Hindi agad sumagot si Xian. Sa halip, inusod niya ang upuan niya sa tabi ni Karmela. Nang magtabi na silang dalawa ay huminga siya nang malalim bago nagsalita.“Karmela,may mga bagay sa buhay ko na hindi ko pa kayang sabihin sa’yo sa ngayon. Hindi dahil ayaw kong magtiwala sa’yo, pero dahil ayokong madamay ka sa gulong posibleng idulot nito sayo.”Hinawakan ni Karmela ang kamay niya, ramdam ang sinseridad sa boses nito. “Capt. Xian, kahit ano pa ’yan, gusto kong malaman. Deserve kong malaman.”Muli, tumitig si Xian sa kanya . Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Karmela.“Basta ang tandaan mo,” mahina ngunit matigas ang tono ng boses ni Xian, “lahat ng ginagawa ko, para sa’yo. Para maprotektahan ka.”“Maprotektahan?” umiling si Karmela. “Xian, hindi naman na ako bata. Kaya ko rin ang sarili ko.” Ngunit sa kabila ng kanyang pagtutol, may kung anong init sa dibdib niya sa pag-aalalang ipinapakita ni Xian.Ngumiti si Xian ng bahagya. “Alam ko. Pero minsan, hindi naman sigurong masama n
Terakhir Diperbarui : 2025-03-19 Baca selengkapnya