All Chapters of Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan: Chapter 21 - Chapter 30

77 Chapters

Kabanata 021

“Hindi naman kailangang maging perfect, Erika. Gusto ko… simple lang. Gusto ko lang na maging ako kung okay lang?" mahina kong tanong, hindi ko alam kung natatakot ba ako o nahihiya. Mabilis ko lang din siyang nakagaanan ng loob dahil sa palangiti niyang ugali."by the way im Erika ang kaibigang fashion designer ni Capt. Xian, mukhang special ka para kay Capt. Xian dahil dinala ka niya dito sa akin. Ikaw pa lang ang pangalawang babae na dinala niya dito." sabi niya sa akin ng walang filter. Nagtaka ako at napatanong sa sarili ko. Sino ang isang babaeng dinala niya pero wala na akong pakielam dun ang mahalaga matapos na lahat ng ito. Pangungumbinsi ko sa aking sarili. "ahhh Erika basta simple lang ang gusto kong maging ayos. Para komportable pa rin ako sa pagkilos ko" pakiusap ko sa kaniya.Nakita ko ang pagkagulat niya sa aking sinabi. "Owww! weird! that's why Capt. Xian likes you! Sanay ako sa mga kliyenteng handang magbago lalo na at no limit ang binigay ni Captain Xian para ayusa
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

kabanata 022

Ilang minuto ang lumipas habang abaka kami ni Erika sa pag-uusap, ay dahan-dahang bumukas ang kurtina sa fitting room.“Ayan na pala siya!” pagkasabi ni Erika ay dahan-dahan akong lumingon, pakiradam ko ay huminto ang oras. Dahan-dahang naglakad siya papalapit sa amin , na halos nahihiya. Kumislap ang mga mata ko at sumilay ang matamis na ngiti mula sa aking labi, napaka-gandang pagmasdan ng pulang fitted dress na may mahabang slit sa gilid, ang biyak niya sa kaniyang harapan ay tamang tama lang para ipakita ang kaniyang namumutok na dibdib. Ang pulang chiffon dress at satin ay umaagos sa kanyang katawan at nagdadala ng isang eleganteng aura. Parang hinubog talaga ang damit na iyon para sa kaniya. Sa unang pagkakataon nakita ko si Karmela na nakasuot ng formal attire. Sa kanyang mga paa, nakasuot siya ng mga satin na sapatos na may mataas na takong, kumikislap ito sa kaniyang bawat hakbang.Ang kanyang buhok ay inayos sa isang classy bun, na may mga maliliit na alon na bumabagsak sa
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Kabanata 023

Tumango siya, pero kita ko pa rin ang kaunting kaba sa kanyang mga mata. Sa totoo lang, may bahagi sa akin na natutuwa ako dahil hindi niya tinatago ang pagiging totoo niya, kahit na kabado siya hindi pa rin nawawala ang ganda niya sa simple niyang ganda.Pagdating namin sa tapat ng bahay ni Lola, tumigil ako sandali bago bumaba ng kotse. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Karmela, at bahagyang pinisil iyon.“Karmela, basta nandito ako para sayo okay?!. Walang dahilan para mag-alala. Basta kumilos ka lang nang naayon sa kagustuhan mo… magiging maayos ang lahat.” mahina kong tugon sa kaniya.Tumango siya, at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti nang may kaunting kumpiyansa. At bigla siyang nagsalita sa kaniyang sarili “Kaya ko ’to.”Napatawa ako ng bahagya. Magkasabay kaming pumasok ni Karmela sa loob ng bahay ni Lola. Pagpasok namin sa loob ng bahay, agad kong naramdaman ang bigat ng mga taong nakatingin sa amin. Sa gitna ng sala ay nakaupo si Lola at may
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Kabanata 024

KARMELA POVHabang nagmamano ako sa Lola ni Ninong. Piit na piit ako sa nararamdaman kong pag-iyak. Yumuko ako at nagpakita ng respeto at pasasalamat, halos tutulo na ang mga namumuong luha sa mata ko. Pero ayokong gumawa ng eksana sa harapan ng lahat lalo pa at ang sentro ng kanilang mga tingin ay nasa amin. Kinagat ko ang labi sa loob ng aking pisngi at pilit na ngumiti. Pakiramdam ko sa puso ko ay para akong isang batang nakahanap ng kakampi matapos awayin ng kalaro. Sa unang pagkakataon sa buhay ko nakaranas ako ng ganuong klaseng pagka-pahiya. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang maging parte ng buhay ni Ninong. “Thank you po, Lola sa pag-invite samin. Happy Birthday po ulit” muli kong pagbati sa matanda.Samantalang sa gilid sa di kalayuan sa amin ay nakita ko si Yvette na tahimik na umiinom ng kaniyang alak habang matalim na nakatitig samin ni Ninong. Babae din ako kaya ramdam kong kahit na ganun kasasakit ang sinabi niya sa akin ay ramdam kong may matindi talaga siyang sama
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Kabanata 025

Nagpipigil ako ng luha ko at pilit na pinapalakas ang loob ko, pero ramdam kong tinatamaan ako sa bawat salitang binibitiwan niya. Parang pinira-piraso niya ang buong pagkatao ko, pakiramdam ko ay nilalamon niya ang confidence ko sa sarili ko. Hindi mawala sa isip ang salitang sino ba naman ako para mag demand?“Ito ang tatandaan mo babae! Wala kang karapatan na pumunta dito. Isang hamak na bayarang babae na nagsu-sumiksik sa buhay ni Capt. Xian. Hindi ka bagay sa kanya, Karmela. Ang totoo, kahit anong gawin mo, walang sinuman dito ang tatanggap sa’yo. Let’s say oo sa ngayon pinili ka niya, pero tandaan mo dadating ang isang umaga na magigising din si Capt. Xian. Mapapansin din niya kung gaano kababa ang babaeng pinili niya. Hindi ikaw, ako at kahit kailan hindi mo mapapantayan ang kung anong pinagdaanan namin ni Capt. Xian!”Pakiramdam ko’y tinutulak ako pababa sa putik. Napatingin ako sa kanya at pinipilit ang sarili kong maging matatag, pero kahit anong tapang ang pilit kong ipaki
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Kabanata 026

Panay ang lingon ni Captain Xian habang hinahanap si Karmela, ngunit hindi niya ito makita. Nang masiguradong wala ito sa paligid, sumiklab ang matinding galit sa kanyang dibdib. Kumakabog ang kanyang puso sa bawat segundo, at alam niyang may mali. Sigurado siyang may sinabi si Yvette kaya ito umalis ng biglaan.Habang papalapit siya kay Yvette ay lalong umiinit ang kanyang galit, halos hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili. Hindi niya hahayaang lumipas ang nangyari na parang wala lang. Hindi niya kayang makita si Karmela na umiiyak dahil sa masasakit na salitang binitiwan ni Yvette. Hindi niya ito palalampasin."Yvette!" sigaw niya na punog ng galit at pait sa lakas nito ang lahat ay napatingin sa kaniya. Lumingon si Yvette na may pilyong ngiti sa kaniyang mga labi pero hindi iyon nagpagaan ng damdamin ni Captain Xian. Ang mga mata niya ay puno ng hinagpis at poot na hindi na niya kayang itago. Habang papalapit siya ay ramdam niya ang bigat ng bawat pag-hakbang niya. Wala na s
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 027

At iyon ang lalong nagpalalim ng pag-aalala niya."FVCK, NASAN KA BA, Karmela?!" Halos sumabog ang boses ni Captain Xian habang muli niyang sinubukang tawagan ang numero ng asawa niya. Ilang beses man niyang ulit-ulitin ang pag dial ay walang sumasagot sa kaniya. Ang bawat segundong lumilipas nang hindi niya ito nakikita ay parang patalim na tumatarak sa kanyang dibdib.Mabilis siyang huminto sa gilid ng kalsada at hinugot ang cellphone niya sa kaniyang tabi at pinindot ang speed dial. Ang galit sa kanyang tinig ay ramdam hanggang sa kabilang linya.“Peter!” sigaw niya sa telepono, halos mabasag ang hawak niyang device dahil sa diin ng pagkakakapit niya dito. “Hanapin niyo si Karmela. Ngayon din! Ikutin niyo ang buong lugar, hindi kayo titigil hangga’t hindi niyo siya nakikita. Kung kinakailangan niyong katukin ang lahat ng pinto sa siyudad, gawin niyo. Huwag kayong babalik sa akin nang hindi siya kasama! Sabihan mo na rin ang lahat ng mga tauhan natin!"Ipinaliwanag ni Captain Xian
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 028

"Huwag niyong hayaang maubos ang pasensya ko, Peter" bulong niya, ngunit sa bawat salita ay may matinding pagbabanta. "Kapag hindi niyo siya nakita, kayong lahat ang magbabayad. "Huminga siya nang malalim at pilit kinakalma ang sarili, ngunit wala na siyang lakas pang magpigil. "Kung gusto niyong manatiling buhay, hanapin niyo siya! Hindi ako titigil hangga’t hindi niyo siya natatagpuan. Isakripisyo niyo ang lahat, gamitin niyo ang bawat koneksyon at pera para lang hanapin siya!" Sa kabilang linya, walang naglakas-loob na magsalita. Puro mahihinang "Yes, boss," lang ang narinig niya. Alam ng kanyang mga tauhan na hindi ito simpleng galit, ito ay galit na walang kapatawaran. Sinumang haharang sa kanya ay siguradong hindi tatagal.Sa pagkakataong ito, hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Karmela. Hindi niya kayang isipin ang posibilidad na mawala ito sa kanya.Dapat sana'y dumiretso na siya pauwi, ngunit hindi siya nakatiis. Lumiko siya at nag-ikot-ikot sa mga posibleng lu
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 029

Nararamdaman ni Capt. Xian ang bawat patak ng luha ni Karmela habang nakayakap ito sa kanya. Alam niyang ang bawat hikbi nito ay dulot ng sakit na idinulot ni Yvette, isang bagay na hindi niya kailanman matatanggap. Hindi niya kayang makita si Karmela sa ganitong kalagayan, basag, durog, at nawawalan ng pag-asa. Kung gaano niya ito kamahal, ganoon din katindi ang galit niya kay Yvette.“Nakakagalit,” bulong niya sa sarili habang hinahaplos ang likod ni Karmela, pilit na pinapakalma ito.“Xian… bakit siya gano’n?” Nanginginig ang boses ni Karmela, puno ng hinanakit. “Ano bang nagawa ko para tratuhin niya ako nang gano’n? Hindi kita inagaw kanino man, lahat ng ginagawa ko para sa Mama ko pero hindi ko kayang gawan ako ng ganoong kahihiyan. Please pwede ba nating ihinto na ito?! Ayoko na! Lahat ng ginastos mo para sa Mama ko ibabalik ko din.”Nang marinig iyon, lalong sumikip ang dibdib ni Capt. Xian at tumindi ang kaniyang galit.“Karmela,” mahinahon niyang sagot, pilit pinipigilan ang
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Kabanata 030

Tumingin si Karmela na parang maamong kuting “paano ang pamilya mo? Paano kung itakwil ka nila?”“Hey! Karmela, hindi kita pipiliin kung hindi kita kayang ipaglaban. Oo, mahalaga sa akin ang pamilya ko, pero ikaw ang pinili kong mahalin kaya matatanggap nila yun. Huwag mong isiping iiwan kita. Hinding-hindi mangyayari iyon.”Muling yumakap si Karmela kay Capt. Xian, at naramdaman niya ang init ng katawan nito laban sa kanya. Alam niyang natatakot pa rin ito, ngunit gusto niyang iparamdam dito na kasama niya ito na hinding-hindi niya ito iiwan, kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon.“Karmela,” mahina niyang bulong habang pinipigilan ang galit na bumabalot sa kanyang dibdib. “Alam kong hindi ito madali, pero gusto kong ipangako sa’yo na lahat ng sakit na dinanas mo, lahat ng panghuhusga, at lahat ng ginawa ni Yvette, babawiin ko iyon para sa’yo. Aalagaan kita at ipaparamdam ko sa’yo na karapat-dapat ka sa lahat ng pagmamahal ko.”“Xian…” mahinang sagot ni Karmela, ngunit halata pa rin an
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more
PREV
1234568
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status