"I'm.." nilingon ko si Nate nang basagin niya ang katahimikan. Pumasok sa loob si Criza nang ilang sandali matapos akong makita sa gate. Walang kibo niyang iniwan si Nate doon na nakanganga habang nakatingin din sa akin, kaya nilapitan ko siya at umupo sa kaniyang tabi. "S-sorry...." nanginginig at pabulong niyang sabi.
Huminga ako ng malalim. I don't know how to react. Masakit, pero kaya namang tiisin iyon. Mas nasaktan pa ako nung makita si Blake na may kasamang babae at hawak niya ito sa bewang na parang isang bagay na madaling mabasag.Tumango ako at ibinalik ang tingin sa aking mga paa. "Kailan pa?" tanong ko na hindi niya sinagot, nakatingin lang siya sa akin. "Kailan mo pa ako ginagago?" dagdag ko pa.Nate was my first best of friend, first crush and first love. Naiimagine ko na nga ang sarili ko noon na ikinakasal sa kanya, at bumubuo ng pamilya, and that thought pushed me to pursue what I want and earn for that, na mukhang ako lang ang nag iisip ng para sa future naming dalawa.Napangisi ako sa naisip. Maybe all of that was just infatuation or puppy love, dahil kung hindi ay hindi siya maghahanao ng iba habang kahit wala ako sa tabi niya. Buti na lang hindi ko naibigay sa kanya ang lahat, siguro mas masakit kapag nangyari iyon. Kaya lang ay nanghihinayang din ako sa taon ng pagkakaibigan at pinagsamahan namin."Months... after you left." he sighed after he said that, may pag aalinlangan sa kanyang boses.Tumango ako. I knew it. Naramdaman ko na. Ilang beses na rin isinampal nina Ericka iyon sa akin. Ngunit hindi ako naniwala dahil malaki ang tiwala ko sa kay Nate. Kumikirot ang puso ko lalo na kapag naiisip na ang kapatid ko pa, ang step sister ko pa."Mahal mo ba siya?" kalmado kong tanong at nilingon siya, tinignan siya sa mga mata. Dahil kung mahal niya si Criza ay sino ako para hadlangan ito? Hindi ako magpapaka bitter dahil lang sa pag-ibig, nakakamatay iyon.Dahan dahan ay tumango siya, ang luha na kanina'y nangingilid sa mga mata niya ay tumulo na ngayon. Guilty ba iyan o awa para sa akin? Huminga ako ng malalim at tumayo. Inangat niya ang mga mata sa akin, pinagmamasdan ang bawat galaw ko. "Take care of her, then." sambit ko at iniwan siya doon.Naglakad ako patungo sa loob ng bahay, pagkapasok ko ay amoy ng lechong manok at pizza ang sumalubong sa akin, nahilo ako bigla at nakaramdam ng pag duduwal, napatakip ako sa bibig at didiretso na sana sa kwarto nang makita ko si Tita Vicky na palabas ng kwarto nila, nakasuot ito ng blue na daster at ang buhok ay nakatali sa itinaas. Mula kay Criza ay lumipat ang mga mata niya sa akin, nanlilisik at handa na akong sugurin."Anong ginagawa mo dito, babae ka?!" galit na galit niya akong dinuro ng hawak niyang pamaypay."Tita, binibisita ko lang ho kayo-""Anong binibisita?! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na 'wag ka na pumunta rito? Ang tigas talaga ng ulo mo!" dire diretso niyang sabi."Bakit po? Dahil mabubuking ko ang anak ninyo na kinakalantari ang boyfriend ko-""Anong sinasabi mo? Na malandi ang anak ko?!" nanlilisik ang mga mata niya habang sinisigawan ako, napahawak si Criza sa balikat ng ina para pigilan ito at pakalmahin.Parang gano' n na nga ho, mana sa'yo.Ngumiwi ako sa naisip."At ano naman ngayon kung sila ng nobyo mo? E ba't kase umalis alis ka? Alam mo kasi, ang mga lalaki may mga pangangailangan iyan, at kung iiwan mo ay malamang maghahanap at maghahanap ng iba iyan! Kung hindi ba naman kasi tatanga tanga," umirap siya habang binubuksan ang hawak na pamaypay at pinaypayan ang sarili."Tita, nag trabaho po ako, para sa inyo rin naman ho iyon-" kalmado kong sabi. Ayokong patulan siya dahil baka dumating si papa, ayokong magalit iyon sa akin."Oo nga! E, nasaan na ang pera na pinagmamalaki mo?" inilahad niya ang palad sa harap ko, naghihintay ng salaping ilalapag ko.Dinukot ko ang pera sa bag na para sana sa akin pagkagaling ko dito at hindi ibinigay ang pera na dapat sa kanila. Pahablot niya itong kinuha sa akin at binilang. Nagbago na ang isip ko, tutal ay may parte na si Nate sa kanila, siguro naman ay matutulungan na niya si Criza sa mga pangangailangan nito."At bakit ito lang? Kulang na kulang ito lalo na sa matrikula ni Criza!" kumunot ang kaniyang noo pagkatapos bilangin ang ibinigay kong pera."Nobyo na naman ho niya si Nate, hindi po ba? Bakit hindi na lang ho kayo doon humingi ng para kay Criza? Panigurado hindi ho tatanggi iyon." sambit ko at naglakad patungo sa kwarto ko.Pagkapasok ko sa kwarto ko ay walag nagbago roon, kung paano ko ito iniwan ay ganoon din ito nang datnan ko, kaya lang ay ang mga sapot sa dingding at ang mga alikabok sa sahig ay kumaaway sa akin. Hindi nga ginalaw, hindi nagawang linisin. "Bastos ka, ah! Hindi ka nagpadala noong nakaraang sahod mo, ngayon kakarampot ang ibibigay mo? Ano ba talaga ang ginagawa mo sa manila? Baka lumalandi ka lang doon, e-"Nagpintig ang tainga ko sa huling sinabi niya, hindi ko na napigilan ang sarili at nataasan ko na rin siya ng boses."Nag tatrabaho ako, Tita! Hindi ho ninyo alam ang hirap na pinag dadaanan ko doon, sobra sobra ang pagtitipid ko para may ipadala rito sa inyo, tignan niyo nga ho, nagagawa niyo pang mag lechon manok at pizza samantalang ang kinakain ko doon ay puro de lata!" sumbat ko habang itinuturo ang kusina.Muli ay lumukob na naman ang amoy ng dalawang klase ng pagkain na nasa kusina at muntik pa akong maduwal sa harap ni Tita Vicky!Anong nangyayari? Bakit ba kasi ang baho ng mga pagkain na iyon?"Hoy! Dapat lang naman na nag titipid ka dahil may pamilya ka rito! At tignan mo nga ang ibinigay mo, kakarampot! Tapos isusumbat mo na nagtitipid ka? Jusko, Aleyah!" tinalikuran niya ako habang patuloy pa rin sa pag sesermon at pag sasalita ng kung ano ano.Isinarado ko ang pinto at nilock ito, hindi ko napansin na naroon pa pala si Nate sa may pintuan, nakamasid sa kung ano ang nangyayari sa pamilya ko, habang si Criza ay nakasunod sa kaniyang ina na patuloy ang reklamo sa ibinigay kong sahod. Nang mapag isa sa kwarto ay napabuntong hininga na lang ako.Naligo ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay sumampa ako sa kama ko at kinuha ang cellphone na nasa loob ng aking dalang bag.Wala namang mensahe o ano doon. Nakapag paalam naman ako sa kay Architect at nagawa ko naman na ang mga dapat kong gawin. kaya wala na akog ibang gagawin.Bago ako umuwi ay naisip ko na ang mga bagay na maari kong gawin dito sa probinsya, una ay susurpresahin ko si Nate sa pag uwi ko, ngunit hindi ko alam na ako pa pala ang masosorpresa.Noon palang ay hindi na kami magka sundo ni Criza kaya sina Nate, Ericka at Dexter lang ang palagi kong kasama rito sa probinsya. Madalas ako wala dito sa bahay dahil bukod sa naboboring ako ay lagi pa akong pinagagalitan ni Tita Vicky at lagi naman siyang kinakampihan ni papa. Napapaisip ako ngayon kung ano marahil ang pwede kong gawin sa dalawang araw ko rito, sina Ericka ay nasa manila at nag tatrabaho, bukod doon ay wala na akong ibang maaring bisitahin rito.Sinag ng araw at katok sa pinto ng aking kwarto ang nag pa gising sa akin nang nag hapon na. Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako dahil sa pag iisip. Binuksan ko ang hawak ko pa ring cellphone at tinignan kung anong oras na. 3:35 PM na pala! Hindi ako nakapag tanghalian dahil sa hilo at baho ng amoy ng pagkain na nasa kusina."Aleyah!" tinig ni papa ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto.Dali dali akong bumangon at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang tila galit na mukha ni papa, kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata, at base sa suot na sandong puti at itim na pantalon ay mukhang kauuwi niya lang galing sa trabaho."P-Papa.." mahina ang boses kong sambit. Nasulyapan ko si Tita Vicky na nakangisi sa kaniyang likuran. Wala na rin si Criza sa kaniyang tabi at mukhang ganoon din si Nate, ang kaninang mabahong lechon manok at pizza na naaamoy ko galing sa kusina ay wala na rin."Ano itong sinasabi ng Tita mo na binastos mo na naman daw siya?" kunot noo at galit na sambit sa akin ni papa."P-po?" tanong ko at sinulyapan si Tita Vicky sa kaniyang likuran, tinaasan niya ako ng kilay at inirapan."Binastos mo daw siya dahil lang tinanong niya kung bakit kakaunti ang ibinigay mong pera. At bakit nga ba kakarampot lang ang ibinigay mo? Hindi ka nag padala noong nakaraan, ah. Sumasahod ka pa ba?" dire direysong tanong sa akin ni papa.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Muli ay nakaramdam ako ng awa para sa sarili, hindi ko talaga maramdaman na may pamilya ako sa lugar na ito. Simula ng nawala si mama ay parang nawala na rin ang pamilya ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko."O-opo.. Nag.. Bakasyon lang po ako dahil gusto ko kayo bisitahin rito.." mahina kong sambit, pinipigilan ang sarili na humikbi at mag mukhang kaawa awa sa harap ng ama."Sumasahod ka sa lagay na iyan? Ano ba iyang trabaho mo? Bakit hindi ka na lang mag benta ng katawan, mas malaki pa ang kikitain mo roon, e!" singhal sa akin ni papa bago ako talikuran at umalis.Umawang ang labi ko at huminga ng malalim. Pinanuod ko si papa na maglakad pabalik sa kwarto nila habang kunwaring inaalo siya ni Tita Vicky."Manuel, kalma, hayaan mo na ang bata at baka napagod lang.." rinig kong sabi ni Tita Vicky gamit ang maamong boses hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.Nanlalambot ang mga tuhod ko at napaluhod nang maisarado ang pinto ng aking kwarto. Gusto kong umiyak, ang poot na matagal ko ng kinimkim sa dibdib ay nag uumapaw. Gusto ko siyang sumbatan. Paano niya nakakayang sabihan at saktan ako ng ganito? Dahil ako ang dahilan kaya nawala si mama? Ganoon ba? Pero bakit pa niya ako inalagaan at pinalaki!"Oh, Aleyah, hija, aalis ka na?" rinig kong sambit ni Tita Vicky nang makitang lumabas ako ng kwarto bitbit ang mga gamit ko. Nakita ko si papa na humihigop ng kape sa kusina at kaharap nito si Tita Vicky, may nakalapag na pera sa harap nilang dalawa. Sumunod sa akin si Tita nang dire diretso akong naglakad palabas habang si papa ay nanatili sa kusina. "'Wag ka na babalik ha," humagikhik si Tita matapos sabihin iyon sa mahinang boses, sinisiguradong hindi maririnig ni papa.Hindi ako kumibo o lumingon man lang sa banda niya, hawak ang strap ng suot kong bag pack, patuloy ako sa paglalakad palabas at paalis ng bahay. Naninikip pa rin ang dibdib ko at ang mga salitang binigkas ni papa kanina ay paulit ulit na nag rereplay sa utak ko, at ang kaalaman na hindi man lang siya nagsisisi sa bawat salitang binigkas sa harap ko ay nakakapanlumo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, sikat na sikat ang araw ngunit hindi naman ito masakit sa balat dahil malamig ang simoy ng hangin.Wala akong lugar na patutunguhan, babalik ako ng manila at hindi na sigurado kung babalik pang muli sa lugar na ito. Sa tahimik at maluwang na sementeryo ako napunta, sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia ay naroon ang puntod ni mama, umupo ako sa bermuda na tumubo kung saan nakalagay ang lapida niya.'Aliyah Mabel M. Sebastian'Nilihis ko ang mga tuyong dahon na nahulog sa lapida ni mama. Huminga ako ng malalim. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa pagbadya ay isa isa at nag unahang tumulo."Mama," hagulgol ko. Para akong bata na binully sa school at nagsusumbong.Sa mga oras na nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina, dito ako nagpupunta. Sa mga oras na puno ako ng galit at sama ng loob dahil kay papa ay dito ako nagpupunta, dito ko ibinubuhos lahat. Dahil ayaw kong magtanim ng galit sa kay papa, ayokong lumayo lalo ang loob ko sa kaniya, dahil pagbalik baliktarin man ang mundo ay siya pa rin ang ama ko, at siya lang ang kaisa isang pamilya ko na nabubuhay dito sa mundo."Pagod na pagod na 'ko, ma. Sana sinama mo na lang ako. Sana hindi mo na lang ako iniwan, hindi ko na kaya, ma." patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Hinayaan ko ang sarili na sumabog at iiyak ang lahat sa puntod ni mama. Gusto kong sumigaw sa sakit.I was 10 years old when papa met Tita Vicky and Criza. Back then, papa and I we're fine. Akala ko ay ayos lang na kami lang dalawa. Nagkamali ako, dahil mas pinili niyang pumasok sa buhay namin sina Tita Vicky. Nang lumipat sina Tita sa amin ay marami nang nagbago, hindi pamilya ang turing nila sa akin. Sila mismo ang gumagawa ng paraan para malayo ang loob ni papa sa akin, and they always won. Palagi ay walang salubong sa akin si papa kundi kunot ang noo at parating galit at hindi ako kinakampihan. And at the end of the day, walang ibang magpapakalma ng sarili ko kundi ako lang, I will hug myself and cry in my room silently. Tiniis ko iyon lahat, para sa papa ko. Ngunit pagtitiis ay laging may hangganan, parang kandila ay nauupos din ito.Nang kumalma ako ay nagpaalam ako sa puntod ni mama at umalis roon. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa terminal ng bus patungong manila. My 2 days off is not yet done, may isang araw pa ako at balak kong mag kulong na lang sa apartment buong mag hapon kinabukasan.Sobrang pagka hilo ang naramdaman ko nang bumabyahe patungong manila. Siguro ay dahil sa gutom na rin at pagod sa mga nangyari sa araw na 'to.Pagdating sa manila ay nagtungo agad ako sa apartment ko, naligo, nagbihis at nagpahinga, ni wala akong nararamdamang gutom at ang mga talukap ng mga mata ko ay sobrang bigat sumabay pa ang lambot ng kama na para akong hinihele, ipinikit ko ang mga mata at hinila agad ng antok.Kinabukasan ay nagising ako na parang hinahalukay ang tiyan ko. Napabalikwas ako ng bangon at tinungo ang banyo, wala akong maisuka dahil wala naman akong kinain mula kahapon kundi tubig lang. Nang umayos ang pakiramdam ay tumayo ako at naghilamos.Ano ba to? Kahapon pa ito, ah?Napa angat ako ng tingin sa repleksyon ko sa salamin nang may napagtanto. Magdadalawang buwan na akong hindi dinadatnan!Shit!Bumalik ako ng kwarto at kinuha ang cellphone ko kung saan pwede kong makita kung kailan ang huling regla ko at kailan ang susunod.Dapat nung isang linggo ay dinatnan na ako, pero bakit hanggang ngayon ay wala? Hindi kaya ay nahuli lang?Kumabog ang dibdib ko. Inalala ko ang isang gabing hindi inaasahang pagtatagpo namin ni Blake na nauwi sa hindi inaasahang pagtatalik.Shit!Inayos ko ang sarili at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng puting t-shirt at maong na pantalon. Lumabas ako ng bahay at naghanap ng sasakyan patungo sa pharmacy. Kailangan kong kumpirmahin ito dahil k
Nangyari nga ang gusto niyang mangyari, inihatid niya ako sa apartment ko at nakakagulat na alam niya kung saan ako nakatira. Wala na nga lang akong naging panahon para tanungin pa iyon dahil mukhang nagmamadali siya.Pumasok ako sa apartment nang hindi ko na natanaw ang kaniyang sasakyan. Naligo ako at nagbihis bago kumain ng hapunan. Isang de lata na lang ang natira. Kailangan ko na rin mag grocery. Isasabay ko na lang bukas pagkatapos ko magpa check up. Pagkatapos ko kumain at ligpitin ang pinagkainan ay inilista ko ang mga kailangan ko dito sa bahay para mabili kinabukasan, pagkatapos ay pumunta na ako sa aking kwarto para makapag pahinga. Humiga ako sa kama at kinumutan ang sarili at dahil siguro sa pagod sa maghapon ay agad akong dinapuan ng antok at nakatulog kaagad.Sa kalagitnaan nang mahimbing kong tulog ay naalimpungatan ako sa nag iingay kong telepono. Antok na antok pa ako ngunit ang pag tunog ng cellphone ay nakakairita sa aking pandinig.Kunot noo kong dinampot ang c
Lumipas ang mga araw nang hindi pa rin ako dinadapuan ng lakas ng loob para kausapin si Blake at sabihin ang totoo.Weeks had passed at halos hindi na kami nagkikita dahil may inaayos siya sa kanilang kumpanya. Nabalita kasi na may ilang shareholders na nag pull out ng kanilang shares sa kumpanya dahil sa hindi malamang dahilan. Ang hinuha ng iba ay may kalaban sina Blake na sinsira ang imahe ng kumpanya o kaya naman ay inaagaw ang mga shareholders na iyon. At dahil sa balitang iyon ay mukhang mapapaaga ang pag uwi ni Architect para tulungan ang kumpanya ng pinsan.Lunes nang inutusan ako ni Architect na ibook siya ng flight pabalik ng manila, agad ko naman itong ginawa. Sa susunod na linggo pa sana ang uwi niya para saktong isang buwan ang bakasyon, ngunit nang mabalitaan ang unti unting pagbagsak ng Skylight Corporation ay agad itong nag desisyon na umuwi. Kinabukasan ay akala ko hindi ulit papasok dito sa opisina si Blake, ngunit nagulat ako nang naroon na siya sa opisina pagdati
Hindi magkamayaw ang kung anong mararamdaman ko. Bumalik ako sa aking lamesa pagkatapos ng masayang tanghaliang iyon kasama si Blake. Titig na titig siya sa akin kanina habang kumakain ako. Ang mga mata ay nagpapakita ng tuwa at mangha. Noon ko lang siya nakita ng ganoon. Madalas kasi ay lagi siyang naka kunot noo at hindi maipinta ang mukha. Naiisip ko tuloy, siguro ay ganoon siya kay Hailey.I can imagine how he stare at her. Smiling while she's talking. Nangingislap ang mga mata tuwing nakatingin kay Hailey, o kapag kumakain din ito.I can't help my heart from breaking apart because of that thought. Hindi ko maisip o maitsura ang magiging buhay kapag wala si Blake sa tabi. Kapag umalis ako, at naging sila ni Hailey.Ngunit ang isang hampas lupa na kagaya ko ay hindi dapat nag hahangad ng isang mataas na katulad ni Blake. Hindi iyon tama.Alas tres ng hapon nang katukin ko muli ang opisina ni Blake. "Sir-i mean, Blake, it's time for your meeting with the marketing team," sambit ko, n
Naninikip ang dibdib ko habang patungo sa airport para sunduin si Architect. Nagagalit ako sa sarili dahil hinayaan kong mahulog ang sarili sa mabulaklakin niyang mga salita. Hindi ko nga lang sigurado kung nito ko lang narealize iyon. O nito ko lang tinanggap sa sarili nahuhulog na ako sa kaniya, or maybe I just fall for him the first time we met. Mas lumalim lang iyon ngayong mas lumapit kami sa isa't isa. Nangilid ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagkirot ng tiyan ko. Ang imahe ni Blake na nakapikit habang hinahalikan ni Hailey ay nanatili sa isip ko. Hindi na nakayanan ay bumuhos na ang luha ko. Humagulgol ako sa loob bg taxi."Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" tanong ng driver. Hindi ko siya pinansin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay at doon humagulgol lalo.Mas maayos na dito ko na ibuhos lahat kaysa sa harapan ni Architect.Tumigil ako sa pag iyak nang malapit na sa airport, inabutan ako ng driver ng tissue. Nagpasalamat naman ako rito.Bumaba ako ng sasakyan ma
"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi na ako nakapagpalaam." umaktong parang naiiyak si Ericka matapos sabihin iyon.Patungo na ako ngayon sa airport nang naisipan ko siyang tawagan. Matagal na rin kasi ang huling pag uusap namin at pagkatapos niyon ay hindi ko na sila nakausap pa dahil sa trabaho. "Pasensya na, masyado lang ako maraming iniisip ngayon kaya ngayon lang ako nakaalala." paumanhin ko.Sinabi ko kasi na aalis ako patungong Switzerland para puntahan sina Tita Linda. Wala pa akong plano sa ngayon, basta ang alam ko lang ay gusto kong umalis at lumayo muna pansamantala, hanggang sa maipanganak ko ang bata."Tatawagan mo ako ha, ready ako makinig sa mga chika mo, alam mo yan," sambit niya.Tumango naman ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Oo naman, tatawagan ko kayo ni Dexter." natatawang sambit ko.Tumagal pa ang pag uusap namin ni Ericka at natapos lang nang nakarating na ako sa airport. Nag abot ako ng bayad sa driver at bumaba. Tinulungan niya ako sa pagbaba ng d
Mabilis na lumipas ang mga araw ko rito sa Switzerland. Limang buwan na ang nakalipas simula nang dumating ako rito. Patuloy ang pag uusap namin nila Ericka at Dexter, maging si Architect James ay nangangamusta rin."Blake's company is failing," kwento ni Ericka nang minsang tumawag siya. Alam niya na hindi ko pa rin nasabi kay Blake ang tungkol sa pag bubuntis ko at alam niya rin ang dahilan kung bakit. I was crying my heart out the night I told her about what I saw before I went here.Wala naman akong naging kumento sa sinabi niya ngunit nag aalala ako, pero sa kabilang banda ay panigurado ay hindi naman siya iiwan ni Hailey. Nagulat ako sa balitang iyon, gusto ko man tanungin si Architect tungkol doon ngunit pinangungunahan ako ng hiya."Nag - enjoy ka ba, hija?" tanong ni tita pagka uwi namin. Galing kasi kami sa Altstadt, ang lugar dito sa syudad na katulad sa Vigan na nasa Pilipinas, pagkatapos namin doon ay tsaka kami naglakad lakad sa Lake Zurich.Wala akong masabi doon dahil
"Why didn't you even tell me, hija? Kailan pa? Shocks! Hindi ka pa nagpapa check up!""Anim na buwan na po tita,""What?! Are you taking any vitamins?" nanlalaki ang mga mata ni tita habang tinitignan ang buong katawan ko. "Tita, relax. Yes, I'm taking vitamins. I visit an OB before and she gave me vitamins that I need to take, until now I'm taking it," I explained. Nakahinga naman siya ng makuwag pagkatapos kong sabihin iyon. "I'll call my OB for an appointment, we'll visit his clinic tomorrow." mahigpit niyang bilin bago ako tinalikuran para tumawag sa OB niya.Kinabukasan ay maaga kaming nag tungo sa clinic ng OB niya, kasama namin sina tito at ang dalawa niyang anak. Weekend kasi at tuwing weekend ay nakaugalian na nilang mag bonding dahil kapag weekdays ay busy silang lahat. I can't help but feel happy for them. I hope that someday I can make my child happy as well. Kahit wala siyang ama, at kahit kaming dalawa lang. Tinanggap ko na sa sarili na hindi na namin kakailanganin si