All Chapters of Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan: Chapter 31 - Chapter 40

77 Chapters

Kabanata 031

Kinabukasan paggising ni Karmela ay malungkot siyang lumabas ng kaniyang silid. Pagbaba niya sa kusina, bumungad sa kanya ang amoy ng mainit na kape at halimuyak ng sinangag, tuyo, tocino at itlog. Napahinto siya sandali sa may pintuan at pinagmamasdan si Capt. Xian na abala sa paghahanda ng almusal. Suot nito ang simpleng puting shirt na may bahagyang gusot, at ang mga manggas ay itinaas hanggang siko habang mas maingat nitong inaayos ang pagkakapwesto ng pagkain sa mesa.Hindi maipaliwanag ni Karmela ang init na sumilay sa kanyang dibdib. Alam niyang ginagawa ito ni Capt. Xian hindi lang para pakainin siya kundi upang pagaanin ang loob niya para kahit sandali ay maibsan ang bigat ng kanyang alalahanin.“Good Morning!,” pagbati ni Karmela kay Capt. Xian habang lumalapit papunta sa mesa.Napatingin si Capt. Xian sa kanya na may maliit na ngiti sa kaniyang labi. “Good Morning! Naghanda na ako ng almusal para satin, para may lakas ka mamaya . Kailangan mong kumain bago tayo pumunta sa
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 032

Pakiramdam ni Karmela ay nawala ang tinik sa kanyang dibdib, at napayakap siya kay Capt. Xian. Hindi pa tapos ang laban, pero kahit papaano ay nagkaruon siya ng pag-asa."Pwede ko na ba siyang makita?" tanong niya at hindi pa rin maalis ang pangamba."Sa ngayon, hindi pa muna," sagot ng doktor. "Mas mabuti kung makapagpahinga rin kayo. Bukas, kapag mas stable na siya, maaari na kayong pumasok hanggang sa madala na siya sa kaniyang regular na room."Kahit mahirap, alam ni Karmela na tama ang doktor. Kailangang magpahinga rin sila. Kailangan niyang maging malakas pag humarap sa Mama niya. "Halika na," sabi ni Capt. Xian at hinawakan ang kanyang kamay. "Umuwi na muna tayo."Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Karmela bago tumango. Ngayon, ang tanging magagawa niya ay maghintay at umasa.Nang makarating sila sa bahay nila ay tahimik na nakaupo sina Capt. Xian at Karmela sa sala, pinag-uusapan nila ang mga huling detalye para sa pagbabalik ng Mama ni Karmela sa kanilang ba
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 033

Napatayo si Karmela at agad siyang lumapit kay Capt. Xian at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Xian… hindi ba delikado ‘to? I mean. Kung kayo ang maatasan. Nakita ko sa newsfeed ko na nagkakagulo na sa airport. Baka naman kung anong mangyari sayo?”Napangiti ng matamis si Capt. Xian, masaya siya sa narinig niya. Na COncern si Karmela sa maaring mangyari sa kaniya. Gayunpaman hindi siya kaagad nakasagot. Alam niyang hindi siya maaaring magsinungaling. Isa itong sensitibong flight sa kaniyang history, at anumang pagkakamali ay maaaring humantong sa matinding gulo.“Okay lang kami. Mag-iingat naman kami ni Matteo. Isa pa, ayokong ibigay sa ibang kamay ang flight na ito dahil gusto kong masiguradong maihatid si Dating Pangulong Agila sa tamang destinasyon, kahit dito man lang mapakita ko ang suporta ko sa kaniya at hindi ko iyon tatalikuran. Malaki ang naitulong niya sa charity na sinusuportahan din namin. Maaring sa ibang tao ay masama ang tingin sa kaniya, pero para sa akin naging
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Kabanata 034

Tumango ang opisyal, saka sumeryoso ang mukha."Nasa critical stage na tayo. Ang dating pangulo ay nasa loob pa ng VIP lounge. Sinusubukan pa nilang pag-usapan ang terms ng kanyang pagsuko. May clearance na din tayo mula sa tower. Sa oras na sumakay siya ay maari na kayong umalis.”Nagkatinginan sina Xian at Matteo. Ibig sabihin, ganuon kalala ang sitwasyon. anumang oras ay puwedeng sumabog ang sitwasyon.Biglang bumusina ang radyo ng isa sa mga operatiba.Nagbigay ng huling utos ang kanilang superior. "Stand by. Mula sa labas ay maririnig ang sigawan ng mga tao na lalo pang lumalakas.Ilang minuto lang ang lumipas ay nakasakay na ang dating pangulo sa private plane. Sinimulan na ni Capt. Xian at kaniyang co-pilot ang pag-check ng kanilang check list bago tuluyang paandarin ang eroplano. Ilang segundo pa ang nakalipas ay nagsimula na ding magsalita si Capt. Xian.Ladies and gentlemen, evening. Welcome on board on flight 467. This is Captain Xian Herrera and I am here with my Co-Pi
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Kabanata 035

“Captain okay ka lang?” tanong ng kaibigang si Matteo“Okay lang ako. Gusto ko lang munang magpahinga, mahaba na naman ang flight natin pabalik sa Pinas.” sagot niya sa kaibigan. Tumango na lang din si Matteo dahil kahit siya ay pagod din sa mahabang oras ng biyahe.Pagkapasok niya sa kanyang kwarto, isinara niya ang pinto at hinayaan ang sarili niyang sumandal sa malamig na wall. Muli niyang naramdaman ang bigat sa katawan niya ,pagod sa biyahe, sa emosyon, sa lahat ng nangyari. Hindi niya kayang ipikit ang kanyang mga mata nang hindi naiisip ang bawat detalye nang misyon nila ngayong araw. Ngunit may isang bagay na mas matimbang para sa kaniya at tanging naiisip lang niya, ang muling makapiling ang kanyang asawa.Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan si Karmela. Ilang beses itong nag-ring bago niya narinig ang pamilyar na tinig ng babaeng pinakamahalaga sa kanya."Hello?"Sa unang pagkakataon sa buong araw, tila may bumawas sa bigat na kanyang nararamdaman. "Si Xian
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Kabanata 036

Matapos ang mahabang byahe ni Xian pabalik na Pilipinas , kahit na pagod ay gusto niyang dumiretso sa ospital para makita ang kaniyang asawa. Pagbaba pa lang niya ng eroplano ay nagpaalam na siya kaagad kay Matteo, habang naglalakad sa lounge ay hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad siyang tumawag kay Karmela, ang kanyang asawa."Hello Karmela, Pilipinas na ako."Mula sa kabilang linya hindi napigilan ni Karmela ang kaniyang sarili na makaramdam ng tuwa sa pagbabalik ng kaniyang Ninong. "Talaga?! Akala ko na-hold kayo?! Sana naghanda ako ng kahit na ano sa bahay, teka bibilinan ko na lang si Althea. Uuwi ako sa bahay ngayon!” nagmamadaling sabi ni Karmela pero agad ding sumagot si Xian."Wag na, Papalabas na ako ng airport ngayon. Saka didiretso na ako ngayon diyan sa ospital. Wag ka ng mag-abala. O-order na lang ako ng pagkain natin. I message mo na lang sakin ang gusto mong kainin.” "Ha? Hindi ka na muna uuwi sa bahay? Baka napagod ka sa biyahe! Mas okay lang din na makapagpa
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Kabanata 037

Matapos ang ilang oras sa ospital, nagpasyang umuwi sina Xian at Karmela. Nagpaalam na muna si Karmela sa kaniyang ina na sa bahay na muna nila siya matutulog. Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang si Karmela habang nakatingin sa labas ng bintana."Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Xian habang hawak ang manibela.Huminga nang malalim si Karmela bago sumagot. "Wala na-miss lang kita. Masyado talaga akong nag-alala sayo lalo na ng makita ko ang ngyayari sa airport."Napangiti si Xian at hinawakan ang kamay ng asawa. "Wala naman nangyari sa akin, kaya wag ka ng mag-alala""Alam mo, gusto ko na ulit bumalik sa bahay sa probinsya. Doon sa bahay mo malapit sa dagat."Napatingin si Xian sa kanya. "Bakit? Ayaw mo na dito?" Umiling si Karmela saka sumagot "Hindi naman sa gano'n. Masaya ako dito, pero gusto ko sana paglabas ni Mama doon na tayo maninirahan sa beach para mabilis na mag recover si Mama. Gusto kong bumalik ang dati niyang sigla. Kung okay lang sayo"Tahimik lang si
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Kabanata 038

Huminga nang malalim si Carmi dahil pilit niyang nilulunok ang kaniyang emosyon. "Anak, alam ko naman na mangyayari 'to... pero ang sakit pa rin palang makita mismo ng sarili kong mga mata."Napahagulgol si Karmela kahit anong piit niya sa nararamdaman niya ay nalulungkot talaga siya "Mama, magpapakalbo din ako. Para parehas na tayo."Ngunit kahit anong sabihin niya, nakita niya ang luha sa mga mata ng ina.Pagpasok ni Xian sa kwarto, agad niyang napansin ang lungkot sa mukha ni Carmi. Lumapit siya at dahan-dahang inilabas ang isang headscarf mula sa kanyang bag.Lumuhod siya sa harap ng biyenan at inabot ito. "Carmi, para sa iyo."Hinaplos ni Carmi ang tela, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon."Salamat, Xian... Alam mo ba, takot na takot akong magising isang araw at makita ang sarili kong wala nang buhok. Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawala."Umupo si Xian sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Ano ka ba naman Carmi, buhok lang 'yan. Bukas na bukas di
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Kabanata 039

Napatingin siya kay Xian ng may pagtataka. “sige sagutin mo, baka importante” mahina ngunit matatag nitong sabi.Dahan-dahang sinagot ni Karmela ang tawag. “Hello? Good evening”Imbes na masayang tinig, isang malamig at seryosong boses ang narinig niya mula sa kabilang linya. “Hello, si Ms. Karmela po ba ito? Ako po si Cynthia, ang secretary sa ospital kung saan naka-confine ang Mama ninyo.”Hindi maintindihan ni Karmela kung bakit biglang kumalabog ang dibdib niya. “Opo, ako nga po ito,” sagot niya, pilit pinapatatag ang boses niya. “Bakit po? May problema po ba kay Mama?”Isang malalim na buntong-hininga ang narinig niya mula sa kabilang linya. At nararamdaman na niya kaagad na parang may mali dahil hindi kaagad nagsalita ang babae mula sa kabilang linya. Agad na kumabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. “Karmela,” nagsimulang magsalita ang secretary ng ospital at dahan-dahan siyang nagsalita. “I’m sorry to inform you… ang Mama niyo po… wala na siya. Nagkaroon ng komplikasyon, sinub
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Kabanata 040

Hindi niya ganoon kabilis matatanggap ang nangyari. Hanggang sa maramdaman niya ang malamig na karayom na dumampi sa kanyang balat. Napalingon siya at nakita ang isang nurse na may hawak na syringe. Doon niya napagtanto na tinurukan na pala siya ng isang pampakalma. Hinalikan siya ng kaniyang Ninong sa kaniyang ulo at nag-aalalang nagsalita “magiging okay din ang lahat, magpahinga ka muna.” Ilang segundo lang nakalipas at hindi niya na naipaglaban pa ang sarili. Unti-unting bumigat ang kanyang talukap, hanggang sa tuluyan siyang bumigay sa dilim.Ilang oras na din ang nakalipas at nagising na muli si Karmela, nakita niya sa tabi ng kanyang kama ang kaniyang Ninong Xian na nakaupo, nakayuko, at halatang pagod. Pero sa kabila ng pagod nito, nanatili itong gising na nagbabantay sa kanya. Nang makita nitong nagising na siya ay agad nitong hinawakan ang kanyang kamay.“Xian…” mahina niyang tawag habang tumulo ang kanyang luha. “Si Mama…”Hindi na niya natapos ang sasabihin. Napuno na siy
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more
PREV
1234568
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status