Nangyari nga ang gusto niyang mangyari, inihatid niya ako sa apartment ko at nakakagulat na alam niya kung saan ako nakatira. Wala na nga lang akong naging panahon para tanungin pa iyon dahil mukhang nagmamadali siya.Pumasok ako sa apartment nang hindi ko na natanaw ang kaniyang sasakyan. Naligo ako at nagbihis bago kumain ng hapunan. Isang de lata na lang ang natira. Kailangan ko na rin mag grocery. Isasabay ko na lang bukas pagkatapos ko magpa check up. Pagkatapos ko kumain at ligpitin ang pinagkainan ay inilista ko ang mga kailangan ko dito sa bahay para mabili kinabukasan, pagkatapos ay pumunta na ako sa aking kwarto para makapag pahinga. Humiga ako sa kama at kinumutan ang sarili at dahil siguro sa pagod sa maghapon ay agad akong dinapuan ng antok at nakatulog kaagad.Sa kalagitnaan nang mahimbing kong tulog ay naalimpungatan ako sa nag iingay kong telepono. Antok na antok pa ako ngunit ang pag tunog ng cellphone ay nakakairita sa aking pandinig.Kunot noo kong dinampot ang c
Lumipas ang mga araw nang hindi pa rin ako dinadapuan ng lakas ng loob para kausapin si Blake at sabihin ang totoo.Weeks had passed at halos hindi na kami nagkikita dahil may inaayos siya sa kanilang kumpanya. Nabalita kasi na may ilang shareholders na nag pull out ng kanilang shares sa kumpanya dahil sa hindi malamang dahilan. Ang hinuha ng iba ay may kalaban sina Blake na sinsira ang imahe ng kumpanya o kaya naman ay inaagaw ang mga shareholders na iyon. At dahil sa balitang iyon ay mukhang mapapaaga ang pag uwi ni Architect para tulungan ang kumpanya ng pinsan.Lunes nang inutusan ako ni Architect na ibook siya ng flight pabalik ng manila, agad ko naman itong ginawa. Sa susunod na linggo pa sana ang uwi niya para saktong isang buwan ang bakasyon, ngunit nang mabalitaan ang unti unting pagbagsak ng Skylight Corporation ay agad itong nag desisyon na umuwi. Kinabukasan ay akala ko hindi ulit papasok dito sa opisina si Blake, ngunit nagulat ako nang naroon na siya sa opisina pagdati
Hindi magkamayaw ang kung anong mararamdaman ko. Bumalik ako sa aking lamesa pagkatapos ng masayang tanghaliang iyon kasama si Blake. Titig na titig siya sa akin kanina habang kumakain ako. Ang mga mata ay nagpapakita ng tuwa at mangha. Noon ko lang siya nakita ng ganoon. Madalas kasi ay lagi siyang naka kunot noo at hindi maipinta ang mukha. Naiisip ko tuloy, siguro ay ganoon siya kay Hailey.I can imagine how he stare at her. Smiling while she's talking. Nangingislap ang mga mata tuwing nakatingin kay Hailey, o kapag kumakain din ito.I can't help my heart from breaking apart because of that thought. Hindi ko maisip o maitsura ang magiging buhay kapag wala si Blake sa tabi. Kapag umalis ako, at naging sila ni Hailey.Ngunit ang isang hampas lupa na kagaya ko ay hindi dapat nag hahangad ng isang mataas na katulad ni Blake. Hindi iyon tama.Alas tres ng hapon nang katukin ko muli ang opisina ni Blake. "Sir-i mean, Blake, it's time for your meeting with the marketing team," sambit ko, n
Naninikip ang dibdib ko habang patungo sa airport para sunduin si Architect. Nagagalit ako sa sarili dahil hinayaan kong mahulog ang sarili sa mabulaklakin niyang mga salita. Hindi ko nga lang sigurado kung nito ko lang narealize iyon. O nito ko lang tinanggap sa sarili nahuhulog na ako sa kaniya, or maybe I just fall for him the first time we met. Mas lumalim lang iyon ngayong mas lumapit kami sa isa't isa. Nangilid ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagkirot ng tiyan ko. Ang imahe ni Blake na nakapikit habang hinahalikan ni Hailey ay nanatili sa isip ko. Hindi na nakayanan ay bumuhos na ang luha ko. Humagulgol ako sa loob bg taxi."Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" tanong ng driver. Hindi ko siya pinansin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay at doon humagulgol lalo.Mas maayos na dito ko na ibuhos lahat kaysa sa harapan ni Architect.Tumigil ako sa pag iyak nang malapit na sa airport, inabutan ako ng driver ng tissue. Nagpasalamat naman ako rito.Bumaba ako ng sasakyan ma
"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi na ako nakapagpalaam." umaktong parang naiiyak si Ericka matapos sabihin iyon.Patungo na ako ngayon sa airport nang naisipan ko siyang tawagan. Matagal na rin kasi ang huling pag uusap namin at pagkatapos niyon ay hindi ko na sila nakausap pa dahil sa trabaho. "Pasensya na, masyado lang ako maraming iniisip ngayon kaya ngayon lang ako nakaalala." paumanhin ko.Sinabi ko kasi na aalis ako patungong Switzerland para puntahan sina Tita Linda. Wala pa akong plano sa ngayon, basta ang alam ko lang ay gusto kong umalis at lumayo muna pansamantala, hanggang sa maipanganak ko ang bata."Tatawagan mo ako ha, ready ako makinig sa mga chika mo, alam mo yan," sambit niya.Tumango naman ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Oo naman, tatawagan ko kayo ni Dexter." natatawang sambit ko.Tumagal pa ang pag uusap namin ni Ericka at natapos lang nang nakarating na ako sa airport. Nag abot ako ng bayad sa driver at bumaba. Tinulungan niya ako sa pagbaba ng d
Mabilis na lumipas ang mga araw ko rito sa Switzerland. Limang buwan na ang nakalipas simula nang dumating ako rito. Patuloy ang pag uusap namin nila Ericka at Dexter, maging si Architect James ay nangangamusta rin."Blake's company is failing," kwento ni Ericka nang minsang tumawag siya. Alam niya na hindi ko pa rin nasabi kay Blake ang tungkol sa pag bubuntis ko at alam niya rin ang dahilan kung bakit. I was crying my heart out the night I told her about what I saw before I went here.Wala naman akong naging kumento sa sinabi niya ngunit nag aalala ako, pero sa kabilang banda ay panigurado ay hindi naman siya iiwan ni Hailey. Nagulat ako sa balitang iyon, gusto ko man tanungin si Architect tungkol doon ngunit pinangungunahan ako ng hiya."Nag - enjoy ka ba, hija?" tanong ni tita pagka uwi namin. Galing kasi kami sa Altstadt, ang lugar dito sa syudad na katulad sa Vigan na nasa Pilipinas, pagkatapos namin doon ay tsaka kami naglakad lakad sa Lake Zurich.Wala akong masabi doon dahil
"Why didn't you even tell me, hija? Kailan pa? Shocks! Hindi ka pa nagpapa check up!""Anim na buwan na po tita,""What?! Are you taking any vitamins?" nanlalaki ang mga mata ni tita habang tinitignan ang buong katawan ko. "Tita, relax. Yes, I'm taking vitamins. I visit an OB before and she gave me vitamins that I need to take, until now I'm taking it," I explained. Nakahinga naman siya ng makuwag pagkatapos kong sabihin iyon. "I'll call my OB for an appointment, we'll visit his clinic tomorrow." mahigpit niyang bilin bago ako tinalikuran para tumawag sa OB niya.Kinabukasan ay maaga kaming nag tungo sa clinic ng OB niya, kasama namin sina tito at ang dalawa niyang anak. Weekend kasi at tuwing weekend ay nakaugalian na nilang mag bonding dahil kapag weekdays ay busy silang lahat. I can't help but feel happy for them. I hope that someday I can make my child happy as well. Kahit wala siyang ama, at kahit kaming dalawa lang. Tinanggap ko na sa sarili na hindi na namin kakailanganin si
"Mama," sambit ng batang ubod ng cute habang naglalakad patungo sa akin. Yakap yakap ang paborito niyang puting teady bear. "Yes, baby?" "Ich bin mude," napangiti ako nang idinukdok niya ang ulo sa hita ko nang makalapit. She said that she's sleepy.Binuhat ko siya at inupo sa aking hita, isinandal naman niya ang ulo sa dibdib ko. Napangiti ako. I stared at my Eva Claire. She's my Eva Claire. Sa tuwing ganito siya at naglalambing ay hindi ko makalimutan ang pag hihirap na dinanas ko habang dala dala ko siya at hanggang sa maipanganak, and now that she's four years old, I can say that I finally did it. Because despite of those struggles that I faced, I managed to give her the world, and I'll continue to give to her, as long as I live. Hinarap ko ang laptop ko nang mag reply ang kliyente ko, agad ko naman itong nireplyan kahit nahihirapan dahil naka kandong sa aking hita si Eva. Sa tulong ng mga naging kaibigan ko sa trabaho, I am now a freelance artist. Sinabi at itinuro sa akin