HABANG NAGLALAKAD siya ay bigla na lang tumulo ang luha niya. Kitang-kita niya sa mga mata ni Lawrence kung gaano talaga ito diring-diri sa kaniya. Pagkapasok niya sa loob ng kanyang silid ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at para na rin guminhawa kahit papano ang pakiramdam niya.Paglabas niya ng banyo, abala siya sa pagpupunas ng kanyang basang buhok nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para damputin niya ito. Nakita niya sa caller id ay si Lester ang tumatawag kaya dali-dali na niya itong sinagot. “May kailangang ka ba Lester?” tanong niya kaagad dito.“Ah, busy ka ba? Gusto sana kitang yayain na lumabas. Dinner tayo, libre ko.” sabi nito sa kaniya.Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi nito. “Sure!” mabilis na sagot niya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Isa pa ay ayaw niyang magmukmok doon dahil patuloy niya lang na naalala ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Lawrence. Mainam na rin iyon para makapag-unwind siya kahit
Last Updated : 2025-02-26 Read more