The First Daughter's Bodyguard
Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Reclaiming the Billionaire's Love
Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak.
Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella.
Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Her Obsession [gxg]
Lumipat ang kaniyang kaluluwa sa asawa ng Mafia Boss na kung saan ay matagal nang nakakaranas ng paghihirap habang kasama ang asawa nito. Clyde Cleomonte, a 21 years old na kung saan ay pinakasalan ng sapilitan ni Silvia Kill na Mafia boss.
"Hon, are you okay?", tanong ng babae saakin.
Hon? Bakit niya ako tinatawag na Hon at bakit nandito ako sa hospital?
Ang huli kong naaalala ay itinulak ako ni Blue, may tumulong ba saakin?
"Nasaan sina Blue? Nakulong naba sila?", tanong ko sa mga lalaking nakaitim. I think mga pulis sila pero bakit hindi sila nakauniporme?
"Whose blue? Hon, what happened back then?", tanong ulit ng babae.
Bakit ba Hon ang palaging tawag niya sakin? Hindi ko naman siya kilala. Napatingin ako sa salamin na kung saan ay nasa side wall, I saw that this is not my face. Nanlaki ang mata ko sa gulat, anong nangyari sa mukha ko at sino sila.
Lalapit na sana ang babae ng itinago ko ang katawan ko hanggang sa leeg ng kumot.
"Stay right there!! Wah mokong lapitan", sigaw ko kaya napahinto naman siya at nag aalalang nakatingin saakin.
"Do you- do you forget about me?", nauutal na sagot niya.
Biglang may lumitaw na batang babae around 3 ata galing sa kaniyang likod. Nakatingin na siya saakin ngayon.
"Mama?", tanong nito.
Wait, naguguluhan na ako. Sino ba sila at bakit tinatawag akong Mama ng bata.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo at wag mokong tinatawag na Mama!!" ,sigaw ko sa kanila.
Biglang umiyak ang bata at nagpabuhat sa babae. Kinarga niya ito at nagdilim ang tingin nito saakin.
Sino ba sila? I don't understand what's happening. Mama, i need you.
The Billionaire Slut
Magkaibigang naging biktima ng pang aabuso sina Cherry Lou at Annika. Inilihim nila sa pamilya nila ang masaklap na pangyayare sa buhay nilang magkaibigan, dahil hindi naman nila nakilala ang mga umabuso sa kanila at tanging tattoo na palatandaan lang ang nakita ni Cherry Lou sa isa sa mga lumapastangan sa kanila. Pinilit ni Cherry na kalimutan ang masamang nangyari sa kanya. Lumuwas siya ng Maynila upang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit sinubok pa rin ang katatagan nilang magkaibigan ng malaman nilang nagbunga ang pangwawalanghiya kay Annika. Itinago nila ang pagdadalang tao ni Annika sa pamilya nito at nang makapanganak si Annika ay inabandona ang sanggol. Si Cherry ang nagpakaina sa anak ni Annika. Nagkasakit ng Leukemia ang bata at natanggal sa trabaho si Cherry. Pikit matang namasukan sa club bilang topless dancer si Cherry upang makaipon ng malaking pera para sa operasyon ng anak- anakan. Inalok ng 3 milyong piso ni Anthony Buenavidez si Cherry upang maging bed warmer nito ang dalaga sa loob ng isang taon.
Tanggapin kaya ni Cherry ang alok sa kanya ng isang gwapong binatang bilyonayo?
Mabibigyan kaya ng hustisya ang pang-aabusong ginawa kina Cherry at Annika?
Finding Bilyonaryong Afam na Daks
Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
Tears of the Wife
Guinaid Katog
Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan.
Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila.
Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang .
Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar.
Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay.
Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal.
Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Aseron Weddings
Meet the Aserons. Ravin Aseron-Navarre, Simoun Aseron, Bastian Aseron and Giac Aseron.
They are the rich and gorgeous grandsons of billionaire Nemo Aseron. All of them are eligible bachelors. But none of them wanted to get married. Bagay na labis na tinututulan ng lolo nila.
Lolo Nemo Aseron is an old billionaire who wanted to see his grandchildren married before he passes away. Kaya naman plinano niya na ihanap ng mga mapapangasawa ang apat na apo niya na sina Ravin, Simoun, Bastian at Giac. Buo na ang plano ni Lolo Nemo na iparehas sila sa mga babaeng napili niya para sa mga ito. The old crafty and scheming billionaire was determined to arrange the next Aseron Weddings.
Ravin was the tough former Marine.
Could bratty heiress Shebbah tame his heart?
Simoun was the cold businessman.
Could quiet and shy Menchie melt his heart?
Bastian was the heartbroken bastard of the family.
Could former bad girl Aishell heal his broken heart?
And Giac was known as the Casanova Aseron.
Could straitlaced Elizabeth capture his elusive heart?
Are you invited to the next Aseron Wedding?
Kumpleto
Marry Me, Mr. Professor
Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
My Bestfriend's Affection
Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala.
Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Mamamatay Na Ako... Bukas!
Maja Rocha
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako —si Bianca. Sa maniwala kayo’t sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay.
Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? “BUKAS” na... Nakahanda ka na ba?
Lost in the world named Aragona
Mula sa isang normal na pamumuhay, isang binata ang biglang mapupunta sa isang mundo kung saan hindi niya alam kung ano ang klase at sistema ng pamumuhay rito. Ngunit hindi siya nag-iisa, makakasama niya sa kaniyang paglalakbay ang kaniyang mga kaibigan. Dito masusubukan ang kanilang samahan. Mag-uumpisa ang nobela sa isang Highschool student na si Mac Salas kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Jas Alcantara, Set Saja, Dane Santiago, Nads Vivar at Mercury Manuel. Isang Diyosa ang magdadala sa kanila sa mundo ng Aragona upang kanila itong maisalba mula sa muntikang pagkasira.
Pero ano nga ba talaga ang tunay na mangyayari at kakahantungan ng kanilang pagpunta sa ibang mundo?
A Cruel Twist of Fate
Haven Prado's mother sold her in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do something terrible to her. But due to fatigue she lost conciousness in the middle of a dark road and was rescued by a billionaire named Aries July Spinster.
Nang magising si Haven sa isang hindi pamilyar na silid at nagulat ng makita si Aries na kamukhang-kamukha nito si Marco, ang nagtangka sa buhay niya! Ang ipinagtataka ni Haven ay walang alam si Aries sa kanya at pinandidirihan siya kumpara kay Marco na gustong-gusto siyang angkinin!
Natagpuan na lamang niya ang sarili na ikakasal sa binata and this eventually leads Aries to hate Haven for putting him in a bad situation.
"Now that we're married, paano kung tutuhanin ko ang paratang mo sa'kin? Will I convicted of sexual assault by my own wife? sarkastikong sabi ni Aries at muli't-muling nakaramdam ng takot si Haven
Saan hahantong ang kapalaran ni Haven gayong sa mas malupit na tao siya napunta?
Magka-iba nga ba sina Aries at Marco o iisa lamang sila?
Paano kung pati ang puso niya madawit sa gulong kinasangkutan niya?
My Fake Nerd Girlfriend
Blessie ay isang Nerd na sekretarya ni Marius. Ayaw na ayaw ni Marius kay Blessie na maging sekretarya niya. Kaya ginawa ang lahat para umalis si Blessie bilang sekretarya niya. Hanggang sa nagkamabutihan sina Blessie at Luis. Pinsan ni Marius si Luis. Nag iba bigla ang naramdaman ni Marius.
Pag ibig na kaya ang nararamdaman ni Marius kay Blessie?
Importante ba ang pisikal na magandng mukha ng isang tao para mahalin?
TAKE ME BACK: The Engineer's Regret
Nang malaman ni Christelle Alessandra Galvez na s'ya ay nagdadalang tao ay excited s'yang ibalita ito sa kanya nobyo, kay Mir Leonel Alejandro, she wanted to surprise him on their fourth year anniversary but fate twisted when she caught her boyfriend cheating on her with her school mate, Sabrina. Nakipag hiwalay si Leonel kay Christelle at dahil nga buntis si Christelle ay nagmakaawa ito kay Leonel na wag itong ipagpatuloy, ngunit kahit sinabi na ni Christelle na buntis ito ay tuluyan pa ding nakipag hiwalay si Leonel matapos ang masasakit na salitang binitawan nito kay Christelle.
-------
Walong taon matapos ang nangyari at muling nagkita sina Christelle at Leonel sa isang coffee at dahil gustong makabawi ni Christelle ay nagkunwari itong hindi kilala si Leonel. Leonel couldn't accept the fact that Christelle denied him so, he did something unbelievable ---- He kidnapped Christelle and brought her in the middle of the sea where they are the only people there.
Christelle got mad at him and to ease Christelle's anger Leonel brought up an agreement, they will stay together on the yatch for a week nang hindi nag-aaway and after that, the agreement was off and Christelle can go back to her old life. Pumayag si Christelle sa paniniwalang wala namang ibang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo.
but the question is... What could possibly happen for week? Can she really hold her anger towards him until the end of their agreement?
First Birthday Cake
Maya Morenang Mangangatha
10 Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral.
Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo.
Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante.
Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
Ongoing
MY WIFE IS A HEIRESS AND A GENIUS HACKER
Si LIREAH Ang Nawawalang Tagapagmana Ng Mag Asawa na sina Doktora Leah Del Castillo at Ang kilalang tanyag na Businessman na Si CHARLES Del Castillo na nagmamay ari ng maraming property at malalaking business sa Pilipinas. si Dra. Leah Castillo naman ay nag mamay ari ng pinakasikat na mga pribadong hospital sa pilipinas. 20 yrs Ago Isang Napakagandang dalaga sa benguet si Lireah ang pinaka sikat na blogger sa taglay nitong kabaitan dahil sa pagtulong sa maraming tao sa Benguet ay nakapanayam sa show sa umaga na Kaygandang Umaga. At dito na magsisimula ang pagtuklas sa kanyang buong Pagkatao.
15 Days Fighting For Lives
Chika Margarita
Do you once imagine a place where there's a high paying job but cheap prices of supplies and low bills of rent, water and electricity?
Kilala ang Sitio De Villasarza dahil dito. Maraming tao ang lumipat dito dahil naniniwala silang sa hirap ng buhay ngayon ay malaking tulong sa kanila ang Sitio. There's a lot of advantages that their family can get.
But what if this place has a hidden goal and this benefit is just a plain plan to lure people inside?
Tatlong babae na sina Yuki, Deiji at Michelle ay naninirahan sa isang girl's dormitory sa loob ng Sitio De Villasarza kasama ang kambal ni Michelle na si Michael.
The four of them face a different and strange experience inside the Sitio De Villasarza and they soon meet Glenn, classmate of Michael who offered them help and protection. Maraming tao at grupo silang nakasalamuha at nakilala na naging advantage nila upang protektahan ang isa't isa ngunit hindi mapigilan ang mga pangyayaring nababawasan sila. Can they still be alive or they will be dead before help arrives?
The Wayward Daughter
msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'.
Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay.
Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong.
Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar.
Iisa ang ginagalawan.
Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik.
Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
PRINCESS DELA BOTE
ArLan28
Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan.
Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan.
Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin.
Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan.
Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa.
Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat.
Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana.
Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki.
Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas.
Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico.
Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana.
Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig.
Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
THE GANGFIA QUEENS
Napatawa sina Yanah at Emerald sa akto ni Marian. Lasing na kasi ito.
"Ayaw mo pa lang maputulan ng kaligayahan ang gagong Drix na iyon! Sinaktan ka na nga, may awa ka pa din!" Bulyaw ni Yanah.
"Ba-liw ka ba! Mag-pa-pa-anak pa ako sa hi-nayu-pak na 'yon! Sa-ka ko iwan!" Napabunghalit si Marian ng tawa sa na isip.
"Ay baliw! Lakas ng tupak mo, Mars! Mas malala ka pa pala sa amin ma-inlove!" Napapailing na sambit ni Emerald.
"W-Walang ba-sha-gan ng t-trip!" Bulalas ni Marian.
"What's happening here, Ladies!" Isang malamig na boses ang nagpalingon sa kanilang tatlo.
"Kylle"
"Sean"
"D-Drix!"
Sabay-sabay na bigkas nila ng sumulpot bigla sa harap nila ang tatlong mga greek god na seryoso na nakatingin sa kanila na walang kangiti-ngiti.