Share

Kabanata 5

Natapos ang araw na iyon sa pag kukumbinsi sa sarili na tigilan na ang kakaisip sa kay Blake, at ‘wag na siyang pakialaman pa. Laking pasasalamat ko na sa buong linggo ding iyon ay wala akong ginawa kundi mag trabaho, bago umalis si Architect ay binilinan pa niya ako na tawagan lang siya kapag may mga emergency, I also told him my day offs at pumayag naman siya kahit hindi na aprubahan ni Blake.

“Ano? Sumahod ka na ba? Hinihintay ko iyong pera!” sambit ni Tita nang tumawag siya araw ng sabado. Alam niya ang araw ng sahod ko kaya heto at nangungulit na naman.

“Hindi pa po, Tita. Kapag nakuha ko po ako na po mismo ang pupunta jan para makamusta ko na rin po kayo,” sambit ko. Dahil pinagbigyan ako sa dalawang araw na day off ay napag pasyahan kong umuwi sa aming probinsya. Tutal ay naka ilang buwan na rin naman ako dito at nangungulila na rin ako sa kanila.

“Bakit ka pa uuwi dito? ‘Wag na! Ipadala mo na lang hihintayin ko.” Pagalit niyang sabi bago pinatay ang tawag. Hindi na ako nagtaka sa tinuran ni Tita, noon pa lang ay gustong gusto na niya ako palayasin sa bahay na pag mamay ari namin, ngunit dahil buo na ang desisyon kong umuwi ay hindi ko siya sinunod. Tatlong araw na lang naman at day off ko na, uuwi ako at babalik na lang pagkatapos ng dalawang araw.

Sa opisina ay wala akong ibang ginawa kundi ubusin ang oras sa trabaho. Nang umalis si Architect ay agad humalina si Blake. I saw how he was pagdating sa trabaho, strict at seryoso. Hands-on din siya pagdating sa mga projects at talagang alam niya kung ano ang dapat o makakabuti hindi lang sa kumpanya kundi maging sa mga kliyente.

“How can you say that it’s efficient and high quality, if your products are cheap?” seryoso at malamig ang boses nang magtanong siya isang beses habang ipinipresent ang gagawing housing project. Tumango naman ang mga stockholders na kasama namin sa loob ng coference room. Napatingin ako sa kanya, namamangha, samantalang masungit lang niya akong sinulyapan. Nakaupo ako sa tabi ng kabisera kung saan siya nakaupo, nakikinig sa bawat komento niya.

Nag tinginan ang grupo na nag pepresent sa harap, parang binuhusan ng malamig sa tanong ni Blake at aparang hindi alam ang isasagot. “How can you present in front of me if you’re not ready for my questions?” He sighed at ibinaba ang hawak na mga papeles na naglalaman ng kung anong ipini presinta sa harap. “Hands-up to the idea of the group of Miss Hayes.” Deklara niya bago matapos ang meeting, walang kamay na tumaas kahit isa at dineklarang ayusin ang ginagawang trabaho bago lumisan sa silid.

Ganoon lagi ang nangyayari sa trabaho, kapag may presentation at hindi niya gusto ay hindi niya iyon kukuhanin, at pagkatapos ay papasok siya sa loob ng opisina para mag trabaho. Ang huli naming pag uusap ay iyong sa loob din ng coference room, hindi na iyon nasundan pa. Lagi siyang nakakunot noo at mukhang masungit. I suddenly asked myself why he’s like that. Ngunit sa huli, pinipilig ko na lang ang ulo ko at kinukumbinsi ang sarili na mas maayos kung ganito ang trato niya, malamig at snob.

“Hi, is Blake here?” maarteng sambit ng babae isang umaga habang nag tatrabaho ako. She’s wearing an all white off shoulder jumpsuit, ang bag na nakasabit sa kanyang braso, at ang kanyang awra ay nagsusumigaw ng karangyaan.

“Uhm, yes, ma’am, this way po.” Sambit ko at iginiya sa opisina kung nasaan si Blake. I open the door at sinenyasan siyangpumasok sa loob.

“Thank you!” maarte niyang sabi bago pumasok sa loob. Nasulyapan ko naman si Blake na nakangiti sa panauhin nang makita ito bago ko tuluyang maisara ang pinto, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Oh, probably his girlfriend. Nakaramdam ako ng inggit para sa sarili. Sinasampal na sa harap ko ang katayuan ko at kung hanggang saan lang.

Kahit nag tatrabaho ay nagagawa ko pa ring sumulyap sulyap sa opisina ni Blake, tinitignan kung aalis na ba iyong panauhin niyang babae. Ngunit dumating na lang ang tanghalian ay wala pa ring lumalabas sa kanila.

“Aleyah, lunch?” aya sa akin ni Savi, umiling ako at ngumiti.

“Busog pa ako, e.” pagsisinungaling ko, dahil sa totoo lang ay wala talaga akong gana. Tumango naman sila at hindi na ako pinilit pa, tinalikuran nila ako at bumaba na sa palapag para sa kanilang tanghalian.

Maya maya ay kumalabog ang puso ko nang nakitang nagbukas ang pinto ng opisina at lumabas ang dalawa. Nakangisi pa si Blake nang lumabas siya kasama ang babae, ngunit nang lumingon sa akin ay seryoso na nag ekspresyon.

“Miss Sebastian, please cancel all my appointments today.” Malamig ang kanyang boses. Tumango lang ako at hindi na nagsalita dahil tumalikod din siya agad. Pinagmasdan ko sila habang umaalis, at nakita ko rin ang pag dulas ng kanyang kanang braso sa bewang ng babae bago sila pumasok sa elevator at nawala sa paningin ko.

Sa sumunod na araw ay inabala ko na lang ang sarili sa trabaho, inayos ko ang dapat ayusin at gumawa ng schedule na pwede kong ipasa kay Blake habang wala ako. Late sya pumasok sa araw na iyon at as usual ay masungit ang awra niya.

“Sir,” sambit ko ng pumasok ako sa opisina. Balak ko mag paalam dahil bukas ay babyahe ako patungong Nueva Ecija, at baka sa lunes na rin ang balik. Inangat niya ang kanyang tingin, his cold eyes sent shivers down my spine. Tumaas ang kilay niya, hinihintay ang sasabihin ko. “Naipadala ko na po iyong schedule niyo at mga kailangan niyong pirmahan thru e-mail. Aalis po kase ako bukas at baka sa lunes na ang balik.” Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. “Where are you going?” malamig ang boses niyang tanong.

“May two days day off po ako na inaprubahan na ni Architect bago siya umalis, uuwi po ako ng probinsya namin bukas.” Sambit ko. Nanatiling kunot ang noo niya at parang malalim ang iniisip.

Akala ko ay hindi niya ako papayagan dahil sa lalim ng mga linya sa noo niya, ngunit sa huli ay bumuntong hininga at tumango. Wala siyang sinabi, ipinag patuloy lang niya ang ginagawa bago ako pumasok kanina. Nag paalam na ako at tumalikod na.

Kinabukasan ng madaling araw nag aabang na ako ng masasakyang bus patungo sa Nueva Ecija. Isang maliit na bag lang ang dala ko dahil may mga damit pa naman akong naiwan doon. Nag suot na lang din ako ng itim na pantalon at light blue hoodie jacket, sa loob nito ay isang putting t-shirt. Madaling araw pa lang kase at malamig pa, paniguradong ganon din ang klima sa probinsya.

Itinaas ko ang kamay ng makitang may paparating na bus, sumakay na din ako agad nang huminto ito sa harap ko. Umupo ako sa tabing bintana at inaliw ang sarili sa madilim na paligid ng manila. Hindi ko namanlayan na naka idlip pala ako sa byahe. Nagising na lamang ako nang nakitang nakahinto ang sasakyan sa terminal at nag sisibabaan na ang mga kasabay kong pasahero.

Pagkababa sa bus at pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa kung saan ang bahay namin. Sa pagdating ko sa probinsya, isang malamig na hangin ang bumati sa akin. Inaasahan kong magiging masaya ang pagbisita ko, ngunit naging isang malupit na pag-subok ang hinarap ko.

Nang makarating ako sa bahay, may narinig akong halakhak at nag uusap mula sa labas. Napagtanto ko agad na may kakaibang nangyayari. Tinungo ko ang kulay itim na gate sa bahay namin at dahan dahang itinulak ito nang may takot at pangamba sa aking puso.

Sa kaharapang bakuran, nakita ko si Criza na masayang nakikipagbiruan sa labas kasama ang aking nobyong si Nate. Nakapatong ang kaliwang hita ni Criza sa kanang hita ni Nate habang nakaakbay ang kanang braso ni Nate sa kay Criza. Ang masalimuot na pangyayari ay tila isang pagsabog na sumira sa aking mundo.

Nag dalawang lingon pa si Criza sakin, at nang napagtanto ng aking kapatid ang aking pagdating, nagbago ang kanyang ekspresyon mula sa kasiyahan patungo sa gulat at takot.

“A-Ate, umuwi ka pala,” nanginginig ang kanyang boses na tumayo sa gilid ni Nate at bahagyang lumayo. Habang si Nate ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status