Share

Kabanata 4

“Ayoko nga!” napapadyak ako habang kausap si Ericka sa telepono. Tinawagan ko siya nang makauwi sa bahay at sa kaniya ibinunton ang kanina ko pang pinipigilan na galit.

Nang makaalis ako sa lugar kung saan nangyari iyong sa amin ni Blake Dawson ay pinagdasal ko na sana ay hindi na mag krus ang landas namin, kaya laking gulat ko nang malaman na pinsan pala siya ng boss ko. At ang malaman na siya ang tatayong CEO sa kumpanyang pinag tatrabahuan ko ay talaga namang nakakabaliw para sa akin.

“E bakit nga? Wala naman ibang gagawin iyon doon kundi mag trabaho, unless gusto mo maulit iyong-“

“Hindi na mauulit iyon!” napataas ang boses kong pinutol ang anumang sasabihin niya.

“Iyon naman pala, e. Anong pinuputok ng butsi mo riyan?”

Huminga ako ng malalim. Ano nga ba ang problema ko? Isang buwan ko lang namang pagsisilbihan ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili, at kung lalagyan ng matayog na bakod sa pagitan namin ay paniguradong hindi na mauulit ang nangyari.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon kanina sa harap ni Architect nang sinabi niya iyon, tanging tango at ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. Ngunit sa loob ko ay gusto ko nang magsisigaw at nag iisip na mag resign na lang.

Isinubsob ko ang mukha sa lamesa. Ano ba itong iniisip ko? Dahil sa lalaking iyon ay mawawalan pa yata ako ng trabaho.

Niligpit ko ang pinag kainan nang natapos ang tawag ni Ericka. At nang natapos ay dumiretso ako sa kwarto at naghanda na ng susuutin para bukas. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang mga posibleng mangyari pag si Blake na ang tumayong boss ko kahit na dalawang linggo pa bago iyon mangyari. Nakatulog na lang ako nang iyon ang iniisip.

Isang linggo ang lumipas nang sa wakas ay tumawag si Nate.

“Ano bang nangyari sa ‘yo bakit ngayon ka lang tumawag?” kalmado kong tanong. I should feel excited and happy now that finally he called me, pero wala akong maramdamang ganoon.

“Sorry, hon, may undercover work kami, e. Hindi ko gaano nabubuksan ang cellphone ko.” Sagot niya. Hindi ako kumibo at hinayaan siya sa pag sasalita at paghingi ng tawad sa akin. Kaluskos sa paligid nia ang naririnig ko.

Wala na naman na iyon sa akin kaya sabi ko ay ayos lang, magpaalam na lang siya sa susunod para hindi ako nababahala.

“Sige na, magpapahinga na ako. I love you.” Huli niyang sabi bago ibinaba ang tawag, hindi na ako hinintay na sumagot sa sinabi niya. I sighed and stared at nowhere bago napag pasyahan na itulog na lang kung anong bumabagabag sa akin. Parang may itinatago siya sa akin, o hindi sinasabi. Hindi ko lang alam kung ano iyon, o hindi ko lang kayang tanggapin kung ano iyon.

Buong weekend ay wala akong ginawa kundi magkulong sa bahay, hindi naman ako sanay na lumalabas o gumagala tuwing walang pasok, lalo na ngayon at wala naman akong pera.

Lunes ng umaga at paalis na ako sa apartment nang nasalubong ko ang landlord, nagpapaalala ng renta. Sakto ay nakatabi na iyon kaya inabot ko agad para hindi ko na mabawasan pa. Nakalimutan kong mag grocery nung linggo dahil may mga de lata pa naman ako kaya ayos lang kung bukas ko gawin.

Pagkarating sa opisina ay naroon na si Architect, mas nauna siya sa aking pumasok dahil na traffic ako at naghintay pa ng ibang pasahero ang sinakyan ko.

I opened my laptop and start working. I screened and responded to emails on behalf of my boss. I also started managing Architect’s schedule bago siya mag leave for one month, and prioritize his meetings and appointments with some stockholders and clients. Pagkatapos noon ay inarrange ko na rin ang travel logistics para sa pag out of town niya sa katapusan.

I’m also preparing a briefing for an important meeting later this day, ensuring him that everything is well-informed and organized. Throughout the day, I’m handling various administrative tasks to keep things running smoothly.

Pagdating ng tanghalian ay sumabay ako sa mga katrabaho na managhalian sa cafeteria sa baba lang nitong building.

“Babalik kaya ‘yon dito?” rinig kong tanong si Jana habang nakapila kami sa cafeteria para mag order ng pagkain, siya ay isa sa mga katrabaho ko, sa marketing siya nagtatrabaho na kasama lang namin sa iisang palapag.

Hindi ako kumibo dahil hindi ko naman alam ang pinag uusapan nila, pero napagtanto ko rin kung sino ang pinag uusapan nang naisip na wala namang ibang tao na pumunta rito sa building na ngayon lang nila nakita.

“Oo nga, sobrang guwapo no’n!” Sabat naman ni Savi, katrabaho ko rin at sa marketing din siya. “Ikaw, Aleyah?” kinalabit niya ako pagkatapos sumalok ng pagkain niya, si Jana ay nakatayo pa rin sa gilid niya kahit tapos na itong kumuha ng pagkain, hinihintay kaming matapos para sabay sabay na uupo sa lamesa.

“Bakit ako?” tanong ko. Hindi ko sadya na maging tunog defensive ang pagka tanong ko no’n. Nag patuloy ako sa pag sandok ng ulam at kunwaring wala ding alam tungkol sa lalaking pinag uusapan.

“Nilapitan ka niya kahapon pagka pasok niya, hindi ipinakilala ni Architect sayo?” usisa niya.

Umiling ako at kunwaring naghahanap ng lamesa para sa amin nang matapos ako dahil hindi nila ako nilulubayan ng malisyosong tingin. “Doon na tayo.” Turo ko sa bakanteng lamesa at nauna na.

Wala akong plano na sabihin sa kanila kung sino iyon. At kung maaari lang ay sana hindi na siya bumalik dito.

“Oh my god?” nakakailang subo pa lang ako sa pagkain ko nang natigil si Savi sa pagkain niya at gulat na nakatitig sa bukana ng cafeteria. Ngumunguya pa ako nang tinignan siya, kumunot ang noo ko nang bigla ay napatakip siya sa kaniyang bibig at ipit na tumili.

Sabay kaming lumingon ni Jana sa kung saan man siya nakatingin kanina, and there I saw Blake and Architect James entering the cafeteria. Natahimik ang loob ng cafeteria at halos lahat ay sa kanila nakatingin. A magnetic aura surrounded them. Wearing a light blue button down long sleeves and dark blue pants, Blake Dawson looks handsomly dashing! His confidence radiated with his every step, he looks simple yet striking charm that turns head effortlessly.

“He’s here!” nanlalaki ang mga mata ni Savi nang sinabi niya sa amin. Parang hindi naman namin nakikita?

Muntik pa akong mabilaukan nang dumako ang mga mata niya sa akin, uminom ako ng tubig at yumuko, hindi natatagalan ang malalamig niyang titig sa akin.

Naramdaman kong natahimik sina Savi at Jana, pigura ng isalang lalaki ang tumigil sa gilid lamang ng lamesa namin. Buong akala ko ay si Blake iyon, ngunit nang dahan dahan kong inangat ang tingin ay para akong sinakluban ng langit at lupa nang nakitang si Architect James iyon.

“Sir,” sabi ko at biglang tayo bilang pag galang. Pasimple ko pang nilingon ang likuran niya kung nasaan si Blake, nakita ko siyang nakaupo sa isang lamesa di kalayuan sa amin, natatawa habang may kausap sa telepono.

“Did you arrange my flight this coming Saturday, Aleyah?” tanong niya. Ito na kasi ang huling week ng March at malapit na ang leave niya. Ngayon pa lang ay inaayos ko na sa isip ko ang kung anong mangayayari sa isang buwan na si Blake ang tatayo bilang CEO ng kumpanya at boss ko.

“Yes, sir. All done.” Nagawa ko pang ngumiti sa harap ni Architect habang nag ngingitngit ang sa galit at dismaya.

“Good, enjoy your lunch, then.” Sabi niya na tinguan ko lang bago tumalikod para pumunta sa lamesa niya. Sinundan ko siya ng tingin at pasimpleng sumulyap kay Blake, ang cellphone niya ay na sa tainga pa rin ngunit ang tingin ay na sa akin na.

Suminghap ako nang maramdamang kumabog ng malakas ang puso ko. Why am I feeling this way? I don’t even know. Iniling ko na lang ang mga iniisip at bumalik sa pagkain. Pagkatapos ay sabay sabay na ulit kaming umalis ng cafeteria, hindi nililingon ang kung saan sila Blake at Architect.

“Huy, alis si Architect?” usisa nina Savi nang naka akyat kami sa palapag, trenta minuto pa ang nalalabing oras bago kami bumalik sa trabaho kaya siguro may oras pa silang mang usisa.

Tumango ako.

“Saan siya? Gaano katagal?” mahina ang boses na tanong ni Jana, natatakot na biglang dumating sina Architect at makitang pinag chichismisan namin sila.

“Sa Taiwan, isang buwan, magbabakasyon yata. Si Blake muna ang tatayo bilang CEO dito sa kumpanya.” Wala sa sarili na tuloy tuloy na sabi ko. Tsaka ko lang narealize nang natigil at nag tinginan silang dalawa. “I mean.. si Sir Blake, yung kasama ni Architect kanina.” Bawi ko.

“Sir Blake? Ang guwapo ng pangalan niya, bagay sa kaniya.” Humagikhik ang dalawa sa sinabi ni Savi. Umirap na lang ako hindi nag salita. Binuksan ko ang laptop at nag simula sa trabaho, umalis na rin ang dalawa sa tabi ko at pumunta sa kani kanilang lamesa, napansin na hindi ko na papatulan ang pang uusisa nila.

Hindi rin nagtagal ay si Architect James lang ang umakyat at pumasok sa kaniyang opisina, hindi na kasama si Blake. May parte sa akin na hinahanap siya at iniisip kung sino ang kausap niya kanina sa telepono.

Girlfriend kaya niya? Mukha siyang masaya kanina, e. Pero kung may girlfriend siya at may nangyari sa amin… what the fuck? Nandiri ako sa naisip. Halong galit at guilt ang naramdaman ko. Galit sa kay Blake at guilt para sa girlfriend niya, kung mayroon man.

Noon pa lang ay alam ko na ang karakas ng mga mayayaman, sina Ericka ay binalaan din ako at pinaalalahanan tungkol dito. Kaya ang nangyari sa amin nung gabing iyon ay matutuldukan doon at hindi na madudugtungan pa. Wala na dapat akong pakialam sa kanya. I should treat it as nothing, at kalimutan dahil isa iyong pagkakamali. Dahil ang isang tulad ko ay mananatili kung saan man ako, hindi mapapansin ng isang mataas at respetadong katulad niya.

Pero..bakit pa nga ba ako umaasa?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status