Share

Chapter 37

Author: Luffytaro
last update Huling Na-update: 2025-03-06 12:27:23

PAGKATAPOS NG LAHAT ay dali-dali niyang pinulot ang kanyang nagkalat na mga damit sa sahig at pagkatapos ay agad na dumiretso sa kanyang silid habang patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Bugbog ang kanyang katawan dahil sa kanyang panlalaban at ang mga maririiing hawak ni Lawrence sa kaniya.

Sa kanyang dibdib ay may mga mapupulang mga marka na iniwan ng labi ni Lawrence doon. Pagkasara niya ng pinto ng kanyang silid ay agad siyang napasandal dito at unti-unting napadausdos hanggang sa tuluyan na siyang napasalampak sa sahig.

Kaalis lang ni Don Lucio pero ganito na ang inabot niya kay Lawrence. Paano na lang kaya sa mga susunod pang mga araw? Idagdag pa na patapos na ang pasok niya. Tiyak na wala siyang ligtas dito. Paniguradong ilang buwan din sa ibang bansa ang matanda pero ang buwan na iyon ay magiging isang taon para sa kaniya lalo pa at tiyak na puro hirap ang aabutin niya sa kamay ni Lawrence.

Sa totoo lang, kahit na sobrang mahal na mahal pa niya si Lawrence ay hindi siya masaya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
bakit kasi d kana umalis. ..siksik ka pa di ka naman nila kaano ano...hindi kb marunong mahiya tanda mo na di mo pa kaya buhayin sarili mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 38

    HABANG KASAMA NIYA si Lester, kahit papano ay nakalimutan niya si Lawrence. Katatapos lang nilang manood ng sine ng mga oras na iyon at palabas na sila sa sinehan nang tanungin siya nito. “Saan mo susunod na gustong pumunta?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ko alam. Parang gusto ko ng umuwi…” hindi niya namamalayang masabi rito.“Hindi ka ba nag-enjoy na kasama ako?” biglang tanong nito sa kaniya dahilan para mapalingon siya rito ng wala sa oras. Hindi niya sinasadya na sabihin iyon pero kasi, pakiramdam niya ay drain na drain na siya at ang tanging gusto na lamang niyang gawin ay ang mahiga sa kanyang kama.“Hindi naman sa ganun…” nahihiyang sagot niya rito.Ngumiti naman ito sa kaniya. “Di bale. Gabi na rin naman kaya mas mabuti pang umuwi na tayo para hindi mag-alala ang mga taong naghihintay sa atin lalong-lalo na sayo.” makahulugang sabi nito sa kaniya.Mabilis naman niyang sinagot ang sinabi nito. “Walang nag-aalala sa akin sa bahay.”“Talaga?” hindi naman makapaniwalang tanong ni

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 39

    SINUBUKAN KONG hilahin ang aking kamay ngunit sadyang mahigpit talaga ang hawak niya rito. Ang nakakapagtaka lang ay habang sinusubukan niyang iwasan ito ay parang ito naman ang ayaw umiwas sa kaniya. Napakagulo nito. “Bitawan mo na ako Lawrence. Kailangan ko ng magpahinga.” may himig na ng pakiusap ang tinig niya at pilit na hinihila ang kanyang kamay.“Samahan mo akong pumunta sa kwarto ko.” biglang sabi nito na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig at bahagya pang napabuka ang kanyang bibig.“Bakit? Bakit kailangan kitang samahan sa kwarto mo?” tanong niya rito at bigla na lamang nagsitayuan ang kanyang balahibo bigla. Tiningnan siya nito na may malamig na mga mata ngunit sa isang banda ay may emosyon sa mga mata nito na hindi niya alam kung ano.“Ano pa sanang gagawin mo? E di yung palagi nating ginagawa.” sagot nito sa kaniya.Bigla siyang napailing ng ilang beses habang nanlalaki ang kanyang mga mata. “Hindi.. Hindi.. Ayaw ko ng maulit pa a

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 40

    HINDI SIYA NITO nilingon ngunit bigla itong nagsalita. “Anong kailangan mo?” tanong nito sa malalim na boses bago ito uminom sa hawak nitong baso.“Bakit napakalakas ng music mo?” mahinang tanong niya rito.Hindi pa rin siya nito nilingon. “Bahay ko ito kaya may karapatan ako na magpa-music ng gusto ko kahit na gaano pa kalakas.” malamig nitong sagot sa kaniya.Napabuntong-hininga na lang siya bago niya naisipang umupo sa tabi nito pagkatapos ay tiningnan niya ang mukha nito. Bakit ba kasi pagdating sa kaniya ay napakasama ng ugali nito? Pero habang tinititigan niya naman ang mukha nito ay hindi niya maiwasang hindi bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil kahit saang anggulo talaga ay napakagwapo nito.Ilang sandali pa ay nag-iwas siya ng tingin at napatingin sa hawak nitong baso na may alak. “Pwede rin ba akong uminom?” tanong niya rito. Hindi naman siya manginginom kaya hindi siya bihasa sa pag-inom pero nang mga oras na iyon hindi niya alam ngunit napakalakas ng loob niya na sabih

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 41

    ANG MGA SALITANG binitawan nito ay talaga namang tumagos sa kanyang dibdib ngunit kahit na ganun ay nagkunwari na lamang siya na parang wala lang iyon sa kaniya. “Kaya ba ganito na lang ang turing mo sa akin dahil sa bata pa ako?” mahinang tanong niya.“Bakit, ano ba ang iniisip mo? Dahil sa naiinlove na ako sayo?” balik nitong tanong sa kaniya. Hindi siya nakasagot sa tanong nito. “Huwag kang umasa.” sabi nito at pagkatapos ay inihiga siya sa tabi ng pool sa kung saan ang likod niya ay tumama sa matigas na sahig. Unti-unti nitong itinaas ang kanyang damit upang tumambad sa mga mata nito ang kanyang maselang mga dibdib. “Alam mo ba para sa akin ay isa lang parausan?” tanong nito sa kaniya.Napakagat labi siya. “Kung ganun ay bakit hindi ka na lang pumili ng iba kaysa ako? Napakarami namang babae na pwede mong—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol.“E ano naman kung ikaw? Basta huwag ka lang umasa na mamahalin kita dahil hinding-hindi i

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 42

    PUNO NG pagtataka niyang napatingin dito hanggang sa magsalita ito. “Lumuhod ka.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumayo ito at iniikot siya kung saan ay dali-dali naman siyang sumunod dito para lumuhod. Ilang sandali pa ay bigla na lamang nitong ibinuka ang kanyang mga paa at sa sumunod na sandali ay ipinasok na nito ang alaga nito sa kaniya.“Ikaw ang nag-umpisa nito kaya huwag mo akong sisihin.” sabi nito sa kaniya.“Oo nga pero… pwede bang pumasok na tayo sa loob? Baka may makakita sa atin dito.” sabi niya rito.“Ano naman?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay bigla na lamang umulos mula sa likod niya.“Ahh!” reklamo niya rito dahil nasasaktan siya. “Ma-masakit…” daing niya rito ngunit hindi ito tumigil sa ginagawa nito na para bang hindi siya nito naririnig. “Lawrence, please… hindi ko na kaya, tumigil ka na…” pakiusap niya rito.“Ahh!” muli niyang sigaw at pagkatapos ay pilit itong itinutulak habang ang isa niyang kamay ay nakasuporta sa kaniya.Habang pabilis ng pabili

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 43

    HALOS MAPASIGAW siya sa matinding sakit nang bigla na lamang siya nitong ibinagsak sa may kama. Hindi ganun kalambot ang kama nito. Ang tinamo niyang sakit kanina ay para bang dinoble pa lalo at parang magkakahiwa-hiwalay ang parte ng kanyang katawan. “Kung sinagot mo na kasi kanina pa ang tanong ko e di sana ay hindi ka na nasaktan pa.” sabi nito sa kaniya.“Ahh…” daing niya habang namimilipit sa sakit. Naging marahas ang kanyang paghinga at may luhang nahulog mula sa kanyang mga mata. Sobrang sakit talaga ng balakang niya.“Bumangon ka diyan!” utos sa kaniya ni Lawrence.Napakagat-labi siya. Napakawalang puso talaga nito. Kahit na nakikita na siya nitong namimilipit sa labis na sakit ay parang wala lang ito rito. Malamig lang itong nakatingin sa kaniya habang nakatayo sa harapan niya. Pinagkrus nito ang kamay sa dibdib nito. “Hindi kita papayagang umalis dito ngayon hanggang hindi mo sinasagot sa akin ang mga tanong ko.”“Ano bang dahilan mo at gusto mong malaman?” tanong niya rito

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 44

    SOBRANG sakit na nga ng nararamdaman niya at dinadagdagan pa lalo ng masasakit na salita ni Lawrence. Bugbog na bugbog siya physically at emotionally. “Lumabas ka. Gusto kong mapag-isa.” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali. Kung mananatili lang ito doon ay baka mamatay na siya dahil sa masasakit na salita nito sa kaniya.Dahil hindi siya nakatingin dito ay hindi niya nakita kung paano tumaas ang sulok ng labi nito at pagguhit ng pagkairita sa mukha nito. “Sa tingin mo ay gusto ko talagang sayangin yung oras ko para lang bantayan ka?” tanong nito sa kaniya.“Sinabi ko ba na bantayan mo ako?” balik niyang tanong dito habang hilam ng luha ang kanyang mga mata. “Isa pa, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sa akin ito.” diretsang sabi niya rito.Natahimik ito bigla at hindi nakapagsalita nang sabihin niya iyon. Totoo naman ang sinabi niya na ito ang dahilan kung bakit siya ngayon nandoon. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at tumitig sa mga mata nito. “Paano ko kung sabihin

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 45

    SUMANDAL SIYA sa kama. “Mahigpit na ipiinagbilin sa akin ng doktor na huwag akong masyadong gumalaw.” sagot niya rito.Sinamaan lang siya nito ng tingin at pagkatapos ay napabuntong-hininga. Akala niya ay magrereklamo pa ito sa kaniya ngunit sa huli ay tumayo dito ito mula sa kinauupuan. Ipinagsalin siya nito ng tubig sa kanyang baso.Nilingon niya ang tv na nasa harap niya. “Pwede mo bang i-on ang tv para sa akin.” sabi niya rito nang tanggapin niya ang inabot nitong baso na may lamang tubig. Bigla itong napatingin sa kaniya ng matalim at sa tantiya niya, kulang na lang ay patayin siya nito gamit ang matalim nitong titig.“Mukhang nag-eenjoy ka yata sa pag-uutos sa akin ah?” sarkastikong tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay tumalikod at naglakad patungo sa may tv upang buksan nga iyon katulad ng sinabi niya.Sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganun. Sa wari niya nga ay nasa ulap siya dahil para siyang nananaginip. Napakaimposi

    Huling Na-update : 2025-03-08

Pinakabagong kabanata

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 143

    ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 142

    AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 141

    NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 140

    NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 139

    PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 138

    NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 137

    BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 136

    ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 135

    ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status