal sa ganda ang paligid nito, kaya nakakahikayat na mas libutin pa. May tatlong room na magkaharapan pero may mas nakakuha ng atensyon niya, isang malaking vase. Hindi niya alam kung sinong nagtulak sa kanya na tingnan ang laman nito. “Vase? Pero walang flowers na nakalagay?” Sansala niya sa kanyang sarili. Bubuk
MAG-AALA-syete na pala nang umaga at biglang naalala ni Mia na may napag-usapan pala sila ni Kuyang Blue eyes. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumilos, ni hindi na nga rin niya nagawang kumain kahit pa naghain ang kanyang mahal na Ina’y ng almusal niya. Laking tuwa niya may natira pang isang libo sa sira-sira niyang wallet. Kasyang-kasya pa iyon pamasahe at pangkain niya ng isang linggo. Hindi siya nag-atubiling ibinigay ang dalawang libo kagabi sa kanyang Ina’y na kinukulit siya para sabihin kung saan niya nakuha ang ganoong pera sa isang gabi lamang. “Mia! Mag almusal ka muna!” Habol ng kanyang Ina’y ng magpaalam siya. “Hindi na po! Kakain na lang ako sa carinderia!” Balik sigaw niya na tila ba sila ay nasa bundok at sila lamang ang tao, which is true, bundok na ang lugar nila kahit Maynila pa ito dahil sila ang nasa laylayan habang ang mga mayayaman ay nasa itaas. Wala na siyang narinig na sigaw mula sa kanyang Nanay dahil malayo na siya. Sumakay na siya ng jeep, mabuti na la
NILIBOT ni Mia ang kabuuan ng bahay na mukhang malinis naman kaya hindi niya alam kung anong lilinisin niya rito. Mapapansin na walang kahit na anong frame ng mga larawan ang nakasabit o kahit na anong maka-pagtuturo ng tunay na pagkatao ng binata. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba itong pagkatiwalaan o dapat niya itong iwasan. Pero sayang naman ang ino-offer nito sa kanya, malaking tulong iyon sa pamilya niya. “Ay, butiki!” Napasigaw siya nang makarinig nang galabog mula sa taas. May pag-aatubiling umakyat siya kung saan niya narinig ang ingay na iyon. Pagkarating sa taas ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob nang pang-unahang pintuan ng silid subalit naka-lock, sinubukan niya pa ang kasunod ganoon pa rin. Lahat naka-locked!? Ibig sabihin guess room sa ibaba lang ang pwedeng buksan. Bumalik siya sa baba upang umupo sa sofa dahil wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga, ano bang lilinisin niya? E, sobrang linis na nga pati ‘yata banyo malinis. Siguro ay magluluto na la
“Ahh!” Napabalikwas si Mia ng upo nang makitang nakaharap sa kanya si Blue eyes. Nakaupo ito sa couch, malapit kung nasaan ang mahabang sofa na hinihigaan niya. “Nasaan ang niluto mo?” Bungad nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at hinanap ng mga mata niya ang wall clock upang malaman niya kung anong oras na. 7:00 pm “Luh! Sorry. Hindi ako nakapag luto...” Yumuko na lang siya sa kahihiyan. Ito na nga lang ang gagawin niya tinulugan niya pa! Natahimik ito, bago tumayo at umalis. Sinundan niya ng tingin ang lalaki at nakita niyang kinuha nito ang cellphone mula sa jacket na suot. “Hey, woman. Are you deaf?” Yumuko siyang muli ng humarap na ito sa kanya. “Hu- huh?” “Pag may nag-doorbell buksan mo at kunin ang dala, okay?” Paalala nito sa kanya dahil mukhang aakyat na ito sa kwarto na naka-lock rin. Isa pa pala iyon na gusto niyang i-kompronta sa binata, paano naman kasi niya lilinisin ang silid nito at iba pang mga silid kung naka-lock at wala siyang susi? Tumang
KASALUKUYANG nananatili si Mia sa guestroom habang nasa living room ang limang lalaki na sina Blue eyes at Damuho, pero ang tatlong lalaking kasama ng magpinsan ay hindi niya kilala dahil nakatakip ang mga mukha. Palagay niya ay mga kasamahan ng mag-pinsan ang mga iyon, pero ang nakakapagtaka, paano nakilala ng mga ito si Mr. Wong? Hindi lang basta kilala kundi para bang alam ng mga ito ang buong background ng pagkatao ng matandang manyakis na iyon. Dapat pa ba siyang magtiwala sa mga ito? Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng inuukupa niyang guest room at iniluwa niyon ang gwapong si Blue eyes. “Woman, come out and follow me.” “Nandiyan pa ba ‘yung mga kalalakihan na-” “Just follow me.” Hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin dahil pinutol kaagad iyon ng binata, kaya imbis na magsalita pa ay sumunod na lamang siya ng tahimik sa likuran nito. Nang mabungaran niya ang mga kasama ni Blue eyes na nasa living room, tumalon ang puso niya. Mia felt her mouth water because
BUMUGA ng marahas na hangin si Jondray at kinuha ang mga papeles na itinapon niya sa sahig at pinag-aapakan niya ang mga iyon. Natigilan siya ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto na inuukupa niya. Kung saan ang sekretong silid na silang limang magkakaibigan lamang ang puwedeng pumasok. “Come in.” Kaswal niyang tugon. Umupo ito sa couch. “Bro. What are you planning now? Ngayong binabasura ng korte ang mga ipinapasa nating ebidensya laban sa organization ni Mr. Wong.” Pukaw ni Cyrus sa kanya. “He has so many connections in the Philippines. At hindi siya lumalabas ng lungga niya. Huling labas niya hindi natin naabutan sa Cole club.” “Dapat na tayong masanay sa mga bulok na hustisya sa bansa natin. I don't have much hope for justice from them, but we can still get that without anyone else knowing.” Nagkatinginan sila ng pinsan niyang si Cyrus at sabay na bumuntong-hininga. Halos tatlong taon rin siyang nagpakatanga sa hustisyang ninanais niya sa mga kapulisan hanggang ngayon magpapa
“Blu-blue eyes? Kailangan mo na lumipat sa kuwarto mo-” Jondray tenderly cupped her face and kissed her gently on the lips. Para siyang tuod na nakayuko habang ang kanyang dalawang braso ay nakatuon sa dining table, wala siyang reaksyon o kahit na pagtutol basta pinabayaan niyang gumalaw sa labi niya ang labi nito. No.. Bakit ako nagpapadala, bakit ko siya hinahayaan.. Nababaliw na ba ako? Akmang lalayo na siya nang hapitin nito ang bewang niya at mapaupo muli siya sa kandungan ng binata, but this time nakaharap na siya sa binata habang patuloy gumagalaw ang labi nito sa labi niya. His lips were warm and inviting, and she smelled of the alcohol on his breath. She felt safe and secure in his embrace, and the warmth of his body was comforting. She felt like she was in the arms of someone who truly cared for her, and she allowed herself to be lost in the moment. With a gentle touch, he slowly and carefully moved her body to the dining table. He took extra care not to move her too qui
Kitang-kita ni Mia kung paano ito umiwas nang tingin sa kanya matapos itanong iyon. Bigla rin naman siyang napalunok at pakiramdam niya ay nagbabara ang laway sa lalamunan niya sa ala-alang iyon na pinagsaluhan ng mga labi nila kagabi. Gusto niyang manakbo upang makaiwas rin, pero kung gagawin niya iyon baka isipin ng binata na apektado siya. “O- Oo, pero alam ko naman na lasing ka lang kagabi. Naiintindihan ko iyon.” Pinilit ni Mia na huwag mautal. “Hi- hindi naman big deal iyon, kaya ayos lang. Huwag mo rin isipin na nag-cheat ka sa jowa mo kasi hindi naman ‘yon sinasadya.” Mia! Bakit ba ang dami mong paliwanag, huh? Nagpahahalataan ka, e! He looked at her with a serious expression on his face. “Get dressed and get ready. I know a cafeteria nearby that's open during the day.” Pag-iiba nang topic nito at saka nilampasan siya papasok sa loob ng bahay at mabilis na sinundan ng mga mata niya ang binata na ngayon ay paakyat na sa hagdan. Nang mawala na ito sa paningin niya kinasti