Napatigil sa gulat ang investigator, ngunit bago pa ito makapagpasalamat, bumagsak muli ang malamig at matalim na tinig ni Xian."Pero kung papalpak ka, hindi mo gugustuhing malaman kung anong kaya kong gawin.""Yes, sir. Gagawin ko ang lahat." pagkasabi noon ay hindi na nag-aksaya pa ng oras ang imbestigador at nagpaalam na sa kaniya.Pagkalabas ng inmbestigador, ay agad na tinawagan ni Xian si Nate.“Nate,” sabi ko habang iniikot ang whisky sa baso ko. “Subaybayan mo si Yvette at Dwayne. Lahat ng kilos nila, gusto kong alam ko. Anong oras sila lumalabas, sino ang kinakausap nila, kung saan sila pumupunta araw-araw.”“Yes, sir. ” sagot niya.Sa tabi ng bintana ay tumayo si Xian na matalim na tumitig sa kawalan. Ngayon, lahat ng kaniyang hinala ay nakumpirma na- may isang makapangyarihang tao sa likod ng lahat ng nangyayaring ito. Ngunit kung iniisip ng mga ito na makakalusot sila, nagkakamali sila. Sila ang nagsimula at ako ang tatapos! “Dwayne… Yvette… simulan niyo nang magdasal,
Last Updated : 2025-03-22 Read more