Nang makita ako ni Ninong, ngumiti siya at tila nagpapanggap na walang masama sa kanyang presensya.“Hi Karmela!” Hindi ako nakapagsalita kaagad. Para akong nawala sa aking sarili. “Ah, nandito ka na pala, Karmela,” pagbati niya sa akin, binigyang-diin ang mga salitang tila walang kabutihan. “Kinakausap ko lang ang Mama mo. Ang saya saya niya, ’di ba?”Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi, ngunit pilit kong tinatago ang takot na sumasalubong sa aking puso. Kalmado akong lumapit kay Mama na may matapang na mukha tumingin kay Ninong. "Mama," masaya kong binati si Mama, sinisikap kong ngumiti sa harapan ni Mama dahil ayokong mag-isip siya ng hindi maganda. "Naghahanda na ako ng prutas para sa’yo. Kamusta ka naman dito?"Sh*t!, anong ginagawa niya dito, naikwento na kaya niya kay Mama ang tungkol sa nangyari sa amin? pati ang pagsasayaw ko sa club?"Mabait itong Ninong mo, Karmela, at kwela. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito," masayang sagot ng akin ni Mama,akahinga ako n
Last Updated : 2025-03-07 Read more