Chapter: Chapter 143ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Chapter 142AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 141NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 140NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 139PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 138NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
Last Updated: 2025-04-21
Chapter: Chapter 5ABALA SA pagbibihis si Estelle kay Mia at anng matapos ay tumayo na siya pagkatapos ay nilingon si Henry na nakatayo sa may tabi ng pinto. Kinuha niya ang bag ng anak at inabot dito maging ang lunchbox nito. Nakita niya na napataas ang kilay nito nang iabot niya ang mga iyon dito.“Bitbitin mo ang mga gamit niya.” malamig na sabi niya rito.Bagamat malamig ang mga mata nitong nakatingin sa inaabot niya sa huli ay kinuha pa rin nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid at bumama sa may sala. Hawak niya ang kamay ni Mia. naabutan nila sa baba ang assistant ni Henry na si Liam.Sa loob-loob ni Liam ay hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang amo na maghahawak ng mga bagay na iyon at mukhang isang napakabait na ama talaga nito ngunit pinigilan niya ang magpakita ng kahit na anumang emosyon dahil baka tamaan siya nito. Lalo na at hindi maitago ang saya sa mukha ng bata.Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila. Bago sumakay ng sasakyan si Mia ay hinalikan niya pa an
Last Updated: 2025-04-17
Chapter: Chapter 4SA UNANG pagkakataon ay magkasunod silang dalawa na pumasok sa loob ng silid ni Mia. halos walong taon na silang kasal ngunit iyon pa lang ang unang pagkakataon na tumungtong si Henry sa loob ng silid na iyon.Sumandal lang siya sa pinto at pinanood si Estelle na naupo sa tabi ng anak at inumpisahang binasahan ang bata ng kwento. Hindi niya alam ngunit bigla na lang napapatitig sa kaniya ang bata at bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahilan para mag-iwas siya ng tingin dito. Habang tumatagal ay kating-kati na siya na umalis na sa silid ngunit bigla niyang naisip si Gwen dahilan para mapasabi siya sa sarili niya na kailangan niyang magtiis ng isang buwan para rito.“At namuhay sila ng masaya…” pagtatapos ng kwento ni Estelle. Tinitigan ni Henry ang mukha nito na natatamaan ng malamlam na ilaw. Bagamat payat ito ay nananatili ang kagandahan nito. Ang mga mata nito ay masuyong nakatingin sa batang nakahiga sa kama. Hindi niya alam ngunit may kung anong emosyon a
Last Updated: 2025-04-17
Chapter: Chapter 3PAGDATING NILA SA mansyon ng mga Montero ay agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Pagpasok nila ay agad na siyang nagtanong sa mga ito. “Dumating ba si Henry?”Mabilis naman na tumango ito. “Opo ma’am.” sagot nito sa kaniya at nang marinig niya na umuwi roon si Henry, kahit papano ay nabawasan ang iniisp niya.Simula kasi nang magpakasal silang dalawa ni Henry ay madalang lang itong umuwi doon. Higit sa lahat ay mas madalang lang makasama ng anak niya ito dahil iwas na iwas ito sa kanilang mag-ina. Naiintindihan niya naman iyon dahil alam niyang hindi naman siya mahal nito.Binuhat niya ang kanyang anak at umakyat sa pangalawang palapag kung saan ay nakita niyang nakaupo si Henry sa sala sa taas. Nang makita ni Mia ang kaniyang ama ay agad na nagliwanag ang mga mata nito at nagpababa sa kaniya.Maingat itong naglakad patungo sa kinauupuan ni Henry na puno ng alangan. “Daddy…” nahihiyang sambit nito sa ama.Nakita niya na bahagyang gumalaw ang mga mata ni Henry. Ni hindi man lang i
Last Updated: 2025-04-17
Chapter: Chapter 2ANG MGA salitang sinabi niya ay naging dahilan para matigilan ang mga taong na sa loob ng silid ng mga oras na iyon. Ang nakababatang kapatid ni Gwen na si Jenna ay agad na napatayo sa matinding galit. “Ang lakas naman ng loob mo para hilingin ang bagay na yan? Ginugulo mo lang ang relasyon ni Kuya at Ate. maanong makipaghiwalay ka na lang ng tahimik!” inis na bulalas nito.Mabilis naman na gumalaw ang kamay ni Gwen upang pigilin ang kapatid nito. “Jenna, tumigil ka. Umupo ka na lang dito.” saway nito sa kapatid nito ngunit hindi ito makapaniwalang napatingin sa ate nito.Mas mukha pa itong nagalit kaysa kanina. “Ate, bakit ko kailangang tumahimik? Nakita ko kung anong pinagdaanan mo nitong mga nakalipas na taon kaya paano akong tatahimik?” tanong nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Henry. “Kuya, magpapaloko ka na naman ba sa babaeng ito sa pangalawang pagkakataon?”Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Henry dahil sa sinabi niya bago magdilim ang mga mata. “Iba
Last Updated: 2025-04-17
Chapter: Chapter 1“Hindi niyo po ba alam na hereditary ang sakit ng anak ninyo? Sad to say misis pero isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo.” Halos gumuho ang mundo ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sa parehong sakit din namatay ang kanyang ina. Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at biglang nanginig ang buong katawan niya. Isinara niya ang pinto at pasuray-suray na naglakad patungo sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya.“May problema po ba Mommy?” tanong sa kaniya ng anak niya na may nag-aalalang tinig. Napatitig ng wala sa oras si Estelle sa napakaputlang mukha ng anak, punong-puno ng guilt ang kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi ang mapakagat-labi na lang ng wala sa oras. “Kung may nagawa man akong mali Mommy ay pasensya ka na.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa mga labi nito.Pakiramdam ni Estelle ng mga oras na iyon ay biglang nadurog ang puso niya lalo pa at muli na namang su
Last Updated: 2025-04-17