Share

Chapter 4

Penulis: Luffytaro
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-17 23:58:37

SA UNANG pagkakataon ay magkasunod silang dalawa na pumasok sa loob ng silid ni Mia. halos walong taon na silang kasal ngunit iyon pa lang ang unang pagkakataon na tumungtong si Henry sa loob ng silid na iyon.

Sumandal lang siya sa pinto at pinanood si Estelle na naupo sa tabi ng anak at inumpisahang binasahan ang bata ng kwento. Hindi niya alam ngunit bigla na lang napapatitig sa kaniya ang bata at bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahilan para mag-iwas siya ng tingin dito. Habang tumatagal ay kating-kati na siya na umalis na sa silid ngunit bigla niyang naisip si Gwen dahilan para mapasabi siya sa sarili niya na kailangan niyang magtiis ng isang buwan para rito.

“At namuhay sila ng masaya…” pagtatapos ng kwento ni Estelle. Tinitigan ni Henry ang mukha nito na natatamaan ng malamlam na ilaw. Bagamat payat ito ay nananatili ang kagandahan nito. Ang mga mata nito ay masuyong nakatingin sa batang nakahiga sa kama. Hindi niya alam ngunit may kung anong emosyon ang umahon sa dibdib niya ngunit hindi rin naman iyon nagtagal.

Nang ibaba ni Estelle ang libro ay biglang nagsalita si Mia. “mommy, gusto ko pong uminom ng gatas.” bahagya mang nagulat si Estelle ay tumango na lang siya at pagkatapos ay tumayo na siya.

Umayos naman ng tayo si Henry at lalabas na rin sana kasunod ni Estelle ngunit nang humarap ito sa kaniya ay pinanlakihan siya nito ng mga mata. Agad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin dahilan para muli niyang itikom ang kanyang bibig at napabunong-hininga na lang. Nang magsara ang pinto ay nabalot ng katahimikan ang buong silid.

Napatingin siya ng wala sa oras sa kama nang makita niyang gumalaw ang bata. “A-anong problema?” kaagad niyang tanong dito.

SA LOOB-loob ng bata ay nagulat siya dahil bigla siyang kinausap ng ama na hindi naman nito dati ginagawa. Isang malamlam na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Wala po DAddy… masaya lang po ako ngayon dahil nandito kayo…” mahinang sabi niya rito ngunit bakas pa rin doon ang kaligayahan. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung nasa tabi niya ng mga oras na iyon ang Daddy niya.

“Huh?” tanong ni Henry dito. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ng bata. “Alam ko pong ayaw ninyo sa akin, pero pati po ba dapat kay Mommy ay ayaw ninyo? Sobrang mahal mo kayo ni Mommy… sana po ay maging mabait na kayo sa kaniya.” mahinang sabi nito habang nakatitig sa kaniya.

Hindi siya nakapagsalita. Ang kanyang mga palad ay mahigpit na napakuyom, ito na nga ba ang sinasabi niya e. Malamang sa malamang na ginagamit na naman ni Estelle ang bata para lang pikutin na naman siya. Agad na nanlamig ang kanyang mga mata.

“Ito ba ang itinuro ng Mommy mo na sabihin sa akin?” malamig ang boses na tanong ni Henry sa bata at may bahid pa iyon ng panunuya.

Nagulat naman ang bata sa tanong niya at mabilis na umiling. “Hindi po Daddy.” mariing tanggi nito ngunit symepre ay wala siyang balak na paniwalaan ito. Naningkit ang kanyang mga mata.

Ilang sandali pa ay bigla na lang itong tumayo mula sa kama at pagkatapos ay naglakad patungo sa drawer na nasa tabi ng cabinet nito. Nakita niyang may inilabas itong isang notebook doon at ibinigay nito iyon sa kaniya. “Basahin niyo po ito Daddy para malaman niyo kung gaano kayo kamahal ni Mommy.” bulong na sabi nito sa kaniya.

Tinitigan niya ang notebook na hawak-hawak nito at mapaghahalataan na luma na nga iyon. Dali-dali niya itong kinuha. “Basahin mo Daddy.” sabi nito na may mapanglaw na ngiti.

Alam niya na una pa lang na gusto na talaga siya noon ni Estelle kahit na hindi nito direktang sinabi sa kaniya. Hindi niya tuloy inabala ang sarili niyang buksan iyon ngunit para hindi sumama ang loob ng bata sa kaniya ay tumango na lang siya rito. Kaagad niyang isinilid ang notebook sa loob ng kanyang suot na amerikana.

Hindi nagtagal ay bumalik na si Estelle dala ang gatas at nang matapos itong inumin ng bata ay kaagad na itong natulog. Nang masiguro nilang tulog na nga talaga ang bata ay hinila na siya ni Estelle palabas ng silid nito. Pagkasara ng pinto ay hinarap siya nito. “Gusto ko, bukas na bukas ay kailangan mong ihatid sa school si Mia. isa pa, huwag ka na sa guest room matulog. Doon ka na lang sa masters bedroom at ako na lang sa guest room.” sabi nito sa kaniya.

Nang marinig ni Henry ang sinabi nito ay agad na tumaas ang sulok ng kanyang mga labi at ngumiti ng puno ng panunuya. “Bakit doon mo ako gustong patulugin? May binabalak ka na naman ba?”

Saglit na natigilan si Estelle sa sinabi nito. Nanigas siya mula sa kanyang kinatatayuan at biglang naalala ang mga kagagahan niya noong bago pa lang silang mag-asawa. Bagamat inutusan siya ng matanda na gawin ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mapamura sa loob-loob niya.

Nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran na ito. “Huwag kang mag-alala dahil hindi na iyon mauulit pa.” sabi niya rito.

“Sana nga.” malamig ang mga matang nakasunod sa kaniya si Henry.

Napabuntong-hininga si Estelle. Alam niyang hindi ito naniniwala sa kaniya kaya lang ay hindi na niya papagurin pa ang sarili niya na magpaliwanag pa rito. Idagdag pa na ang kanyang damdamin ay unti-unti nang nawala sa paglipas ng mga taon. Hindi na niya ito mahal katulad noon. Bago sila makarating sa may hagdan ay napalingon siya rito nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone nito. Kahit na hindi niya alam kung sino ang tumatawag ay may ideya na kaagad siya, tiyak na si Gwen na naman ang tumatawag dito.

Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang malambing na tinig ni Henry. “Gwen, may problema ba?”

“Hindi ako makakapunta diyan ngayon, dito ako matutulog. Magpahinga ka ng maaga okay?” sabi pa nito.

Hindi na lang niya ito pinansin pa at tumalikod upang bumaba para uminom ng tubig para na rin makapagpahinga na siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 5

    ABALA SA pagbibihis si Estelle kay Mia at anng matapos ay tumayo na siya pagkatapos ay nilingon si Henry na nakatayo sa may tabi ng pinto. Kinuha niya ang bag ng anak at inabot dito maging ang lunchbox nito. Nakita niya na napataas ang kilay nito nang iabot niya ang mga iyon dito.“Bitbitin mo ang mga gamit niya.” malamig na sabi niya rito.Bagamat malamig ang mga mata nitong nakatingin sa inaabot niya sa huli ay kinuha pa rin nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid at bumama sa may sala. Hawak niya ang kamay ni Mia. naabutan nila sa baba ang assistant ni Henry na si Liam.Sa loob-loob ni Liam ay hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang amo na maghahawak ng mga bagay na iyon at mukhang isang napakabait na ama talaga nito ngunit pinigilan niya ang magpakita ng kahit na anumang emosyon dahil baka tamaan siya nito. Lalo na at hindi maitago ang saya sa mukha ng bata.Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila. Bago sumakay ng sasakyan si Mia ay hinalikan niya pa an

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-17
  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 1

    “Hindi niyo po ba alam na hereditary ang sakit ng anak ninyo? Sad to say misis pero isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo.” Halos gumuho ang mundo ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sa parehong sakit din namatay ang kanyang ina. Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at biglang nanginig ang buong katawan niya. Isinara niya ang pinto at pasuray-suray na naglakad patungo sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya.“May problema po ba Mommy?” tanong sa kaniya ng anak niya na may nag-aalalang tinig. Napatitig ng wala sa oras si Estelle sa napakaputlang mukha ng anak, punong-puno ng guilt ang kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi ang mapakagat-labi na lang ng wala sa oras. “Kung may nagawa man akong mali Mommy ay pasensya ka na.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa mga labi nito.Pakiramdam ni Estelle ng mga oras na iyon ay biglang nadurog ang puso niya lalo pa at muli na namang su

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-17
  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 2

    ANG MGA salitang sinabi niya ay naging dahilan para matigilan ang mga taong na sa loob ng silid ng mga oras na iyon. Ang nakababatang kapatid ni Gwen na si Jenna ay agad na napatayo sa matinding galit. “Ang lakas naman ng loob mo para hilingin ang bagay na yan? Ginugulo mo lang ang relasyon ni Kuya at Ate. maanong makipaghiwalay ka na lang ng tahimik!” inis na bulalas nito.Mabilis naman na gumalaw ang kamay ni Gwen upang pigilin ang kapatid nito. “Jenna, tumigil ka. Umupo ka na lang dito.” saway nito sa kapatid nito ngunit hindi ito makapaniwalang napatingin sa ate nito.Mas mukha pa itong nagalit kaysa kanina. “Ate, bakit ko kailangang tumahimik? Nakita ko kung anong pinagdaanan mo nitong mga nakalipas na taon kaya paano akong tatahimik?” tanong nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Henry. “Kuya, magpapaloko ka na naman ba sa babaeng ito sa pangalawang pagkakataon?”Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Henry dahil sa sinabi niya bago magdilim ang mga mata. “Iba

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-17
  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 3

    PAGDATING NILA SA mansyon ng mga Montero ay agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Pagpasok nila ay agad na siyang nagtanong sa mga ito. “Dumating ba si Henry?”Mabilis naman na tumango ito. “Opo ma’am.” sagot nito sa kaniya at nang marinig niya na umuwi roon si Henry, kahit papano ay nabawasan ang iniisp niya.Simula kasi nang magpakasal silang dalawa ni Henry ay madalang lang itong umuwi doon. Higit sa lahat ay mas madalang lang makasama ng anak niya ito dahil iwas na iwas ito sa kanilang mag-ina. Naiintindihan niya naman iyon dahil alam niyang hindi naman siya mahal nito.Binuhat niya ang kanyang anak at umakyat sa pangalawang palapag kung saan ay nakita niyang nakaupo si Henry sa sala sa taas. Nang makita ni Mia ang kaniyang ama ay agad na nagliwanag ang mga mata nito at nagpababa sa kaniya.Maingat itong naglakad patungo sa kinauupuan ni Henry na puno ng alangan. “Daddy…” nahihiyang sambit nito sa ama.Nakita niya na bahagyang gumalaw ang mga mata ni Henry. Ni hindi man lang i

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-17

Bab terbaru

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 5

    ABALA SA pagbibihis si Estelle kay Mia at anng matapos ay tumayo na siya pagkatapos ay nilingon si Henry na nakatayo sa may tabi ng pinto. Kinuha niya ang bag ng anak at inabot dito maging ang lunchbox nito. Nakita niya na napataas ang kilay nito nang iabot niya ang mga iyon dito.“Bitbitin mo ang mga gamit niya.” malamig na sabi niya rito.Bagamat malamig ang mga mata nitong nakatingin sa inaabot niya sa huli ay kinuha pa rin nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid at bumama sa may sala. Hawak niya ang kamay ni Mia. naabutan nila sa baba ang assistant ni Henry na si Liam.Sa loob-loob ni Liam ay hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang amo na maghahawak ng mga bagay na iyon at mukhang isang napakabait na ama talaga nito ngunit pinigilan niya ang magpakita ng kahit na anumang emosyon dahil baka tamaan siya nito. Lalo na at hindi maitago ang saya sa mukha ng bata.Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila. Bago sumakay ng sasakyan si Mia ay hinalikan niya pa an

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 4

    SA UNANG pagkakataon ay magkasunod silang dalawa na pumasok sa loob ng silid ni Mia. halos walong taon na silang kasal ngunit iyon pa lang ang unang pagkakataon na tumungtong si Henry sa loob ng silid na iyon.Sumandal lang siya sa pinto at pinanood si Estelle na naupo sa tabi ng anak at inumpisahang binasahan ang bata ng kwento. Hindi niya alam ngunit bigla na lang napapatitig sa kaniya ang bata at bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahilan para mag-iwas siya ng tingin dito. Habang tumatagal ay kating-kati na siya na umalis na sa silid ngunit bigla niyang naisip si Gwen dahilan para mapasabi siya sa sarili niya na kailangan niyang magtiis ng isang buwan para rito.“At namuhay sila ng masaya…” pagtatapos ng kwento ni Estelle. Tinitigan ni Henry ang mukha nito na natatamaan ng malamlam na ilaw. Bagamat payat ito ay nananatili ang kagandahan nito. Ang mga mata nito ay masuyong nakatingin sa batang nakahiga sa kama. Hindi niya alam ngunit may kung anong emosyon a

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 3

    PAGDATING NILA SA mansyon ng mga Montero ay agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Pagpasok nila ay agad na siyang nagtanong sa mga ito. “Dumating ba si Henry?”Mabilis naman na tumango ito. “Opo ma’am.” sagot nito sa kaniya at nang marinig niya na umuwi roon si Henry, kahit papano ay nabawasan ang iniisp niya.Simula kasi nang magpakasal silang dalawa ni Henry ay madalang lang itong umuwi doon. Higit sa lahat ay mas madalang lang makasama ng anak niya ito dahil iwas na iwas ito sa kanilang mag-ina. Naiintindihan niya naman iyon dahil alam niyang hindi naman siya mahal nito.Binuhat niya ang kanyang anak at umakyat sa pangalawang palapag kung saan ay nakita niyang nakaupo si Henry sa sala sa taas. Nang makita ni Mia ang kaniyang ama ay agad na nagliwanag ang mga mata nito at nagpababa sa kaniya.Maingat itong naglakad patungo sa kinauupuan ni Henry na puno ng alangan. “Daddy…” nahihiyang sambit nito sa ama.Nakita niya na bahagyang gumalaw ang mga mata ni Henry. Ni hindi man lang i

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 2

    ANG MGA salitang sinabi niya ay naging dahilan para matigilan ang mga taong na sa loob ng silid ng mga oras na iyon. Ang nakababatang kapatid ni Gwen na si Jenna ay agad na napatayo sa matinding galit. “Ang lakas naman ng loob mo para hilingin ang bagay na yan? Ginugulo mo lang ang relasyon ni Kuya at Ate. maanong makipaghiwalay ka na lang ng tahimik!” inis na bulalas nito.Mabilis naman na gumalaw ang kamay ni Gwen upang pigilin ang kapatid nito. “Jenna, tumigil ka. Umupo ka na lang dito.” saway nito sa kapatid nito ngunit hindi ito makapaniwalang napatingin sa ate nito.Mas mukha pa itong nagalit kaysa kanina. “Ate, bakit ko kailangang tumahimik? Nakita ko kung anong pinagdaanan mo nitong mga nakalipas na taon kaya paano akong tatahimik?” tanong nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Henry. “Kuya, magpapaloko ka na naman ba sa babaeng ito sa pangalawang pagkakataon?”Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Henry dahil sa sinabi niya bago magdilim ang mga mata. “Iba

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 1

    “Hindi niyo po ba alam na hereditary ang sakit ng anak ninyo? Sad to say misis pero isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo.” Halos gumuho ang mundo ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sa parehong sakit din namatay ang kanyang ina. Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at biglang nanginig ang buong katawan niya. Isinara niya ang pinto at pasuray-suray na naglakad patungo sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya.“May problema po ba Mommy?” tanong sa kaniya ng anak niya na may nag-aalalang tinig. Napatitig ng wala sa oras si Estelle sa napakaputlang mukha ng anak, punong-puno ng guilt ang kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi ang mapakagat-labi na lang ng wala sa oras. “Kung may nagawa man akong mali Mommy ay pasensya ka na.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa mga labi nito.Pakiramdam ni Estelle ng mga oras na iyon ay biglang nadurog ang puso niya lalo pa at muli na namang su

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status