Pagpasok namin sa bridal boutique, napahanga ako sa dami ng magagandang gown. Nasa harapan ko ang iba’t ibang klase na may lace, satin, beads, at kahit simpleng designs. Pero hindi ko alam kung alin ang pipiliin ko.Habang abala ako sa pagtingin, hinila ako ni Rochelle. “Karmela, tingnan mo to!” Itinuro niya ang isang gown na may intricate lace design at mahabang train. “Girl bagay na bagay sayo to!”Pero ang mata ko ay napako sa ibang design. Isang gown na simple pero elegante sweetheart neckline, gawa sa finest satin, at may kumikislap na beadwork sa ilalim ng ilaw. Tinuro ko iyon, at agad nila akong hinila sa fitting room.Nang isuot ko ang gown, parang tumigil ang oras. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, at sa unang pagkakataon, nakita ko kung ano ang magiging hitsura ko bilang bride ni Xian. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ako.Lumapit si Rochelle sa akin, namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. “Ang ganda mo, girl. Nakakainis ikakasal ka na talaga. And this time totoong kas
Last Updated : 2025-04-05 Read more