Nang makita ako ni Levie , halos manginig ang buong katawan niya sa takot. "Ah, Capt. Xian! Pasensya na po, hindi ko alam na kayo pala… Bakit po, may nagawa bang kasalanan si Karmela sa inyo kagabi?”"Hmm, so Karmela pala ang pangalan niya," napapabulong kong sabi sa aking sarili, pasimple akong napapangiti ngunit pilit kong inalis ito sa aking isipan dahil mas mahalaga sa akin ang malaman kung sino ba talaga siya at nasaan siya. Naglakad ako papalapit kay Levie, at binagsak ko ang kamao ko sa top counter. “Sabihin mo sa akin ang lahat ng alam mo tungkol kay Karmela, lahat ng detalye sabihin mo sakin!" matigas kong sabi.Nag-aalangang tumingin sa akin si Levie, ngunit alam niyang wala siyang magagawa.“ Capt. Xian " napaupo si Levie nagsimula na siyang magsalita sa akin. Unti-unti niyang sinabi ang lahat ng nalalaman niya tungkol kay Karmela. Lahat lahat. Kahit pa ang mga sikretong pinaka-tatago niya."Capt. pasensya na po talaga kayo. Hindi ko lang inaasahan na magugustuhan niyo s
Huling Na-update : 2025-03-06 Magbasa pa