HABANG NASA klase siya, biglang nagbigay ng task ang kanilang professor na kailangan daw nilang maghanap ng magiging partner nila para sa task na iyon. Hindi niya maiwasang ilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid. Sa katunayan ay wala siyang malapit na kaibigan sa paaralan, saktong kakilala lang niya ang kanyang mga kaklase dahil hindi naman siya nangahas na makipag-kaibigan at wala din namang nanghas na kaibiganin siya.Kaya ngayon na kailangan niya ng partner ay hindi niya maiwasang hindi isipin kung may gugustuhin bang maka-partner siya. Idagdag pa na mukhang siya na lang naman na ang natirang walang partner at kung mag-isa siyang gagawa ng task ay okay lang din naman sa kaniya. “Asha, gusto mo bang maka-partner ako?” tanong bigla sa kaniya ni Alice na katabi niya.“Wala ka pa bang partner?”“Meron na pero kung wala kang partner…” tumigil ito at pagkatapos ay nilingon ang nasa likod namin. “May partner ka na Nick?” tanong nito dahilan para lumingon din siya.Umiling ito kaya a
Last Updated : 2025-02-25 Read more