All Chapters of ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE: Chapter 31 - Chapter 40

114 Chapters

Chapter 31

ALAM NIYANG sobra ang galit sa kaniya ng taong nasa harapan niya. Sagad hanggang sa mga buto niya at habang dumadaan ang araw ay patindi ng patindi pa ito. Pero ang totoo niyan ay hindi niya maiwasang masaktan kapag naririnig niya ang mga maparatang sa kanyang ina na wala naman silang ebidensya. Kahit na ayaw niya sanang makipag-argumento kay Lawrence ay wala na siyang magagawa pa lalo pa at ito mismo ang nag-umpisa dahil wala naman siyang ginagawang masama rito.“Kung ayaw mong marinig ang mga sinasabi ko, e di umalis ka na sa buhay namin!” seryosong sabi nito sa kaniya.“Ilang beses ko ng sinabi sayo…” huminga siya ng malalim at pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito. “Sige. kung gusto mo talagang mawala ako sa buhay mo ay bayaran mo na lang ako. Gusto mo ba?” matapang na hamon niya rito.Ngumiti ng bahagya nang marinig nito ang sinabi at pagkatapos ay hinawakan nito ang baba niya at yumuko palapit sa kaniya. “Yan lang ang hinihintay kong sabihin mo. handa akong magbayad basta sigur
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 32

PINAGDIKIT NIYA LANG ang kanyang mga labi ngunit hindi siya sumunod sa utos nito. Naging matalim ang mga mata ni Lawrence at nagulat siya nang bigla na lamang itong yumuko at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Hinawakan din nito ang kanyang mukha dahilan para hindi niya maigalaw ang kanyang ulo.Pinilit niyang makawala mula sa mga labi nito. Ang kanyang mga kamay ay ipinatong niya sa dibdib nito at itinulak ngunit sadyang malakas talaga ito at ayaw siya nitong pakawalan. Ipinasok nito ang dila sa kanyang bibig at ginalugad ang bawat parte nito.Marahan din nitong kiinagat-kagat ang kanyang mga labi hanggang sa biglang naging mariin ang halik nito at hindi nagtagal ay nalasahan na niya ang lasa ng dugo sa kanyang bibig na may kasamang hapdi. “Ahh…” ungol niya dahil sa sakit ngunit hindi ito tumigil. Kahit na anong tulak niya rito ay para itong walang pakialam sa kaniya. Hindi na niya naiwasan pang mangilid ang kanyang luha. Bakit nito ginagawa iyon sa kaniya? Parusa ba nito iyon kaya
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 33

NAKITA NIYA pa lang ang mga mata ni Lawrence ay alam niya na kaagad kung ano ang iniisip nito. “Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong nito sa kaniya.Tumango naman siya rito. “Oo.” sagot niya at dali-dali nang bumaba mula sa lababo pagkatapos ay pumunta na sa loob ng banyo upang maghugas na rin. Napabuntong-hininga siya pagkatapos nito.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto tanda na lumabas na ito kasunod ng mga yabag nito. Huminga siya ng malalim. Ayaw na niyang may mamagitan pa sa kanilang dalawa kay ang-isip siya. Hindi siya pupunta sa opisina nito. Dali-dali siyang lumabas doon at naglakad pababa hanggang sa tuluyan na siyang makalabas pagkatapos ay sumakay ng taxi. Umuwi siya ng mansyon at hindi sinunod ang gusto nito.Habang nakasakay siya sa taxi ay nag-isip siya. Sinabi niya sa sarili niya na simula ngayon ay hinding-hindi na niya papayagan pa na maulit na may mangyari sa kanila. Kahit na gusto niya ito at may nararamdaman siya para rito ay kailangan niy
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 34

MABILIS NA LUMIPAS ANG isang linggo. Kung dati ay pinapatulong siya ng matanda sa opisina ni Lawrence pagkatapos ng mga klase niya ay gumawa siya ng dahilan para hindi pumunta doon. Sinabi niya na marami siyang dapat gawin na ipapasa sa kanilang paaralan kahit na wala naman talaga para lang maiwasan niya si Lawrence. Kahit na hindi niya ito nakikita ng isang linggo ay alam niyang hindi pa rin nagbabago o ni nababawasan man lang ang kanyang nararamdaman.Nang araw na iyon ay araw na para sa pag-alis ni Don Lucio papuntang ibang bansa para magpagamot. Sa kabila ng pakiusap niya rito na isama siya nito ay hindi pa rin siya nitong isinama. Wala na siyang choice pa kundi ang makita si Lawrence. Tiyak na hindi niya ito maiiwasan.“Tatawag ako paminsan-minsan para hindi ka mag-alala sa akin hija.” sabi nito at nginitian siya. “Huwag kang mag-alala sa akin.” dagdag pa nitong sabi at hinaplos ang kanyang buhok.Nginitian niya lang din naman ito at tumango. Lumingon ito sa may pinto. “Gabi na a
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 35

SA TOTOO LANG ay wala sana siyang balak na kausapin ito at akmang lalampasan na lang niya ito nang bigla na lang itong nagsalita. “Narinig mo naman siguro ang sinabi ni DAddy na alagaan kita hindi ba?” tanong nito sa kaniya.“Oo.” kaagad niyang sagot dito at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mansyon.Kaya lamang ay narinig niya ang mga yabag nitong nakasunod na sa kaniya. “Saan ko ba dapat simulan ang pag-aalaga sayo mahal na prinsesa?” may himig ng panunuya na tanong nito sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa kanyang paglalakad at mapalingon dito.“Alam mo, kung ayaw mong gawin ang iniutos sayo ay huwag mong pilitin yang sarili mo dahil hindi naman kita inoobliga at higit sa lahat ay hindi ako magsusumbong.” sabi niya rito.“Talaga ba huh? Baka baliktarin mo na naman ako palibhasa ay alam mong palagi namang pinaniniwalaan ni DAddy ang mga sinasabi mo.” pahapyaw na pagpaparinig nito sa kaniya.“Lawrence, kung ako sayo ay bumalik ka na lang sa condo mo. okay lang ako.” sabi niya rit
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 36

HINDI SIYA NAGSALITA. Tahimik lang siyang nakinig dito kahit na nasasaktan siya. “Habang wala si DAddy dito ay sisiguruhin ko na walang araw na hindi ka makakaramdam ng paghihirap hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko at ang magkusang umalis dito para magpakalo-layo.” makahulugang sabi nito sa kaniya.Halos mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi ka pa ba nakukuntento sa ginagawa mo?” mahina niyang tanong dito. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang pagbabanta nito sa kaniya pero hindi pa ba sapat para rito ang sakit na ibinibigay nito sa kaniya kapag nagkikita sila? Anong klaseng paghihirap pa ba ang gusto nito?Tumaas ang sulok ng labi nito bago sumagot. “Sa tingin mo ay makukuntento ako? Tyaka lang ako makukuntento kapag tuluyan ka ng nawala sa buhay ko.” sabi nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatitig sa kaniya. Kahit na palagi na lang itong ganun sa kaniya ay bakit ba hindi pa rin mawala-wala ang nararamdaman niya para rito? Tumitig siya sa mga mata nit
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 37

PAGKATAPOS NG LAHAT ay dali-dali niyang pinulot ang kanyang nagkalat na mga damit sa sahig at pagkatapos ay agad na dumiretso sa kanyang silid habang patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Bugbog ang kanyang katawan dahil sa kanyang panlalaban at ang mga maririiing hawak ni Lawrence sa kaniya.Sa kanyang dibdib ay may mga mapupulang mga marka na iniwan ng labi ni Lawrence doon. Pagkasara niya ng pinto ng kanyang silid ay agad siyang napasandal dito at unti-unting napadausdos hanggang sa tuluyan na siyang napasalampak sa sahig.Kaalis lang ni Don Lucio pero ganito na ang inabot niya kay Lawrence. Paano na lang kaya sa mga susunod pang mga araw? Idagdag pa na patapos na ang pasok niya. Tiyak na wala siyang ligtas dito. Paniguradong ilang buwan din sa ibang bansa ang matanda pero ang buwan na iyon ay magiging isang taon para sa kaniya lalo pa at tiyak na puro hirap ang aabutin niya sa kamay ni Lawrence.Sa totoo lang, kahit na sobrang mahal na mahal pa niya si Lawrence ay hindi siya masaya
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 38

HABANG KASAMA NIYA si Lester, kahit papano ay nakalimutan niya si Lawrence. Katatapos lang nilang manood ng sine ng mga oras na iyon at palabas na sila sa sinehan nang tanungin siya nito. “Saan mo susunod na gustong pumunta?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ko alam. Parang gusto ko ng umuwi…” hindi niya namamalayang masabi rito.“Hindi ka ba nag-enjoy na kasama ako?” biglang tanong nito sa kaniya dahilan para mapalingon siya rito ng wala sa oras. Hindi niya sinasadya na sabihin iyon pero kasi, pakiramdam niya ay drain na drain na siya at ang tanging gusto na lamang niyang gawin ay ang mahiga sa kanyang kama.“Hindi naman sa ganun…” nahihiyang sagot niya rito.Ngumiti naman ito sa kaniya. “Di bale. Gabi na rin naman kaya mas mabuti pang umuwi na tayo para hindi mag-alala ang mga taong naghihintay sa atin lalong-lalo na sayo.” makahulugang sabi nito sa kaniya.Mabilis naman niyang sinagot ang sinabi nito. “Walang nag-aalala sa akin sa bahay.”“Talaga?” hindi naman makapaniwalang tanong ni
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 39

SINUBUKAN KONG hilahin ang aking kamay ngunit sadyang mahigpit talaga ang hawak niya rito. Ang nakakapagtaka lang ay habang sinusubukan niyang iwasan ito ay parang ito naman ang ayaw umiwas sa kaniya. Napakagulo nito. “Bitawan mo na ako Lawrence. Kailangan ko ng magpahinga.” may himig na ng pakiusap ang tinig niya at pilit na hinihila ang kanyang kamay.“Samahan mo akong pumunta sa kwarto ko.” biglang sabi nito na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig at bahagya pang napabuka ang kanyang bibig.“Bakit? Bakit kailangan kitang samahan sa kwarto mo?” tanong niya rito at bigla na lamang nagsitayuan ang kanyang balahibo bigla. Tiningnan siya nito na may malamig na mga mata ngunit sa isang banda ay may emosyon sa mga mata nito na hindi niya alam kung ano.“Ano pa sanang gagawin mo? E di yung palagi nating ginagawa.” sagot nito sa kaniya.Bigla siyang napailing ng ilang beses habang nanlalaki ang kanyang mga mata. “Hindi.. Hindi.. Ayaw ko ng maulit pa a
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 40

HINDI SIYA NITO nilingon ngunit bigla itong nagsalita. “Anong kailangan mo?” tanong nito sa malalim na boses bago ito uminom sa hawak nitong baso.“Bakit napakalakas ng music mo?” mahinang tanong niya rito.Hindi pa rin siya nito nilingon. “Bahay ko ito kaya may karapatan ako na magpa-music ng gusto ko kahit na gaano pa kalakas.” malamig nitong sagot sa kaniya.Napabuntong-hininga na lang siya bago niya naisipang umupo sa tabi nito pagkatapos ay tiningnan niya ang mukha nito. Bakit ba kasi pagdating sa kaniya ay napakasama ng ugali nito? Pero habang tinititigan niya naman ang mukha nito ay hindi niya maiwasang hindi bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil kahit saang anggulo talaga ay napakagwapo nito.Ilang sandali pa ay nag-iwas siya ng tingin at napatingin sa hawak nitong baso na may alak. “Pwede rin ba akong uminom?” tanong niya rito. Hindi naman siya manginginom kaya hindi siya bihasa sa pag-inom pero nang mga oras na iyon hindi niya alam ngunit napakalakas ng loob niya na sabih
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
PREV
123456
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status