PAGKALABAS NIYA NG silid ng matanda ay dumiretso siya sa baba. Dahil wala naman siyang gagawin ay naghanap na lang siya ng pwede niyang magawa at napunta nga siya sa garden kaya ang magdilig na lang ang napagdiskitahan niyang gawin.Hindi pa man siya nakaka dami ng kanyang nadidiligan ay bigla na lang siyang napapitlag nang may marinig siyang isang pamilyar na tinig sa likuran niya. “Masaya ka na ba huh?” sarkastikong tanong nito sa kaniya.Wala sa sariling napalingon siya rito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito ng mga oras na iyon. Wala siyang ideya. “Tinatanong kita. Masaya ka na ba na nagtagumpay ka sa plano mo at ngayon ay ipapakasal ako ni DAddy sayo?” Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang maisip niya ang sinabi nito. Iyon pala ang tinutukoy nito. Mabilis siyang umiling. “Hindi. Mali ang iniisip mo.” pagdedepensa niya at gusto niya sanang linisin ang pangalan niya rito.Tumaas ang sulok ng labi nito at bahagyang natawa. “Hindi ko talaga lubos malaman kung anong ipin
HINDI NAGTAGAL ay tumigil na ang kotse nito sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang condo nito. Nang mga oras din na iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit siya nito dinala doon. Mabilis ang naging mga kilos nito at sa isang iglap ay nakalabas na pala ito ng kotse at nabuksan na rin nito ang pinto ng sasakyan sa gawi niya. “Ano? Hindi ka ba bababa diyan? Anong gusto mo, kaladkarin pa kita palabas?” inis na tanong nito sa kaniya nang titigan niya lang ito.Dahil sa sinabi nito ay hindi na siya nagdalawang isip pa, dali-dali siyang bumaba ng sasakyan. Alam niyang hindi ito nagbibiro at talagang seseryosohin nito ang banta nito. Pagkababa niya ay hinawakan nitong muli ang kamay niya at pagkatapos ay hinila siya nito patungo sa elevator. Hanggang ng mga oras na iyon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit nga ba siya dinala nito doon. Dahil ba sa mga sinabi niya kanina? Pero diba hindi naman nito narinig ang huling sinabi niya? Dahil dito ay hindi na niya naiwasan pa na hindi m
TULUYAN NITONG hinubad ang suot nitong damit sa harapan niya at mabilis itong itinulsak na lang sa paanan nito. Kasunod nito ay dumako ang kamay nito sa suot nitong pants upang tanggaling na rin ito. “Ano? Panonoorin mo na lang ba ako?” tanong nito sa kaniya. “Bakit hindi ka pa maghubad?”Hindi siya nakapagsalita. Kitang-kita niya ang walang ekspresyon nitong mukha at ang malalamig nitong mga mata na nakatitig sa kaniya. Kinakabahan siya, pero hindi rin niya mautusan ang kanyang mga paa na tumayo at umalis sila doon. Kahit na kabado siya ay alam niya sa sarili niya na parang gusto niya rin iyon ngunit nagdadalawang isip lang siya.Bakit ba ayaw ko pang tumakbo? May pagkakataon pa ako hindi ba para makatakas? Hindi niya maiwasang itanong sa isip niya.Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang lumapit na ito sa kaniya at biglang hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Anong ginagawa mo? Huwag! Tumigil ka!” sigaw niya nang pigilan nito ang dalawang niyang kamay gamit ang isang kamay nito at
PINAGSAKILOP niya ang kanyang mga binti upang hindi nito mahubad ang suot niyang pantalon ngunit dahil na rin sa magkalayong lakad nila ay hindi niya nagawang pigilan ito sa huli. Paulit-ulit na tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Sa katunayan ay pinangarap niya naman talaga ang bagay na ito simula pa noon pero hindi ganito. Para siyang isang hayop na hinuhubaran ng damit nito at idagdag pa na wala itong ibang nararamdaman sa kaniya kundi ang matinding pagkapoot. Hindi niya dapat hayaan na may mangyari sa kanila sa ganuong estado.“Bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat ay nagsasaya ka dahil unti-unti mo ng nakukuha ang gusto mo?” puno ng panunuyang tanong nito sa kaniya.Umiling siya. “Hindi. Hindi ito ang gusto ko. Ayaw ko ng ganito kaya please, itigil mo na ito…” pagmamakaawa niya rito. “Pwede ba Asha. tigil-tigilan mo na yang pag-iyak iyak mong ganyan dahil hindi bagay sayo. Isa pa, huwag kang umarte dahil nakakasuka. Sa tingin mo ba ay uubra sa akin yan lalo na at alam kong hindi naman
TULOY-TULOY ANG pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi. Sobrang mahalaga sa kaniya ang bagay na iyon ngunit nawala lang ng parang bula. Oo nga at sa lalaking mahal niya iyon naibigay ngunit para rito ang nangyari sa pagitan nila ay isang bagay na kapoot-poot.Pinilit niyang tumayo. Naglakad patungo sa sala kung nasaan ang nagkalat niyang mga damit. Tinanggal niya na rin ang nakatali sa kamay niya na punit nang damit niya. Isinuot niya ang mga iyon isa-isa at pilit na tinatakpan ang kanyang katawan hanggang sa bigla na lang may bumagsak sa katawan niya ang isang twalya.“Magpalit ka ng damit mo!” sigaw nito kasunod ng pagtapon nito ng ilang mga damit sa kaniya.Pagkatapos nito ay nakita niyang naglakad ito patungo sa pinto kung saan ay hindi niya naiwasang magtanong. “Saan ka pupunta?” tanong niya rito.Nilingon naman siya nito at nagtama ang kanilang mga mata. “Bakit ko naman kailangang sabihin sayo kung saan ako pupunta?”Napalunok siya. Sinubukan niyang tumayo ngunit sobrang kirot
PUMARADA SA HARAPAN nila ang mamahaling kotse. “Lawrence…” masayang usal niya nang makita niya ito. Sa kabila ng pagpapababa nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang maging masaya at mabuhayan ng pag-asa nang makita niya ito.Bumaba ito ng kotse at naglakad patungo sa harap niya bago tinapunan ng matatalim na mga mata mga lalaking nakahawak sa kaniya. “Pakawalan niyo siya.” malamig na banta nito sa mga lalaki.“Sino ka ba?” mayabang na tanong ng parang leader nila kay Lawrence.Sa halip na sumagot ay may hinugot ito mula sa tagiliran nito at halos sabay-sabay na manlaki ang mga mata ng mga ito anng makita nila kung ano ang hawak ni Lawrence ng mga oras na iyon. “Bibitawan niyo ba siya o tataniman ko ng bala yang mga bungo ninyo?” walang ekspresyong tanong nito dahilan para magmadaling bitawan siya ng mga nakahawak sa kaniya at kumaripas ng takbo sa labis na takot. Ang isa pa nga ay nasubsob pa ngunit nagmamadali ring tumayo at mabilis na nagsitakbuhan paalis doon.Nang bitawan siya ng m
PAPASOK NA siya nang makasalubong niya si Don Lucio sa may loob ng mansyon. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Magaling ka na ba?” tanong nito sa kaniya.“Mabuti na po sir.” magalang na sagot niya rito. “Salamat po sa mga gamot na ipinadala ninyo.” “Ikaw pa ba naman hija.” sagot nito nang bigla na lang sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. “Siya nga pala hija, hiniling ko kay Lawrence na pagkatapos ng klase mo ay pumunta ka sa kumpanya.” sabi nito na labis niyang ikinagulat.Talagang tiningnan niya ito na puno ng pagkalito ang mukha. “Anong sinabi ninyo sir? Sa kumpanya? Talaga?” gulat na gulat pa ring tanong niya.Ngumiti ito at pagkatapos ay tumango sa kaniya. “Oo hija.” sagot nito.Itinikom niya ang kanyang bibig at pagkatapos ay bigla na lang napakagat labi ng wala sa oras. Gusto niya sanang tanggihan ito ngunit alam niya na wala iyong silbi dahil alam niya na lahat ng gusto nito ay dapat lang na masunod. Napabuntong-hininga na lang siya.“Gusto kong mapag-aralan mo
NAKITA niya na bigla na lang bumaba ang mga mata ni Lawrence sa pagitan ng kanyang mga binti. “Okay ka na hindi ba?” makahulugang tanong nito.Hindi niya ito pinansin. “Nandito ako para mapag-aralan ang mga trabaho rito. Ano ang unang iuutos mo sa akin?” tanong niya rito.Biglang tumaas ang sulok ng labi nito at napasandal sa swivel chair nito. “Sigurado ka bang makakaya mong gawin ang iuutos ko?”Tumango siya. “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ang iuutos niyo.” sagot niya naman kaagad dito.“Sigurado ka?” tanong ulit nito na para bang hindi ito naniniwala sa kaniya.Muli siyang tumango at napalunok dahil biglang binalot ng kaba ang buong pagkatao niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang itong tumayo at naglakad patungo sa harap niya. Nang makita niya ang pagkakatitig nito sa kaniya ay bigla siyang nanginig sa takot. “Tanggalin mo ang damit mo.” sabi nito.Agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay mabilis siyang napaatras ngunit mabilis ni
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.